Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-limang kabanata "Berdeng unan"

"Bata extend kapaba?" Tanong ni Popo sa isang batang naglalaro.

"Kalahati pa po kuya.” Sagot nito.

Linapitan ko si Popo, tinapik ang kaniyang balikat at bumulong.

"Wag mo ng pag extend Popo." Mahina kong sabi.

"Tae bakit?" Tanong niya. Itinapat ko ang aking kaliwang kamay sa kaniyang tenga.

"Aalis ako." Ang sabi ko. Lumayo siya saakin at sumigaw.

"Edi umalis ka." Ang sabi niya ng natatawa.

"Gago ka ah."

"Hahaha joke lang, sige ako nalang mag babantay dito." Ang sabi niya matapos tumawa ng malakas.

"Sige. Ganito nalang wag mo nalang isara agad babalikan nalang kita." Ang sabi ko kasabay ng pagtapik ng kaniyang balikat.

"Osige sige layas na pre." Pagtaboy niya saakin. Agad naman akong pumayag.

Bago ako umalis tinignan ko muna ang orasan na naka sabit sa pader ng shop, alas otso na ng gabi. "Eksakto lang ang lahat sa plano."

Teka, plano? Anong plano? Ah oo nga pala bago kami tuluyang natulog kagabi ni Dennise, napag usapan pala namin na ngayon ko nalang siya ipag dadala ng pagkain.

Wala na akong sinayang na oras at inumpisahan ko ng maglakad papuntang Mcdo, malapit lang naman kasi ang mcdo mula sa shop kaya pwedeng lakarin nalang. Habang naglalakad ay napansin kong medyo makulimlim ang kalangitan, parang hindi sang ayon ang langit sa aking gagawin.

"Wag naman sanang matuloy ang ulan." ang dasal ko kay bro.

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa Mcdo dito sa may palengke, biyernes nga pala ngayon kaya madaming tao. Ang haba ng pila, siksikan ang mga estudyanteng nag-oorder din ng makakain.

Hinugot ko ang aking telepono mula sa aking bulsa para tignan ang oras, alas otso bente na medyo tumatagal na ako dito ang haba parin ng pila. Dapat mga alas nuebe nandun na ako sa bahay nila Dennise.

Hindi nag tagal ay isang tao nalang ang pagitan namin ng cashier, muli kong kinuha ang aking telepono at tinignan ang oras. Alas otso trenta na grabe sana umabot ako sa aming pinag usapang oras.

Ilang sandali pa ay natapos na ang babae sa aking harapan.

"Hi good evening sir ano po ang order nila?" nila? E mag isa lang ako. Haha. "Sir?" Ang sabi ng cashier.

"Ha?" nalang ang nasagot ko habang natatawa sa aking naalala.

"Order niyo po sir?"

Teka teka ano nga palang gustong kainin ni Dennise, hindi ko naman alam. Hindi ko din naman naitanong sakaniya. Bahala na.

"Ah bigyan mo ako ng tatlong Cheeseburger isang Large fries isang 1pc Chicken at isang Mcfloat." Teka teka bakit ang dami ata ng inorder ko.

"Cokefloat or strawberryfloat sir?" Tanong ng babae.

"Strawberry." Para pink haha.

"For dine-in or take-out sir?" Pahabol pa niyang tanong.

"Take-out." Ang sabi ko kasunod ng pagulit niya ng mga inorder kong pagkain.

"Okay ang order niyo po sir ay three Cheeseburgers one Large fries one 1pc Chicken one Mcfloat yung strawberry po."

"Oo."

"Okay that will be 269 pesos sir."

Inabot ko ang limang daang piso na natitirang kayamanan ko sa pitaka. Binigyan ako ng isang tray at isang number at dumiretso na ako sa upuan.

"Haaay." Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang tagal. Muli kong tinignan ang oras sa aking telepono mag aalas nuebe na nandito parin ako.

Hindi nagtagal ay may nakita akong papalapit na babae saakin dala-dala ang inorder kong pagkain, hindi pa man siya tuluyang nakakalapit saakin ay agad na akong tumayo para abutin ang dala nito. Halatang nag mamadali na talaga ako.

"Thank you sir come again." Ang sabi ng babae.

Sinuklihan ko lang siya ng isang ngiti. 'ngiting plastik' at agad na akong lumabas sa mcdo. Habang nag aabang ng masasakyan, nakita ko itong si Bangs.

"Anong ginagawa mo dito pare?" Tanong niya saakin.

"Nakatayo hindi mo ba nakikita?" Maloko kong sagot.

"Tae kahit kailan talaga hindi pa kita nakausap ng matino, ano ngang ginagawa mo dito, at-aba ang dami mong dala ah." Ang sabi niya matapos niyang tignan ang mga supot na bitbit ko.

"Nag aabang ako ng masasakyan." Sagot ko.

"Masasakyan? E diba doon sa kabilang sakayan ang mga jeep papunta kina Charlene?" Nagtataka niyang tanong.

Napahinto ako sa sinabi ni Bangs. Parang panandalian akong nawala sa realidad. Parang tama si Bangs. Hindi naman dito ang sakayan papunta kina Charlene. Pero hindi naman ako kina Charlene pupunta. Kina Dennise ako pupunta.

"Ah oo, alam ko. may pupuntahan lang ako." Ang sabi ko matapos akong tumahimik.

"Sino?" Tanong niya.

"Edi si-" Pabitin kong sagot.

"Si?"

"Edi si-kret. Asa ka. Bakit ko naman sasabihin saiyo." Hindi pa pala alam ni Bangs ang kung anong meron man kami ngayon ni Dennise. Hindi ko pa pwedeng sabihin sakaniya. Hindi pa panahon. Hindi pa ngayon. "Oh pre pano una na ako. Sakay na ako dito." Pagpapatuloy ko pa.

"Sige pare ingat."

----------

"Manong bayad po, st jude lang." Ang sabi ko sa drayber ng jeep kasabay ng pag abot ko ng bayad.

Pagkatapos kong magbayad ay ipinikit ko sandali ang aking mga mata, malapit lang naman ang pupuntahan ko pero mas okay siguro kung iiglip muna ako kahit sandali lang.

Maya-maya pa ay narinig ko ng bangitin ng drayber ang lugar na pupuntahan ko. "Meron bang St. jude dyan?" Ang sigaw ng drayber.

"Meron po, para manong." Ang sagot ko.

*Kulog at kidlat*

Parang may ibig sabihin ang kulog at kidlat na ito, dapat ba talagang hindi nalang ako tumuloy. Napansin ko kasing parang kanina pa may pumipigil sa pag punta ko kay Dennise. Kung ano man yun, bahala na.

Habang naglalakad ako patungo sa bahay nila Dennise ay lalong lumalakas ang kulog at kidlat. Hindi ko na ininda ang mga nangyayari. Nandito na ako at itutuloy ko na.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa tapat ng bahay nila, kinakabahan ako pangalawang pag kikita palang namin ito hindi pa ako sanay na makasama siya sa personal. Bahala na si batman kakapalan ko nalang lalo ang aking mukha. Kinuha ko ang aking telepono at tinext ko ito.

"Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo." Pagka send ko, mabilis akong nag tago sa isang puno malapit sa harap ng bahay nila.

Hindi nagtagal, may isang diwata ang lumabas sa bahay nila Dennise isang diwatang punong puno ng liwanag. Nginitian at kinawayan ako nito. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang kaniyang nakatutunaw na ngiti, hindi pala diwata ang nakikita ko ngayon sa aking harapan. Siya na pala si Dennise, mas lalo pa siyang gumanda kaysa nung una kaming magkita. Sumasabog ang kaniyang kagandahan sa kaniyang napakasimpleng kasuotan. Naka pang pang P.E T-shirt lang siya ng kaniyang eskwelahan at maikling shorts.

Hindi ko napansin na napakatagal ko na palang nawala sa realidad, ginising ako ng isang napakagaan na boses "Oh anong tinatago-tago mo dyan?" Malumanay niyang sabi.

"Ha? Ah, eh. sinong nag tatago?" Palusot kong tanong.

"Ikaw." Natatawa niyang sagot.

"A-ako? Nagta-tago? H-hindi no." Nauutal kong sabi.

Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kaliwang kilay at ngumiti saakin.

"Oh bakit parang nabubulol ka?" Ang tanong niya saakin. Hindi ko alam ang aking isasagot.

"H-hindi lang kasi ako makapaniwala na may kausap akong isang dyosa ngayon sa aking harapan." Naku patay saan ko galing ang sinabi kong iyon.

"Ay sus dumadamubs ka nanaman." Ang sabi niya kasabay ng kaniyang pag ngiti.

Halata yatang kinakabahan ako, dapat hindi niya ito mahalata. Kailangan kong maging kalmado. Relax.

"Oh bakit natigilan ka?" Ang muli niyang tanong saakin.

“Ha? Ah, eh." Ano ba yan nag rerelax palang ako eh. "Heto nga pala ang pagkain mo." Inabot ko sakaniya ang dala kong pasalubong.

Kinuha niya ito at nag pasalamat. "Thank you ha..." Ang sabi niya habang nakatingin sa sahig.

"Kanino ka nag thank you?" Tanong ko sakaniya. Ngumiti siya.

"Saiyo."

"Saakin?" Naka ngiti kong tanong. Bahagyang itinaas niya ang kaniyang dalawang kilay at sumagot.

"Oo"

"E bakit sa semento ka nakatingin? Hehe." Natatawa kong sabi.

"W-wala lang." Nauutal niyang sagot.

Sa puntong ito, pansin kong hindi lang ako ang kinakabahan. Pati siguro siya na iilang na din sa mga nangyayari.

"Pasok kana gabi na, baka lamigin kapa dito sa labas." Nag aalala kong sabi sakaniya. Tumingin siya saakin, tinitigan ako sa aking mga mata. Matagal bago siya muling nagsalita.

"Bakit aalis kana?" Malungkot niyang tanong.

"Oo, hindi ba usapan natin ihahatid ko lang yan tapos aalis na ako?" Ang sabi ko at nginitian siya.

"Pasok ka muna." Ang aya niya saakin.

"Baka magalit magulang mo eh." Sagot ko sakaniya.

"Wala naman tao eh." Ang sabi niya saakin habang unti-unting tumataas ang kaniyang kilay.

"Mas lalong hindi pwede. Baka anong isipin ng mga makaka kita sa pag pasok ko sa bahay niyo." Wika ko sakaniya habang kinukumpas ang aking mga kamay paturo sa direksyon ng mga katabing bahay.

Itinaas niyang muli ang kaniyang kaliwang kilay at bahagyang tumulis ang kaniyang nguso.

"Hello? Wala ka naman sigurong gagawing masama saakin no?"

"Natural wala no hehe" Ang sabi at marahan na liniitan ang aking mga mata.

"Oh yun naman pala eh, tara pasok ka muna, nag luto pa naman ako." Ang sabi niya saakin kasabay ng kaniyang pag simangot.

"Hindi talaga pwede. Oras na din, uuwi na ako baka maabutan pa ako ng ulan. At isa pa ang lamig dito sa labas baka ginawin ka." Ang sabi ko sa aking pag aalala.

Sumagot siya ng isang malalim na bungtong hininga, kasabay ng kaniyang pag upo sa may damuhan. "Haaay."

"Oh bakit, anong problema?" Ang tanong ko kasunod ng aking pagupo sa kaniyang tabi at sumandal sa isang malaking puno.

"Wala naman." Mahinhin niyang sagot habang kinakalkal ang hawak niyang supot ng pagkain na galing saakin.

Dahan-dahan siyang tumingin saakin at itinaas ang isa niyang kilay "Ang dami naman nito, balak mo ba akong patabain ha?" Mataray niyang sabi habang kitang kita ang naka simangot niyang mukha.

Sumagot lang ako ng ngiti, hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakikita ko ang maamo at napaka ganda niyang mukha na bigla nalang sumisimangot. Kahit naka kunot noo na siya at tumutulis na ang kaniyang nguso ay lalo parin siyang gumaganda.

"Hoy anong tinitingin tingin mo diyan?" Nakasimangot parin niyang tanong.

"Ha? Ah, eh w-wala wala..." Nauutal kong sagot.

"Hmmp. Wala-wala kapa dyan. Oh eto oh kain tayo..." Aya niya saakin.

"Hinde w-wag... Para saiyo yan...” Ang sabi ko habang pinipigilan siya gamit ang dalawa kong kamay. “Kung hindi mo mauubos ngayon edi mamayang bago ka matulog o pag ginutom ka..." Pahabol ko.

"Wow ang sweet mo naman, pero hinde. Dapat sabay tayong kumain, ayaw mong kainin ang linuto ko sa loob kaya ito nalang pagsaluhan natin..." Ang sabi niya habang iniabot saakin ang isang pirasong cheeseburger at kumuha pa ng isa para sakaniya.

Inagaw ko ang hawak niyang isa pang cheeseburger. Napatingin siya saakin, marahil nag tataka siya kung bakit ko ginawa yun.

"Bakit?" Ang tanong niya saakin. Ngumiti lang ako sakaniya at hindi na nagsalita.

Inalis ko ang nakabalot na papel dito at inabot ulit ito sakaniya. Napansin kong nakatingin parin siya saakin. Nginitian ko ulit siya sinuklian din ako nito ng isang napakatamis na ngiti.

Magkasabay naming kinain ang dala kong pagkain, habang nginunguya ko ang aking tinapay ay may napansin akong kakaiba sa pagkain niya ng cheeseburger.

Imbes na kagatin nito ang tinapay ay kinukurot muna niya ito sa ilang piraso atsaka palang niya ito kakainin. Dito ay hindi ko na naman napigilan na mapahinto at mapatitig sakaniya.

"Bakit ba ganiyan ka kung makatingin ha? Halos malusaw na ako dito ah..." Nakangiti niyang sabi.

"Ha? Ah, eh w-wala lang... May napansin lang kasi ako sa pagkain mo ng cheeseburger.” Sagot ko. “Bakit hindi mo nalang kagatin agad?" Pahabol kong tanong.

"Minsan kase sumasabit ung meat sa braces ko, nakakahiya naman siguro habang nakikipag-usap ako may kung anong ewan na pala sa ngipin ko diba?" Ang sagot niya kasunod ng aming malakas na tawanan. Ilang sandal pa ay bigla kaming nahinto.

Katahimikan ang bumalot samin matapos ang aming maingay na tawanan. Napansin kong lumalalim na ang gabi kaya nag aya na akong umalis.

"Dennise... Gabi na baka lamigin ka pa dito sa labas, pumasok ka na kaya?"

Habang hawak ang plastik na basong wala ng laman ay marahan siyang tumingin saakin.

"Aalis ka na?" Malumanay niyang tanong.

"Oo, sana..."

"Wag muna, tara sama ka saakin." Ang sabi niya kasunod ng kaniyang pag tayo.

"Saan?" Patanong kong sagot.

"Basta tara sa likod ng bahay tara tara..." Nagmamadali niyang sabi habang hinihila ako patayo mula sa damuhan na kanina lang ay aming kinauupuan.

Gustuhin ko man na pigilan siya ay hindi ko magawa, kaya agad din naman akong sumama dito.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa likod ng kanilang bahay. Dito tumambad sa akin ang isang napakagandang batis. Kahit gabi na ay maliwanag parin ito gawa ng mga alitap-tap na animoy nag sasayaw sa mga puno malapit sa batis.

"Dito ako pumupunta pag malungkot ako, okaya pag gusto kong mapagisa." Seryoso niyang sabi habang nakahawak sa isang dulo ng duyan na nasisilungan ng isang napakalaking puno ng manga.

Katahimikan lang ang aking naisagot. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang natutulog na batis.

Humiga ito sa duyan na gawa sa fishnet na may isang kulay berdeng unan. Wala paring nagsasalita sa aming dalawa. Pawang ang mga mata at puso lang namin ang nagkakaintindihan sa puntong ito. Umupo ako sa duyan kung saan siya ay naka higa habang hindi naaalis ang aking pag titig sa kaniyang mga mata.

Hindi nagtagal ay ako na mismo ang bumasag sa katahimikan. Dahan dahan kong hinawakan ang isa niyang kamay, inilapat ang aking palad sa kaniyang palad at pinuno ang bawat espasyo sa pagitan ng kaniyang mga daliri gamit ang aking mga daliri, habang patuloy parin ang pag uusap ng aming mga mata.

"Dennise...." Malumanay kong sabi.

Imbes na sumagot ay mas pinili  niyang tumahimik nalang. Hinihintay ko siyang sumagot bago ako muling magsalita. Nang mapansin kong iginalaw niya ang kaniyang ulo taas baba, ay nalaman kong yun na ang hudyat para simulan ko na ang sunod kong sasabihin.

Huminga ako ng malalim, tinitigan siyang mabuti. Ipinikit ang aking mga mata at agad din minulat. Huminga ulit ng malalim bago nagsalita.

"Dennise...i-"

"Ay shit bilis takbo!" Natataranta niyang sabi, habang mabilis naman akong tumayo.

Tumakbo kami pabalik sakanilang bahay na magkahawak parin ang aming mga kamay, kasabay ng aming walang tigil na tawanan.

"Grabe akala ko kung ano yun." Hinihingal niyang sabi. Tumawa lang ako ng malakas.

"Oh sige na, pumasok kana basang basa kana sa ulan." Natatawa kong sabi habang na aalala ko ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang humahalakhak sa tawa.

"Oh eh ikaw, pano ka?"

"Uuwi na."

"E ang lakas lakas ng ulan uuwi ka?" Nag aalala niyang tanong.

"Mabuti pang hindi na ako si superman kung tatablan lang ako ng ulan." Nagmamayabang kong sabi sakaniya.

"Sus may alam kapang pa superman-superman diyan." Taas kilay niyang bangit. "Hintayin mo ako kukuha ako ng payong." Ang sabi niya habang nakapormang papasok na sa loob.

Hindi ko binitawan ang kaniyang kamay na kanina ko pa hawak-hawak. "Wag na okay lang ako." Wika ko sakaniya. "So pano una na ako."

Dito ko na binitiwan ang kaniyang kamay. Nang tuluyan ng maghiwalay ang aming mga kamay ay agad na din akong tumalikod papalayo sakaniya kasabay ng malakas na pagsigaw saakin ng ulan. Walang parte ng aking katawan ang hindi basa dahil sa galit ng ulan.

Bago pa ako tuluyang makalayo, muli niyang tinawag ang aking pangalan.

"Leo."

Mabilis kong iniikot ang aking ulo papunta sa kaniyang direksyon, nakita ko siya na naglalakad at sinusundan ako. Yinakap niya ako ng mahigpit at isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Hindi parin humihinto ang kalangitan sa pagbuhos ng ulan.

Yinakap ko rin siya ng mahigpit at bumulong.

"Dennise.."

Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin saakin at inilapat ang kaniyang hintuturong daliri sa aking mga labi.

"Shhh. I know." Ang bulong niya saakin. habang mas lalong lumakas ang pag buhos ng ulan.

No comments:

Post a Comment