Sunday, August 21, 2011

Sugal


Sugal







Tila isang malaking unos, ang dinaranas ngayon ng mag kapatid na sina Karen at Kristine. Ilang buwan ng nag durusa ang kanilang ina sa sakit na kanser. Matagal na siyang nasa ospital at hangang ngayon ay hindi parin nalu-lunasan ang kaniyang sakit.

Naibenta na ng magkapatid ang kanilang mga natitirang mamahaling kagamitan at mga alahas, para ipang tustos sa kanilang gastusin sa ospital. Ngunit hindi parin ito sapat, hangang sa isangla nila ang kanilang buong bahay sa bangko.

Ilang buwan pa ang lumipas at tuluyan na silang inulila ng kanilang ina. Hindi na nito natagalan ang hirap at siya ay namatay din. Labis ang pighati na kanilang nadama, hindi nila lubos maisip na tuluyan na silang naulila sa ina. Sino pa ang kanilang sasandalan sa mga problemang dinaranas nila, wala na silang mga magulang na gagabay sa kanila.

Pareho silang walang trabaho at hindi pa nakaka tapos ng pag-aaral. Kaya naisipan nilang makiusap sa kanilang tiyahin para makitira, hindi naman sila binigo nito at pumayag na din na sa bahay niya iburol ang mga labi ng kanilang ina. Walang humpay na pasa-salamat ang kanilang ibinigay sa matandang babae.


Sa burol habang umiiyak parin ang bunsong kapatid na si Kristine ay pilit itong pinapa-tahan ni Karen, pilit niyang pina-palakas ang loob ng kaniyang kapatid. At imbes na ubusin ang luha sa kaiiyak ay umisip nalang ng paraan para makayanan ang kanilang hinaharap.

Habang naka tayo si Karen malapit sa kabaong ng kaniyang ina, ay may natanaw siyang isang lalaki. Isang lalaking ngayon palang niya nakita sa buong buhay niya. Namangha ito ng lubusan, napaka disente ng dating nang lalaki. Maamo ang mukha, malinis ang buhok. Matipuno ang katawan. Hindi gaanong maputi, hindi din gaanong maitim. Singkit ang kaniyang mga mata, at higit sa lahat mukhang mayaman.

Siya ang lalaking aking pina-pangarap, siya ang matagal ko ng hini-hintay. Siya ang lalaking aking paka-kasalan, sakaniya ko ilalaan ang aking buong buhay. Taimtim na bulong ni Karen sa kaniyang sarili.

Sa hindi ina-asahang pagkaka-taon, natapos ang gabi at hindi man lang niya nakilala ang lalaki. Kahit pangalan lang nito ay hindi niya natanong.

Dumaan ang mga araw, payapang nailibing ang ina ng magkapatid. Unti-unti na nilang natangap ang katotohanan na tanging silang dalawa nalang ang magkasama at magka-kampi sa mundo.

Ngunit ang paniniwalang iyon ay sinira ng isang kagimbal-gimbal na kaganapan. Tatlong araw makalipas ang libing, alas onse ng gabi ay natagpuang patay ang bunsong kapatid ni Karen na si Kristine sa kanilang silid. Tatad ito ng sak-sak sa kaniyang buong katawan. Naliligo sa dugo ang kawawang dalaga na naka higa sa kanilang malambot na kama.

Hindi magkandarapa sa pag iimbestiga ang mga pulis sa naganap na krimen, ngunit hindi pa nila matukoy kung sino ang salarin sa nangyari. Isa isang inimbestiga ang mga tao sa bahay kung saan naganap ang krimen. Dito napag alaman na nawawala ang panganay na kapatid ng biktima.

Dito na naghinala ang mga pulis na ang kapatid ng biktima ang may gawa ng krimen. Nagsimula ng magsagawa ang mga pulis ng aksyon para mahanap ang babae. Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hindi parin siya lumilitaw.

Hangang sa isang gabi ng huling lamay sa mga labi ni Kristine, nagpakita si Karen sa kanilang tiyahin. Labis na pagka munghi ang nadama ng matandang babae sa kaniyang pamangkin. Bumuhos ang luha sa mga mata ng dalaga, habang yinakap nito ang matanda. Agad siyang umamin sa kaniyang nagawang kasalanan.

Hindi malaman ng matanda ang gagawin, gusto niya itong saktan dahil sa kaniyang nagawa. Gusto niya itong sigawan, pagsasampalin. At higit sa lahat nais niya itong patayin, ngunit imbes na gawin niya ito ay yinakap nalang din niya ang kaniyang pamangkin.

Mas lalong humigpit ang pagkaka-yakap ng dalaga, habang walang humpay ang pag buhos ng kaniyang luha. Inilayo ni Karen ang kaniyang sarili, ng tanungin siya ng matandang babae kung bakit niya nagawa iyon sa kaniyang kapatid.
Hindi nag dalawang isip na umamin ang dalaga.

Nagawa ko po iyon dahil sa isang lalake na una kong nakita sa lamay ng aking ina, una ko palang siyang nakita ay may naramdaman na akong kakaiba. Siya ang gusto kong makasama sa aking buhay, siya ang aking pinapangarap. Nais ko siyang makilala, ngunit natapos ang gabi at hindi ko man lang ito nakausap.

Kaya nag baka sakali ako na, baka muli ko siyang makita sa burol ng aking kapatid.

No comments:

Post a Comment