Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-apat na kabanata "Tiwala"

"Hon? Kanina kapa ba diyan sorry late ako."

Shit! Halos himatayin ako sa narinig ko. Parang lumukso sa sobrang kaba ang aking puso, akala ko si Charlene ang babaeng narinig kong nagsalita. Isang estudyante lang pala na kanina pa hinihintay ng kaniyang kasintahan.

"Ok ka lang kuya?" Matamis na pagkasabi ni pat. Habang wala akong magawa kung hindi ang tumitig lang sa kaniyang mga labi na kasing pula ng sariwang rosas.

"Ha? Ah, eh. O-oo ok lang ako. Pwede na ba akong umalis?" Ang sabi ko sabay ngiti.

Napaka ganda talaga niya, ang kinis ng kaniyang maamong mukha. Ang kutis niya na parang gatas sa sobrang puti. Hindi ko maiwasan mataranta pagtinititigan ako ng kaniyang singkit na mga mata, kung pwede lang sana ay ayaw ko nang umalis sa pwesto ko ngayon dahil pakiramdam ko isa akong celebrity pag katabi ko ang mala anghel na babaeng katulad niya. Kaso hindi yun pwede dahil may kasintahan ako na nag hihintay saakin.

"Hmmp! Kadadating mo palang aalis kana agad? Kumain muna tayo." Naiinis niyang pagkasabi.

"Ha? Osige hintayin mo ako dito Pat, may bibilhin lang ako sandali sa labas." Nagmamadali at natataranta kong pagkasabi, iniisip ko kung napano na si Charlene at baka na iinip na un.

"Samahan na kita kuya, malapit lang ba?"

"Ha? Hinde-hinde, malayo mapapagod ka lang. Ako nalang sandali lang ako hintayin mo ako dito okay?" Bago pa siya makasagot ay naka alis na ako. Mabilis kong nilakad ang lugar kung saan ko iniwan si Charlene, halos makasalubong ko ay na bubungo ko na sa pag mamadali.

Hinihingal ako na parang kabayo sa sobrang pagod, dahil sa mabilis na pag lalakad. Tumutulo na ang aking pawis mula sa noo. Nandito na ako sa Internet Cafe kung saan ko iniwan kanina si Charlene, agad ko siyang pinuntahan at siniguradong okay lang siya.

"Anong nangyari saiyo hon? Daig mo pa ang isang pang karerang kabayo sa itsura mo ah." Natatawa niyang sabi.

"Ha? Ah, eh. W-wala hehe, kain na muna tayo?" Ang sabi ko.

Hindi ko maintindihan ang itsura niya, kanina pa siya naka ngiti saakin.

"Nope wag na lang, baka kase may gagawin kapa eh. Hatid mo nalang muna ako sa bahay tapos balik ka nalang dito." Ang sabi niya sabay ngiti.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko maintindihan, parang may tinutumbok siya.

"Ano? Uuwi na tayo?” Naka simangot kong tanong. “Atsaka bakit pa ako babalik dito?" Dugtong ko pa.

Dahan dahan siyang tumayo habang naka titig sa mga mata ko, habang tumatayo siya ay hindi niya inaalis ang tingin saakin.

"Oo uuwi na tayo. Kaya ko sinabing bumalik ka na lang dito dahil baka may bibilhin kapa. Sa nakikita ko ngayon wala ka namang dalang pinamili so baka babalik kapa para bilhin yun." Ang sabi niya. Itinaas niya ang isa niyang kilay. Habang naka hawak ang isa niyang kamay sa kaniyang bewang.

"Flash back"

"Ha? Osige hintayin mo ako dito Pat, may bibilhin lang ako sandali sa labas."

"End of flash back"

Parang biglang natigil ang oras sa mga narinig ko. Anak ng tokwa't baboy nahuli niya ata ako kaninang kasama ko si pat. Tatanungin ko pa ba siya. Halata naman na alam niya na may pinuntahan akong babae e. Ngunit pano niya malalaman eh nandito siya. Hindi kaya magka sabwat lang ang dalwang ito at sinusubukan lang ako. Ah baka ganon na nga. nalilito ako sa mga sandaling ito para akong isang bata na nahulugan ng candy sa gitna ng maraming tao at hindi ko na mahanap ito.

"Hon, dalawang minuto ka ng nakatitig saakin. Hindi kaya ako malusaw sa ginagawa mong yan?"

"Ha? Ah, eh. O-oo. I mean hinde." Wala na ako sa sarili ko. Kung ano-ano na ang mga nasasabi ko. "Tara na ba?"

"Tara, pero daan muna tayo sa Mint, parang gusto kong bumili kase ng jacket e." Ang sabi niya sabay ngiti.

"Jacket?"

"Oo, jacket yung kulay yellow, tpos pang loob ko sleeveless na pink. Sa tingin mo bagay ko yun hon?"

“Ha?”

No comments:

Post a Comment