Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-dalawampung kabanata "Pangako"

"Manang si Dennise po?"

"Aru ser meka lako nala." Gulat na sagot ng katulong nila Dennise habang nagwawalis ng bakuran.

"Ha? Ano po yon manang?" Tanong ko sakaniya.

"Ay ang ibig ko pong sabihin naka alis na po sila sir." Sagot niya kasabay ng pagsandal niya ng kaniyang hawak na walis sa pintuan ng bahay.

"Saan po nagpunta?" Nagmamadali kong tanong.

"Sa airport po, ikaw po ba si sir Leo?" Tanong niya pagkatapos niya akong sagutin.

"Ako nga po bakit mo ako kilala manang?" Nagtataka kong tanong.

Airport? Shit hindi pwedeng mangyari ito. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag hinayaan kong lumayo ang aking pinaka mamahal.

"May iniwan po kasing sulat si mam Dennise para saiyo." Ang sabi ni manang sabay abot ng sobre na selyado ng scotch tape.

"Salamat manang." Sagot ko sabay bukas sa sobre. Dito tumambad saakin ang isang piraso ng puting papel. Kinakabahan man ako pero agad ko din itong binasa.

"Leo,
    siguro habang binabasa mo ito, marahil ay nasa amerika na ako. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa aking mga nagawa saiyo, alam ko alam mo kung ano ang tunay na nararamdaman ko saiyo. Hindi ko alam pero siguro ay naguguluhan parin ako hangang ngayon, siguro ay hindi ko parin lubos maisip na pwedeng mangyari na mahalin mo ako ng ganon ka bilis. Sa totoo lang naging masaya ako sa maikling pag sasama natin. Hinabol kita noong gabing iniwan mo ako, ngunit hindi na kita nakita. Siguro balang araw muli tayong mag kikita, sana sa araw na yun ay maging maayos na ang lahat sa ating dalawa. Ingatan mo ang iyong sarili, kahit kailan ay hindi ka mawawala sa aking isipan. Lalo na sa aking puso.
        Dennise"

Halos mapunit ang hawak kong papel sa sobrang higpit ng aking pagkaka hawak. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero wala ako sa tamang lugar. Siguro pag uwi ko sa bahay, sa aking kwarto doon ko nalang ilalabas ang lahat ng aking lungkot, galit at panghihinayang.

Masyadong naging mataas ang aking pride, kahit sinabihan ako ng masasakit at nakamamatay na salita ni Dennise ay hindi ko parin dapat siya iniwan, dahil alam kong galit siya sa mga oras na iyon at hindi niya intensyon na sabihin ang lahat ng kaniyang nasabi. Mahal ko siya kaya dapat inintindi ko siya. Bakit ngayon ko palang naisip ang lahat ng ito, bakit?! Kung kailan huli na ang lahat.

Huli na nga ba? Teka teka, pano kung wala pa siya sa amerika?

Muli kong tinignan si manang na abala parin sa pagwawalis at walang pakialam saakin kahit nag ddrama na ako.

"Manang anong oras po sila naka alis?" Tanong ko sakaniya.

Matagal bago siya sumagot, tila nag iisip.

“Mga trenta minuto palang po ang nakakaraan mula nung umalis sila." Sagot nito.

Hindi pa siguro huli ang lahat, kung mag ttaxi ako siguro ay ma aabutan ko pa sila. Grabe parang eksena sa isang pelikula ito, pero ngayon hindi ako ang manonood. Ako ang bida at mukhang magiging luhaang bida.

"Saang airport po sila nag punta manang?" Muli kong tanong sakaniya.

"Sa DMAI po sir" Sagot niya habang patuloy sa pag wawalis.

"Sa clark?"

"Opo sa clark po sir."

"Sino ang mga kasama ni Dennise dun." Dagdag ko pang tanong.

"Sila pong apat, mama, papa at ate niya po. Pupuntahan mo po ba siya?" Pamewang niyang tanong.

"Opo bakit?" Patanong kong sagot.

"Gusto mo sir ipahatid kita sa asawa ko, may tricycle kami." Ang sabi niya habang itinuturo ako gamit ang kaniyang hawak na walis.

"Salamat nalang po manang, bawal ang tricycle sa expressway. Kung dadaan naman ako ng Mc Arthur highway mas lalong matatagalan sa trafic. Mag tataxi nalang po ako manang." Ang sabi ko.

"Ah ganon po ba sir." Ang sabi nito habang parang may iniisip.

"Opo manang maraming salamat po, kailangan ko ng umalis baka pag sisihan ko pa kung hindi ko siya abutan doon."

Mabilis akong umalis matapos akong magpasalamat sa babaeng kasambahay nila Dennise. Wala akong sinayang na oras, nagmamadali akong naghanap ng taxi. Nang makakita ako agad ko itong sineniyasan na sasakay ako, kasabay ng mabilis na pag bukas ng pintuan nito at pag sakay sa likuran.

"Manong sa DMIA po, at kung pwede paki bilisan." Hinihingal kong sabi.

"Sige ser." Mabilis niyang sagot.

"Paandarin mo yung pinakamabilis na kaya mo manong ha, kailangan ko lang talagang maka punta agad doon."

"Pero sir delikado yun baka mabanga tayo." Tugon ng mamang drayber.

"Di bale ng mabanga, kesa hindi ko siya maabutan." Seryoso kong sagot.

Hindi nagdalawang isip si manong na sumunod, mabait siya kung tutuusin dahil hindi niya inintindi ang katumba ng aking sinabi, marahil siguro naranasan na niya ang ganito ka importanteng pagkakataon. Siguro, pero hindi ako sigurado.

"Sino ba ang hinahabol mo ser? Kasintahan mo?"

"Hindi manong, ang pinaka importanteng babae sa buhay ko ang hinahabol ko."

"Iba pa ba ang kasintahan mo sa pinaka mamahal mo ser?" Naka ngiti niyang tanong.

"Mahabang kwento manong, wag kang mag alala minsan papabasa ko saiyo ang fic ko. Basta bilisan mo lang at magingat ka sa pagmamaneho."

Siento quarenta na ang takbo ng taxi na sinasakyan ko, over speeding na kung tutuusin pero sige lang manong ang mas mahalaga maabutan ko si Dennise.

Matapos ang trenta singko minuto, nakarating na ako sa Diosdado Macapagal International Airport. Agad akong nagbayad kay manong at iniwan ang kaniyang taxi. Oily shet perstaym ko makapunta dito. Anong gagawin ko, pano ko hahanapin si Dennise dito? Napaka lawak ng lugar, naglalakihan ang mga gusali, ang daming tao, ang daming sasakyan, nasaan siya dito. Kailangan kong gumawa ng paraan, bahala na si batman.

Palakad lakad lang ako, nawawalan na ako ng pag asa na makita ko pa siya. Hindi ko na alam ang aking gagawin pero kailangan kong gumawa ng paraan.

Umaliwalas ang aking mukha ng makita ko ang isang malaking kodradong talaan ng mga oras at lugar ng byahe ng mga eroplano. Ito na nga siguro ang hinahanap ko, bente minuto nalang ang natitira at lilipad na ang eroplano nila Dennise papuntang california. Kailangan kong magtanong, oo tama mag tatanong ako. Sa information counter.

"Hi excuse me, saan po dito ang waiting are ng flight papuntang California?"

"Ah sir kumanan lang po kayo sa hallway na yun." Ang sabi ng lalaki habang tinuturo ang direksyon.

"Maraming salamat sir." pasasalamat ko sakaniya.

Naglakad ako ng mabilis, hindi. Tumakbo ako ng mabilis, pinakamabilis na pagtakbo na nagawa ko sa buong buhay ko. Halos lahat ng tao ay naka tingin na saakin, meron din akong nabubungo gawa ng pagmamadali ko. Wala akong pakialam sakanila isipin na nila ang gusto nilang isipin.

Pag dating ko sa lugar na sinasabi nung lalaking nakausap ko sa Information Counter ay tumambad saaking harapaan ang grupo ng maraming upuan. Napaka daming upuan ngunit walang naka upo sa mga ito, maliban lang sa isang matandang babae na kulot at puti ang buhok.

Napayuko nalang ako at ipinasok ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nag uunahan sa pila ng aking emosyon ang lungkot, galit, pagsisisi at panghihinayang.

Marahan akong naglakad papunta sa lugar kung nasaan ang matandang babae at umupo sa kaniyang tabi.

"Sayang ano?" Ang sabi ng matandang babae.

Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig at marahan kong iginalaw ang mga ito papunta sa kaniyang direksyon. Hindi ako nakagalaw sa aking narinig, tanging mga mata ko lang ang aking naigagalaw. Gulat na gulat ako nang bigla nalang niya akong kausapin.

"Magiging masaya sana siya kung naabutan mo siya." Dugtong pa ng matandang babae.

Mabilis kong hinarap ang misteryosang matandang babae sa aking katabi.

"Ha? A-ano po ang ibig niyong sabihin lola?" Nag tataka kong tanong.

Ngumiti lang siya at matagal bago siya sumagot.

"Iho, may isang magandang babae kanina diyan. Diyan mismo sa iyong inuupuan, lumuluha pa siya nung ako ay bigla nalang niyang kausapin." Sabi niya. "Noong una hindi ko siya masyadong pinapansin, pero bandang huli naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sa sandaling oras ng aming pag uusap ay nalaman ko ang buo niyong istorya. Istorya niyong dalawa."

Hindi naalis ang aking pagkaka titig sa sakaniya, mukhang seryoso siya sa kaniyang mga sinasabi. Sa kabila ng kaniyang mga ikinuwento ay nanatili lang akong tahimik at seryosong nakikinig.

"Mahal na mahal ka ng dalagang iyon, mas gusto niyang manatili sa piling mo at ituwid ang lahat ng nagawa niyang pagkakamali. Ang sabi pa niya alam niyang sa kabila ng lahat ay magiging masaya kayo kung magkasama kayong dalawa." Kwento pa ng matanda habang may kinakalkal sa kaniyang malaking bag. "Sinubukan niyang hintayin ka dito at nag babaka sakaling dumating ka bago pa umalis ang aming eroplano, pero hindi ka dumating."

Napaisip ako sa bandang huli ng kaniyang sinabi.

"Inyong eroplano? Ang ibig mo pong sabihin..."

"Oo iho, naiintindihan ko siya. Minsan na din nangyari saakin ang mga nangyayari sainyong dalawa kaya ayaw ko ng maulit pa ang nauna ng nangyari saakin."

"H-hindi ko po maintindihan lola."

"Ganiyang ganiyan din ang nangyari saamin ng lalaking aking minahal nung panahon ko pa, napilitan lang din akong pumunta sa ibang lugar dahil iyon ang gusto ng aking mga magulang. Wala akong nagawa sa mga panahong iyon kung hindi sundin ang gusto nila at iwan ang lahat ng nagpapasaya saakin."

"Ano po ang nangyari pagkatapos nun?"

Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Tinatanong mo ba kung anong nangyari sa lalaking mahal ko?"

"O-opo."

"Hindi ko na siya muling nakita pa." Ang sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata, kasabay ng kaniyang pag ngiti.

Tinanong ko sa sarili ko kung tumitibok pa ba ang puso ko, hindi ko na kasi maramdaman ang pintig nito dahil sa aking mga narinig. Pano kung mangyari sa akin ang nangyari sakaniya, sakanila ng lalaking tinutukoy niya. Hindi ko siguro makakayanan iyon, mas gugustuhin ko na sigurong mamatay kesa mapunta ako sa ganung sitwasyon.

"Pero alam mo iho, hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na pag malayo na kayo sa isat-isa ay nawawala na din ang pagmamahalan. Dahil ako mismo mapapatunayan ko iyon, dalawampung taon ko na siyang hindi nakikita pero siya parin ang tinitibok ng puso ko."

Mula sa aking pagkakatitig sakaniya, dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at yumuko. Ayaw kong mahulog ang luha sa aking mga mata. nakaka pagod umiyak, pero mas magiging magaan ang loob ko kung ilalabas ko ito.

Muli akong tumingin sakaniya at nagtanong.

"Nasabi niyo po kanina na sinubukan niya akong hintayin bago pa umalis ang inyong eroplano, ang ibig niyo po bang sabihin ay dapat kasama ka sa eroplano nila?"

"Oo iho."

"Bakit po nandito kapa?"

"Nagpaiwan talaga ako, para sabihin saiyo ang lahat ng ito. Dahil hindi na magagawang sabihin pa saiyo ng dalaga gawa ng ayaw siyang payagan ng kaniyang mga magulang." Kwento pa niya. "Humahagulgol siya sa kaiiyak kanina habang nagmamakaawa siyang payagan na magpaiwan ngunit hindi siya pinayagan. Bago sila umalis ay may iniwan siya saakin, ibigay ko daw ito saiyo." Dugtong pa niya sabay abot ng isang pirasong papel na kanina pa niya kinakalkal sa kaniyang bag.

Agad ko itong kinuha at binasa.

"Leo,
    Patawarin mo ako. Sinubukan kitang hintayin hangang sa makakaya ko at umaasang dadating ka, ngunit mukhang hindi kana makakadating pa sa oras. Ginusto kong maiwan dito dahil alam kong hindi ako magiging masaya sa aking pupuntahan at alam ko sa sarili ko na mas magiging masaya ako kung kasama kita subalit wala akong magawa, hawak ng mga magulang ko ang buhay ko ngayon. Pero babalik ako pagkatapos ng dalawang taon, konting tiis lang sandali lang ang dalawang taon at aayusin natin ang lahat sa atin. Hintayin mo ako sa batis sa likuran ng aming bahay, sa duyan sa tabi ng puno ng manga eksaktong dalawang taon mula ngayong araw na ito. Mahal na mahal kita Leo, ipinapangako ko babalikan kita.
       Dennise."

Bumagsak ang buo kong katawan, napasandal ako sa aking kinauupuan at napa pikit. Pati ang aking utak halos hindi na umaandar ng maayos dahil sa aking mga nabasa. Alam ko pwedeng mangyari ang lahat ng ito pero hindi ko naisip na ganito pala kasakit ang malaman ang lahat pero wala man lang akong magawa kung hindi sundin nalang ang plano ng tadhana para sa akin, para sa amin.

Muli kong minulat ang aking mga mata para mag pasalamat sa lahat ng nagawa ni lola.

"Maraming sala-" Natigilan kong pagkasabi ng mapansin kong wala na pala ang matandang babae sa aking tabi. Muli akong nanghinayang dahil hindi ko man lang siya napasalamatan, siguro naiintidihan na niya iyon. Kung nasaan man siya, nagpapasalamat ako sakaniya.

“Dennise's Point of View”

"Dad let me stay."

"Hindi Dennise you can’t." Ang sabi ng daddy ko.

"Dad mas magiging masaya ako dito, nandito naman si lola para alagaan ako." Tugon ko sakaniya.

"No dear, hindi naman tama na ikaw lang ang kulang sa ating pamilya." Sabat ni mommy.

"Why dont you let her stay, I think she can stand on her own now." Tagtatangol ni ate Patricia.

"Oo nga naman dad, hindi ako hihingi ng kahit ano o magkano galing sainyo. Mag ttrabaho ako para may pang gastos ako dito, payagan niyo lang po ako..." Nag mamaka awa kong sabi. "Mom?"

"You don’t have to do those things Dennise, pwede ka namang mabuhay ng hindi muna nag ttrabaho. Hanggat kaya namin ay susustentuhan namin kayo ng daddy mo." Sagot ni mommy.

"Pero mom?" Padabog kong sabi.

"Come on let’s go." Aya ni daddy.

"You go on... I'll be fine, I'll try and get into the next plane." Sabi ko sa mga magulang ko.

Muling tumingin saakin ang ina ko.

"No. Not without you." Mabilis na sagot ni mommy.

"Listen mom, I'll be fine nothing bad will happen to me. I'm a big girl now."

"Hindi ka na naman nag iisip Dennise." Sumbat ng daddy ko.

"I know what i'm doing dad, I just can't turn away without knowing he will be alright."

"See? Hindi ka na nga nag iisip." Sagot niya habang umiiling. "Kausapin mo nga yang kapatid mo Patricia, baka maiwan pa tayo ng eroplano niyan e." Dugtong pa nito kasabay ng paglakad nila ng mommy ko.

"Dennise..." Ang sabi ni ate Patricia.

"Ate... Anong gagawin ko? Hindi ko makakayang iwanan nalang siya dito."

Dahan dahan siyang lumapit saakin at yinakap ako.

"Dennise makinig ka. Alam ko kung gaano mo siya kamahal, at alam kong ganon din nararamdaman niya para saiyo." Mahinhin na sabi ni ate Pat. "Sigurado ako na maiintidihan ni Leo ang iyong pag alis, magiwan ka ng sulat at ipaliwanag mo ang lahat ng nararamdaman at gusto mong sabihin sakaniya." Pagpapatuloy pa nito.

Hindi ko alam kung makikinig ako sakaniya o mas pipiliin kong sundin nalang ang alam kong tama. Hindi ko alam kung anong nagutos sa akin at bigla ko nalang kinuha ang aking black bolpen at scratch paper sa bag kasabay ng pag upo sa waiting area ng airport.
Matapos kong isulat ang lahat-lahat laking gulat ko nalang ng bigla akong kausapin ng isang matandang babae sa aking tabi.

"Akin na iha, ako nalang ang maghihintay sakaniya at mag aabot niyang sulat mo." Ang sabi niya.

"Ha? Ang alin po?" Sagot ko. Pati si ate Pat ay bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagka bigla.

"Yang sulat na ginawa mo para sakaniya." Nakangiting sabi ng matandang babae.

"Hindi po kita maintindihan lola." Sabi ko sakaniya.

Muli siyang ngumiti saakin.

"Siguro nga sa ngayon hindi mo pa naiintindihan, pero mag tiwala ka saakin iha... Makakarating yan sakaniya."

Nahihiwagaan ako sa matandang babaeng ito, siguro nga may mga bagay na hindi pa ako naiintindihan sa ngayon. Pero ewan ko parang wala naman siyang intensyon na lokohin ako, at nakaka pagtaka siya dahil ang layo namin sakaniya kanina. Imposibleng sa edad niyang ito ay narinig niya ang lahat ng pinag uusapan namin kanina sa ganung kalayong agwat.

Hindi ko parin talaga maintindihan pero wala din akong choice, kanino ko nga ba iiwan ang sulat na ito kung hindi sakaniya. Kahit naman iwan ko ito dito hindi naman ako nakakasigurado na mababasa ito ni Leo. Pero kung dito sa matanda ko ito iiwan may posibilidad na mababasa ito ni Leo dahil mahiwaga ang matandang ito at parang may kung anong ewan na nagsasabing maibibigay nga niya ito kay Leo.

Bahala na.

Muli ko siyang tinignan at tinitigan, habang dahan-dahan kong inaabot ang sulat. Nginitian niya ako at sinabing.

"Hha magtiwala ka lang saakin." Ang sabi niya.

"O-opo." Sagot ko at tuluyan ng ibinigay ang sulat.

Agad din akong tumayo at tinanaw ang buong paligid. Umaasang makita kong muli si Leo na tumatakbo papunta saakin.

Ngunit wala akong nakitang Leo.

Muli kong tinignan ang matanda para mag pasalamat, laking gulat ko nalang ng mapansin kong wala na ito sa kaniyang kinauupuan.

"A-ate, nasaan na yung matanda?"

Nagulat ang aking kapatid sa aking tanong.

"Aba ewan hindi ko siya napansin." Sagot ni ate. "Baka nag cr lang, ano okay kana?"

"Ewan ko pero siguro okay na ako." Sagot ko.

"Tara na ba?" Muling tanong ni ate.

Inikot ko muli ang aking ulo nagbabaka sakaling makikita ko pa si Leo. Tahimik na ang lugar na ito nagsi alisan na ang mga tao siguro nga ay hindi na niya ako pupuntahan. Paalam mahal ko.

"Tara ate."

No comments:

Post a Comment