Tiwala
Masayang masaya si Natalie sa kanilang paglipat ng tahanan dito sa Pampanga. Dahil sa wakas ay muli nanaman niyang makakasama ang mga dati niyang kaibigan. Matagal na din noong huli silang umuwi sa probinsya, halos apat na taon silang namalagi sa amerika.
Pagdating nila sa bahay ay hindi na niya inayos ang kaniyang mga bagahe, at agad na tumuloy sa bahay ng kaniyang mga kaibigan. Hindi maipinta ang kakaibang saya na kaniyang nadarama sa mga oras na iyon. Buong araw siyang nakipag kwentuhan sakanila, kinuwento niya ang kaniyang naging buhay sa amerika.
Mas masaya sana ang naging buhay ko sa amerika kung kasama ko kayo, ang kwento niya sa kaniyang mga kaibigan. Nasasabik na siyang pumasok at mag aral sa eskwelahan kung saan nag aaral din ang kaniyang mga kaibigan. Iniisip niyang magiging masaya ulit siya sa kaniyang pag aaral.
At dumating na nga ang kaniyang unang araw ng pasukan muli dito sa pilipinas, nung una ay kina kabahan siya at naninibago. Ngunit sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, naging madali at maayos lang ang lahat. Hindi nagtagal ay nakilala niya si Ramon, ang pinaka sikat na lalaki sa kanilang eskwelahan. Si Ramon ay isang varcity, miyembro siya ng basketbol team ng eskwelahan. Matangkad, matipuno ang katawan. Malakas ang dating sa mga babae, at higit sa lahat magaling siya mag laro ng basketbol.
Kaya hindi nakapag tatakang mabihag niya ang kalooban ni Natalie. Bagamat bago palang siya sa eskwelahan, ay usap usapan na din siya dahil isa siyang transferee. Nang malaman ni Ramon ang bulung bulungan ay hindi na ito nag dalawang isip pa na ligawan ito.
Hindi maitago ni Natalie ang kaniyang kasiyahan at ikinuwento niya ito sa kaniyang mga kaibigan. Hindi nasiyahan ang mga ito sa kanilang nalaman. Imbes na matuwa sila sa kaniyang ibinalita ay takot ang kanilang naramdaman. Alam nilang magiging miserable lang ang buhay ni Natalie kay Ramon, binalaan nila ito at pinayuhan na umiwas sakaniya.
Hindi nagustuhan ni Natalie ang komento ng kaniyang matatalik na kaibigan, labis na pagka dismaya ang kaniyang nadama. Napaisip siya sa kanilang mga sinabi.
Ano ba ang ayaw nila kay Ramon at ganoon nalang ang kanilang naging reaksiyon. Mabait siya saakin at wala siyang pina pakitang masama. Alam kong malinis ang kaniyang intensiyon saakin.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanilang mga sinabi. Lasingero. Playboy daw siya. Mang gagamit. Kolektor ng mga sikat na babae sa kampus. Kung sino sino na daw ang kaniyang mga na ikama, at hindi nagtagal ay iniwan din. At ang pinaka hindi ko mapaniwalaan ay isa din daw siyang pusher, user ng droga.
Gustuhin ko man maniwala sakanila ay hindi ko magawa, sa kaunting panahon ng aming pag sasama ay tuluyan ng nahulog ang loob ko sakaniya. Napaka hirap ang malagay sa aking sitwasyon, ang marinig ang lahat ng bagay na ayaw kong malaman tungkol sa aking mahal. Hindi naman sa di ko pinakikingan ang kanilang mga payo. Alam kong mahal nila ako at hindi nila gustong mapasama ako.
Ayaw kong maniwala hangat hindi ako mismo ang nakaka pagpatunay.
Ilang linggo na din ang lumipas at naging maayos ang lahat sakanila ni Ramon, wala siyang nakikitang bakas ni isa sa babala ng kaniyang mga kaibigan. Hanggang sa dumating ang kaarawan ni Ramon. Ginawa niyang engrande ang kaniyang kaarawan. Lahat ng malalapit sa kaniya sa kampus ay imbitado, at lahat ng malalapit kay Natalie ay kaniya ding inimbita.
Naging masaya ang dalawa, halos matapos na ang gabi magkasama parin sila. Hanggang sa dumating ang oras na kinatatakutan ni Natalie. Kakaiba ang kaniyang naramdaman nang yayain siya ni Ramon sa kaniyang kwarto, marahan niyang tinignan ang mukha ng kaniyang mahal. Maamo parin ito kahit medyo singkit na ang kaniyang mga mata, ng dahil sa dami ng nainom.
Nagda dalawang isip man, ay sumama parin si Natalie kay Ramon. Iniwan niya ang kaniyang mga kaibigan sa garden na masayang nagiinuman. Ilang minuto lang ay nakadating na sila sa kaniyang kwarto. Pag pasok ng pinto marahan niyang inalalayan ang dalaga sa kaniyang kama, at muling bumalik sa pinto para ikandado.
Tumutulo ang malamig na pawis ng dalaga sa kniyang mukha, nangi-nginig ang kaniyang tuhod at parang nilalamig. Halos dinig na dinig ang mabilis na tibok ng kaniyang puso sa sobrang tahimik ng silid.
Dahan dahan lumapit si Ramon kay Natalie, tinitigan niya ito sa kaniyang mga mata. Halata sa kaniyang murang mukha ang kaba. Nagulat nalang siya ng maramdaman ang maiinit na labi ni Ramon na dumikit sa kaniyang mga labi.
Nangi-nginig man at nanla-lambot, ay ibinigay parin niya ang kaniyang natitirang lakas para itulak ito palayo. Labis na pagkadismaya ang gumuhit sa mukha ni Ramon. Walang magawa ang dalaga kung hindi ang yumuko na lamang.
Marahang tumayo si Ramon at kinuha ang kaninang dala-dalang isang bote ng beer, na naka lagay sa maliit na lamesa. Halos mangalahati ito ng inumin niya ito. Muli niya itong ibinaba at binuksan ang kaniyang drawer.
Kinuha niya ang isang sirang lighter, isang rolyo ng foil at isang maliit na plastik na may laman na puti.
Mukhang tawas ito kung titignan, ngunit aanhin niya ang lighter, foil at tawas. Mukhang ito na nga ang sinasabi ng aking mga kaibigan, kung ito na nga sana ay mapigilan ko pa.
Pinunit ni Ramon ang foil at kinorteng pahaba, linagay nya ang puting mukhang tawas sa foil. Sinindihan niya ito gamit ang lighter na parang linuluto, iginalaw galaw niya ito na parang nag s-seesaw. Naging mausok ito, umalingasaw ang masamang amoy ng usok. Ngunit ang usok na may masamang amoy ay sinisinghot ni Ramon habang naka titig kay Natalie. Titig na parang inaalok na gawin ang kaniyang ginagawa.
Halos maiyak si Natalie sa kaniyang mga nakikita, dahan dahan siyang umaatras palayo sa lalaki. Natatakot ito sa nakikita niya sa mukha ni Ramon. Hindi niya matagalan na tignan ang mala demonyo niyang mga mata.
Tinangka niyang tumakas at lumabas ng silid ngunit hinabol ito ni Ramon. Sakto palang niyang naha hawakan ang Doorknob ng pinto ay nahawakan na agad ito sa braso. Nasasaktan si Natalie sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Ramon.
"Bitawan mo ako! Ayaw ko na sayo!" Ang sigaw ni Natalie.
"Manahimik ka! Akin ka Natalie akin ka! At magiging aking ka lamang!" Bulyaw ni Ramon.
Inakbayan niya ito ng mahigpit at tinakpan ang bibig, isinama niya ito sa labas papuntang garahe. Isinakay niya ito sa kaniyang Honda Civic at umalis ng bahay.
"Saan mo ako dadalhin Ramon?! Lasing ka na baka maaksidente pa tayo nito!" Nag mamaka awang sabi ni Natalie
"Sinabi ko ng manahimik ka! Leche ka pinahiya mo ako! Wala pang tumatanggi sa alok ko!" Muling bulyaw ni Ramon.
Napaka bilis na ng kanilang takbo, tila wala ng balak mabuhay pa si Ramon. Walang humpay na pag busina ang ginagawa nito para maunahan ang mga sasakyang nasa harap nito. Medyo mabigat na din ang trapik ngunit tumatakbo parin sila ng siento bente. Walang magawa ang dalaga kung hindi ang mag maka awa.
"Maawa ka Ramon, ihinto mo na ang sasakyan." Umiiyak na sabi nito.
Ngunit tila wala itong naririnig. Bumuhos na ang malakas na ulan, halos wala na siyang makita sa daan. Tanging ang mga ilaw nalang ng mga sasakyan ang kaniyang nagiging pala tandaan.
Hangang matanaw ni Natalie na papalapit na sila sa bangin, bangin na ano mang oras ay pwedeng kunin ang kanilang mga buhay.
"ILIKO MO RAMON! ILIKO MO!!" Ang sigaw ni Natalie.
Biglang iniliko ni Ramon ang sasakyan at sinalubong ang isang itim na Toyota Vios. Nagsalpukan ang dalawang sasakyan, dahilan para hindi mahulog sa bangin ang Honda Civic na sinasakyan nina Natalie.
At sa ospital na muling nagkamalay si Natalie, pagka gising ay inalam niya agad ang kalagayan ni Ramon sa nurse na umaasikaso sakaniya. Umiling ang nurse at ibinulong ang malungkot na balita. Namatay si Ramon sa salpukan ng dalawang sasakyan, at hindi na nito nakayanang umabot pa sa ospital.
Labis na lungkot ang kaniyang nadama sa nalaman, laking pasalamat na niya ay siya ay buhay pa. Ilang sandali pa ay muli siyang nag tanong, inalam niya ang kalagayan ng mga naka bungguan nila. Bago pa maka sagot ang nurse, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at dito niya nakita ang kaniyang ina.
Walang tigil sa kaiiyak ang matandang babae. May nais itong sabihin kay Natalie ngunit hindi niya ito magawa dahil sa kaniyang pag hagulgol. Hinimas ni Natalie ang likod ng matandang babae, at nang kumalma ito ay agad din niyang ibinulong ang isa pang nakapang lulumong balita.
"Patay na din sina Audrey at Bernadette iha, sila ang inyong mga nakabungguan. Tinangka ka nilang habulin at iligtas mula kay Ramon. Hindi sila nag dalawang isip na habulin ang inyong sinasakyan, kahit malakas ang ulan ay desidio parin silang mailigtas ka. Ayaw nilang mangyari na sa bandang huli ay pagsisihan mo na hindi mo sila pinakingan. Mahal na mahal ka nila anak, masaya sila kung makakayanan mong maging ligtas ang sabi ni Audrey." Huma-hagulgol na kwento ng kaniyang ina.
No comments:
Post a Comment