Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-apat na kabanata "Telepono."

"Alt + f4" Matapos kong mabasa ang huling sinabi ng novice na babae sa likod ng clock tower ay bigla nalang gumalaw ng mabilis ang aking mga daliri, napaka bilis, walang kontrol, tila hindi man lang ako nag isip at nagawa kong pindutin ang alt-f4 dahilan para maka log out ako sa aking linalaro.

Napayuko ako sa harap ng aking kompyuter, at inilapat ko ang aking mga kamay sa aking mukha.

"Bro tulungan mo ako bro" Ang sabi ko sa sarili ko.

Posible kayang si Pat nga yun? Si Pat na parang isang anghel na minsan ng nagtapat ng kaniyang damdamin saakin? Grabe feeling ko talaga isa akong sikat na artista pag na aalala ko ang mga panahong yun. Pero mabalik nga tayo sa nangyari kanina, isang saksakan ng noob na babaeng novice ang kumausap saakin, na dala dala ang pangalang 'Patzilicious'. Posible nga sigurong siya si Pat, kase unang una pangalan palang magkatunog na ang pangalan ng novice at ni Pat. Pero hindi rin, kasi sa sobrang dami ng may pangalan na Patricia sa mundo maaari din na kapangalan nga lang niya yun.

"Oo tama hindi nga siya yun." Ang sabi ko sa sarili ko kasabay ng paghampas ng keyboard.

Pero posible talagang siya yun eh, kase pangalawa sak-sakan siya ng noob. Wala siyang ka alam alam sa larong linalaro niya. Never pa namang nasabi ni Pat na naglalaro siya ng ragnarok nung magkasama pa kami. Kaya posible talagang siya yun! Pero hindi rin, hindi, hindi maaari yun kase bakit naman pag aaksayan ng panahon ni Pat ang larong ragnarok hindi ba?

"Hahaha! Tama hindi nga siya yun." Pasigaw kong sabi.

Ngunit...

Flashback

"Patzilicious: Ang hirap naman pala, ang buong akala ko magiging madali lang ang lahat ng to."

"Chung E: Malawak po ang mundo ng Ragnarok ate, mahihirapan ka kung mag isa ka lang at walang kakilala."

"Patzilicious: Sa tingin ko nga po eh. Nag babaka sakali lang naman po kase ako na makita ko dito yung isang kaibigan ko."

"Chung E: Eh bakit hindi mo muna siya kontakin tapos magkita kayo ingame diba?"

"Patzilicious: Wala na po akong koneksyon sa kaniya eh. Kaya nga nagbaka sakali ako na dito ko siya makita."

End of flashback.

Patay maaari kayang pagaksayahan ng panahon ni Pat ang ragnarok para saakin? At kung si Pat nga yun maaari kayang ako ang tinutukoy niyang gusto niyang makita?

"Imposible."

*Kiriririririirng!... Kiriririririirng!..."

*Kiriririririirng!... Kiriririririirng!..."

"Aano ba yan, ang tagal mo naman sumagot." Ang sabi ko habang papahiga sa sofa na mahaba sa aming sala.

"Hello, sino to?" Inaantok na sabi ng babae sa kabilang linya.

"Ay, hello po magandang gabi po, pwede po kay Dennise?" Medyo na iiliang kong pagkasabi

"Wala siya, umalis nag lakwatcha." Sagot niya.

"Ha? ganon po ba, ang sabi po kase niya tawagan ko siya pag uwi ko."

"Wala nga siya umalis, sino ka ba?" Masungit niyang tanong.

"Ah kaibigan niya po ako, sige po salamat. pasensiya na po kayo." sungit naman nito "Amm. Excuse po sino po kayo?"

"Mommy niya ito." Ah mama pala niya, naks nakausap ko na ang mommy ni Dennise.

"Ah okay po salamat po ulit, bye." Malumanay kong sabi. Saktong ibababa ko na ang telepono ay biglang sumigaw ang babae sa kabilang linya.

"HOY! Ano kaba! Ako ito no!" Pasigaw niyang sabi.

"Dennise?"

"Oo sino pa? Ang tagal mong tumawag nakatulog na tuloy ako."

"Amp. Paniwalang paniwala mo ako dun ah hehe." Natatawa kong sabi.

"Ikaw pa eh napakadali mo lang naman utuin eh hahaha." Malakas na tawa niyang pagka sabi. Anong akala saakin ng babaeng ito uto-uto?

"Ganon, hindi naman eh. Bakit mo nga pala ako pinatawag?" Patanong kong sagot.

"Wala lang naiinip kase ako eh, bakit ayaw mo ba. Sige bye." Mabilis niyang pagkasabi.

"Aw teka lang naman, ang bilis naman maginit ng ulo mo." Grabe napaka moody ng kausap kong to.

"Hinde joke lang yun eheh." Ang sabi niya sa kaniyang makulit na boses.

"Buti gising kapa? Hindi kapa ba inaantok?"

"Panong hindi ako magigising eh ginising mo ako." Ah sabagay tama nga naman siya, pero malay ko ba. Siya nga itong nag papatawag pag uwi ko, kaya ginawa ko lang. "Ikaw kumain kanaba?" Tanong niya sa kaniyang malambing na boses.

Naks tinatanong pa ako kung kumain na ako, ano nga bang sasabihin ko. Hindi pa naman talaga ako kumakain so natural sasagot ko hindi pa. Pero kahit na kumain na ako siyempre sasabihin ko hindi pa para sabihin niya na kumain na muna ako. Kase nandun ung 'care' haha.

"Hoy, nauna kapa yatang natulog saakin ah."

"Ha? Ah eh, hinde hinde gising pa ako. Kumain? Hi-hindi pa. Hindi pa ako kumain." Nauutal kong sagot.

"Ah Okay."

Awww! Nasan na yung hinihintay kong sasabihin niyang kumain na muna ako, akala ko may care na wala pa pala.

"Ay akala ko sasabihin mo na kumain na muna ako."

"Wag na, wag ka ng kumain. Iiwan mo ba ako?" Ang sabi niya sa nakaka awing tono.

"Hinde ah, kahit mamatay na ako sa gutom okay lang basta hindi mo lang masabing iniwan kita. Ngayon pang mag kasama na tayo?" Ano daw. Ako ba ang nag sabi nun?

"Naks duma-damubs kapa. Pag namatay ka sa gutom sa tingin mo ba hindi mo ako iniwan nun?"  Natatawa niyang sagot.

"Oo nga no." Sagot ko. Nagtawanan kami ng malakas.

"Kumain kana nga, ganiyan ka pala mag salita pag nalilipasan na ng gutom." medyo natatawa niyang sabi.

Sa tono na boses niya ay parang may naramdaman akong kakaiba, tumagos ba ang mga sinabi ko sakaniya? Kung oo o hindi man, hindi muna ito ang panahon para sa mga bagay na yun.

Ilang sandali pa ay tumayo na ako para tumingin ng pagkain sa mesa, 'Lumpiang shanghai, Fried chicken, buko pie' ang nakita ko sa mesa, inisip ko kung ano ang pinakamabilis na kainin sa mga ito para hindi masayang ang oras.

"mini mini mayni mo" Ang sabi ko kasabay ng pag turo sa tatlong klase ng pagkain, kahit alin naman sa tatlong ito ay mabilis ko naming mauubos. Halos lahat ng nakaka kilala saakin akala nila hindi ako mahilig kumain, yan ang akala nila. Kahit payatot lang ako malakas at mabilis akong kumain, sadyang hindi lang talaga ako tumataba.

Kinuha ko yung tatlong pirasong shanghai, kinagat ko sa aking bibig ang isang piraso at ang dalawang piraso naman ay hinawakan ko sa aking kaliwang kamay. Para kahit papano ay mahahawakan ko pa ang telepono sa aking kanang kamay.

Madali kong kinuha ang telepono at muling humiga sa sofa, nakahiga? Oo sanay akong kumakain ng nakahiga.

"Mmm? Hello?"

"Oh tapos kana? Bilis mo naman." Nagtataka niyang sabi.

"siyempre ako pa, sabi ko nga diba kahit hindi na ako kumain basta makausap lang kita."

"Tigilan mo nga ako, kanina kapa gumaganiyan. Baka maniwala na ako diyan."

"Oh ehr bahit, hohoo ngaman eh." Ang sabi ko habang puno ng shanghai ang aking bibig.

"Anong sabi mo? Ubusin mo na nga muna iyang kinakain mo." Sabi niya na may halong pagka inis.

"Ang sarap ng shanghai sabi ko, gusto mo? Bili ka. Haha" Ang sabi ko, kasabay ng aking pagtawa.

"Ah ganon, nagutom tuloy ako." Ang sabi niya sa kaniyang nakaka awang tono.

"Gusto mo ipagdala kita ng pagkain diyan?”

"Kaylan?" Mabilis niyang tanong.

"Ngayon." Mabilis ko namang sagot.

"Sure?" Tanong niya.

Nagpalipas muna ako ng ilang segundo bago muling nagsalita.

"Yup."

"Sige nga." Maloko niyang sabi.

"Okay wait bye."

"Hahahah nag papatawa ka, eh hindi mo nga alam ang bahay namin eh." Malakas na tawa niyang sabi.

Panandalian akong nanahimik. Grabe iba na itong nararamdaman ko sa babaeng ito, alas tres na pala ng madaling araw pero gising na gising parin ang buong pagkatao ko. Hindi ko nakukuhang antukin pag kausap ko siya, pero parang hindi tama itong ginagawa ko.

liniligawan siya ni Popo na tinuturing kong bestfriend, kung itutuloy ko ito ang labas nun ay parang tinraydor ko ang sarili kong bestfriend. At hindi lang yun, may girlfriend ako pero heto kausap ko pa ang isang babae na pwede kong tawaging isang kaibigan, ang tanong para sa isang kaibigan nalang ba ang nararamdaman ko sakaniya? Kung oo o hindi, panahon nalang ang makakapag sabi.

"Hello, hello, hello, hello, hello, hello!" Paulit ulit niyang sabi.

"Oh hi-" Ang sagot ko ng mabalik ako sa reyalidad.

"Amp may pa hi hi kapa diyan. Nakatulog kana yata eh." Naiinis niyang sabi.

"Hinde naisip ko lang hindi ko pa nga pala alam ang bahay niyo." Ang alam ko sa St. Jude siya nakatira, naikwento na saakin minsan ni Popo. Pero hindi ko alam ang eksaktong lugar dun.

Para malaman kung saan, kailangan ko siyang tanungin. "Ang alam ko kase sa St. Jude village ka nakatira tama ba?"

"Aba at kanino mo naman nalaman yun?" Nagtataka niyang tanong.

"Wala lang hula ko lang." Maloko kong sagot.

"Stalker ka siguro no?" Pabiro niyang sabi. Sinakyan ko lang ang sinabi niya.

"Ano? Prof ako hindi ako stalker no." Maloko kong sagot.

"Korni." Matipid niyang sabi na nasa naiinis niyang tono at bahagyang natawa.

"Korni pala ah, bakit ka natatawa?"

"Eh gusto kong tumawa eh paki mo ba?" Medyo pasigaw niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang ewan ang babaeng ito. Hindi ko na yata siya maintindihan.

"Aw ang taray naman..." Mahina kong sabi.

"Joke lang ito naman nagtatampo agad." Pasuyo niyang sagot.

"Nagtatampo na ako, dapat sabihin mo kung saan ka sa St. Jude para maalis ang tampo ko." Ang sabi ko at sinadyang gawing nakaka awa ang aking boses.

“Haha ano yun bayad?" Ang sabi niya matapos ang kaniyang malakas na pagtawa.

"Basta sabihin mo na kase kung saan, may bahay kami sa village na yun eh." Pagmamaka awa ko.

"Anong phase?" Mabilis niyang tanong.

"Phase 1, 2, 3." Mabilis kong sagot.

"Ang dami niyo naman yatang bahay dun, phase 4 ako."

amp ang pag kaka alam ko may apat na phase ang village na yun, may bahay kami sa phase 1, sa phase 2 naman may bahay dun yung asawa ng pinsan ko, at yung sa phase 3 naman bahay ng ate ko.

"Hindi naman samin lahat yun, nasa phase 1 talaga yung bahay namin. Yung sa phase 2 pinsan ko nakatira, sa phase 3 bahay yun ng ate ko."

"Ah akala ko bahay niyo lahat yun."

"Hinde, oh saan ka banda sa phase 4?"

"Sikret." Ang sabi niya sa mahabang tono.

"Ha? eh bakit sikret?" nagtataka kong sabi.

"Gusto ko sikret eh."

"Eh pano kita, ipagdadala ng pagkain niyan kung sikret ang bahay niyo."

"Edi hanapin mo ako." Ang sabi niya, kasabay ng maliliit na tawa.

"Amp ikaw nalang nga ang ipagdadala ko ng pagkain ako pa ang mag hahanap?" Naiinis kong sabi.

"Aba syempre. Kung desidido ka talaga, gagawin mo yun ng hindi ka umaangal."

Anak ng tokwa naman, desidido naman ako kaso kung kailangan ko siyang hanapin sa loob ng isang malaking village parang malabo na yun.

"Aw. Ang hirap naman, clue?" Pabiro kong sabi.

"Wala."

"Anong wala?!" Bahagyang pasigaw kong tanong.

"Walang clue." Ang sabi niya habang natatawa.

Pansin ko pinagtitripan na ako ng babaeng ito eh, kanina pa niya ako tinatawanan. Parang nag eenjoy siya pag na iinis ako, kung totoo nga yun wala akong pakialam. Ang tanging alam ko lang, masaya ako kung masaya siya.

Ilang sandal pa ay nagisip ako ng paraan para malaman kung saan ang bahay nila. Hindi nagtagal ay nakaisip din ako.

"Ganito nalang mag tatanong ako, kahit sagutin mo lang ng yes or no. okay?"

"Okay." Natatawa niyang sagot.

"May kilala ka bang Ben?"

"Aw, bakit kilala mo si ben?" Patanong niyang sagot. Dito palang nahalata na siya. Ngayon alam ko ng malapit lang sila kina Ben.

"Ang sabi ko yes or no lang ang isagot mo."

"Okay. yes." Sagot niya sa naiiritang boses.

"Malapit ka ba sa kanila?"

"Ang daya mo naman eh!" Patili niyang sagot. Natawa ako ngunit hindi ko ito pinahalata, para mag mukhang seryoso.

"Yes or no lang po miss." Ang sabi ko sa malokong tono.

"K. yes." Matipid niyang sagot.

"Puti po ba ang kulay ng gate niyo?"

"Amp! Yes." Muli niyang sagot sa patiling tono.

"Sa tabing bahay nila, may isang tindahan, yung kasunod na bahay ay yung sainyo na ba?"

"Errrrrrrrrrrr! NO!" Sagot niya matapos ang kaniyang malakas na pagtawa.

"Aw eh yun lang naman ang puting gate dun ah." Nagtataka kong sabi.

"No."

"Anong no, sure ako yung kasunod na bahay yun ang bahay niyo."

"Oo na oo na tama kana." Ang sabi niya na may halong pagkadismaya "Gutom na talaga ako... ano ipagdadala mo pa ba ako?"

"Ako okay lang, kaya kong pumunta diyan ng ganitong oras. Ang tanong, lalabas ka kaya?"

"Wag na gabi na wala ka ng masasakyan." Nag aalalang sabi nito.

Gabi? Napatingin ako sa aming wall clock at nakita ko dito na ang maliit na kamay ng relo ay naka tutok sa 6 at ang malaking kamay nito ay nakatutok naman sa 12. ibig sabihin alas sais na pala ng umaga.

"Excuse me mam, alas sais na po ng umaga. Atsaka hindi problema ang sasakyan saakin."

Ilang oras na din pala kaming magkausap, hindi ko napansin ang mabilis na pag lipas ng oras.

"Ay oo nga pala, madilim kase kaya akala ko gabi parin." Ang sabi niya habang bahagyang natawa din "Hindi problema ang sasakyan? naks may kotse ka?" Pahabol pa niya.

"Wala." Mabilis kong sagot.

"Motor?"

"Wala"

"Eh panong hindi mo problema ang sasakyan?" Pasigaw niyang tanong.

"May bike ako hahaha." Ang sagot ko kasunod ng malakas na pagtawa.

"Bike amp! E namatay na ako sa gutom bago ka pa nakadating dito!" Natatawa niyang sabi.

"Hehe wala na bang pagkain diyan sainyo?"

"Meron sa ref."

"Oh yun naman pala, bakit hindi ka muna kumuha sa ref."

"Edi napagalitan ako. Nandun si papa sa sala, bago ako makapunta sa kusina dadaanan ko muna ang sala. Tatanungin ako nun bakit gising pa ako."

"Sus. Dali lang nun, expert ako sa mga ganiyang palusot." Sabi ko sa malokong tono.

"Oh pano naging madali yun?" Mabusisi niyang tanong.

"Edi sabihin mo nagutom ka kaya kukuha ka ng pagkain... Easy."

Hindi siya agad sumagot, ilang segundo siyang natahimik. Maya maya pa ay narinig ko nalang siyang tumawa ng malakas.

"Wow naks ang galing mo bakit hindi ko naisip yun no?" Parang nakaka loko niyang sagot "Kung yun lang ang idadahilan ko wag nalang, edi sinabi niya pa saakin na kung tulog na ako hindi ko na mararamdaman ang gutom."

"Ah sabagay eheh." Napahiya kong sabi.

Katahimikan ang bumalot saming dalawa. Wala ng salitang sumunod pa. Nanatili kaming tahimik hanggang napapansin naming medyo tumataas na ang araw.

"Hindi kapa ba inaantok?" Ang tanong ko sakaniya.

"Inaantok kana?"

Heto nanaman po kami, pag oras na para mag paalam tuwing magkausap kami sa telepono ay ibinabalik niya lagi saakin ang aking tanong.

"Ako okay pa ako, buhay na buhay pa ang isip ko. Ikaw baka inaantok kana?"

"Ikaw pag matutulog kana matutulog na din ako." Ang wika niya. Damang dama ko sa kaniyang boses ang sobrang antok.

"Tulog na tayo, baka abutin pa tayo ng umaga." Ang aya ko sakaniya.

"Okay sige. goodnight." Inaantok na nga talaga siya. Lagpas alas sais na goodnight parin daw.

"Okay goodmornight din."

Ilang minuto na ang nakalipas wala parin ni isa sa amin ang pumuputol sa liniya. Pareho naming hinihintay kung sino ang unang mag bababa ng telepono. Pakiramdam ko tuloy pag oras na binaba ko ang telepono at tuluyan ng maputol ang koneksyong nag uugnay saming dalawa ay mawawala na rin ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon.

Hindi nagtagal ay binasag na niya ang katahimikang kanina lang ay halos lamunin kami. "Bakit hindi mo pa ibaba." Mahinhin niyang tanong saakin.

"Ikaw na ang mag baba."

"Ayaw ko... Ikaw ang tumawag ikaw ang mag baba..." Pabulong niyang sabi.

"Hindi ko kaya..."

"Anong hindi mo kaya?"

Sasabihin ko n asana ang totoo kaso naisip ko ang mga puwedeng maging kapalit.

"Ang babaan ka ng telepono.."

"Hehe." Matipid niyang tawa.

"Dennise..."

"Leo?"

"Puwede bang wag nalang natin tapusin ito"

No comments:

Post a Comment