Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-anim na kabanata "Pag-pili."

Nakatitig parin siya saakin, habang nakataas ang isa niyang kilay. Ilang sandali lang ay unti-unti na namang tumulo ang kaniyang luha. Mga luha na hindi ko alam ang dahilan, hindi ko maipinta kung ito ba ay luha ng kagalakan dahil nasabi niya ang gusto niyang sabihin o luha ng pag sisisi sa kadahilanang baka maging mali ang kaniyang naging desisyon.

"Pero Pat. may girlfriend na ako, at hindi ko kayang iwanan siya ng ganun nalang." Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sakaniya, nanatili lamang siyang tahimik pero patuloy parin ang pag buhos ng kaniyang mga luha.

"Le-Leo." tumingala siya saakin at tumingin saaking mga mata. Bakas sa napaka ganda niyang mukha ang labis na kalungkutan.

"Pat, sobrang bait mo. Sobrang ganda pa, mayaman at may pinag-aralan. Nasasaiyo na lahat ng katangiang hinahanap ng isang lalaki. Kung nag kakilala sana tayo tatlong taon mula ngayon ay-"

"Leo. iniwan ko ang aking boyfriend dahil saiyo, iniwan ko siya dahil sa pag aakalang iiwan mo din ang girlfriend mo para saakin." mas lalong tumindi ang pagpatak ng kaniyang mga luha kasabay ng kaniyang paghagulgol.

"Pero pat-"

"Wala ng pero pero pa Leo, siguro nga nagkamali ako at minahal kita agad ng ganito." Ang sabi niya.

"Hindi ko kayang iwan ang girlfriend ko Pat, balikan mo nalang ang boyfriend mo. Hindi tama na iwan mo siya ng dahil lang sa akin. Hindi mo pa ako lubos na kilala Pat. Baka ang mga dahilan ng pag mamahal mo saakin ay puro kamalian lang." Seryosong pagkasabi ko sakaniya habang unti unti na ring pumapatak ang luha sa aking mukha.

"Leo-"

"Pat mahal din kita, minahal kita sa sandaling pag kaka kilala natin. Pero hindi tama kung ipag papatuloy ko pa ito. May babaeng nag mamahal saakin. Mahal ko din siya at ayaw ko siyang masaktan, hindi ko magagawa ang bagay na nagawa mo saiyong kasintahan."

Dahan dahan siyang tumayo at humarap sa akin, pareho kaming kinain ng katahimikan wala ni isa samin ang nag sasalita wala kaming ibang ginawa kundi ang mag tinginan. Maya maya pa ay binasag na niya ang katahimikang kanina lang ay halos ika bingi namin.

"Leo." Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay nang hawakan nito ang aking kanang kamay.

"A-ano yun Pat." Mas hinigpitan ko pa ang aking pagkaka-hawak sa kaniyang kamay, para bang ayaw ko na itong bitiwan pa. Matapos niyang tawagin ang aking pangalan ay nanatili nanaman itong tahimik kasabay nito ang pagtitig saaking mga mata.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan nitong inilapit ang kaniyang mukha saakin, nanatili lang akong tahimik at nag hihintay ng susunod na mangyayari.

Nagulat nalang ako ng maramdaman kong nagtagpo ang aming mga labi. Nais ko mang tumutol sa nakapang aakit na eksena ay hindi ko magawa, ipinikit ko nalang ang aking mga mata dahil alam kong wala akong lakas na pigilan ang damdaming nararamdaman ko ngayon.

"Pat-"

"Aalis na ako Leo" Naka yukong bangit nito kasabay ng mabilis niyang pag aayos ng kaniyang mga gamit at inilulan sa kaniyang malaking bag.

"Pero pat." Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay, hindi ko alam ang dahilan pero parang kinain ko ang lahat ng sinabi ko kani-kanina lang, ngayon ay parang ayaw ko na itong pa alisin pa.

"I love you so much Leo, goodbye and goodluck."

No comments:

Post a Comment