Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-tatlong kabanata "Pagbalik."

"Densie: Sigurado kaba sa mga ginagawa mo?"

"Leo: Oo naman bakit naman hinde diba?" Patay sa totoo lang hindi talaga.

"Densie: Ah talaga, HEHE bait mo pala talaga."

"Leo: HEHE." Matipid kong sagot. Wala na din kase akong alam sabihin.

"Densie: Out muna ako ha. Tawagan mo ako pag uwi mo?"

"Leo: Ha? Okay Okay sige" Sagot ko sakaniya.

Nag log out na siya, shit totoo ba na nangyari ang lahat ng yun? Sa sobrang puyat at gutom ko kung ano ano na ang mga nasabi ko. farewell level 99 sage naba? Sana maawa siya saakin at hindi nalang siya pumayag, sana isipin niya na hindi ako seryoso. Pero pano niya iisipin yun eh tinanong na niya ako kanina kung seryoso ako, at ang sinagot ko pa ay oo, patay napasubo na.

Wala na akong magagawa, nasabi ko na ang lahat-lahat. Ang tanging magagawa ko nalang ay enjoyin ang natitirang oras ng pag sasama namin ng sage ko.

Nilog-in ko ang aking level 99 sage, at pag pasok nito ay bumulagta sa aking harapan ang napakagandang bayan ng Alde. Ang mas lalo pang nag papaganda dito ay ang napaka berdeng damuhan, ang mga upuan sa gilid, ang mga taong nag hahanap ng makaka party sa pag papa level. Ang sarap umupo sa damuhan habang nakikipag kwentuhan sa mga kakilala at minsan ay hindi naman kilala.

Pero ang pinaka paborito ko talagang pwesto sa bayan ng alde ay ang likod ng clock tower, dito ako pumepwesto pag nalulungkot o kaya naman ay pag nag iisip. Yun bang tinatawag nilang nag e-EMO?

Linakad ko ang hagdan ng alde galing sa damuhan papuntang likod ng clock tower, sakto walang tao, wala yung mga Black Lotus na dito din naka tambay. Iniwan ko na nakatayo ang aking sage habang nakaharap lang ito sa pader, sinadya ko na hindi gumawa ng PUB para mabasa ko ang mga sinasabi ng mga nag sasalita sa paligid ko.

Ilang oras na ang lumipas naka tunga-nga parin ako sa harap ng monitor,  paulit ulit nalang ang mga dumadaan sa harapan ko. Hinala ko mga bot ang mga to na laging namamatay kaya laging bumabalik sa town. Maliban lang sa isang babaeng Novice na kumausap saakin.

"Patzilicious: Kuya ano yang ilaw sa paa mo? Ang cute naman"

"Chung E: Ha aura po"

"Patzilicious: Saan po nakaka kuha ng ganiyan?"

"Chung E: Ngek." Gulat kong sagot.

"Chung E: Pag po level 99 kana." Pagpapatuloy ko pa.

"Patzilicious: Ah, pano po maging level 99?" Tanong ng babaeng novice na palakad lakad sa aking tabi.

"Chung E: Mag papa level ka po, papatay ka ng mga monsters sa labas ng town." Bago lang ba ito o ano.

"Patzilicious: Hindi po ba, bad yung pumatay?" Makulit niyang tanong.

"Chung E: Hindi ka naman po papatay ng tao, monsters po ang papatayin mo. Hindi po ba bad ang mga monsters?" Grabe naman ang pagka inosente nito.

"Patzilicious: Depende din po sa mga monsters, yung pink po ba monster din?"

"Chung E: Poring po ba ang pangalan?" Mabusisi kong tanong.

Ilang minuto na din ang lumipas hindi pa din siya sumagot, baka na disconnect na siya.

"Patzilicious: Opo poring nga po." Ang sabi niya.

"Chung E: Ah opo monster yun. Bago ka lang po ba sa larong ito? Tagal mo po sumagot ah lag kaba?"  Ang tanong ko sakaniya.

"Patzilicious: Opo eh bago lang, ano po yung lag?” Tanong niya.

“Patzilicious: Kung ganun po ka cute ang mga monster hindi na po ako papatay."

Napangiti nalang ako bigla ng hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung bakit, wala naman kumiliti saakin. Ganito lang siguro talaga ako pag nalilibang sa kabila ng kainipan.

"Chung E: Lag po yung tipong babagal ang lahat, hindi ko din ma explain eh.” Sagot ko sa una niyang sinabi.

“Chung E: Kahit ganun po ka cute ang monster dapat parin siyang patayin para mag level 99 ka."

"Patzilicious: ah hindi naman po bumagal ang lahat saakin, kaya matagal po ako sumagot kanina kase inisip ko muna ang pangalan ng monster na pink." Aang sagot niya saakin, nadama ko ang kasiyahan sakaniya. Na alala ko tuloy nung una akong mag laro ng Ragnarok, wala din akong ka alam alam sa mga dapat gawin. hay, I miss the days.

"Patzilicious: Ilang pink na monster po ang dapat kong patayin bago mag level 99?"

"Chung E: Wah" Nalang ang nasagot ko.

"Chung E: Aate aabot ka ng sampung taon bago mag level 99 kung yung mga pink na monster lang ang iyong papatayin." Natatawa kong sagot.

Nakaka tuwa naman itong kausap ko. Wala talaga siyang ka alam alam.

"Patzilicious: Ang hirap naman pala, ang buong akala ko magiging madali lang ang lahat ng to."

"Chung E: Malawak po ang mundo ng Ragnarok ate, mahihirapan ka kung mag isa ka lang at walang kakilala."

"Patzilicious: Sa tingin ko nga po eh. Nag babaka sakali lang naman po kase ako na makita ko dito yung isang kaibigan ko."

"Chung E: Eh bakit hindi mo muna siya kontakin tapos magkita kayo ingame diba?"

"Patzilicious: Wala na po akong koneksyon sa kaniya eh. Kaya nga nagbaka sakali ako na dito ko siya makita." Paiisplika niya.

"Chung E: Ah ganun po ba, gusto mo samahan muna kita habang wala pa ang friend mo?"

"Patzilicious: Ang bait mo naman, ang sweet pa. Wag kang ganiyan kuya." Ang sabi niya.

Napa kunot noo ako kasabay ng pagtanong sa sarili ko, ano naman ang sweet dun? Hindi nag tagal ay may na alala ako na katulad din ng mga eksenang ito.

Flashback

"Kumain kanaba Pat? Wag ka mag papagutom ah ayaw ko ang ginugutom mo sarili mo."

"Aw wag kang ganiyan kuya"

"Wag ang alin?"

"Wag ka Masyadong maging sweet saakin, ayaw ko ma fall saiyo"

"Mafall? Bakit naman Pat?"

"Mabilis akong ma inlove sa mga sweet na lalakeng katulad mo, aaminin ko na saiyo mula pa ng makausap kita ay may kakaiba na akong naramdaman saiyo, kaya hangat maaari ay pinipigilan ko yun na dumating pa sa puntong tuluyan na akong mahulog saiyo, may boyfriend ako at mag tatatlong taon na din kami. Ayaw kong masayang ang pinag samahan namin dahil nakaka pagod na din ang mag umpisa ulit alam mo yun?"

End of flashback

Panandaliang tumigil ang oras, hindi ko makayanang sumagot sa sinabi niya. Umupo ako ng maayos mula sa aking silya, inayos ko ang aking suot na damit at huminga ng malamim bago ko hawakan muli ang keyboard. Bago ko pa maisulat ang aking isasagot ay napatigil akong muli at napa iling.

Tumingala ako sa ma-agiw na kisame ng shop. "Bro, wag mong sabihin siya nanaman ito?" Ang bulong ko sa aking sarili.

"Chung E: Ayaw mo bang samahan kita?" Ang sagot ko.

"Patzilicious: Gusto ko po syempre para naman may kasama na ako pag nag lalaro."

"Chung E: oh yun pala edi okay? Taga saan ka po pala?" Panigurado kong tanong.

"Patzilicious: Nandito ako ngayon sa US."

No comments:

Post a Comment