Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ikapitong kabanata "Pagibig sa unang pagkikita."

"Dalawang lights nga po manang atsaka dalawang pisong monami." Ang sabi ko sa tindera ng sigariliyo. Pag kabayad ko, kinuha ko ang isang pirasong lights at nag sindi ng yosi habang nag lalakad.

Ang tagal dumating ng mga kasama ko, mag isa lang ako ngayon at na iinip. Wala akong magawa kaya napa yosi ako. Hindi ko naman talaga hilig ang pag yo-yosi pero sa mga ganitong pagkakataon na mag isa lang ako at naghihintay, napapa yosi talaga ako.

Ang daming tao grupo grupo pa, mukhang sasali din sila. Ang lakas ng tugtog ng musika bagay na bagay para sa labanan mamaya. Oo nga pala nandito ako ngayon sa SM Pampanga dahil ngayon ang araw na pinaka hihintay ko ang maka laro sa RWC Regionals. Mukhang malalakas at magagaling ang halos nakikita ko. Meron din namang mukhang baguhan pa at bakas ang kaba sakanilang mukha. Siguro naisip mo ako ba hindi kinakabahan. Hindi naman ako kinakabahan na-eexcite ako. Gusto ko ng mag laro gusto ko ng umupo at lumaban sa harap ng stage.

"Oi ta-e kanina ka pa ba?" Si Popo pala, kasama ang mga teamates ko.

"Oo kaninang-kanina pa ang tagal niyo naka isang kaha na ako ng lights sa kaka hintay sainyo" Naka simangot kong sabi, pero sa totoo lang nakaka isang piraso palang ako.

"Ta-e grabe ka naman, anong balita may kakilala kaba sa mga sasali?" Ang sabi niya habang ikot ng ikot ang ulo na para bang may hinahanap.

"Pakealam ko pa sa mga sasali, basta ako gusto ko na maglaro." Ang likot ni Popo nahihilo ako sa kakaikot ng ulo niya “Hoy sino bang hinahanap mo bakit hindi ka mapakali, kinakabahan kaba?"

"Ta-e hindi ako kinakabahan, hinahanap ko si Dennise baka nandito na siya." Ang sabi niya sabagy ngiti.

"Tara umupo muna tayo dun sa bench habang wala pang registration" Ang sabi ng isa sa mga kakampi ko. At naglakad na kaming pito papunta sa mga bench kung saan nandun din ang ibat ibang grupo na sasali din.

Habang naglalakad naalala ko yung si Dennise ay yung matagal ng liniligawan ni Popo, at pupunta daw siya ngayon. ang ibig sabihin ba nun sila na. Hindi naman siguro, pero pwedeng oo. Pwedeng hindi din. Pero bakit ko ba iniisip yun, wala akong pakealam sakanila ang tanging gusto ko ngayon ay ang lumaban na.

Maya-maya pa ay nag-register na kami. Isa-isang sinuri ang aming mga ID, Birth Certificate at kung ano ano pang mag papatunay na taga pampanga kami o pasok sa region 2 and 3.

Pagkatapos naming makapag-register ay pinapunta na kami sa harap ng stage pra mag log-in at mag ayos na ng gamit at skills. Ibang klase ang pakiramdam hindi pa ito ang laban pero kinakabahan na ako, hindi ako sanay na naka harap sa madaming tao. Ang pakiramdam ko saakin sila lahat naka tingin at hindi ako pwedeng gumawa ng isang maling galaw dahil bka tawanan nila ako at mapahiya ako pag nagkataon. Dito ko kailangan ng isang matinding konsentrasyon.

Hindi ko namalayan ay limang minuto nalang pala ang natitira sa oras ng pag aayos. Sampung minuto akong naka tunganga at wala pang naumpisahan, ang mga kasama ko ay matatapos na sa pag bili ng gamit pag ayos ng skills nila. Hindi bale memoryado ko naman ang mga gamit at skills ng prof kaya madali nalang para saakin ito.

Ang bilis ng oras pag nandito kana sa harap tapos na agad ang time limit para mag ayos. "sakto lang no?" ang sabi ko kay ate na nagbantay sa likod namin. Napaka strikto ni ateng bantay wala siyang pinapalampas kahit isang minuto.

Ilang sandal pa ay nagsi tayuan na kmi, umupo na ang buong team ko sa bench kung saan kami naka pwesto kanina. Ako naman ay dumiretso sa exit ng mall malapit sa lugar kung saan gaganapin ang RWC. Inilabas ko ang natitirang isang piraso ng lights at sinindian ito habang pinag mamasdan ko ang mga taong nag kkwentuhan at nag tatawanan. Masaya silang lahat. Sayang kung nandito lang sana si Pat mapapanood niya akong maglaro, ilang linggo na din ang lumipas ng huli kaming magkita. Kumusta na kaya siya, marahil masaya na siya ngayon sa Amerika kasama ang pamilya niya.

"Excuse me, pwedeng magtanong?" Tinig ng isang babae, iniikot ko ang aking ulo patungo sa boses na nagmula sa isang babae. Pamiliar ang mukha niya at parang nakita ko na kung saan, napaka ganda naman ng babaeng ito napaka inosente ng dating. Pulang pula ang kaniyang mga labi. Makinis ang balat. Hangang balikat ang buhok at ang mga mata niya ang sarap titigan.

"Hello? Naririnig mo po ba ako?" Ang sabi niya habang linilingon niya ang paligid.

"Ha? Ah, eh. Ano po ulit yon miss?" Napayuko nalang ako, hindi ko alam baka namumula na ako sa sobrang hiya.

Hindi ko namalayan na natigilan nanaman ako habang kinakausap ako. Tinignan niya ulit ako, mukhang na iinis na siya dahil napansin ko na tumataas na ang isa niyang kilay, ngunit hindi niya ito pinapahalata sa kaniyang boses.

"Itatanong ko po sana kung dito po ba yung RWC, yung larong Ragnarok? Alam mo po ba yun?"

"Ah oo, pasok ka lang sa loob tapos kumaliwa ka. Sa may Entertainment Plaza." Malumanay kong sabi sakaniya.

"Ahkei salamat." Ang sabi niya habang nag mamadaling umalis, tama nga ako na nainis siya saakin dahil inisnob niya ako gamit ang kaniyang mga mata.

"Ang sungit amf, siya nalang nga tinuturuan." Naiinis kong sabi sa aking sarili.

Ang yosi ko naubos na pero nakaka tatlong hithit palang ako, badtrip talaga ang babaeng yun. Maganda nga ang sungit naman. Binalak kong bumili ulit ng lights kay manang tindera. Badtrip dahil sa babaeng yun kailangan ko pang maglakad ng napaka layo para lang maka bili ng yosing tingi.

Sa aking paglalakad papunta sa tindahan sa gilid ng SM ay biglang tumunog ang telepono ko.

“Brr..Br..”

“Calling... Popo”

"Oh? bakit kapa tumawag. Malapit na akong maglowbat." Nagtataka kong tanong.

"Bilisan mo punta kana dito malapit na magsimula." Nagmamadali niyang sagot.

"Ha? Osige-sige babalik na ako." Pagka baba ko ng telepono, nag madali na akong bumalik sa entertainment plaza kung nasan silang lahat. Sa aking pag mamadali nakalimutan kong bumili ng yosi malayo-layo na din ang aking nalakad pabalik kaya hindi ko na itinuloy pa ang pag bili.

Maya-maya pa ay naka dating na din ako, mas lalong dumami ang mga tao. Parang dumoble ang bilang nila kumpara kanina, kinakabahan yata ako. Pero teka mas madaming tao mas madaming sasali. Mas madaming sasali mas madaming pwedeng makalaban. Ayos mas lalo pa akong na excite.

"nag kakasiyahan kayo diyan ah, anong meron?" Pabiro kong sabi.

"Heto kasing si Popo tinutukso namin siya dun sa chix na kasama niya." Natatawang sabi ng isang kasama namin.

"Sino ba yun? Bakit hindi mo ako ipakilala Popo ta-e ka naman."

"Wala ka kase kanina pinakilala niya kami sa chix na kasama niya kaso umalis na yata, ang ganda Leo solid parang naka kita ka ng isang dyosa!" Seryosong sabi pa ng isa.

"Hindi pa siya umalis may binili lang babalik pa yun, pag balik niya dun kita ipakikilala." Sabay apir saakin.

"Oh sige, hindi pa pala nag sisimula eh, ang sabi niyo mag magsisimula na. Bili muna ako ng yosi."

"Teka lang Leo, heto na pala siya."

"Nasan?" Ang tanong ko habang iniikot ko ang ulo ko para hanapin ang chix na sinasabi nila.

"Ah siya nga pala, si Leo bestfriend ko."

"Hi Leo."

No comments:

Post a Comment