Sunday, August 21, 2011

Lumang duyan at berdeng unan





"What took you so long?" Pasalubong na tanong ni Eunice, habang abala siyang nagsasaboy ng mga maliliit na binhi sa paligid. Agad naman niyang ipinasok sa bulsa ng kaniyang malambot at puting palda ang hawak niyang maliit na kwaderno.

Kahit hindi pa siya tumitingin, alam niya na ang lalakeng kanina pa niya hinihintay ang dumating. Amoy palang at ang paraan ng kaniyang marahan na paglalakad ay hindi maikakailang siya na nga.

"Pasensya ka na, medyo naligaw kase ako." Sagot ni Ethan kasabay ng pagkamot ng kaniyang ulo. "Hindi ko kase masyadong kabisado ang lugar na ito." Pagpapatuloy pa niya habang sinusuri ang buong paligid na halatang namamangha.

Ibinaling ni Eunice ang kaniyang atensyon kay Ethan at ngumiti ito sa binata. Agad din niyang ibinaling muli ang kaniyang atensyon sa kaniyang ginagawa.

"Napaka ganda hindi ba?" Tanong ni Eunice habang pinagmamasdan ang berdeng damuhan malapit sa batis. Tumingin siya kay Ethan at ngumiti, bahagyang iginalaw ang kaniyang isang kilay "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit dinala ng lola ko, ang lolo mo dito."

Ngumiti si Ethan, tumingin sa paligid at marahan na lumapit kay Eunice.

"Maganda nga, napaka perpekto ng lugar na ito para sa dalawang taong nagmamahalan." Ang sabi ni Ethan na hindi alam kung saan nanggaling ang mga salitang kaniyang binitiwan.

Napa kunot noo si Eunice, at bahagyang natawa. "Ang korni mo naman." Pabirong sabi niya.

"Ganito din kaya ang naramdaman ni lolo noon, kapag kasama niya ang lola ni Eunice? Ang buong akala ko, saksakan ng baduy si lolo. Sabagay oo, totoo naman na baduy siya. Tama nga si Eunice korni nga ang sinabi ko, ibig sabihin baduy na din ako. Siguro ganun talaga kapag umiibig, lahat ng bagay na inakala ko noon na baduy at korni ay ginagawa ko ngayon ng hindi nagrereklamo." Pabulong na sabi ni Ethan sa kaniyang sarili.

"Ethan?" Nawiwirdohang tanong ni Eunice.

"Huh?" Sagot ni Ethan, nang magising siya mula sa kaniyang pag mumuni-muni.

Huminga ng malalim si Eunice, at ngumiti ito sakaniya. "Okay ka lang?" Tanong niya. "Late ka na ngang dumating tapos parang wala kapa sa sarili mo."

"Ha? Ah, eh." Nauutal na sagot ni Ethan. "I'm sorry, hindi ko lang kasi maiwasan na mawala sa iyong kagandahan." Pagpapatuloy pa ni Ethan na halatang nagtataka sa kaniyang sarili.

Itinaas ni Eunice ang kaniyang isang kilay, at bahagyang tumulis ang kaniyang nguso. Muli siyang nagbuntong hininga at muling ngumiti kay Ethan.

"Mukhang nagpaturo ka muna ng mga baduy moves sa lolo mo bago ka pumunta dito no?" Natatawang sabi ni Eunice. "Ano, umamin ka."

Natawa si Ethan sa sinabi ng dalaga, hindi naman talaga siya nagpaturo. Pero mukhang namana lang talaga niya ito sa kaniyang lolo, ang pagiging baduy. Ngumiti siya kay Eunice at nanatiling tahimik.

Dahan dahan tumingin si Eunice sa kalangitan, kitang kita sa kaniyang mukha ang sobrang saya.

"Napaka pula ng langit." Pabulong niyang sabi habang hindi na aalis ang kaniyang tingin sa langit.

"Ang gandang pagmasdan hindi ba?" Patanong na sagot ni Ethan.

Napangiti si Eunice sa sinabi ni Ethan, tumingin ito sakaniya at bahagyang natawa.

"Oh, e bakit pati mukha mo namumula na?" Malokong sabi ni Eunice na halatang pinipigilan ang sarili para hindi matawa.

Nahiya si Ethan at lalong namula. "Ganyan naman talaga ito e." Nakaka awang sagot niya.

Sabay silang nagtawanan, lalo na si Eunice. Napaka lakas ng kaniyang pagtawa ng makita niya ang ekspresyon sa mukha ni Ethan, hindi mapigilan ang kaniyang saya at pag tawa na para bang wala ng bukas.

Ilang sandali pa ay natapos din ang malakas nilang tawanan, pareho silang natahimik. Hindi nagtagal ay naglakad si Eunice papunta sa isang malaking puno ng manga. Nagtaka si Ethan kung saan pupunta si Eunice.

Huminto sa paglalakad si Eunice at tumingin kay Ethan, ngumiti ito sa binata at ikinumpas ang kaniyang kamay na parang inaalok niyang sumama siya sakaniya.

Hindi na sumagot si Ethan, at agad din sumama kay Eunice. Ilang hakbang lang ay nakarating na sila sa puno, sa gilid nito ay may nakasabit na isang lumang duyan na gawa sa fishnet.

"Nakaka tuwang isipin na hangang ngayon ay nandito parin ito." Naka ngiting sabi ni Eunice kay Ethan habang marahan na umuupo sa lumang duyan.

Hindi sumagot si Ethan, bagkus ay pinagmasdan niya lang ang magandang dalaga.

"Pati itong unan, nandito parin?" Namamanghang sabi ni Eunice.

"Akala ko ba sa kwento, kulay berde iyan?" Nakangising tanong ni Ethan.

"Panget! Isipin mo nalang kung ilang taon kana ngayon, ilang taon na ang mga magulang mo. Ilang taon na mula ng iwan ng lola ko ito dito. Pagsama samahin mo ang mga taon na iyon, natural mangingitim talaga ito." Taas kilay na sagot ni Eunice habang naka lagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bewang.

Itinapat ni Ethan ang kaniyang dalawang palad kay Eunice, at bahagyang natawa. "Oh easy ka lang, puso mo. High blood ka naman e, parang ikaw ang lola mo." Ang sabi niya kasunod ng kaniyang marahan na pagupo sa tabi ni Eunice.

Ngumiti ang dalaga, bahagyang ipinikit ang kaniyang mga mata at agad din minulat. Ngumiti din si Ethan at pinagmasdan ang hindi nagsasalitang batis. Dahan dahan naman ipinatong ni Eunice ang kaniyang ulo sa balikat ni Ethan. Napatingin ito sa dalaga, agad din niyang ibinalik ang tingin sa batis.

"Ethan..."

"Mmm?"

"Wala lang, gusto ko lang tawagin ang pangalan mo." Pabulong na sabi ni Eunice. "Gusto kong tinatawag palagi ang pangalan mo. Ngayon, bukas, at sa susunod pang bukas." Pagpapatuloy pa niya.

Hindi sumagot si Ethan, nanatili lang itong tahimik. Dahan dahan niyang hinawakan ang isang kamay ni Eunice, inilapat niya ang kaniyang palad sa palad ni Eunice. Pinuno niya ang bawat espasyo sa pagitan ng mga daliri ni Eunice gamit ang kaniyang mga daliri.

"Ethan..."

"Mmm?"

"I thought over what your lolo said. It maybe upsetting for you but I understand him. It's amazing to love somebody for ones entire life." Seryosong sabi ni Eunice habang hindi pa na aalis ang pagkakapatong ng kaniyang ulo sa balikat ni Ethan. "But at the same time I’m relived." Nakangiting sabi pa niya.

Muling pinagmasdan ni Ethan si Eunice, at nagbuntong hininga. Ramdam ni Eunice ang dabog ng puso ni Ethan.

"Ang labo naman yata non." Pabulong na sabi ni Ethan.

Inangat ni Eunice ang kaniyang ulo, kasunod ng pagtingin sa binata. Tinitigan niya itong mabuti sa mata, dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang kamay sa mukha ni Ethan, at bahagyang pinisil ang kaniyang pisngi.

"Kung naging asawa ng lolo mo ang lola ko, hindi ka siguro maipapanganak." Malungkot niyang sabi, kasabay ng pagtulis ng kaniyang nguso. "That would be sad for both of us." Pahabol na sabi pa nito.

Hindi sumagot si Ethan, marahil naisip niya na tama si Eunice.

Tumingin si Eunice sa inuupuan nilang duyan, napatingin ito sa madungis at maduming unan na nasa kaniyang tabi. Kinuha niya ito at pinagmasdan.

"Its hard to believe that your lolo kept her in his heart for all that time." Ang sabi niya habang hindi na aalis ang kaniyang tingin sa hawak niyang madungis na unan. "More or less fifty years?"

"Oo, siguro." Sagot ni Ethan kasabay ng kaunting pag angat niya ng kaniyang dalawang balikat. "Bente siete ang ina ko nang ipanganak ako, bente dos na ako ngayon." Pagpapatuloy pa nito.

Mula sa pagkaka titig sa maduming unan, muling tumingin si Eunice kay Ethan. Napansin ni Ethan ang pagtitig ni Eunice kaya hindi niya maiwasan na mapatingin din sakaniya. Nginitian siya ni Eunice, bahagyang ipinikit ni Ethan ang kaniyang mga mata at agad din itong minulat.

Nagbuntong hininga siya pagkatapos ay bahagyang ngumiti, ibinaling niya ang kaniyang tingin sa unan na hawak ni Eunice. Marahan niya itong kinuha at pinagmasdan.

"Ang labo niya." Pabulong na sabi ni Ethan.

"Sino, Lolo Leo mo?" Patanong na sagot ni Eunice.

"Oo."

"Bakit, anong malabo doon?" Tanong ng dalaga.

Nanatiling tahimik si Ethan, iniisip muna niyang mabuti ang kaniyang sasabihin. Ilang sandali pa ay sumagot na ito.

"Kase, sa tagal nilang magkasama ng lola ko-" Pabitin na sabi ni Ethan.

Bahagyang itinaas ni Eunice ang kaniyang dalawang kilay at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Ethan. Hindi siya nagsalita, binigyan niya ng malayang oras si Ethan bago magsalita.

"Ang lola mo parin ang laman ng puso at isipan niya. Sana hindi nalang niya pinakasalan ang lola ko." Pagtapos ni Ethan.

"What would you do if you were him?" Tanong ni Eunice kay Ethan, kasunod ng paghawak niya sa kamay ng binata. "Isang babae lang ba ang mamahalin mo sa loob ng limangpung taon?" Pahabol na tanong pa ni Eunice.

"My lolo made it possible for us to meet. Like you've said, kung nagkatuluyan siguro sila ng lola mo, malamang hindi tayo magka kilala ngayon." Ang sabi ni Ethan kasunod ng pagngiti kay Eunice.

Hindi sumagot agad si Eunice, nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago sumagot. Tumingin ulit siya kay Ethan, pinagmasdan niya ito ng maigi. Ilang sandali pa at nagsalita na ito.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko kainis ka panget." Nakangising sabi ni Eunice kasabay ng pagkurot niya sa braso ni Ethan.

"Mahirap sagutin ang iyong napakasimpleng tanong Eunice." Sagot niya habang liniliitan ang kaniyang mga mata.

Itinaas ni Eunice ang kaniyang isang kilay at ngumisi, kasunod ng pagtingala niya sa madilim na langit. Ito ang kanina pa niya hinihintay, ang makita ang mga alitap-tap na sumasayaw sa hindi nagsasalitang batis ayon sa istoryang gawa ng lolo ni Ethan na kaniyang nabasa.

"Ethan..."

"Mmm?"

"Naniniwala kaba na may kabilang buhay pa?"

Mula sa pagkakatitig sa batis ay biglang tumaas ang dalawang kilay ni Ethan sa kaniyang narinig, agad niyang ibinaling ang kaniyang atensyon sa dalaga.

"Bakit?" Tanong niya.

"Your lolo hopes to fulfil his love in an afterlife."

"I believe in GOD but I don’t believe that there's an afterlife." Matuwid na sabi ni Ethan.

Tinignan siya ng mabuti ni Eunice, dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ng binata. Linakihan niya ang kaniyang mga mata bago magsalita.

"Ano ba ang pinagkaiba ng GOD at ng kabilang buhay?" Ang sabi niya. Bahagyang natawa si Ethan sa ginawa ng dalaga.

"Para saakin, gawa gawa lang ng tao ang kabilang buhay." Sagot niya.

"How about your lolo?" Taas kilay na tanong ni Eunice. Bahagyang napaisip si Ethan.

"Isn’t he just getting the consolation from thinking about an afterlife?"

"So you think after we die we just totally disappear?"

"Siguro, oo." Hindi sigurado niyang sagot. "Kase kung hindi, mapupuno ang kabilang buhay."

"So, malabo na tayong-"

"Eunice mag madali ka!" Ang sabi ni Ethan, kasabay ng kaniyang pagluhod patalikod kay Eunice.

Mabilis na tumayo ang dalaga at kinuha ang unan na hawak ni Ethan, hinagis niya ito sa duyan kasabay ng kaniyang pagsakay sa likod ng binata. Kinarga ni Ethan si Eunice at nagmadaling tumakbo patungo sa lumang kusina na may silong malapit sakanila.

"Okay ka lang?" Tanong ng dalaga ng makarating sila at makasilong.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan, ikaw okay ka lang?" Hinihingal na tanong ni Ethan. "Hindi kaba nabasa?"

"Konti lang naman, mabigat ba ako?" Naka ngiting tanong ni Eunice.

Hindi sumagot si Ethan, tinitigan lang siya nito. Bahagyang liniitan ang kaniyang mga mata at nginitian ang dalaga.

Habang nakatitig din kay Ethan, bahagyang kinagat ni Eunice ang kaniyang labi bago siya nagsalita.

"Hindi mo siguro akalain na ganon ako kabigat ano?" Ang sabi niya habang hindi na aalis ang kaniyang tingin sa binata.

"Kasing bigat ka lang ng inakala ko." Nakangiting sagot ni Ethan, kasunod ng kaniyang pagkuha sa isang lumang mahabang silya at dito muna sila umupo. Pareho silang natahimik, pareho nilang pinagmamasdan ang ulan.

Dahan dahang ipinatong ni Eunice ang kaniyang ulo sa balikat ng binata, at ipinikit ang kaniyang mga mata. Inilapit naman ni Ethan ang kaniyang ulo sa ulo ni Eunice.

"Ethan..."

"Mmm?"

Hindi na muling sumagot si Eunice, bahagyang inangat ni Ethan ang kaniyang ulo at hinalikan ang buhok ni Eunice.

"Tuwing umuulan, may na aalala ako." Ang sabi ni Ethan. "Isang matandang babae na laging pumupunta dati sa lugar namin. Bulag na siya mula palang ng isilang siya ng kaniyang ina." Pagpapatuloy pa niya.

"Then?"

"Then, once she asked me. How does the rain falls, by drops or by threads?"

"Anong sinagot mo?"

"By drops." Ang sabi niya kasunod ng kaniyang pagbuntong hininga. "Sa totoo lang hindi naman ako sigurado sa sinagot ko. Kaya mula noon tuwing umuulan iniisip ko kung paano nga ba."

Mabagal na inangat ni Eunice ang kaniyang ulo at hinarap si Ethan, muling ibinaling ang tingin sa ulan.

"Kailan ko kaya malalaman?" Pahabol tanong ni Ethan kasunod ng pagbaling ng tingin kay Eunice, agad din naman siyang tinignan ng dalaga.

Habang magkaharap ang kanilang mukha, dahan dahan na inilalapit ni Eunice ang kaniyang labi sa labi ni Ethan. Ramdam ni Ethan ang bawat hininga ni Eunice, ayaw paawat sa biilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nanatili lang itong tahimik. Hinihintay ang susunod na mangyayari.

Ilang sandali pa ay naglapat ang kanilang mga labi, ito ang pinaka unang pagkakataon na mahalikan ni Ethan si Eunice. Humigit kumulang dalawang buwan mula ng sila ay magkita at magkakilala sa isang mall, naging magaan ang kanilang pakikitungo sa isat isa kaya nasundan pa ang una nilang pagkikita. At ngayon ay nandito sila magkasama sa isang maliit na silong sa ilalim ng ulan.

Tila huminto ang lahat sa paligid ni Ethan ng matikman niya ang matatamis na labi ni Eunice, kahit tila namumutla na ay malambot parin ang mga ito. Huminto ang lahat sa pag galaw. Ang pag sayaw ng mga dahon sa puno ng manga, ang pagsalita ng batis. At higit sa lahat, ang pag hinto sa pagpatak ng ulan.

Dito nakita ni Ethan ang bawat butil ng ulan na panandalihang huminto sa ere.

Marahan na inilayo ni Eunice ang kaniyang mukha sa mukha ni Ethan. Nginitian siya nito, ngumiti din ang dalaga.

"Ngayon alam ko na, tama pala ako." Ang sabi ni Ethan kasabay ng pagyakap niya kay Eunice. Inilapat naman niya ang kaniyang ulo sa manipis na dibdib ni Ethan.

Hindi nagtagal tumila na ang ulan, muling naging tahimik ang buong paligid. Ngunit hindi parin mapigilan sa pagsigaw ang dalawang pusong nagmamahalan.

"In the center of a typhoon, there’s no rain or wind, only tranquillity." Mahinang sabi ni Eunice.

"So, are we in the center of a typhoon?" Pabulong na tanong ni Ethan.

Mula sa kanilang kinauupuan, tanaw nila ang batis na nagliliwanag dahil sa mga nagsasayawang alitap-tap. Mabilis na inangat ni Eunice ang kaniyang ulo upang lalong mapagmasdan ang napaka gandang pangyayari. Ito na marahil ang kanina pa niya hinihintay.

"Oh it’s so beautiful, what’s the probability of seeing something like this?" Namamanghang sabi ni Eunice.

Hindi sumagot si Ethan, nanatili lang siyang tahimik. Pinagmamasdan ang magandang mukha ng kaniyang mahal. Ipinikit ni Ethan ang kaniyang mga mata at may ibinulong.

"What is the probability of us meeting each other?"

"It’s like the probability of seeing a star during a typhoon." Tuwid na sagot ni Eunice. "Shooting star!" Patiling sabi ni Eunice.

"Let's make a wish." Nagmamadaling sabi pa nito. Agad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, pinagsama ang kaniyang mga kamay at nanahimik.

Pinagmasdan siya ni Ethan, ginaya ang ginawa ni Eunice. Pareho silang tahimik na nakapikit, maya maya pa ay sabay nilang minulat ang kanilang mga mata.

"Anong wish mo?" Tanong ng magandang dalaga.

"Ikaw ano?" Naka ngiting tanong naman ni Ethan.

Itinaas ni Eunice ang kaniyang kaliwang kilay at tinignan ng masama si Ethan. Nanlaki ang mga mata ng binata. Natawa naman si Eunice.

"Ikaw muna. Wag kang madaya panget!" Naka ngising sabi ni Eunice.

"Sabay nalang tayo?" Alok ni Ethan.

Hindi agad sumagot ang dalaga, tila nagiisip ng maigi. Hindi nagtagal pumayag ito.

"Sige sige."

"Sige."

"One..."

"Isa..."

"Two.."

"Dalawa.."

"Three!"

"Tatlo!"

"SANA LAGING GANITO NALANG!"

"SANA GANITO NALANG PALAGI!"

Sabay silang tumawa ng malakas, kinurot ni Eunice si Ethan sa braso. Ngumisi si Ethan, kiniliti naman niya ito sa bewang. Ang saya nilang dalawa, umaapaw ang kaligayahan ng kanilang mga puso.

"Eunice..."

"Mmm?"

Hinawakan ni Ethan ang kaliwang kamay ni Eunice, inilapit sa kaniyang mga labi at bahagyang hinalikan. Marahan niyang inayos ang buhok ng dalaga at isinabit niya ito sa kaniyang tenga. Matagal niyang pinagmasdan ang mga mata ni Eunice bago siya nagsalita.

"I made up my mind."

"Mmm?"

Nagpalipas muna ng ilang sandali si Ethan bago muling nagsalita.

"I will cry for you, laugh for you and live for you." Seryosong sabi nito. "You will be the center of my universe." Pahabol pa nito.

Walang dudang nagustuhan ni Eunice ng sobra ang sinabi ni Ethan, dahil hindi maipinta sa kaniyang mukha ang labis na kasiyahan.

“You are easily offended, jealous. Clumsy and you stutter when you lie.” Ang sabi ni Eunice sa kaniyang magaspang na boses. Unti unting namuo ang maliliit na butil ng luha sa kaniyang singkit na mga mata.

"I wish we could stay here forever." Ang lumabas sa kaniyang bibig ng tuluyang mahulog ang luha patungo sa kaniyang namumutlang pisngi.

Ramdam ni Ethan ang hirap na dinaranas ngayon ni Eunice.

"I like the sky, the clouds and the sunset, and also the rainbow over the sea. How about you?" Tanong ni Ethan sa garalgal niyang boses.

Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang sarili upang hindi mahalata ni Eunice ang panghihina ng kaniyang loob.

"I like school uniforms. I must be crazy, why do they seem to be pretty?" Nanghihinang sagot ni Eunice.

"I hate the smell of fish coming from my mom, it really kills me." Naka ngising sabi ni Ethan. Bahagyang natawa si Eunice, pinasulyap niya ang isang malungkot na ngiti. Huminga siya ng malalim at sumandal kay Ethan.

"I hate needles. Couldn’t I just drink it up instead?" Paglalarawan niya sa dextrose na ibinibigay sakaniya sa ospital.

"The saddest thing is to watch my mom sleep from behind." Muling napangiti ni Ethan si Eunice.

"For me the saddest thing is, even if we find a marrow donor and operate-" Biglang natigilan si Eunice, at bumuhos ang kaniyang luha.

Yinakap siya ng mahigpit ni Ethan na namumula na din ang mga mata, hangat kaya niya ay pinipigilan niyang bumagsak ang lahat ng sakit na nasa kaniyang mga mata. Ayaw niyang dagdagan pa ang hirap na dinaranas ng kaniyang mahal.

"When I disappear, all the people I know will remember me." Pabulong na sabi ni Eunice kasabay ng marahan niyang pagsulyap kay Ethan. "My parents and you will remember me. And when time pass by, who will remember me?" Malungkot na sabi pa nito.

Malalim na paghinga ang isinagot ng binata, naisip niya na ito na marahil ang kaniyang kinatatakutan.

"After a long time, will you forget me too?" Tanong ni Eunice, na kahit nahihirapan ay pilit parin ibinibigay ang kaniyang napakatamis na ngiti.

"Yes." Sagot ni Ethan kasunod ng kaniyang pagtingala sa langit at pagpikit sa kaniyang mga mata.

Parang nasaksak ng isang napaka tulis na patalim ang puso ni Eunice ng marinig niya ang sagot ni Ethan. Halos humagulgol sa kaiiyak ang kaniyang damdamin, ngunit hindi niya ito hinayaan.

"Please remember me." Nagmamaka awang bulong ni Eunice. "Kagaya ng sabi ng lolo Leo mo, ang katawan lang ang namamatay. Hindi ang puso't isipan." Pahabol na sabi pa niya, kasabay ng pagpigil sa nalalapit na muling pagbuhos ng kaniyang luha. "I want you to remember me until you die."

"Maliit lang ang utak ko, kaya agad din kitang malilimutan. Lilipas lang ang ilang araw mabubura kana sa aking isipan." Sagot ni Ethan na mas lalong humigpit ang paghawak sa kamay ni Eunice.

"No! Even if I die I’ll stay in your heart, when you ride a bike, go to the bathroom, meet a girl. I’ll always follow you. You cannot date another girl." Nakasimangot at bahagyang naka ngiting sumbat ng dalaga.

Inilapit ni Ethan ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang pisngi ni Eunice, pinagmasdan niyang maigi ang mapupungay na mata ng dalaga. Tila naninibago ito sa namumutlang kulay ng pisngi ni Eunice, dahil dati ito ay kasing kulay ng isang macopa.

"I’ll marry another woman, and we will have lots of kids." Malumanay na sabi ni Ethan habang umiiling ang kaniyang ulo. "We will make lots of money and be incredibly happy." Pagtapos nito at yinakap si Eunice ng mahigpit.

Kahit na patuloy parin ang pagtulo ng luha ni Eunice nakangiti parin ito, alam niya sa sarili niya na hindi magagawa ng lalake sa kaniyang harapan ang kaniyang mga sinasabi.

Yinakap din ng dalaga si Ethan, isiniksik niya ang kaniyang mukha sa leeg ng binata. Nakakatulong sakaniya ang bango at init ng katawan ni Ethan. Nanatili lang silang ganito, matagal na naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Parehong nakapikit ang kanilang mga mata, pareho nilang pinakikiramdaman ang bawat pintig ng kanilang mga puso. Ang pagbuga ng kanilang hininga, ang pagdampi ng hangin sa kanilang katawan, ang pagkanta ng batis.

"Ethan..."

"Mmm?"

"My birthday is two years and a week before yours." Mahinang bulong si Eunice. "Since I was born first, I waited alone in this world without you."

Hindi sumagot si Ethan, nanatili itong tahimik at nakapit kasabay ng kaniyang pagtango.

"In the future, I’ll wait for you again. Take your time, stall all you like." Dagdag pa nito kasabay ng kaniyang pabagsak na paghinga.

"As long as I’ve been living, there’s never been a day without you Eunice. And there will never be."

"Ethan..."

"Mmm?"

"When I call, will you always answer me?"

"Mmm?"

Dahan dahan itinataas ni Eunice ang kaniyang ulo, habang iginagalaw niya ito pataas ay marahan din na dumadampi ang kaniyang mukha sa mukha ni Ethan. Damang dama niya ang malamig at mabangong hininga ni Ethan. Nginitian ni Eunice si Ethan, nalungkot ang mukha ng binata sa kaniyang nakita.

"Ethan..."

"Mmm?"

"Dalhin mo ako sa lumang duyan ni lola." Pabulong na sabi ni Eunice.

Wala pang limang segundo ay agad na pumayag si Ethan, bahagyang kinusot muna niya ang kaniyang mga mata bago inalalayan ang nanghihinang dalaga. Muli itong lumuhod patalikod kay Eunice, mabagal at dahan dahan naman siyang sumakay sa likod ng binata.

Yinakap ni Eunice si Ethan mula sa kaniyang likuran, maingat naman siyang kinarga nito. Sa mabagal na paglalakad ni Ethan, may ibinulong si Eunice.

"Thank you Ethan thank you for letting me bring only good memories. And I’m so thankful because it’s you that I should thank. You are the sea of my life, so I’m sorry. I’m sorry because I can’t stay next to you, and I’m sorry I loved you."

Kumabog ang puso ni Ethan, parang may gustong kumawala mula sa kaniyang dibdib. Nakaka bingi ang sigawan na nanggagaling sa kaniyang kalooban, na ano mang oras ay pwedeng lumabas.

Ilang hakbang pa at nakarating na sila sa lumang duyan sa gilid ng malaking puno ng manga, tahimik parin ang lahat. Huminto na sa pagsayaw ang mga alitaptap sa hindi nagsasalitang batis, pating ang mga dahon ng puno tila nanahimik na din.

Maingat na ibinaba ni Ethan at iniupo sa duyan si Eunice.

"Please be happy. You should be happy because I love you. Do you understand me? Will you promise me that you’ll be happy, that you will always be okay?" Ang sabi ni Eunice sa kaniyang nanginginig at nanghihinang boses.

Tulala parin si Ethan, alam at tangap ng kaniyang isipan ang lahat ng nangyayari. Ngunit hindi parin bumibitiw ang kaniyang puso.

Nakapormang tatayo na sana si Ethan ng pigilan siya ni Eunice. Yumakap ito ng mahigpit at isinandal ang ulo sa likod ng binata. Nanghihina man at mukhang lantang rosas na siya ay ibinigay parin niya ang kaniyang natitirang lakas para mapigilan sa pagtayo si Ethan.

Hindi inaasahang mahulog ang isang maliit na kwaderno mula sa bulsa ng malambot na palda ni Eunice. Nahulog ito sa basang lupa at bumukas, tumambad sa kaniyang harapan ang isang larawan.

Isang larawan na hindi maikakailang si Eunice ang gumuhit, kinakabahan na pinulot ito ni Ethan. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, dito niya nakita ng mas maayos ang nakaguhit.

Dalawang maliliit na tao sa harapan ng isang malaking gusali. Hindi ganon kaganda ang pagkaka guhit, sapat na para maiparating ang nais ipadama ng gumuhit.

Inilipat ni Ethan ang pahina, merong nakaguhit na apat na tao. Isang lalaki at isang babae na parehong may hawak na tungkod, magkatalikod at malayo ang agwat ng kanilang pwesto. Sa baba nila ay may isang lalake at isang babae na magka yakap sa loob ng isang puso.

Maya maya pa ay unti unti ng tumulo ang likidong nagmula sa mga mata ni Ethan, ang luha na kanina pa nagmamaka awa para lumabas. Luha na kanina pa gustong lumaya mula sa kaloob looban ni Ethan.

Pumatak ito sa isang pahina ng kwadernong hawak niya, hinayaan niya lang itong pumatak. Hindi niya ito pinunasan, sa kaniyang likod ramdam ni Eunice ang walang kapantay na kaligayahan ng madama niya ang paghikbi ni Ethan.

Nanginginig at nanlalambot man ang binata, nakayanan parin niyang ilipat ang pahina. Dito iginuhit ni Eunice ang lugar kung nasan sila ngayon. Ang malaking puno ng manga na punong puno ng dahon, and lumang duyan sa gilid nito, ang hindi nagsasalitang batis at ang mga alitaptap na kinulayan pa niya ng kulay dilaw na krayola.

Lalong bumuhos ang luha mula sa mga mata ni Ethan at lalong lumakas ang kaniyang paghikbi. Muli niyang inilipat ang pahina. May naka sulat dito, binasa niya ito sa mahinang tono habang patuloy parin ang kaniyang pag iyak.

"Kapag ang mga munting binhing ito ay tumubo, matatakpan ang buong paligid na ito ng mga magagandang bulaklak. Magmimistula itong isang napaka gandang hardin. Babalik ako dito kasama si Ethan, babalik muli sa susunod na taon at sa susunod pang taon."


"Ethan..." Bulong ni Eunice.

"Ang paligid na ito na puno ng bulaklak ang magiging regalo ko para kay Ethan. Tatangapin kaya niya ito? Naguguluhan ako at nasasabik, ano ano kayang kulay ng mga bulaklak ang tutubo dito? Ano kayang mararamdaman niya? Gusto kong malaman kung anong magiging ekspresyon ng kaniyang mukha."

"Ethan.."

"Mmm?"

"Sana maisulat mo din ang istorya ng ating sandaling pagsasama. Sana maikwento mo din ako sa mga magiging apo mo. Malaya kang humanap ng iba. Saka nalang kita pagagalitan, sesermonin at kukurutin dahil nagawa mo akong ipagpalit. Saka na yun kapag nagkita na tayong mu-"

Bumagsak ang dalawang kamay ni Eunice, bumitaw sa pagkakayakap kay Ethan. Nabitawan ng binata ang kaniyang hawak at mabilis na hinawakan ang dalawang kamay ni Eunice, ipinalibot niya ito sa kaniyang dibdib tulad ng pagkakayakap sakaniya kanina.

"EUNICE!!" Sigaw ni Ethan, lalo pang lumakas ang kaniyang paghagulgol. Tumingin siya sa langit habang pinapadyak ang kaniyang mga paa sa lupa ng dahil sa galit, at paulit ulit na isinisigaw ang pangalan ng kaniyang pinaka mamahal. "EEUUNICEE!!!"

Ilinapit niya ang kaliwang kamay ng dalaga sa kaniyang mukha, halos wala na itong kulay. Hinalikan niya ito at may ibinulong.

"Kung nagkita lang sana tayo ng mas maaga. Bakit ba napaka hirap para saatin ang magkita agad. Sa kabilang buhay magkita ulit tayo, at kahit kailan hindi na maghihiwalay. Wait a bit longer, I'll follow you soon."

No comments:

Post a Comment