Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-siam na kabanata “Singsing”

Two bond rings can make two people become one.

Suot-suot ko ang jacket na iniwan ni Leo saakin habang nag bbyahe papuntang Diosdado Macapagal Airport. Malamig kasi ang aircon ng aming Ford expedition kaya ko suot ito. Iyon lang nga ba? Oo na aaminin ko na nga sainyo, kaya ko suot ito dahil pag suot ko ito pakiramdam ko yakap-yakap niya ako. Sino? Edi si Leo. Kahit alam kong hindi siya mawawala sa aking alala gusto ko parin na kahit isang bagay lang ay mayroon akong dala mula sakaniya. Siguro naguguluhan ka na saakin kung bakit papalit-palit ako ng mood. Kung alam mo lang isa yun sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob saakin ni Leo. Epektib kase eh hehe. Husshh. Wag kang maingay ha. Wag mong sabihin kay Leo na sinabi ko yun ha.

Tatlong araw na rin ang lumipas mula nang aminin ko sakaniya ang lahat-lahat. Hindi ko ginusto na masaktan ko siya. Sa gabing iyon ko naramdaman na mahal niya talaga ako at wala siyang intensyon na lokohin ako. Ewan ko ba, siguro wala talaga siyang intensyon na lokohin ako. Pero hindi ko parin maiwasan na mapa-isip na baka lokohin niya lang ako dahil napaka imposible na iwan niya ang isang babaeng minahal niya ng napakatagal para sa akin na halos kailan palang kami nagka kilala.

Noong mga oras na tumatakbo siya palayo saakin gusto ko siyang habulin at sabihin sakaniya kung gano ko siya kamahal, kaso naisip ko na matapos ko siyang saktan at sabihan ng masasakit na salita ay baka hindi na siya maniwala pa saakin.

Maliban nalang nang may nakapa ako sa bulsa ng kaniyang jacket. Noong una hindi ko alam kung ano ang maliit na kahon na nakapaloob sa bulsa ng kaniyang jacket. Kinuha ko ito at nakita, isang kodradong pulang kahon na may nakasulat na simpleng "Tutsi" sa taas nito.

Ayaw ko itong pakialaman dahil hindi naman saakin ito at baka pribadong bagay niya ito. ngunit ewan ko ba kung anong nagtulak saakin at binuksan ko ito ng basta-basta. Dito tumambad saakin ang isang pares ng singsing. Isang maliit at isang mas maliit. Napakasimple lang ng pagkaka gawa. Simpleng white gold na singsing, kung titignan mo ito masasabi mo na napaka simple lang. Pero kung titignan mo ito ng mabuti, at kung ikaw ang nasa katayuan ko hindi mo masasabing simple lang ito.

Sinuri ko ang dalawang singsing at dito ko nakita ang naka ukit na pangalan sa mga ito. "Dennise" sa maliit at "Leo" naman sa mas maliit. Hindi ko napigilang mapaluha ng makita ko ang mga ito. Marahil ay para nga saakin ang singsing na ito at balak niyang ibigay sa gabi ng aking kaarawan. Dito ko na naisip kung gano kasama ang mga ginawa ko kay Leo. Dito ko din napatunayan na buo ang loob niya para saakin.

Tinangka ko siyang habulin, subalit nang makarating ako sa pinto ng roof top, nakita ko si Leo at ang aking kapatid. Magkaharap at mukha na sorpresa sa kanilang pagkikita. Hindi ko alam ang aking gagawin, at muli na naman akong natakot sa posibilidad na baka magkagulo kami ng aking mahal na kapatid.

Nakita kong napatingin saakin si Leo, kasunod ng pagtingin saakin ni ate. Hindi nagatagal ay tuluyan ng tumakbo papalayo ang lalaking pareho naming mahal.

"Leo wait." Ang sabi ni ate. ngunit parang walang narinig si Leo na tuloy-tuloy na lumayo.

Muling tumingin saakin si ate at dahan-dahan na lumapit saakin at nagtanong. "W-what happened?"

"Wala po..." Ang sagot ko habang itinatago ang aking pag iyak.

"Do you know each other?" Nasa nagtatakang tono niyang tanong.

"Ate..."

"Sa tingin ko kailangan nating mag usap." Ang sabi nito. "Tara sa taas tayo, ikwento mo saakin ang lahat." Dugtong pa niya kasabay ng pag ngiti saakin.

Sabay kaming umakyat muli sa roof top at umupo sa mga bakal sa silya. Tahimik lang kaming pareho, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam ko alam ni ate na meron akong problema at hindi ko iyon maikakaila sakaniya. Sa lahat ng tao siya ang nakaka kilala saakin ng buo, mula pa pagkabata namin siya na ang naging sandalan ko sa saya at sa lungkot. Lalo na sa mga problema, kaya kabisado na niya ako. Hindi nagtagal ay nag salita na siya.

"Dennise what's the problem?" Tanong niya.

Tahimik lang ako, tila naguguluhan sa lahat ng nangyari at parang hindi ko alam kung pano ko uumpisahan.

"Dennise?" Muli niyang sabi.

"Ate, im sorry." Ang sabi ko.

Napakunot noo siya, marahil nagtataka siya kung bakit ako humihingi ng tawad.

"Sorry saan?" Muli niyang tanong.

"A-ate..."

"Ah... Sige, makikinig lang ako." Ang sabi nito habang umaarteng parang ziniziper ang kaniyang bibig.

Matagal bago ako muling nagsalita, hinayaan niya lang ako at matiyaga siyang naghintay saakin. Ilang saglit pa ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para magsalita.

"Oo ate magkakilala kami ni Leo, nagkakilala kami dahil saiyo." Ang sabi ko.

Kitang kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Tila nag tataka sa aking mga sinabi, sa kabila nito nanatili lang siyang tahimik.

"Hinanap ko siya, ginawa ko ang lahat para makita at makasama siya."

"B-but wait. Bakit, para saan?" Ang sabi niya habang kitang kita ang pagkalito sa kaniyang mukha. Magkasalubong na ang kaniyang kilay.

"Ate, hindi ko kaya ang nakikita kang malungkot at nasasaktan." Sagot ko. "Alam ko na siya ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay ng boyfriend mo, kaya gumawa ako ng paraan para maiganti ka."

"Pero Dennise, hindi tama ang ginawa mo." Ang sabi niya. "Anong ginawa mo sakaniya?" Pahabol niyang tanong.

"I know ate I know. Subalit hindi ko na inisip iyon kung tama man o mali. Sa sobrang galit ko, wala na akong ibang inisip kung hindi ang maiganti ka." Ang sagot ko. "Pinilit kong makuha ang loob niya, pinilit kong magustuhan niya ako. At papaniwalain na gusto ko din siya, pagkatapos sa bandang huli ay sasabihin ko na mali ang lahat ng iniisip niya."

Natulala siya sa sahig, wala siyang magawa kung hindi ang umiling.

"Napaka mali talaga ng ginawa mo, parang hindi ka nag iisip." Ang sabi niya kasabay ng kaniyang pagtayo na parang naiinis sa kaniyang mga nalaman. Tumingin siya sa madilim at malawak na kalangitan at sinabing. "Masaya ka naman ba sa nagawa mo?"

Yumuko lang ako at sumagot. "O-oo ate masayang masaya."

"Pero bakit ka umiiyak?" Mabilis niyang tanong.

Hindi ako naka sagot, nanatili lang akong tahimik. Matagal bago siya muling nagsalita.

"Nagtagumpay kaba sa ginawa mo?" Ang sabi niya habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa kawalan. "Oh baligtad ang nangyari at ikaw ang nahulog sakaniya?"

Napatingin ako sakaniya at nag umpisa ng umiyak.

“You don’t really know that guy too much, even me." Malumanay niyang sabi. "He has this ability to let girls fall in love with him without doing anything." Dugtong pa niya.

Napaisip ako sa sinabi niya, muli naman niyang ibinaling ang kaniyang tingin saakin. Matagal bago ako naka sagot, matagal din bago niya inalis ang pagkaka titig saakin.

"Nakuha kong isuko ang relasyong matagal ko ng iniingat ingatan dahil lang sakaniya. Hindi ko alam kung buong katangahan ang nagawa ko, pero kahit katangahan nga iyon ay hindi ako nag sisi. Dahil alam kong puso ko ang sinundan ko, nakakatawa man pakingan dahil dalawang beses palang kaming nagkita noon at nagawa ko nang kalimutan ang lahat samin ng boyfriend ko."

Nanatil lamang akong tahimik at pinipilit na intindihin ang kaniyang mga sinasabi. Naisip ko na ganun din ang ginawa ni Leo, iniwan din ni Leo ang relasyon na matagal niyang pinaghirapang maging matibay, iniwan niya ito para saakin.

Hinarap niya ako at tinitigan ang aking mga mata, kasunod ng pag bigay ng sa pinaka mahirap ng tanong.

"Mahal mo ba siya?"

Hindi ako agad nakasagot, nagpalipas ako ng ilang segundo bago muling nagsalita. Hinayaan niya lang ako.

"Mahal ko siya ate pero hindi ko ito masabi sakaniya dahil alam kong mahal mo rin siya. Natatakot ako na siya pa ang maging dahilan ng pagkasira ng ating samahan."

Umiling ito at nakita ko sa kaniyang mukha ang magkahalong pag ngiti at pagkadismaya. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng nakita ko.

"Mahal mo pa ba siya ate?" Pagbalik ko sakaniya ng kaniyang tanong.

"Kung sabihin kong oo?" Patanong na sagot niya.

Pumikit lang ako at huminga ng malalim, hindi ko naman alam ang aking isasagot. Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito, pilit kong tinatanong sa aking sarili bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo ang mahal ng kapatid ko pa ang minahal ko.

"Maswerte ka Dennise dahil ginawa niya saiyo ang gusto kong gawin niya dati para saakin." Malumanay niyang sabi, habang muli itong umupo sa aking tabi.

"Tulad ng ano?" Nagtataka kong tanong.

Nnilapit niya ang kaniyang kamay sa aking ulo, at isinabit ang aking buhok sa aking tenga.

"Dennise listen, sinabi ko sakaniya dati na iwan niya ang kaniyang nobya para saakin. ngunit hindi niya ito ginawa dahil mahal niya ito." Ang sabi niya kasabay ng pag ngiti. "Isang malaking katangahan nga naman kung gagawin niya iyon para sa isang babae na hindi pa niya lubos na nakikilala."

Hindi ako sumagot mas ginusto ko nalang makinig.

"Pero ginawa niya ito para saiyo, wag mong sayangin ang pagkakataon." Ang sabi niya habang dahan dahang hinila ang aking ulo at isinandal sa kaniyang balikat.

"He is one of a kind, hindi ko talaga alam kung anong meron sakaniya at bakit tayo nag kaka ganito." Pagpapatuloy pa nito. "Kung ako saiyo, tatakbo ako at hahabulin siya habang hindi pa huli ang lahat."

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo habang pinupunasan ang basa sa aking buhok, basa galing sa luha ng aking kapatid.

"Are you sure ate?" Tanong ko.

"Go on. baka hindi mo na siya abutan."

Mas lalong tumulo ang aking luha, yinakap ko siya ng mahigpit at sinabing "Salamat, i love you ate."

"I love you too Dennise." Sagot niya sabay ngiti, kahit bakas ang mantsa ng luha sa kaniyang mukha.

Matapos sabihin ng aking kapatid ang lahat ng iyon ay hindi na ako nag dalawang isip pa na bumaba para hanapin ang aking pinaka mamahal. Ngunit sa kasamaang palad hindi ko na siya nakita, sinubukan ko siyang kontakin pero hindi ko siya ma kontak. Ilang araw ko ding ginawa iyon pero wala talaga. Hangang ngayong araw na ito, ang araw ng aking pag alis papuntang amerika ay hindi parin siya nag paparamdam.

Subalit hangat hindi pa ako nakaka tapak sa amerika ay nag babaka sakali parin ako na muli kaming magkita. Malay natin nandiyan lang siya sa tabi tabi at hinihintay ako hindi ba?

No comments:

Post a Comment