Sunday, August 21, 2011

Yosi trip




Dapat kagabi pa ito e, kaso tinamaan ako ng antok. Nagumpisa ito ng matapos akong kumain ng hapunan, naisipan kong mag yosi. Oo, yosi, sa tagal-tagal ko ng hindi nag yoyosi, ngayon naka hiligan ko nanaman. Hindi maiwasan e, dahil nga sa call center ako ngayon. Pero kaya ko naman itong kontrolin, kung ayaw ko na, kaya ko huminto. :)

So yun, mabalik tayo. Pagkatapos kong kumain ng hapunan, pumasok ako ng kwarto, kinuha ang aking bag at dinampot ang kalahating pakete ng Marlboro Lights. Sa kasamaang palad, wala na pala itong laman. Badtrip e no? Hahaha.

So ginawa ko, kinuha ko nalang ang aking maliit na pitaka para kumuha ng barya, may anim na piso pa akong barya. Matapos yun lumabas na ako ng bahay at nag punta ng tindahan, isa, dalawa, tatlo, apat na tindahan meron dito sa malapit samin subalit ni isa sa mga ito wala ng bukas.

Ito na talaga ang tinatawag na badtrip. Hinugot ko ang telepono kong Samsung Star-wifi mula sa aking bulsa, may pinindot ako sa gilid at lumiwanag ang screen nito, may message box pinaka una kong napansin, hinayaan ko muna yon dahil ang oras ang gusto kong makita. alas-nuebe bente-syete palang ng gabi. Very unusual naman na mangyari ito grabe.

Pangalawa kong tinignan yung message box, aw waw wa! Yung  crush ko pala ang nag text.

"Ikaw ang kumain na bla bla bla"

"Nandito ako kila bla bla bla"

Ang sweet naman nung unang line *Kilig* syempre receiving a message like that from your ultimate crush diba hindi kaba kikiligin? Let's say na oo, wala man sakanya yun, pero iba parin ang dating diba? Oo, diba?

Anyway going back... Ayun nag reklamo na ako sakanya,  na badtrip ng walang malapit na 711 sa lugar. Pinaka malapit na 711 samin dito sa bayan pa, kung lalakarin ko yun para lang sa yosi, e tutulog nalang ako.

Kaso gusto ko talaga.

"Ganun talaga. Hehehe! What naman bibilhin mo?" Tanong niya saakin.

"Yosi wala ko yosi. Ikaw dikapa kumaen diba?" Reply ko naman sa text niya habang nag lalakad na pauwi ng bahay. Ilang hakbang nalang nakarating na ako sa aming terrace, umupo muna ako sandali at nag pahinga. Nakaka pagod din kaya mag palipat lipat ng tindahan.

Ekstaktong kakaupo ko lang umilaw ulit ang screen ng hawak kong telepono, naka tangap ulit ako ng text, sakanya parin.

"Punta ka. Hehehe! Meet tayo." Ang sabi sa text. Ay ser walang kalahating segundo naka reply agad ako ng "Ngayon?" Hahahah! 

Ilang minuto lang matapos ang mabilis kong sagot sa text niya, sumagot ulit siya ng "Oo." 

Aw. Syempre dapat sa mga ganyang bagay dapat diretso na ang isasagot mo e diba? Maliban nalang kung may iniisip kang masama mag aalangan ka sigurado, pero ako, di naman sa nag aalangan, naninigurado lang. Malabo ba? Never mind.

"Sino kasama mo baka ma OP lang ako :(." Naaks style.

"Aq lang." Reply na matapos ang ilang minuto. Umakyat agad sa utak ko ang salitang 'Pumunta ka' na parang ewan. 

Well of course gusto ko naman talagang pumunta, kase isipin mo nalang, if ever na pupunta ako 711 sa bayan, mamasahe ako ng bente sa  three-wheeler, papunta palang yun, same din sa pabalik wala pa yosi dun. E, kung pupuntahan ko crush ko, otso pesos lang slash makikita ko siya slash makakasama ko siya slash makakausap at makakakwentuhan pa, gara diba?

"Pa yosi moko ha. Ligo lang ako." Ang sabi ko sakanya.

Agad na akong kumuha ng damit at twalya at mabilis na dumiretso sa banyo. Papasok palang muling umilaw ang screen ng aking telepono, text ulit, mula sakanya parin. 

"Hahaha! Ligo pa. Eh bihis ka nalang." Ang sabi niya sa text.

Grabe naman yun, nangangamoy ewan na ako tapos papupuntahana niya ako dun, ng ultimate crush ko ng hindi naliligo? Ayoko nga, kahit dalawang minuto lang siguro maliligo parin ako, masabing naligo lang ako hahaha!

"Mabilis lang dipa ko naliligo e." Huling text ko sakanya bago maligo.

Ilang sandali pa natapos na akong maligo at naka bihis na rin. Telepono ko, telepono ko nasan? Nasa banyo pala, binalikan ko ito at tinignan. Isa, dalawa, tatlong mensahe na. Ay ser wait lang.

"Jeep na ko." Mabilis kong text sakanya kahit hindi pa ako nakakalabas ng bahay hahaha. Mahirap kase baka naka bihis na ako tapos biglang mag ayawan pa hahaha!

Ilang minuto lang nakalipas nagkita na kami, as usual maganda at sexy parin talaga siya. Unang pagka kita ko sakanya napansin ko na agad ang buhok niya, umikli ito, mukang bagong gupit subalit hindi ko ito binanggit.

"Bulaga!!" Bati niya saakin. 

Cool, ang kulit hahaha. Hindi ko maiwasan mapa ngiti nalang. Isa yon sa mga dahilan kung bakit ko siya ultimate warrior. Este ultimate crush pala, ang cool kase ng babaeng ito, hindi siya marunong sumimangot, hindi siya marunong magalit, parang walang ka-stress-stress sa buhay. Napaka jolly person niya, napaka cool niya. Sobrang cool kaya hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya ngayon.

Maliit lang na babae siya, or let me say 'Petite'. Medyo chubby siya ngunit sexy, maliit na bibilugin ang mata. Hindi ko ma pigura kung ano talaga kulay ng mata niya dahil papalit-palit ito ng kulay. Maliit at matangos ang kaniyang ilong, maganda at maputing ngipin, at ang labi. Hay nako ser, ang labi, sarap halikan.

Matapos ang sampung taon kong pag titig sakaniya, ay kusa din bumalik sa realidad ang aking sarili. Nag sasalita na pala siya, hindi ko namalayan. Wala e, hindi ko maiwasan mawala sa totoong mundo pag kasama siya.

Agad kong kinuha ang isang kaha ng Marlboro Black na nakapatong sa puting pabilog na mesa, alam kong kaniya yon dahil katabi ito ng lighter na bigay namin mag kaka-wave sakaniya nung huling araw ng aming training. Ooh. Nakakalungkot ang araw na iyon, na alala ko tuloy.

Anyway so there, kumuha ako ng isang piraso ng yosi. Tinaktak sa aking kaliwang hinlalaking daliri. Itinapat sa aking bibig, inipit sa aking mga labi. Inabot ang lighter na naka patong sa puting pabilog na mesa, Sinindihan ang dulo ng yosi, isinara ang lighter, hithit, binalot ng lamig ng Marlboro Black ang aking buong bibig. Buga...

Dun na nagsimula ang aming masayang kwentuhan, tawanan, asaran, pag alala sa mga kapalpakan na pinag gagawa namin sa training. Mga bloopers at lahat ng nakaka tawang bagay na nangyari, as usual positive lahat ng usapan. Gaya nga ng sabi ko, stress-free na tao tong ultimate crush ko.

Well, lahat ng magaganda, masasaya at masasarap na bagay ay kaylangan din magtapos. Walang permanente sa mundo hindi ba, CHANGES lang ang permanente sa mundo. So there, alas-onse nuebe na sa orasan ng aking telepono. Nag-aya na din siyang umiwi, isa pa maaga pa pasok niya bukas, ako naman baka wala ng masakyan.

Nag paalam na kami sa isa't isa. Yakapin ko sana siya, kaso, nag lakad na siya matapos siyang mag paalam sakin.


Okay lang yun, hindi naman iyon ang magiging huli naming kwentuhan. Mag kikita pa naman kami. Sana next time maging kasing saya parin ng kagabi or let me say na sana mas masaya pa.

Hangang dito nalang siguro muna ang masasabi ko para saaking ultimate crush.

Hangang sa muli.


No comments:

Post a Comment