Monday, August 22, 2011

Love bus




Sa loob ng isang bus, habang naka dungaw sa bintana ay malayang pinagma-masdan ni Ken ang mga ilaw na kaniyang natatanaw. Puno na ang bus, kaya may mga ilan nang naka tayo.

Biglang huminto ang bus. Tanaw ni Ken ang babae sa labas, may dalawang malalaking bag siyang dala at mukhang sasakay siya. Bumukas ang pintuan ng bus, at dito pumasok ang babae.

Habang naka tayo sa tabi ng drayber. Isinabit niya ang kaniyang buhok sa kaniyang tenga at pilit tinatanaw ng babae ang likuran ng bus, nagbabaka sakali siyang may mauupuan pa. Bagama't nahihirapan sa mga dala niyang bagahe ay pinilit parin niyang maglakad patungo sa likuran.

Nagka tinginan sila ni Ken nang mapalapit siya sa kaniyang pwesto. Mabilis na ibinaling ni Ken ang kaniyang tingin sa bintana. Napasimangot ang babae at ibinaba ang isang bag na naka sabit sa kaniyang balikat.

Malakas ang pagkaka bagsak nito, dahilan para muling mapatingin si Ken. Nakatingin parin sakaniya ang babae. Kitang-kita sa mukha ni Ken ang matinding kaba sa kaniyang nakita. Nakaka takot ang ekspresyon sa mukha ng babae, mukhang hindi niya nagustuhan ang pag snob sakaniya ni Ken.

Sino ba ang ta'ngang nag utos kay Ken na isnobin ang ganiyan kagandang babae. Parang nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ng isang lalaki sa pisikal na aspeto. Mahaba, straight at itim ang kaniyang buhok. Singkit na mga mata, maliit at matangos na ilong. Mamula-mula ang kaniyang pisngi dahil sa kaniyang mamahaling make-up. Maliit at manipis ang kaniyang labi. At ang katawan, parang 8-shape donut ang kurba. Medyo nakaka takot lang ang kaniyang kilay pag itinataas niya ito.

Nakatitig parin si Ken sakaniya, at ganun din ang babae. Inilagay ng babae ang kanyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bewang, at itinaas ang kaniyang isang kilay. Dito napansin ni Ken na panandalian siyang nawala sa realidad.

Mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag na nakasabit sa upuan sa kaniyang harapan. Muli niyang tinignan ang babae, nakatingin parin siya sakaniya. Kinakabahan man si Ken ay pinilit niyang kausapin ang babae.

"H-hi, gusto mong umupo?" Sabay turo sa upuan.

"Talaga? Salamat ha." Sagot ng babae.
Nagmamadali niyang isinaksak ang kaniyang bag sa lalagyanan sa taas. Tinulungan siya ni Ken sa isa pa niyang bag. Ngumiti ang babae kay Ken at bumulong.

"Thank you..." Ang sabi niya habang siya ay aktong umuupo.

Sinuklihan siya ni Ken ng isang napipilitang ngiti, itinaas ng konti ang kaniyang kanang kamay at sumenyas sa babae. Nais niyang iparamdam na walang anuman ang kaniyang ginawa.

Hindi din gaanong nagtagal, pumara ang lalaking nasa tabi kanina ni Ken. Nakatayo na ito ng mapatingin si Ken sa lalake, sinundan din niya ng tingin ang babae na kanina pa nakatitig sakaniya.

Nang makaalis ang lalake, naiwan na bakante ang upuan sa tabi ng babae. Nakatingin parin silang dalawa sa isat-isa. Hindi mapigilan mapangiti ng babae kay Ken, dahilan para siya ay makaramdam ng kaunting hiya. Napayuko si Ken at napakamot sa kaniyang ulo.

Muli niyang sinulyapan ang babae, hindi parin na aalis ang tingin nito sakaniya. Muling ngumiti ang babae itinaas ang kaniyang dalawang kilay kasunod ng pagturo niya sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Iginalaw ni Ken ang kaniyang kaliwang kilay, senyales ng pag sang ayon niya sa gustong ipahiwatig ng babae.

Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng babae malapit sa bintana. Pinipilit niyang hindi na tignan ang babae ngunit kitang-kita ang kanyang imahe sa salamin ng bintana. Hinila ni Ken ang maliit na kortina upang matakpan ang mga imahe ng babae sa salamin.

"Hey you!" Ang sabi ng babae sabay tapik kay Ken.

Nagulat si Ken at napaharap ito bigla sa babae.

"W-what?" Nagtatakang sagot nito.

"Bakit mo tinakpan ng kortina ang bintana?" Taas kilay na sabi nito.

"W-wala. Nahihilo kase ako." Pag-dadahilan ni Ken.

Natawa ang babae sabay takip sa kaniyang bibig, upang hindi marinig ang kanyang dapat ay malakas na tawa.

Nakaramdam ng kaunting pagka dismaya si Ken sa ginawa ng babae. Muli niyang hinila ang kortina at pinagmasdan nalang ang mga sasakyan na kanilang dina-daanan.

Napansin ito ng babae, agad niyang naramdaman na mayroong problema kay Ken. Ilinapit niyang mabuti ang kaniyang mukha kay Ken na parang nakaka loko ang dating. Napansin ito ni Ken kaya siya ay muling napatingin. Nagulat si Ken, napaatras naman ang babae.

Hindi ito nagustuhan ni Ken.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Naiiritang pagkasabi ni Ken.

"W-wala bakit?" Mabilis na sagot ng babae.

"Kung wala, will you please shut-"

"Ang sungit mo!" Ang sabi ng babae bago pa matapos ni Ken ang kaniyang nais sabihin.

Nagulat si Ken sa kaniyang narinig. Hindi siya nakasagot. Habang nakatingin sa babae, nagbuntong hininga nalang ito at muling ibinaling ang tingin sa bintana.

Muling napa ngiti ang babae sa inasta ni Ken. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang kanang kamay malapit sa balikat ni Ken, matagal bago ito nasundan ng pag galaw. Nanatili itong naka angat. Iniisip ng babae kung itutuloy pa niya ang kaniyang nais gawin.

Hindi nagtagal ay kinalabit niya ang kaliwang balikat ni Ken. Bahagyang iginalaw ni Ken ang kaniyang ulo patungo sa direksyon ng babae. Tinignan niya ito, ngumiti naman ang babae. Muling nag buntong hininga si Ken sa harap ng babae.

"Hi I'm Phenie." Ang sabi nito habang naka ngiti, sabay abot ng kaniyang kamay.

Hindi sinasadyang ngumiti ni Ken, napakagat ito sa kaniyang labi habang pinipigilan ang kilig na kaniyang nararamdaman. Inabot ni Ken ang kaniyang kamay kay Phenie habang pinipilit na tignan ito sa kaniyang mga mata. Nagawa man ni Ken ngunit hindi niya ito matagalan dahil siya ay naiilang.

"Oh hi, I'm Ken." Ang sagot nito.

"Caloocan meron ba?" Sigaw ng kondoktor.

Inalis ni Phenie ang kaniyang pagkaka hawak kay Ken. Inilabas niya ng bahagya ang kaniyang dila, iginalaw ang kaniyang dalawang mata patungo sa gitna upang magmukhang duling. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ken at hindi mapigilan na muling ngumiti sa kaniyang nakita.

Mabilis na tumyo si Phenie at sumigaw sa kondoktor.

"Meron manong!" Ang sabi niya habang kinukuha ang kaniyang gamit na inilagay nila kanina sa taas.

Tumayo si Ken upang tulungan si Phenie na kunin ang kaniyang mga bagahe, ngunit pinigilan siya nito.

"Ako nalang, kaya ko na." Ang sabi niya habang nakaturo ang isa niyang daliri sa mukha ni ken, ikinorteng parang isang baril at bahagyang inangat. "Bang!" Pabulong niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ni Ken sa ginawa ni Phenie. Habang naka ngiti at naka tingin sa sakaniya, muli siyang umupo, nagbuntong hininga at umiling.

Mabilis na isinabit ni Phenie ang isang bag sa kaniyang balikat at binitbit ang isa. Halos magkanda kuba-kuba na siya sa bigat ng kaniyang bagahe ngunit sige parin siya sa paglalakad.

Nang malapit na siya sa harapan, muli nitong ibinaling ang kaniyang tingin sa likod kung nasaan si Ken, ngunit hindi niya ito makita. Mabilis siyang bumaba ng bus at tumakbo patungo sa pwesto nilang dalawa kanina ni Ken. Nakita niya si Ken, nginitian niya ito. Ganun din ang ginawa ni Ken, nanatili lang itong nakatitig sa babae.

Dahan-dahan ng umandar ang bus kung saan naka sakay kanina si Phenie. Habang unti-unting umaandar ang bus, unti-unti din lumalayo ang dalawa sa isat-isa. Bago pa man tuluyang mawala sa paningin ni Ken si Phenie ay sumenyas na ito. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay, ngumiti si Phenie at nagpaalam na din kay Ken.

Nang tuluyan ng makalayo ang bus na sinasakyan ni Ken ay hindi niya mapigilan na ngumiti dahil na aalala niya si Phenie. Kinuha niya ang kaniyang Pilot Ballpen sa bag at sumulat sa puting tela na nakatakip sa likod ng mga upuan ng bus.

12-16-06 Hangang sa muli nating pagkikita Phenie.

-Ken 

No comments:

Post a Comment