Wednesday, September 28, 2011

Mahal kita kaso mali - Chapter 1





Paunawa: Ang lahat ng nakasulat at mga pangalan na ginamit sa kwentong ito ay mga kathang isip lamang. Kung mayroong mga eksenang naganap dito na katulad o mukhang hango sa totoong buhay yun ay nagkataon lamang.

Napaka tagal narin nung huli akong sumulat. Nakaka miss lang, kaya heto ako ngayon bumunot ng note pad at muli nag umpisa ng dumadaldal.

Napaka saya ko nung una akala ko laro-laro lang lahat, asaran, tuksuhan, pakiramdaman. Ewan ko ba kung bakit umabot sa seryosohan, siguro dahil na rin sa emosyong bumalot sa aking buong katauhan.

Masaya na ako nung una makausap lang siya, ngitian lang niya ako okay na. Subalit mayroong nangyaring hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag.

Dito pumasok ang tinatawag nilang pinaka traydor na emosyon - ang pag-ibig.

Pasensya na kung palagi nalang akong dumadaldal ng hindi pa nag papa kilala.

Ako nga pala si Kevin Manabat, under graduate sa kursong narsing. Hindi ko na natapos ang aking pag-aaral sa dahilang kapos sa pera, nandito ako ngayon nag tatrabaho sa isang kumpanya na halos sa gabi gising ang buhay.

Sa isang cabaret. Joke lang.

Anyway, umpisahan na natin ang kwento. May ipapa kilala ako sainyo, isang magandang babae tawagin natin sa pangalan Reign Dela Cruz.

Unang araw palang ng training ko sa trabaho, napansin ko na agad siya. Iba kase ang dating niya, napaka wacky, cool, at may pagka anime!

Hindi siya tulad ng tipikal na babaeng pa tweeter, pink kung magdamit girl na girl. Hindi siya ganun, kaya kapansin pansin siya, para saakin.

Maliit lang siya, nasa 5'4 lang ang tangkad niya, pula at maikli ang buhok parang si Haley Williams lang, kulay ng mata paibaiba kung ano ang trip niya, matangos pero maliit ang ilong, bibilugin na mamula-mula ang mukha, at ang labi ser sarap halikan.

Sa umpisa palang ng training tahimik lang ako, nakaka hiya isa ako sa mga wala pang karanasan na trabahong ito. Kitang kita sa loob ng training room ang mga wasak at sobrang gamit na sa trabahong ito.

Sa galing palang nila mag salita at mag tanong, nakaka takot ng pumasok, pero nag karoon ako ng dahilan para pumasok at ipag patuloy ang trabahong ito, yun nga ay si Reign.

Nung unang linggo palang ng training dalawa hanggang tatlong beses ko lamang siguro siya kung kausapin, maliban nalang kung siya mismo ang unang kakausap saakin. Mababaw lamang ang kaligayahan ko, kausapin lang ako ng crush ko umaapaw na kasiyahan ko.

Nag patuloy ito hanggang sa mga sumunod na linggo, at mas lalong lumalim at humaba ang aming mga usapan at kwentuhan.

At umabot na sa puntong kailangan na naming mag hiwa-hiwalay, bago pa kami isabak sa totoong trabaho, nasabihan na kami na hindi kami lahat magiging mag kakasama, nakaka lungkot man dahil hindi kami naging magkasama sa grupo.

Bago umuwi, habang mag kasabay kaming naglalakad. Inunahan niya ako ng isang hakbang, hinarap ako at siya'y huminto, napa hinto din ako sa aking paglalakad.

Mula sa pagkaka yuko, ako naman ay napaharap sakaniya. Naka mulat ang kaniyang dalawang mata at naka nguso.

Nagtaka ako sa kaniyang reaksyon, hindi ako makakibo hanggang sa narinig ko siyang magsalita.

"Question, be honest." Ang sabi niya ng naka taas noo.

"Mmm?" Tanging nasagot ko.

Nag buntong hininga siya at ngumiti. "May gusto kaba saakin? Just be direct." Pahabol niyang tanong.

Nabigla ako sakaniyang itinanong. Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam ang aking isasagot. Napuno ng init ang aking ulo at umakyat hanggang sa maramdaman kong namamanhid na ang anit ko.

"Silence means no. Cool." Ang sabi niya.

Teka hindi pa ako sumasagot ah. Syempre nabigla ako sa tanong niya.

"Ingat ka palagi, enjoy your off and your weekend." Pagtapos niya.

Wala akong nagawa kung hindi nalamang pagmasdan ang kaniyang paglakad palayo. Unti unting lumiliit ang kaniyang imahe habang patuloy sa paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang nabura sa aking paningin.

No comments:

Post a Comment