Tuesday, August 23, 2011

January 01, 2011

Actually this is a story of my best friend - itatago ko siya sa pangalang - Soju girl. This is originally posted on my Facebook notes, so I'll just post it again here. Hope you enjoy reading it. Here it goes...



Isang oras nalang pala at malapit ng matapos ang taong ito, napaka bilis lumipas ng panahon. Humigit kumulang dalawa hanggang tatlong buwan na rin mula nung huli kaming magkausap at magkita. Hanggang ngayon sariwa parin ang sakit ng araw na iyon, iyon na ang pinaka masakit na araw sa buong buhay ko, ang araw na nag desisyon siyang itigil na muna ang lahat saamin.

Ang daming mga salita ang hindi ko nasabi sakanya, ang dami ng mga paliwanag ko na hindi niya tinangap, ang daming luha ang pumatak mula saaking mga mata, ang daming dugo ang iniluwal ng aking puso.

Ilang minuto nalang pala at mag babagong taon na, nagkakayayaan na ang barkada, as usual Soju nanaman ang titirahin naming ngayong gabi, patak-patak na sila sa pambili ng alak at tsitserya, wala si Bebang ngayon kaya ako ang sasama kay Berto para bumili sa 7/11

Sina Bebang at Berto? Mga kaibigan ko sila, sila ang madalas kong nakakasama, kasama sa ganitong okasyon, madalas kasama sa madugong sitwasyon.

Bago pa kami umalis ni Berto ay hindi na ako mapakali, gagawin ko pa ba? O, hahayaan ko nalang masayang ang pagkakataon? Akala ko kanina madali lamang ang iniisip ko, subalit ng kunin na ni Berto ang bisikleta na aming madalas gamitin na pang serbis ay agad na nanginig ang aking mga tuhod.

Mukhang hindi ko kaya, talagang hindi ko kaya. Alam ko masasaktan lang ulit ako, ngunit sanay na ako. Gagawin ko ito, desidido na ako, haharapin ko kung ano man ang pwedeng mangyari saakin ngayong gabi. Gusto ko na rin maliwanagan ang lahat saamin, ayaw ko ng manatili sa sitwasyon at lugar na parang nakabitin sa bangin.

"Kumpleto na ang pera, pwede na ba ito?" Tanong ko saking kaibigan habang iniladlad ang tatlong tig iisang daan at walong tig bebente.

"Ayos na yan, malayo na mararating natin diyan." Sagot ni Berto kasunod ng pag sakay niya sa bisikleta, umangkas na din ako sa harapan.

Ipinuwesto na niya ang kaniyang kanang paa sa kanang pedal, pinuwersa niya ito at marahang umandar ang bisikleta.

"Boi, dito tayo dumaan." Ang sabi ko ng marating namin ang kanto. Itinuro ko ang daan sa kaliwa, sobrang mapapalayo kami sa totoo naming pupuntahan, alam ko alam niya ang binabalak ko.

"Alright." Matipid niyang sagot kasunod ng muli niyang pag pedal sa bisikleta.

Habang tinatahak namin ang daan ay hindiko mapigilan ang pag sigaw ng aking puso, napaka lakas nito, halos sakupin na nito ang aking buong pagkatao.

"Boi, sa tingin mo? Itutuloy ko pa ba?" Pabulong kong tanong kay Berto.

"I got my breaks on." Naka ngiti niyang sagot.

Napabuntong hininga nalamang ako, ilang padyaknalang at malapit na kami sa bahay nila, wala ng oras para mag bago pa ang isip ko, wala ng pag kakataon para umatras pa ako. Nandito na ako, gagawin ko na ito. Diyos ko po, bahala na po kayo.

Hinigpitan ni Berto ang hawak sa preno, dahilan para kami ay huminto sa tapat ng bahay aking pinaka mamahal. Tahimik dito, mukhang walang tao, subalit kita mula sa bintana na nakasindi ang ilaw sa kwarto.

"Boi, sampung katok lang. Kapag walang sumagot, alis na tayo." Ang sabi ko habang paulit-ulit kong iginagalaw ang aking sampung daliri. Tumango siya at ngumiti.

Unang katok, mahina. Walang sumagot, walang senyales ng taong buhay.

Pangalawa, pangatlo, pang-apat. Wala parin.

"Lakasan mo kase para hindi masayang ang bilang ng katok mo." Sabi ni Berto na nakaupo sa tabi ng bisikleta.

Pang-anim, pang pito. Malakas na, sapat na para maka nakaw pansin. Biglang lumiwanag ang siwang sa gilid ng pintuan, may nagbukas ng ilaw. Naku po, patay, may tao. Shit anong gagawin ko, relax, focus, ano ba?

Mabilis kong inayos ang bangs ko, at insinabit ang aking buhok sa gilid ng aking tenga. Hinila ng kaunti ang aking damit pababa, at bahagyang nag punas ng mukha. Napupuno na ng dugo ang aking ulo, hindi ko na mapigilan ang mabilis na pag akyat nito.

Halos pumutok na lahat ng ugat ko ng makita ko ang kaniyang mga mata na naka silip sa maliit na siwang sa gilid ng pintuan, ayaw gumalaw ng mga paa ko, ayaw bumuka ng bibig ko. Walang umaandar sa buong katawan ko, isa akong paralisado, pati na ang aking puso biglang natahimik ngayon.

Shit kaylangan kong gumalaw, kaylangan kong magsalita. Pucha ano ba? Galaw!

Mabilis kong inikot ang aking ulo sa direksyon ni Berto, andun siya naka ngiti at tumango. Marahan kong ibinaling muli ang aking atensyon sa mga mata ng tao sa likod ng pinto, mga mata na matagal ko ng hindi natititigan, bahagyang bumukas ang aking bibig at nagsimula ng mag salita.

"H-happy new y-year..." Garalgal kong sabi. Shit ano ba ito umayos ka, wag kang mataranta. "Happy, m-monthsary din sana... kung hindi tayo nagka hiwalay, mahal na mahal parin kita, ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba." Pagpapatuloy ko pa.

Nakita kong ilang beses gumalaw ang kaniyang mga mata at labi, alam kong may sinasabi siya, alam kong may ibinubulong siya, alam kong hindi ito mahina, nabibingi ako lakas ng kabog ng aking puso, daig pa nito ang tambol ng mga mosikos tuwing kapistahan.

Nanlaki ang aking mga mata ng may maramdaman akong malamig sa aking kamay, hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking luha mula saking mga mata. Pinagmasdan ko ang kaniyang kamay habang inaabot ang dulo ng aking mga daliri.

Hindi ko na hiningi pang ulitin niya ang kaniyang mga binangit, napaka saya ko na makita siya. Mas magiging masaya sana ako kung mayakap at mahalikan ko siya, subalit sa ngayon ang makita at masabi ang aking nais sabihin ay sapat na.

Ilang sandali pa at hinila na ako ng aking mga paa pabalik sa direksyon ni Berto, huminto ako sa tapat niya at ngumiti. Ngumiti din siya at sinabing-

"Okay na?"

Tumango ako at sinabing... "Thanks boi, para akong nahugutan ng tinik sa puso."

Mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa pintuan habang naka pormang sasakay na sa bisikleta. Ngumiti ako at hindi na muling tumingin pa, hindi nagtagal umandar na ulit ang sinasakyan kong bisikleta.

Napaka saya ng ilang minutong iyon, at least kahit paano uumpisahan ko ang taon na ito na may saya sa aking puso.

No comments:

Post a Comment