Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-anim na kabanata "Unang pagkikita."

Minsan nagtanim ako ng halaman, kaso sinisira nito ang lugar kung saan ko siya itinanim. Kaya kailangan ko na itong putulin dahil lumalaki at lumalago ito ng hindi tama, sa maling direksyon. Ilang buwan na ang lumipas, ang punong pinutol ko ay muling tumubo ng mag-isa kung saan ko ito unang itinanim. Dito ko naisip na kung talagang gusto ko ng putulin ang punong ito at kalimutan ang lahat-lahat tungkol sa punong ito, kailangan ko itong putulin mula sa kaniyang ugat na hindi ko alam kung paano.

"The mass has ended go in peace and spread the good news of the Lord."

Kakatapos lang ng misa dito sa Cathedral. Sabay kaming nagsimba ni Charlene dahil linggo naman at pareho kaming walang pasok.

Ang daming taong naglalabasan sa simbahan. Ang mga batang nagiiyakan dahil nagpapabili ng laruan at ayaw ibili ng mga magulang nila. Meron namang iba na nagpapa bili ng cotton candy sa gilid ng simbahan. Naalala ko tuloy nung bata pa ako dahil ganun din ako.

Meron ding mga magkasintahan na sabay nagsisimba tulad namin ni Charlene na siguro ay pinapanalangin na sana ay lalo pa silang maging matatag. Ang mga matatandang kahit na uugud-ugud na eh pumupunta parin dito para makapag simba.

Pauwi na sana kami ni Charlene ng bigla niyang sabihing kailangan niya munang pumunta ng comfort room.

"Cr lang ako hon." Naka ngiti niyang sabi saakin.

"Okay sige hintayin kita dito." Tugon ko.

"Okay I'll be right back." Ang sabi niya kasunod ng paghalik niya saakin.

Matatagalan nanaman yun sigurado kaya naisipan ko munang bumili ng yosi. Pagbaba ko ng hagdanan ay hindi ko sinasadyang mabungo ang isang babae.

"Oops im sorry."

"No, miss. I'm sorry hindi ko sinasadya, kasalanan ko hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Ang sabi ko habang pinupulot ko ang kaniyang pouch bag na nahulog sa sahig. Nang iabot ko ito sakaniya ay laking gulat ko nalang, dahil sa dinami dami ng pwede kong mabungo ay siya pa ang makakabunguan ko. Si Dennise.

Halos dalawang linggo na rin kasi nung huli kaming magkita at magkausap. Naisip ko kasing habang maaga pa ay pigilan ko na ang aking nararamdaman para sakaniya.

"Leo?" Ang sabi niya.

"Dennise?"

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya saakin.

"Ha? Ah, eh. Kakatapos lang ng misa nagsimba ako." Sagot ko.

"A-ahh. mag isa ka lang?"

"Ha? ah, O-oo." Sabay kamot saaking ulo.

"Ah buti naman at nagkita tayo dito, hindi na rin kasi kita maintindihan eh. Ang tagal mo ng di nagpaparamdam saakin."

Imbes na sumagot ako ay yumuko nalang ako. Wala akong alam sabihin. Hindi ko din alam ang dapat kong sabihin. Nahihirapan ako. Hindi ko na rin alam kung napansin niya ang pamumutla ng aking pisngi.

"I don’t know what was your problem. I was waiting for your call text or even your pm's. But i haven’t received any of those this past week. I wasn’t aware of what you are doing or what could possibly happen to you. But if you dont want to give me the right to know. I just wouldn’t let my self ask too much. I think your thinking something. i don’t know but probably its about us. I just want you to understand that in spite of my busy life I still don’t forget you." Ang sabi niya.

"Im sorry Dennise. Busy lang ako. Hindi ko na magawang mabuksan ang YM ko or makasagot pa sa mga tawag or text sa phone ko." Sagot ko sakaniya.

"Oh eh bakit ako nagagawan ko parin ng paraan?"

Kinakabahan ako hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin pag dumating nalang bigla si Charlene.

"Im sorry. Pasensiya kana Dennise. Babawi nalang ako sa mga pagkukulang ko saiyo."

"No its okay. I understand. Siya nga pala, invited ka ha." Marahan niyang sabi.

"Invited? saan?" Nagtataka kong tanong.

"Sa june 10. It's a double celebration." Natutuwa niyang sabi saakin.

"T-teka-teka. Ang pagkaka alam ko birthday mo sa june 12. Gagawin mo siya ng june 10?"

"Yup."

"A-ah. Eh ano naman yung isa? Wedding mo?" Pabiro kong tanong.

"Hell no.. Hahah. H-hinde. Ammm. its my despedida party."

"WHAT?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa aking narinig. Halos napatingin sa akin ang nga taong nasa loob pa ng simbahan dahil sa sobrang lakas ng aking boses.

"Yea. You heard it right." Natutuwa niyang sagot.

"P-pero. B-bakit?. I mean. S-saan ka pupunta?

"Im going to US. Doon na ako mag aaral."

"What? Eh pano na-"

Bago ko pa matapos ang nais kong sabihin ay muli nanaman niya akong sinupalpal.

"Shhh. Wag muna nating pag usapan yan. It wont help me." Seryoso niyang sabi. "Hindi mo ba napapansin, kanina ko pa pinipilit na maging matatag, Leo hindi madali para saakin ang mga nangyayari."

Napansin kong may kung ano nang namumuo sa kaniyang inosenteng mga mata.

"Mas lalong hindi magiging madali para saakin ang pag layo mo Dennise."

"I dont know Leo, pero sabi nila mas magiging okay ang buhay ko doon sa amerika. Wala akong magagawa." Ang sabi niya matapos siyang yumuko.

"H-hindi eh. Dennise kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin para lang mapigilan ka saiyong pag alis." Naiirita kong sabi.

"Hindi kaba masaya para saakin? Magiging masagana ang buhay ko doon kasama ang ate ko."

"P-pero pano ako magiging masaya kung lalayo ka?" Yumuko lang siya at hindi na sumagot "listen Dennise, Im not an idiot. I know how the world works, I only got ten bucks here in my pocket and nothing to offer you. And you know that."

"I understand."

"But im too involved now. If you jump i'll jump remember? I just can't turn away without knowing you'll be alright."

"I'll be fine Leo." Ang sabi niya habang pinupunasan ang luha na unti unting namumuo sa aking mata gamit ang kaniyang isang daliri.

"I dont think so."

"May isang linggo pa naman Leo. Marami pa ang pwedeng mangyari. Malay natin magiba ang ihip ng hangin at magbago pa ang isip ng ate ko."

Hindi ko na pinansin ang mga huling sinabi niya. Rinding rindi na ako sa mga nalaman ko. Hindi ako makapag isip ng maayos.

"D-Dennise, ano pa ang mga pwedeng pumigil sa pag alis mo?"

"Wala na. Okay na lahat ng mga papeles na kailangan. Hinihintay nalang ang araw ng aking pag alis. Maliban nalang kung makidnap ako hehe." Pabiro niyang sabi.

"Dennise lets go." Ang sabi ng boses galing sa aking likuran. Boses ng isang lalaki.

"Yes dad." Tugon ni Dennise. "So, pano mauna na ako. Gabi na uwi kana baka lamigin kapa dito." Ang sabi niya sabay kindat saakin.

Hindi ako nakasagot. Sinundan ng aking mga mata ang kaniyang bawat paghakbang palayo saakin. Bago pa siya tuluyang makalayo ay muli itong huminto at nagsabing.

"Hihintayin kita sa june 10. Kahit matapos na ang party hindi ako aalis dun hangat hindi ka dumadating." Ang sabi niya. kasabay ng kaniyang pagtalikod. Nagpatuloy na siya sa kaniyang pag lalakad palayo saakin kasama ang kaniyang ama.

Napaupo nalang ako sa sobrang sakit na aking naramdaman. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. May kasintahan ako pero nasasaktan parin ako ng malaman kong lalayo na ang isang babaeng halos ngayon ko palang nakikilala.

"Lets go hon?"

Mula sa aking pagkaka yuko, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Alam kong si Charlene ang kumausap saakin. Kaya kahit hindi ako nakatingin sakaniya ay sumagot na din ako.

"Tara." Ang sabi ko kasabay ng paghawak niya sa aking kamay at hinila ako patayo.

"Ang bigat mo." Ang sabi niya. "Oh, teka anong nangyari sa mata mo?" Nag aalala niyang tanong.

"W-wala. Napuwing lang ako. Namumula ba?"

"Oo, teka napuwing ka? Eh bakit may bakas ng luha saiyong mukha."

"H-hinde. I mean. O-oo may pumasok ng kung ano sa aking mata kanina kaya hindi ko napigilang mapaluha."

"Sigurado kabang na puwing ka lang kaya ka napa luha?" Tanong niya saakin.

"Oo, sigurado ako."

"Baka kasi may ibang nagpaiyak saiyo at hindi ka lang napuwing." Ang sabi nito kasabay ng pag talikod saakin. "Tara uwi na tayo, gabi na. Baka lamigin kapa dito."

Napatigil ako sa aking mga narinig at may kakaibang naramdaman. Hindi ko siya maintindihan sa kaniyang mga sinabi. Oh baka naman naiintindihan ko siya pero ayaw ko lang isipin na tama ang kutob ko. Nakita niya ba ako na kausap ko si Dennise? Kung oo, bahala na.

“Dennise's Point of View”

Dala ng matinding pagod bunga ng maghapong paglakad ko sa mga papeles para sa aking pagalis papuntang amerika ay hindi ko napigilang mapapikit lulan ng aming Ford Expedition na minamaneho ng aking ama.

Sa isang madilim na lugar sa San Jose Pampanga ay may isang sasakyan na humarang sa aming dinadaanan. BHigla ang preno ng aming sasakyan, muntik na akong mapasubsob dahil sa aking sobrang pagka-antok. Mga armadong lalaki ang bumaba buhat sa humarang na sasakyan.

"Baba!" Sigaw ng isa, kasabay ng pagputok nito ng baril.

Takot na takot na bumaba ang aking ama. Nang hatawin ito ng baril sa batok ay kaagad itong bumagsak at nawalan ng malay. Sumakay ang isa sa mga armadong lalaki sa driver's seat at ang dalawa naman ay lumulan sa aking magkabilang tabi.

"Sige! Andar!" Utos ng katabi kong lalaki sa gawing kanan. "Kidnap ito miss mallari. Ipatutubos ka namin sa halagang dalawampung milyon." Ang sabi nito saka tumawa ng garapal.

Bagaman nangangaykay pa ako sa takot ay si Leo agad ang lumulan sa aking utak. Naisip ko na marahil si Leo ang utak ng lahat ng nangyayaring ito para mapigilan ang aking pag alis. Maaring kunwari ay ipapakidnap niya ako pero ang totoo ay ibblak-mail lang ako para hindi na ako tuluyang makaalis.

"Bossing ang ganda niyan ah!. Tikman kaya natin? Sayang naman ang gandang yang kung hindi natin pakikinabangan." Sabi ng nagmamanehong lalaki habang parang hayok itong nkatitig sa akin sa rearview mirror.

"Yung kalsada ang tignan mo, ugok! Paspasan mo ng makarating agad tayo sa hideout! Para mapaligwak mo na ang init dyan sa puson mo!" Bulyaw ng lalaking nasa kanan ko.

Mas lalo pa akong nangaykay sa takot.

Doon naman ay may biglang humarang ulit na kariton sa aming dinadaanan. Isang karitong kahoy. Kasabay ng paglitaw ng isang pigurang hindi maikakailang si Leo.

Mabilis na bumaba ang demoniyong nagmamaneho ng sasakyan at binulyawan nito si Leo.

"Hoy tarantado ka ah! Nagpapakamatay kaba? Halika dito lumapit ka papuputukan ko ang bao ng ulo mo!"

Hindi na nag dalawang isip pa si Leo. Gamit ang kaunting nalalaman nito sa tae kwon do ay swerteng napatumba nito ang nagmamagaling na demoniyo sa pamamagitan ng sikad sa tadyang.

"Hindi kaya palabas lang ito?" Ang ko sa aking sarili.

Hangos na bumaba ang lalaking nasa kaliwa ko pero sinalubong ito ng tadyak sa panga ni Leo. Napahiyaw ako ng tulong ng mapasandal sa akin ang lalaki.

Biglaan ang mga nangyari. Nagpaputok na ng baril ang lalaking nasa aking kanan. Humagis si Leo sa sobrang lakas ng sikad ng bala. Dumapa si Leo sa maalikabok na buhangin at naghalo ang mapulang dugo nito sa lupa.

"Hindi na ito palabas lang." Ang sabi ko sa sarili ko. Kasabay ng aking pag tili "L-LEOOOO!!"

Nagmamadaling bumaba ang lalaki. Naka ngisi nitong sinunggaban ang buhok ng duguang si Leo at itinutok ang kaniyang baril sa pagitan ng kaniyang mga mata.

Muling akong nagsisigaw. "WAAAAAAAAAAAAG!"

Sa ospital na muling nagkamalay si Leo habang nasa tabi niya ako. Kagabi ay tamang-tamang dumating ang mga pulis bago nagawang kalabitin ng kidnapper ang baril na nakatutok sa pagitan ng kaniyang mga mata. Natimbrehan na pala ng mga maykapangyarihan ang mga ito. nadakip ang mga kidnappers na miyembro pala ng isang kidnap-for-ransom gang.

Sising- sisi ako kung bakit nagisip ako agad ng masama laban kay Leo, na ang taong magiging tagapagligtas ko pala.

Inoperahan si Leo dahil sa tama ng bala na tumagos sa kaniyang tagiliran.

"B-buhay paba ako?" Nanghihinang sabi ni Leo.

Napapitlag ako. "L-Leo, oo buhay kapa Leo." Nagiiyak sa tuwa kong sabi.

"Kung buhay pa ako bakit ganiyan ka kung maka atungal?"

"Ah basta, siguro gusto kong magiiyak sa tuwa." Yinakap ko ito ng mahigpit. Gusto ko na sanang bumitaw dahil baka mabintay ang sugat nito. Ngunit yakap parin niya ako.

"Kung mamamatay ako. Okay lang." Sabi niya "Hindi din naman nasayang ang buhay ko dahil naging pantubos ko ito sa buhay ng isang babaeng malapit sa puso ko."

"S-salamat." Ang sabi ko habang nakayakap parin ako sakaniya.

At ang lahat ng pagkasuklam na naipon sa aking dibdib para sakaniya anim na buwan na ang nakakaraan ay natunaw na parang bula. Ang pumalit doon ay paghanga at pagtanaw ng utang na loob. Kung tutuusin kahit ano pang dahilan ng pagliligtas ang ginawa niya saakin ay iisa lang ang suma niyon, nakaligtas ako.

Gayun paman ay mayroong katiting na katanungan ang aking puso na naghahangad ng malinaw na kasagutan.

“Leo's Point of view”

"Bakit ko isinuong ang buhay ko para saiyo Dennise. Hanggang ngayon ba ay hindi parin tapos ang katanungan na yan?" Tatawa-tawang tanong ko sa aking sarili.

"Oh bakit parang nababaliw ka na diyan at tumatawa ka ng mag-isa?" Ang tanong saakin ni Dennise.

"Ha? Ah, eh. W-wala may na-alala lang ako."

"A-ahh. L-Leo. pano ka napunta sa lugar na yun kung saan nangyari ang kidnapan?"

Muli akong natigilan ng marinig ko ang kaniyang tinanong. Hindi ko alam ang aking isasagot. Hangang ngayon ay hindi ko parin maamin sakaniya na may kasintahan ako ngunit may nararamdaman na rin ako sakaniya. Wala siyang ka-alam-alam na kaya ako nandoon sa lugar na yun ay dahil doon ang bahay nila Charlene at doon ko siya hinatid.

"Leo? Siguro ay pagod ka parin dahil sa iyong operasyon. Magpahinga ka na muna." Ang sabi ni Dennise.

"H-hinde, galing ako sa-"

Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay may pumasok na nurse para kunan ako ng dugo.

"Excuse me mam, kayo po ba ang asawa ng pasyente?" Tanong ng nurse.

"Ha?" Ang sagot ni Dennise.

"Pinapatawag po kayo dun sa counter may kailangan lang po kayong pirmahan."

"Ha? Ah-ah. Okay." Napipilitang sagot ni Dennise habang nakasimangot na tumingin saakin.

"Okay lang yan Dennise. You go on, I'll be fine." Tugon ko sakaniya.

"No. Not without you."

"Listen Dennise. I'll be fine. Nothing bad will happen to me." Seryosong sagot ko. "Umuwi kana muna at matulog. Hindi kapa nakaka tulog ng maayos mula ng bantayan mo ako dito." Ang sabi ko habang napapa ngisi sa sakit ng tusok mula sa karayom.

"Are you sure?" Ang tanong niya.

Tumango lang ako at nginitian ito.

"Okay I'll be right back." Ang sabi niya kasabay ng pag talikod mula saakin.

Bago pa mabuksan ni Dennise ang pintuan ng kwarto sa ospital ay bumukas ito ng mag-isa.

"I'm sorry."

"Who are you?"

"Who are you?"

No comments:

Post a Comment