Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ikalimang kabanata "Sakripisyo"

Two weeks later

"Bless bless! Prof bless!!"

"Devo devo! High wizard devo!!"

"Asura! Prof prof prof!!"

"Bragi bragi!!"

"LP LP LP!!"

"Bragi bragi! Bless bless na dispell ako!!"

"STAAAAAAAATUS CHRAGIS NAMAN OH STAAAAAAAAAAAAAT PROF STAAAAAAAATUS!!!!!"

Yan ang mga salitang malakas at pasigaw naming sinasabi nang mga teamates ko sa regionals, halos mawasak ang buong shop sa lakas ng sigawan naming. Kasalukuyan kaming nag ppraktis ngayon sa shop na pinag t-trabauhan ko, gamit namin ang isang praktis server na ginawa ng mga kaibigan ko na base na din sa tema ng paparating na RPC Regionals.

Masaya kaming naglalarong magkakasama ang iba ko ngang kakampi ay galing pa ng Maynila, nagpunta pa ng Pampanga para makapag praktis kami ng sama-sama. Isa si Popo sa mga ka kampi ko, ibang klase mag laro ng champ si Popo kaya siya ang napili naming maglaro ng champ. Tungkol doon sa tampuhan naming, hindi na nabuksan pa iyon at maayos naman kaming nag uusap ngayon. Parang normal lang tulad ng dati.

Halos dalawang lingo na din ang lumipas mula ng huli kaming mag kita ni Pat, nang mag yayang umuwi na si Charlene ay hindi ko na nakuhang bumalik pa kung saan ko iniwan si Pat. Hindi ko alam kung gano pa siya katagal nag hintay oh kung umalis din siya sa sobrang inip na niya. Mula din sa araw na yun ay hindi na rin siya nag paramdam. Walang text at walang tawag galing sakaniya, pag ako naman ang tumatawag hindi ko siya ma kontak.

Hindi ako maka tulog sa gabi dahil siya lagi ang pumapasok sa isip ko, pag kasama ko ang kasintahan ko iniisip ko na sana si Pat ang kasama ko. Gustuhin ko man na puntahan siya pero iniisip ko marahil ay naka alis na siya papuntang Amerika. Sayang naman at sandali lang kaming nagkasama, sana maging masaya siya sa buhay niya sa Amerika.
"Brrr..brrr.."

"Brrr..brrr.."

"Brrr..brrr.."

"Anak ng pipi't bulag ay bingi!” Six missed calls sino ba tong tumatawag pa saakin ng alauna ng umaga. Tinignan ko ang number. Hindi ko kilala ang number na tumatawag. Ilang Segundo pa ay muli itong tumawag.

"Brrr..brrr.."

Calling... 091963557**

Pagkasagot ko.

"Mmmm?"

"Hello Leo."

"Oh?" boses ni Pat to ah, pero bakit parang..

"Puntahan mo ako dito sa mcDonalds Intersection ngayon na." Malumanay pero matigas na bangit ng babaeng kausap ko

"At bakit ko ito gagawin, sino ka ba sa tingin mo ha."

"Patricia."

"PAT?! Pero akala ko ba-"

*Toot...tooot...tooot...* Tunog ng naputol na liniya ng telepono.

Binaba na niya ang telepono, walang dalawang salita ay dali-dali akong tumayo palabas ng shop pra tumungo sa lugar na sinabi niya. Nag tataka ang mga kasama ko sa aking pag mamadali, nag tatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na nakuhang nakasagot pa dahil sa sobrang pag mamadali.

Sa pag kakataong ito hindi ko na sasayangin ang oras at panahon, alam ko ito ay pwedeng maging pangalawa at huling pagkakataon na makasama ang babaeng hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman para sakaniya. Para bang kahit anong oras ay maaari na siyang umalis at hindi na muling babalik pa.

Maya-maya pa ay nandito na ako sa lugar na sinabi niya, sinipat ko muna ang lugar. Dahan-dahan na nag lakad palapit sa mismong pintuan at hindi ako nag papahalatang hinahanap ko siya. Wala na masyadong tao pero hindi ko siya makita sa loob, nag punta ako sa gilid ng McDo at nag baka sakaling dun siya pumwesto. Maya-maya pa ay may nakita akong isang babae na maikli ang buhok, marahil si Pat na nga ito. Kahit naka talikod lang siya ay umaapaw parin ang liwanag ng aura niya. Ibang klase ang dating ng babaeng ito kumpara sa ibang normal na babae.

Ilang sandali pa ay binablak ko na siyang lapitan.

Hindi ko kaya, kinakabahan ako. Umatras muna ako at hinanap ko sa bulsa ko ang kalahating kaha ng marlboro lights, kumuha ako ng isang istik itinapat ko sa aking bibig at naki sindi kay manong guard. Habang hinihit-hit ko ang sigarilyo na pinaniniwalaan kong mkakapag-paalis ng aking kaba sa mga oras na ito ay nakipag kwentuhan muna ako kay manong guard.

Tinanong ko siya kung kanina pa nandun ang babaeng may maikling buhok sa gilid ng mcDO. Ayon kay manong guard ay halos ka dadating lang daw at kausap niya ito kanina, nag tanong din daw ang babae sakaniya kung ano ang eksaktong adres at tawag sa mcDo na ito. Marahil ay hindi nga taga dito ang babae kaya hindi niya kabisado ang pangalan ng mga lugar. Sinabi ni manong guard na nasa mcDo intersection nga ang babae.

Hindi nagtagal ay isang hithit nalang at mauubos na ang yosi ko, hinithit ko na ito at dinikdik sa ash tray. Kumuha ako ng isang pirasong candy na monami sa aking bulsa, mabilis na binuksan at isinubo. Ang candy kasing ito ay mabango at mabilis na makapag pa alis ng amoy yosi. Yun ang paniniwala ko.

Maya-maya pa ay tumungo na ako sa gilid ng mcDo, habang dahan-dahan akong papalapit sa babaeng nakaupo ay tila isang tambol na mabilis na hinahampas ang pintig ng puso ko. Nangingig ang aking mga kamay pero bakit nga ba ako kinakabahan, dahil ba nangako ako na babalikan ko siya nung una kaming magkita o dahil may kakaiba na akong nararamdaman sa kaniya. Kung ano man yun ay hindi ko alam ang dahilan pero kailangan ko siyang puntahan.

"Pat..." Ang sabi ko nang makalapit ako sakaniya.

"Oh, Leo. Umupo ka."

Kanina ko pa napapansin si Pat na nag iba na ang tawag saakin, dati kuya ang tawag saakin pero ngayon ay isang tuwid na Leo na ang naririnig ko sakaniya.

"Tatayo ka nalang ba diyan ha Leo? Umupo ka nga."

Ang tanga ko talaga, nawala nanaman ako sa sarili ko, tumunganga nanaman ako sa harap niya. Dahan-dahan kong hinila ang stainless na upuan at umupo dito.

Hangang ngayon ay pangalan palang niya ang tanging nabangit ko. Hindi ko mapigilang tumunganga sa harap niya dahil sa taglay niyang sobrang ganda. Lalo pa siyang gumanda sa suot niyang puting headband at simpleng puting t-shirt.

"Kumain kana ba Leo?" Taas kilay niyang tanong. Napansin yata niya na nakatitig ako sakaniya.

"Ha? Ah, eh. Hindi pa. Este! Kumain na, oo kumain na." Nauutal kong sagot.

"Ha? Ah, eh. Puro ka ha? Ah, eh." Naka simangot niyang sabi.

"Hehe, bakit mo nga pala ako pinapunta dito Pat? Akala ko ba aa-" Dahan-dahan siyang yumuko kaya natigilan ako. Unti-unti kong napansin ang maliliit na butil ng luha na nabubuo sa kaniyang mata at handa ng tumulo papunta sa kaniyang makinis na pisngi. Nanatili kaming tahimik at hindi na ako nag salita pang muli.

Nakatingin lamang ako sakaniya habang pinagmamasdan ang kaniyang pagluha. Tinangka kong tumayo para patahanin siya, pero bago pa ako maka tayo ay sineniyasan na niya ako na wag tatayo. Wala akong magawa kundi umupo nalang ulit at maghintay ng susunod na mangyayari.

"Leo." Humihikbi niyang sabi.

"Mmmm?"

"Anong gagawin mo pag sinabi kong mahal kita?" Diretsong tanong niya.

Biglang huminto ang aking mundo, parang ang lahat ng bagay sa paligid ko ay hindi na gumagalaw. Para bang binigyan ako ng pag kakataong makapag isip.

"anong gagawin mo pag sinabi kong mahal kita?"

Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang tanong niya. Hindi ito simpleng tanong lang. Hindi ko alam ang aking isasagot, hindi ako makapag isip ng maayos hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng nangyayari.

 Ang buong akala ko ay sa pelikula lang nina sharon at gabi nangyayari ang mga eksenang tulad nito, pero mali pala ako. Dahil pati pala sa totoong buhay ay nangyayari ito.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Ha? Ah, eh. Malabo mangyari iyon dahil may boyfriend ka hindi ba?" Ang sagot ko habang naka yuko.

"Bakit Leo Ogam. Masama o bawal bang magka gusto sa iba?" Taas kilay niyang tanong. Habang inaayos ang kaniyang headband.

Napaka ganda talaga niya. Hindi ko maiwasang tumitig nalang sa namamaga niyang sinkit na mga mata, dahil sa ka-iiyak.

"Hindi masama na magkagusto ka sa iba Pat, normal lang na mangyari iyon sa lahat ng tao. Sayo, saakin. Lahat pwedeng maramdaman ang nararamdaman mo.” Ang sabi ko. “Ang hindi lang tama doon ay kung makikipag relasyon ka sa iba, habang meron ka ng kasintahan."

"Eh pano kung sabihin ko saiyo, na nakipag hiwalay na ako sa nobyo ko. At nandito ako para saiyo." Ang sabi niya sa kaniyang buong boses.

Hindi ko kayang paniwalaan ang kaniyang mga sinabi, dahil sa dami ng pumapasok sa aking isip. Nanatili akong tulala. Matagal bago ako muling nagka lakas ng loob para mag salita.

"P-para saakin?!"

No comments:

Post a Comment