Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-siam na kabanata "Malas."

Tatlong araw na din ang nakalipas matapos kaming matalo sa RWC Regionals, hangang semis lang kami at nalaglag na agad. Nasayang lang ang lahat ng aming pinaghirapan at pinagpuyatan sa kaka praktis ng laro.

Masyado kong dinibdib ang aming pagkatalo, hindi ako makatulog sa gabi dahil sa kaiisip, dahil lang sa isang maliit na pagkakamali namin na naging dahilan ng pagkatalo namin. Nakaka inis talaga! Ang akala naming lahat ay malakas na kami at kaya na namin ang mga makakalaban namin. Masyado kaming naging kampante sa aming sarili.

Nagkamali kami, tatlong araw na din pala akong hindi nag lalaro ng Ragnarok kahit silipin ang valkyrie ay hindi ko magawa sa sobrang pagka dismaya sa nangyari. Yung sage ko hangang ngayon hindi pa umiilaw, hay ganiyan talaga ang buhay. Syempre hindi pa naman dun nag tatapos ang lahat ika nga nila.

Tatlong araw na din pala ang nakalipas nung makilala ko ang isang babae nagbigay saakin ng kakaibang kilig. Napapangiti nalang ako mag isa pag naaalala ko ang mga kapalpakan na nagawa ko nung ipakilala siya saakin. Parang isa akong baliw na naka tunganga at maya maya lang ay ngingiti at tatawa. Hay nasan na nga ba ang babaeng yun. Nasan na nga ba si Dennise? Wala na akong balita sakaniya mula ng naglaho siya na parang bula.

Parang magic, parang panaginip, parang pelikula, napaka eksakto naman ng pagkawala niya, kung kailan may pagkakataon na akong kausapin siya ay bigla naman siyang nawala. Naguguluhan parin ako hangang ngayon pag na aalala ko yung bigla niyang pagkawala, hindi ko parin alam ang dahilan ng pagkawala niya. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Napapa isip tuloy ako ngayon kung totoo ba siya o isang day dream lang? Malabo naman siguro yun dahil nahawakan ko naman ang kaniyang malambot na kamay.

Nakakainip naman dito sa shop, sawang sawa na akong makita ang mga mukha nila Popo at Bangs. Nagugutom ako, bibili muna ako ng pagkain sa labas. Nakapormang tatayo na sana ako ng biglang may nag buzz sa YM ko. Bumalik ulit ako sa aking kinauupuan at tinignan kung sino ang nag buz.

"BUZZ!!!" Hindi ko siya kilala, wala siya sa mga list ko.

"?" matipid kong sagot. Kailangan kong sumagot baka kasi importante, at para malaman ko na din kung sino siya.

"Densie: mag online ka sa valk please. Pinag tutulungan kase nila ako dito. Kanina ko pa pm ang ingame name mo kso offline e."

"Leo: ha? ah eh, sino ka po ba? Magkakilala ba tayo pre? Wala ka kase sa list ko eh."

"Densie: Pre amf! Mukha ba akong pre ha?! Kung ayaw mo akong tulungan edi wag! Leche!"

Nak ng tatlong baluga naman oh, badtrip kana at lahat lahat may makaka usap kapa na kasing demanding ng isang to, sinabihan pa akong leche? Ang saya naman nun, lalayasan ko nalang sana ang kausap kong ito kaso hindi pa malinaw kung sino siya, kaya minabuti ko na ding kausapin siya.

"Leo: excuse me lang ha, alam mo badtrip ako ngayon eh, ayaw ko sanang madagdagan pa. Malay ko ba kung babae ka eh wala ka nga sa list ko, syempre hindi ko makikita ang pic mo dba?" Pinipilit ko na mag type ng mahinahon.

"Densie: eh pano mo naman nasabing pre ako kung hindi mo pala alam kung lalake ako o babae?!"
"Densie: alam mo ang dami mo pang sinasabi e. Kung gusto mo akong tulungan mag online ka sa valk!"
"Densie: kung ayaw mo wag nalang!. Bading ka yata eh ayaw mo akong tulungan!."

Sunod sunod niyang pag sabi, may pagka pilosopo pa pala tong isang to. Napangiti nalang ako bigla, naisip ko kase kung pano kaya siya mag type? Siguro halos masira na ang keyboard niya sa sobrang inis.

"Leo: hehe sensiya na pre. Gutom na ako at wala akong panahon makipag lokohan saiyo. As I said badtrip ako. Sige. Brb." Sira ulo yata to. Napaka demanding kung magsalita, feeling naman niya. Parang si ano nung una kong makausap.

Hindi ko na ulit tinignan ang monitor ng pc ko sa sobrang inis, tumayo na ako pra lumabas at kumain. Ngunit bago ako makalapit sa pinto ay nadaan ko itong sina Popo at Bangs na abalang abala sa kaka chat. Hinayaan ko nalang sila at hindi ko nalang sinabing kakain ako dahil pag nagkataon eh gagastos lang ako.

Mga ilang minuto pa ay nandito na ako sa mcdo, malapit lang naman ito sa shop na pinag ttrabauhan ko kaya pwedeng pwedeng lakarin nalang. Mag isa lang akong kumakain habang pinag mamasdan ang mga estudyante sa paligid, ibat ibang uniporme ng ibat ibang eskwelahan, pero mas madami ang mga estudyante ng UA. Dito kase ang tamabayan nila. 'University of Assumption’ ang pinaka sikat na eskwelahan dito sa san fernando napaksimple lang ng buhay diba? Cheeseburger, fries, cokefloat lang ok na ako.

Ilang minuto pa ay natapos na din akong kumain, tinignan ko ang oras sa aking telepono. Alas nuwebe na pala hindi ko namalayan ang oras, nakaka libang kasi na pagmasdan ang mga tao sa paligid na walang hinto sa pag galaw. Saktong ibubulsa ko na ang aking telepono ng bigla itong mag tumunog.

“Pika pi- pika chu!” Tunong ng telepono ko, text pala. Binuksan ko ito agad at nanlaki nalang ang aking mga mata sa nabasa.

"Leche! Wala kang kwentang tao. Hindi mo man lang ako tinulungan! Ang sama mo!" Pikon na pikon ako sa aking mga nabasa wala akong oras na sinayang at dali dali akong nag reply ng biglang

"Unable to send message, you do not have enough load to complete this transaction. Please reload immediately."

Badtrip naman talaga o bakit globe pa ang ginamit na pang txt, lumabas na ako at naghanap ng pwedeng mapag load-an ng sun.

"Manang paload po regular yung bente lang."

Ilang minuto pa ay natangap ko na ang load. Dali dali kong idinial ang number ng nagtxt skin at tinawagan ito.

Brr.. Brr..

"Sagutin mo na dali. Leche pala ako ha? Malalaman mo ngayon kung pano ako mag trash talk! Kanina kapa eh nakaka dami kana BOHAHAHA!"  Ang sabi ko sa aking sarili.

Ang tagal bakit ayaw niyang sagutin ngayon? Hindi nga yata ako nagkamali ng pag kakatawag sakaniya kanina ng 'pare' BOHAHAHA Chixilog siya! Pagpapatuloy ko pa.

"Hello?"

Isang nakaka binging katahimikan ang bumati saakin ng marinig ko ang kaniyang mahinhin na boses, napaka pamiliar ng boses niya at hinding hindi ko malilimutan ang boses ng isang anghel na tulad nito. Narinig ko na ang boses na ito maliban sa umiiyak nitong tono. Napa simangot nalang ako at pilit kong iniisip kung saan ko ba narinig ang boses na ito.

"Mm? Magssasa..lita kk..ka ba oh ibababa ko ito?" Nanginginig ang kaniyang boses. Sa pagkakataong ito hindi ako natunganga o natigilan. Sinadya kong hindi talaga magsalita dahil pilit kong kinikilala ang kaniyang boses.

"Kilala ba kita miss?"

"Oh bakit ngayon miss na tawag mo saakin?"

"Miss pwede ba sabihin mo na kung sino ka? Hindi yung iniiba mo pa ang usapan."

"Bakit ba ang sungit mo ha?!"

Amf naman ako pa ngayon ang napagsabihan ng masungit!

"Ha? Ah eh, pasensiya kana kanina miss. Hehe sino ka po kase? Miss?" Naiirita kong sabi pero pinaparamdam ko parin sakaniya na hindi pa ako na iinis.

"Plastik mo amf!" Natatawa na niyang boses.

Grabe naman tong babaeng ito wala yata talagang balak mag pakilala.

"Ehe. Ehe. Ehe. Ang plastik ko nga. Wala ka ba talagang balak magpakilala? Kase kung wala sabihin mo lang pra hindi na ako nakikipag ga guhan saiyo." Pikon ko ng sabi.

"Sungit na snob pa pikon pa! Leche, ako ito si-"

Anak ng malas nga naman sasabihin nalang ang pangalan nawalan pa ako ng load! Ang dami pa kasing inaarte naubusan pa tuloy ako ng load malas naman talaga! Mabilis kong liningon ang pwesto ni manang na nag loload.
“Shet astig ang malas ko talaga at nag sara na sila manang. Bakit bente lang kase ang niload ko!” Napa buntong hininga nalang ako ng malalim, wala akong magagawa kundi bumalik nalang sa shop.

No comments:

Post a Comment