Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-dalawang kabanata "Paalam kaibigan."

(From Priestess Dennise): Wow 99 na congrats.
(To Priestess Dennise): Thanks po.
(To Priestess Dennise): Aw teka lang
(To Priestess Dennise): Ikaw si?
(To Priestess Dennise): There is no such character name or its offline.
(To Priestess Dennise): There is no such character name or its offline.
(To Priestess Dennise): There is no such character name or its offline.
(To Priestess Dennise): There is no such character name or its offline.

Nawala nalang bigla sino kaya yun? Malamang si Dennise yun, pero pano magkaka High Priestess yun eh hindi naman siya mukhang adik sa ragnarok. Mukha pa ngang tamad saakin yun e, baka katunog lang ng pangalan niya or kapangalan lang niya. Dahil imposibleng maging siya yun, imposible talaga.

"Hon gising na maliwanag na."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking isang mata, nagulat ako ng makita ko si Charlene sa aking harapan.

"Hon?! Anong ginagawa mo dito?" Nagatataka kong tanong.

"Ay loko ka rin pala no? Umayos kana diyan at uuwi na muna ako."

Oo nga pala magdamag kaming nagpalevel kagabi nila mai-mai at sinamahan ako ni Charlene para makita ang isa sa pinaka importanteng parte ng buhay ragnarok ko kaya kasama ko siya ngayon, grabe hindi ko na namalayan dito na pala ako nakatulog. Sina mai-mai dito na din pala natulog, ginamit ang pinag dikit dikit na mga upuan at dun humiga. Hindi ko yata kayang matulog sa ganun katigas at ganun ka hirap na posisyon.

"Gutom ako hon." Inaantok ko pang sabi.

"Ako din naman gutom na. Uuwi muna ako ha, kung gusto mo dalhan kita dito ng tanghalian?"

"Pwedeng almusal nalang?"

"Try ko pero baka matulog muna ako kahit saglit lang."

"Ah oo sige, kahit di na muna ako kumain bsata maka tulog ka lang? HEHE."

"Naks. Dumadamubs kapa, uuwi ka pa ba para maligo?"

"Dalhan mo nalang din siguro ako ng damit at dito nalang ako maliligo." Nagmamaka awa kong sagot.

"Okay sige una na ako ha." Ang sabi niya na may halong isang matamis na ngiti.

"Hatid na kita."

"Wag na hon, baka maka tulog kapa sa byahe." Nag aalala nitong sabi habang inaayos ang buhok ko.

"Wenks sa pinto lang hon, wag kang assuming HAHA." Ang sabi ko habang natawa ng malakas.

"Kk! kk!" Ang sabi niya ng may halong pagka inis at mabilis na tumalikod saakin kasabay ng paglakad pa labas sa pinto.

Hinabol ko ito at hinawakan ko ang kaniyang kamay "Hon di ka na mabiro...” Ang sabi ko.

Hindi siya sumagot, ngumiti lang siya at binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa ilong. Bakit sa ilong? Hindi ko din alam. "Una na ako hon." Ang sabi niya.

"Sige ingat ka." Ang sabi ko habang pinag mamasdan ko siyang sumakay ng jip.

Maya maya lang ay bumalik na ako sa loob para makatulog pa kahit saglit lang din, wala pa namang customer kaya pwede pang umidlip ng ilang minuto.

Hindi nag tagal ay nagsi datingan na ang mga estudyante para mag laro at mag internet. Dali dali akong nag ayos at ginising sina mai-mai. Dali dali namang bumangon ang mga ito at inasikaso ang mga kapwa nila estudyante.

"Aba aba aba ang yabang ah" Malokong sabi ni Popo. Nakakapag taka at napaka aga niya ngayon.

"Tsk syempre naman first time ko makapag pa 99 eh." Nagmamayabang kong sagot.

"Ta-e porket may ilaw na sa pwet patambay tambay nalang ah."

"Natural boplaks ka talaga ano pang gagawin ko kung hindi tumambay?"

"Aba ta-e, nakalimutan mo naba na may trans pa yan hahaha." Natatawang sabi ni Popo.

"Okay ka lang? Natural alam ko yun." Nakasimangot kong sagot.

"Sus alam daw, eh bakit di mo pa ipa-rebirth yan?"

"Ayoko nga sinusulit ko pa ang aura ko, dahil alam ko matagal bago ko makuha ulit ito." Seryoso kong pagkasabi.

"Sabagay tama ka. oh sige balik nalang ako ulit mamaya, sumilip lang ako bago pumasok."

"Sige pre ingat."

Habang nakikita kong lumalabas sa pinto ng shop si Popo ay na alala ko ang High Priestess kagabi na bumati saakin na sa tingin ko ay si Dennise.

Agad akong nagbukas ng PC at nag log-in sa YM, nagulat nalang ako ng makita kong naka online si Dennise. Hindi naman ako nagulat dahil sa online siya ng ganito ka aga, nagulat ako dahil sa nabasa ko sa stat msg niya.

"S> All my characters in Valkyrie server"

Napahinto ako sa nabasa ko parang na combo ako ng Dispell, Spider web, Stone Curse. Pero bakit ganito ang aking naramdaman? Hindi ko din maipaliwanag.

Hindi nag tagal ay dinobol klik ko ang pangalan ni Dennise sa aking friends list at binuzz ito.

BUZZ!!!

"Densie: po?"

"Leo: Bakit mo po binebenta ang mga characters mo?"

"Densie: Mag q-quit na po ako."

"Leo: Bakit naman po?"

"Densie: Ang daming bastos kasi sa server na to eh."

"Leo: Ha, panong naging bastos?" Nagtataka kong tanong.

"Densie: Basta mga bastos mga tao dito."

"Leo: Saan ka po ba madalas tumambay?"

"Densie: Sa payon."

"Leo: Ngek kaya naman pala eh." ang sabi ko habang mejo natatawa.

"Densie: Anong kaya naman pala?"

"Leo: Ewan, hehe bigla ko nalang nasabi yun."

"Densie: Ay kala ko may alam ka sa mga tao sa payon."

"Leo: Wala ewan ko ba bakit pag naririnig ko ang "Payon" parang ewan parang malayo sa sibilisasyon?"

"Densie: HAHAHA! Parang mga noobs ba ang mga tao?"

"Leo: Hindi naman pero parang ewan hehe."

Napapasarap ang aming usapan, hindi naman pala to mataray o masungit o suplada. Ewan ko ba depende na rin siguro sa mood niya, swerte ko ok ang mood niya ngayon.

"Densie: Ikaw ba saan ka lagi nakatambay?"

"Leo: Sa Alde heheh."

"Densie: Ah, puro scammer’s naman dun eh."

"Leo: AWWWWWWWWWW!”

"Densie: Joke lang ikaw naman."

"Leo: Akala ko totoo heheh.

"Densie: Ah hindi lang naman yun ang dahilan eh, magiging busy na ako school baka hindi ko na ma-asikaso ang pag lalaro ko."

Wala na akong alam sabihin o itanong sakaniya sa pag kakataong ito, parang nauubusan na ako ng pwedeng pag usapan. Ah oo nga pala kaya ako nag online ngayon ay para malaman kung siya ba yung High Priestess kagabi.

"Leo: Magkano mo po ba binebenta ang mga character mo?"

"Densie: Mga 1.5k po mura na."

"Leo: Ano ano ba ang mga characters na binebenta mo?"

"Densie: Baby dancer po."

"Leo: Ah. anong level na po?"

"Densie: 63 po."

"Leo: AWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW" Magkahalong gulat at pagtawa ang aking nadama.

"Densie: Anong aw? Bakit?

"Leo: Ha? Ah, eh wala po. Eh sinong bibili ng 1.5k diyan?"

"Densie: Bakit wala ba?”

"Leo: Hahaha lol wala no eh ang mahal tapos low level pa."

"Densie: Ganon! Tinatawanan mo pa ako leche!"

"Leo: Aw hindi naman sa ganon."

"Densie: CHE! Manahimik ka nga!"

"Leo: Aw sorry na po." Ano ba naman ang nagawa ko bakit bigla nalang siyang nagalit, kailangan kong
makaisip ng paraan para hindi na siya magalit saakin. Wala wala akong maisip.

"Densie: Manahimik ka che!"

"Leo: Wag ka na magalit, ganito nalang. Yung akin nalang ang ibenta mo level 99 na yun sure ako mahal na bibilhin yun."

"Densie: Talaga? Anong character?"

Ouch! Sinong demoniyo nanaman ang bumulong saakin para sabihin ko yun? Ta-e-na badtrip naman!

"Leo: Sage, sabihin mo S> lvl 99 sage with equips pang mcdo lang HEHE" ang sabi ko na mejo may pagka dismaya habang nag dadasal kay bro na sana hindi niya seryosohin

"Densie: Aw, pang mcdo?"

Anak ng tinapa, ano nanaman ba itong pinasok ko. Ang sage na matagal ko ng kasama sa buhay, ang sage na kasama kong nakikipag digma sa pvp, ang sage na kasama kong nakikipag bakbakan sa mga Ice titan ay minsan ko lang ibebenta at sa kadahilanang para lang hindi na magalit saakin ang isang babae na hindi ko naman ka ano-ano.

"Leo: Opo para mabilis na mabenta."

"Densie: Bakit mo naman gagawin para saakin yun?"

"Leo: Para hindi ka na magalit HEHE." Yan ganiyan nga sana sabihin mo na wag nalang thanks nalang.

"Densie: ah ang bait mo naman. Thanks ah”

"Leo: Ouch!"

No comments:

Post a Comment