Utak talangka
Alas onse na nang gabi hindi parin ako makatulog, nababagabag ang buo kong kaisipan. Kinakabahan sa magiging resulta ng board exam. Ang sabi kasi ng iba saakin, madami daw ang nawawala sa katinuan pag nalaman nila na hindi sila nakapasa.
Ako kaya?
Kung sabagay matagal na akong wala sa aking katinuan. Puro kalokohan ang laman ng aking kaisipan. Simpleng lalake lang ako, mahilig sa mga online games tulad ng Ragnarok. Halos dito na umiikot ang mundo ko, para maka iwas sa problema ng totoo kong mundo. Mahilig din ako sa mga chiks kaso ang problema hindi sila mahilig saakin.
Graduate ako ng nursing sa unibersidad ng Fatima, dito sa may valenzuela. Araw araw bumibiyahe ako mula pampanga hangang sa valenzuela, sa una nakaka pagod siyempre ang layo ng biyahe. Pero nung nagtagal aba yakang yaka na, heto nga at akoy nakatapos na.
Sa sobrang simple ng hangad ko sa aking buhay, makagraduate lang ako sa kursong ito masaya na ako. Sa totoo lang hindi ko naman hinahangad ang sumahod ng lagpas isang daang libo kada buwan sa ibang bansa, mas gugustuhin ko pang magkanda kuba kuba na ako sa kakatrabaho at mairahos ang aking magiging pamilya dito sa pilipinas. Isa kasi ako sa mga umaasang magiging maayos parin ang takbo ng buhay dito mismo sa pinas.
Ang sabi saakin nga mga tropa ko, sira ulo daw ako, gago at baliw. Nasa modernong panahon na daw kami ngayon, nakakapaglaro na nga daw kami ngayon ng Ragnarok. Bawat isa saamin may PSP, Ipod, at dekalidad na mga telepono. Sa panahon daw natin ngayon ay imposible ng maging maayos pa ang ating bansa.
Ang sagot ko, anong konek?
Kung iisipin kaya naman talaga nating gawin eh. Hindi lang talaga natin maiwasan na mag magaling, likas na kasi sa ating mga pilipino ang kakaibang talento. Magaling tayo sa maraming larangan sa buhay.
Ang dami nating mga sikat na personalidad na kilala sa ibang bansa, tulad ni Pacman. Hindi si pacman na linalaro dati sa family computer ha. Si Manny, ang pang bansang kamao ng pilipinas na kilalang kilala sa pag papatumba ng mga boksingerong taga mexico. Ang batang diva na si Charisse na ngayon ay manager pa niya si Oprah. Hindi din mag papahuli ang sobrang seksi na si Nicole ng PussyCatDolls.
At meron ding ibang pinoy na kilala sa ibang aspeto ng buhay.
Napaka dami hindi ba, kaya nga siguro minsan hindi natin maiwasan na maging masyadong bilib sa ating mga sarili. Lahat ng sobra masama. Napaka ganda sanang pakinggan kung puriin natin ang ating mga kababayan kaysa ireject ang kanilang mga nagawang maganda hindi ba.
Bata palang ako naririnig ko na ang Crab Mentality. Noon ang sabi nila, ang mga pinoy utak talangka daw. Ano ba ito sa akin nung akoy bata pa? Bata palang ako maaga nang ipinaliwanag saakin ng aking mga magulang ang ibig sabihin niyan. Natatandaan ko pa ang komersyal sa telebisiyon dati. Isang bayong na puno ng mga talangkang nag uunahan makapunta sa taas. Ngunit dahil ayaw patalo ng ibang mga talangka, hinihila nila ang kapwa nila pababa para sila ang umangat.
Paulit ulit lang naman sila, hindi nila magagawang maka alis at maka takas sa madilim na bayong kung ganun ang paulit ulit nilang ginagawa. Kung nagtulungan sana silang itulak nalang ang bayong ng sabay sabay, magagawa pa nilang itumba ito at malayang makatakas ng sabay sabay.
Ganun din tayo ngayon, kung patuloy tayong mag sisiraan at magbabangayan hindi maaayos ang ating bansa.
Sana ganun nalang kadali hindi ba, sana ganun din tayong mga pilipino. Nagtutulungan, nagkakaisa sa bawat problema.
Kayang kaya naman eh, basta't sama sama.

No comments:
Post a Comment