Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ikalawang kabanata “Pagkakataon.”

"Ang tanga mo!" Pasigaw kong bangit kay Popo na punong puno ng pawis ang mukha.

"Ta-e wag kang ganiyan, tara kain na nga lang tayo."

Linisan na namin ang shop na kinaroroonan namin at nagtungo na sa suki naming nagtitinda ng nuggets, tila iniisip parin ni Popo ang ginawa ko kanina. Para bang gusto kong humingi ng tawad sa pakiki alam ko sa kaniyang YM.

Hindi nagtagal ay natapos na kaming kumain at bumalik na kami agad sa shop para gawin ang sari-sarili naming dapat gawin.

"Pika-pi? pika-chuu!" Tunong ng telepono ko, hindi ko ito makapa sa aking bulsa. At nang mahanap ko ito, dali-dali kong tinignan kung kanino galing ang mensahe.

1 message recived.

"Leo! lapit na RPC regionals pre, sali tayo lima na kami dito kulang nalang kami ng dalawa para mabuo ang pito sa lineup. Text back asap kung gusto mo."

Wow RPC Regionals, mukhang maganda yun pero pano naman yun hindi pa ako nakaka sali sa mga ganun. Ah rreplyan ko nalang siya at mag tatanong ako.

"Ano pa ba ang kulang pare? May prof at champ na ba sa lineup niniyo?

Message sent.

"Pika-pi? pika-chuu!"

1 message recived.

"Ikaw ang inaasahan kong mag laro ng prof pare, alam ko magaling ka sa class na iyon, champ wala pa may kilala kaba?

Eksakto wala pang prof at ako na nga ang mag lalaro ng prof class. Hindi ko mawari ang galak na nararamdaman ko sa puntong ito, para bang matutupad na ang aking pangarap na makilala bilang isang magaling na scholar!

Teka lang. Kulang pa kami ng champion, pwede ko isali si Popo dahil sa tagal na naming magkasama ay alam na namin ang galaw ng isat-isa. Tama siya na nga ang pag lalaruin ko ng champ!

Nagmamadali akong tumayo para sabihin kay Popo ang balak ko.

"Mai, nasan si Popo?"

"Umalis na idol hindi mo ba napansin?"

"Hindi eh hindi naman siya nag pa-alam."

"Ah kala ko nag paalam siya idol, siya nga po pala level 96 na ang sage ano susunod na gagawin?"

"Ah sige i-AFK mo na muna diyan ako na bahala at kumain na muna kayo, sabihin niyo sa tindahan ako ang mag babayad."

Sa palagay ko nagtampo si Popo dahil sa ginawa ko, hindi ako mapakali para bang gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko. Pero bakit? Wala namang masama dun, tinulungan ko pa nga siya. ang mali lang niya eh di niya pa ito itinuloy, hayaan ko nalang babalik din yun.

Ilang araw na din ang lumipas di parin nag paparamdam si Popo marahil ay dinadamdam parin niya yung ginawa ko na para saakin ay hindi naman mali. At dito naman dumating si Bangs, Bangs daw pangalan niya dahil tinawag siyang bangus ng kung sinong ewan. Makulit ito at maingay mahilig din sa gulo at madalas ay lagi akong nasasangkot sa mga gulong ginagawa niya.'

"Pare-pare ano kasing number mo sa sun?" Malokong tanong niya na para bang wala akong tiwala sa binabalak niya.

"Bakit para saan?" Mabusisi kong tanong.

"May patatawagin ako saiyo mamayang alas-dose ng gabi, mag pangap ka na ikaw si bogs ah. Tandaan mo ikaw si bogs ah. Wag mo na palang ibigay ang number mo nakasave naman pala dito sa telepono ko."

"Ha, ako si bogs? Okay sige ako si bogs."

"Oo wag na wag mong kakalimutan ha, ikaw si bogs."

Maya maya lang ay naka uwi na din ako sa aming munting bahay, anak ng teteng kala ko pa naman iilaw na ang sage ko ngayong lingong ito hindi pa pala. Bakit pa kase nag dag-saan ang mga estudyante sa shop hindi tuloy ako maka singit badtrip! Wala akong magagawa walang pasok ngayon kase dumating ang presidente sa High school na malapit samin, ang Pampanga High School. Pero okay lang yun at makaka tulog ako ng maaga.

"Brrrr-brrrr.." Vibrate ng telepono ko. Malas talaga dahil sakto ko palang nakukuha ang tulog ko ay biglang may tumawag.

Calling 0922*******

“Wala akong alam na ganitong number, sino kaya ito?” Tanong ko sa sarili ko. Ilang ring pa ang lumipas at sinagot ko din ito, at pagka sagot ko.

"Hello, hello bogs?" Ang sabi ng tinig ng isang babae sa kabilang linya.

"Mmm? Hindi po si bogs to sorry wrong number ka miss sayang naman sakto ko palang nakukuha ang tulog ko e, badtrip naman pati ba naman sa pagtulog ko badtrip parin." Naiinis kong sabi.

"Ha? hindi ikaw si bogs? Eh sino kaba?" Parang naiinis niyang tanong.

"Hindi po ako sinuka. Inire po ako. joke! Leo po pangalan ko ang layo naman sa bogs."

"Ah pilosopo kapa, pero sige pasensya kana kuya na istorbo pa kita." Mula sa pasigaw at naiiritang boses niya kanina ay para bang umiihip nalang ang mahinhin na hangin sa bawat pag bigkas niya ng kaniyang mga salita.

"Ha? Ah, eh. Okay sige po pasensiya na din." Yun nalang ang nasabi ko habang para bang nabihag ako ng isang di kilalang babae ng dahil lang sa kaniyang boses.

Hindi na ulit siya nag salita pa at pinutol na ang liniya na tanging dahilan ko para marinig ang boses na ngayon ko palang narinig sa aking buong buhay. Kung pwede lang sanang ihinto ang oras sa puntong binibigkas niya ang mga salitang nag patigil sa mundo ko ay doon nalang ako. Hindi ko na namalayan ang oras alas dos na pala ng madaling araw kailangan ko ng matulog.

---

“Anak ng pinag-pipilipit na itlog ng tipaklong, tanghali nanaman akong gumising!” Mabilis pa sa rumaragasang tren kung akoy bumangon at dumiretso agad sa banyo para mag sipilyo, wala nang ligo-ligo sigurado ako madami ng tao na naka abang sa shop.

Pag dating ko sa shop hindi nga ako nagkamali, parang pinag sisigawan na ako at gusto akong lamunin sa tingin ng mga estudyanteng ito sa isipan, nila na tila ba kanina pa naka abang.

"Buksan ko na idol." Mahinhin na sambit ni mai-mai na para bang may problema.

Pagkabukas ng shop pina asikaso ko nalang ang lahat kay mai-mai at ako naman ay umupo lang sa may counter, iniisip ko parin ang babaeng tumawag saakin kaninang madaling araw.

Pero teka lang

“Flash back”

"Pare-pare ano kasing number mo sa sun?"

"Bakit para saan?"

"May patatawagin ako saiyo mamayang alas-dose ng gabi, mag pangap ka na ikaw si bogs ah. Tandaan mo ikaw si bogs ah. Wag mo na pala ibigay ang number mo nakasave naman pala dito sa telepono ko."

"Ha? Ako si bogs? Okay sige ako si bogs."

"Oo wag na wag mong kakalimutan ha ikaw si bogs."

“End of flash back”

Oh my god hindi kaya yung babaeng yun ang tinutukoy ni Bangs? Sigurado ako na siya nga yun dahil inakala niya na ako si bogs. Lagot. Patay sira na ang plano ni Bangs.

"Brr..brrr"

"Calling.. 0922*******" Shit siya nanaman. Ito yung number ng babae na tumawag kaninang madaling araw, sasagutin ko kaya? Sasabihin ko ba na ako talaga si bogs? Eh pano ko pa sasabihin yun huling huli na nga ako.

Naguguluhan ako sa mga sandaling ito, unti unting namumuo ang butil butil na pawis sa noo ko. Bago pa matapos ang pag vibrate ay sinagot ko na ito.

"Mmm?"

"Hello kuya ako po ito, yung tumawag kanina" Mas lalo pang gumanda ang boses niya kesa nung una ko itong marinig.

Hindi ako makapag salita tumitibok ng mabilis ang puso ko sa sobrang kaba. Pero bakit nga ba ako kinakabahan wala akong dapat ika-kaba.

"Kuya! hello nandiyan ka pa po ba?"

"Mmm? Ah, eh. O-oo nandito pa ako bakit?"

"Inamin na po pala ni Bangs na hindi ikaw si bogs pasensiya ka na po naistorbo pa kita kagabi."

"Okay" Yun nalang ang nasabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nag kaka ganito. Pinindot ko ang pulang boton sa aking telepono at tuluyan ng naputol ang liniya na kumokonekta saming dalawa. Maya maya pa ay idinial ko ang number ni Bangs at tinawagan siya.

"Hello pare napatawag ka?" Natatawa pa niyang tanong.

"Pare palpak nakalimutan ko yung sinabi mo kagabi sa sobrang antok ko, malas." Nalulungkot kong sabi.

"Hahaha! Okay lang yun, linoloko ko lang yung babaeng yun e. Wag mo ng isipin yun pare."

"Ah ganon ba? O sige-sige salamat." At binaba ko na ang aking telepono.

Pero hindi dun nag tatapos ang koneksyon ko sa babaeng may magandang boses, patuloy pa kaming nag tatawagan at madalas ay nag t-text naman. Dito ko nalaman na siya pala si Patricia Gumabon na taga San Juan Manila. Hindi naman masyadong malayo ang agwat ng edad naming. Bente uno ako at bente dos siya kaya dito palang ay nag kaka intindihan na kmi. Hangang sa dumating sa puntong.

"Kumain kanaba pat? Wag ka mag papagutom ah ayaw ko ang ginugutom mo sarili mo."

"Aw wag kang ganyan kuya."

"Wag ang alin?" Nag tataka kong tinanong.

"Wag ka masyadong maging sweet saakin, ayaw ko ma fall saiyo."

“Anak nang. Anong pinag sasabi ng babaeng ito? Anong ibig sabihin nito?” Pabulong kong itinanong sa aking sarili.

"Mafall? Bakit naman pat?"

"Mabilis akong ma-inlove sa mga sweet na lalakeng katulad mo. Aaminin ko na, mula pa ng makausap kita ay may kakaiba na akong naramdaman saiyo. Kaya hangat maaari ay pinipigilan ko ito na dumating pa sa puntong tuluyan na akong mahulog saiyo. May boyfriend ako at mag tatatlong taon na din kami ayaw kong masayang ang pinag samahan namin dahil nakaka pagod na din ang mag umpisa ulit alam mo iyon?"

Matapos siyang magsalita ay binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ako mka imik, hindi ko inaasahan na masasabi niya ang mga ganung bagay. Hindi pa kami nag kikita ng babaeng ito pero bakit ganyan na kung makapag salita siya. Naguguluhan ako pero marahil siya lang ang makaka sagot sa mga katanungan ko.

"Ah may boyfriend kana pala, almost three years? Wow ang galing hehe." Palusot kong sinabi, na para bang may konting kurot sa aking damdamin na hindi ko maintindihan.

"Opo, kuya pwede bang magtanong?” Mahinhin niyang sabi.

"Sige lang" Sagot ko.

“Pwede ba tayong magkita?"

“Ano?!”

No comments:

Post a Comment