Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ikasampung kabanata "Tulak ng bibig."

"Popo magsara na tayo ng shop" Malumanay kong sabi. "Wala na din naman nag lalaro eh. Gusto ko na din magpahinga."

"Oh badtrip ka yata pare?" Tanong ni Popo habang nakapormang ilo-log-out na ang kaniyang ym.

"Oo eh, meron kasing gumugulo saakin kanina pa. Sa YM chaka sa text."

"Ah sige teka lang paalam lang ako dito sa ka chat ko."

Napatingin ako sa monitor ni Popo, at doon ko nakita yung pangalan ng nagPM saakin kanina lang.

"Teka lang, pare sino yan? Densie, kilala mo yan?" Ang tanong ko kay Popo.

"Oo kaya nga nasa friends list ko eh dba?" Pilosopo pa ang kumag na to.

"Eh yan yung nagpm at nag text saakin kanina eh." Ang sabi ko habang naka kunot ang aking noo.

"Ah oo, tinanong kase niya saakin ang email add mo kanina kaya binigay ko."

"Ano? Oh eh sino ba yan?" Ang sabi ko kay Popo na may halong pagkainis.

"Ta-e si Dennise, hindi ba niya sinabi saiyo?"

"Dennise? Yung kasama mo sa RWC? Yung-" Hindi pa ako natapos sa aking pag sasalita ay sumagot na siya.

"Oo, hindi ba pinakilala ko na siya saiyo?" Nagtatakang tanong ni Popo. "Oh tara na, mag sara na tayo."

"Ha? Ah, eh teka lang. Wag muna." Ang sabi ko kay Popo habang pinipigilan ko ito sa akmang pag shut down ng kaniyang kompyuter.

"Oh, akala ko bang mag sasara na tayo ng shop?" Tanong ni Popo.

"Oo nga, akala ko ba gusto mo ng magpahinga pre?" Sabat pa ni Bangs na kanina pa nakikinig sa usapan namin ni Popo.

"Ha? Ah, eh. Oo pero mamaya nalang, maaga pa naman eh hehe." Ang sabi ko sakanila kasabay ng aking pagupo at pag log-in sa aking YM.

Wala akong sinayang na oras pagka log in ko sa YM ay hinanap ko agad ang pangalan ni Dennise sa friendslist ko.

“Ano nanaman ba itong kamalasan na to, bkit hindi ko makita ang pangalan na Dennise.”

"Pre bakit hindi ko makita ang pangalan ni Dennise sa friendslist ko?" Pasigaw kong tanong kay Popo.

"Ta-e pinalitan na yata niya ang pangalan niya, Densie na yata eh hanapin mo diyan."

"Densie... Densie... Densie... Densie..." Paulit-ulit kong binabangit habang hinahanap ko ang pangalan na Densie. "Nak ng tokwa hindi ko mahanap, pre ikaw nga tumingin dito baka lumalabo lang mata ko?"

"Ta-e tingin nga?" Ang sabi ni Popo habang kinuha saakin ang mouse. Kasabay ng pag hahanap nito.

"Ano kita mo na?" Naka simangot kong sabi.

"Hindi eh, ang tanong in-add mo ba siya kanina?"

"HINDE EH!" pasigaw at na aasar kong sagot.

"Ta-e ka pala eh, hanap ka ng hanap hindi mo naman pala siya in-add." Natatawang sabi pa ni Popo.

"Amf! Pag ganun ba hindi pa siya na add saakin?"

"Hinde gagu hahaha!" Sabat pa ni Bangs kasabay ng pag tawa nito ng malakas.

"Ang tatanga niyong dalawa bakit hindi niyo agad sinabi saakin! I-shut-down niyo na mga yan mag sara na tayo!" Naiinis pero pabiro kong sabi.

Badtrip naman, si Dennise pala yun. sino kaya ang nambastos sakaniya? Sayang sana tinulungan ko na siya kanina pa. Bkit kasi hindi pa niya sinabi agad na siya si Dennise eh. Amf badtrip talaga, napapa isip tuloy ako ngayon kung okay lang ba siya. Parang naka dagdag pa ako sa mga problema niya, imbes na matulungan ko na siya eh nasungitan ko pa. Malas.

Pagkatapos naming isara ang shop ay diretso uwi na ako, si Popo sumakay na ng jeep at kami naman ni Bangs magkasabay na naglakad lang dahil malapit lang naman ang bahay namin kung galing sa shop.

Habang linalakbay namin ng aking kaibigan ang kalsadang nababalot ng dilim ay may naitanong saakin si Bangs.

"Pre, bakit mo pala naitanong si Dennise kanina kay Popo."

"Ah, nag papatulong kasi siya kanina. May nambastos daw sakaniya sa Valk eh." Ang sabi ko kay Bangs.

"Ah kausap namin siya kanina wala naman siyang nabangit na ganun. Bakit daw ba?"

Sa aming pag lalakad ay may nadaanan kaming nakabukas na tindahan.

"Hindi ko din alam eh, pre daan muna tayo diyan sa tindahan magpapaload lang ako."

"Ano yun mga utoy? Bibili ba kayo kase mag sasara na ako." Tanong ng matandang tinder.

"Gandang gabi po manang, mag papa load po sana ako ng sun."

"Magkano utoy?" Ano ba naman itong matandang to, ang sagwa pakingan ng utoy amf.

"Ah eh bente lang po yung regular ah hehe."

Ilang minuto pa ay nakauwi na din ako, kasabay nun ay ang pag pasok ng pinaload ko kanina. Hindi ko alam kung bakit medyo natagalan busy siguro ang network. Ganun naman kasi talaga, kaya nga sabi nila ang sun cell daw ay mahina pag gabi kasi daw walang sun? Kung totoo man yun o hinde wala akong pakealam. Ang tanging gusto ko ngayon ay ang itext si Dennise.

"Dennise, Dennise, Dennise," Amf puro Dennise, hindi na siya na alis saaking isipan. Grabe ang tama ko sa babaeng yun. Sa tuwing na aalala ko siya ay naiisip ko lagi yung kilig na naibigay niya saakin. Hay nako.

Matapos akong mag hilamos at makapag bihis ay dali dali na akong tumalon sa aking napaka lambot na kama, habang naka higa ay nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto habang ninanamnam ang malamig na hangin galing sa aircon. Ang sarap matulog matapos ang isang nakakapagod na araw.

"Teka, si Dennise nga pala ittext ko pa." Tinignan ko ang oras sa aking cellphone.

"Mag aalas dose na din pala. Wag nalang kaya siguro, baka kase tulog na siya." Muli kong ibinaba ang aking cellphone at ibinalot ang aking buong katawan ng kumot.

"Pero bakit hindi ko muna subukan baka gising pa siya dba?" Ang sabi ko sa sarili kasabay ng aking pag upo.

"Pero baka hindi din siya sasagot dahil sa nangyari kanina, baka nainis na siya saakin." Ang sabi ko ulit sa aking sarili habang nakapormang papatayin na ang ilaw.

"Pero bkit hindi ko subukan dba? Malay natin sagutin niya." Ano ba yan kinakausap ko na ang sarili ko, isa lang talaga ibig sabihin nito, baliw na ako kay Dennise.

Muli ko ng inabot ang aking cellphone mula sa aking paanan at nag isip ng sasabihin, ano kayang maganda sasabihin? Yung bang parang walang nangyari? Yung tipong nalimutan na ang lahat ng nangyari kanina? Ah basta bahala na.

"Hi Dennise gising kapaba? Sensiya na kanina ha. Text back ka kung gising kapa."

Sent.

Muli ko ng hinagis ang aking telepono sa aking paanan kasabay ng muli kong pag higa, habang nananalangin na sana ay sumagot si Dennise.

Ilang minuto pa ay wala paring dumadating na text, dito ko napag isipan na tawagan nalang siya. Agad kong hinanap ang aking cellphone na pakalat kalat sa aking kama, ng makita ko ito dali dali ko namang idinial ang number ni Dennise.

"Brrr...Brrr..."

“Sagutin mo please..”

Lagpas na sa sampung ring hindi parin siya sumasagot, marahil tulog na nga siya. Malungkot kong pinindot ang pulang buton para ikansela ang tawag at muli na akong humiga, habang naka tulala at naka tingin sa kisame ay dahan dahan ko ng ipinikit ang aking mga mata.

"Pikapi- pika..chuu!!"

Napagising ako sa isang pamiliar na tunog at sa liwanag na galing sa isang parte ng aking kama, ng tumingin ako sa aking bandang paanan ay dun ko nakita na telepono ko pala ang tumutunog.

“Pikachu? text un.”

Dali-dali ko itong inabot. Nang tignan ko ito may isang text na galing kay, Dennise?! Walang oras na nasayang at binuksan ko ito agad.

"Hoy pasensiya kana nakatulog ako eh, tumatawag kaba or nag papamiskol lang?" Tama ako, naka tulog nga siya.

"Hi, pasensiya kana kung nagising kita. hindi ka kase nag rereply kanina kaya tinawagan na kita, kaso tulog kana yata kaya binaba ko nalang ito agad bka kasi magising pa kita."

Sent.

"Pikapi- pika..chuu!!"

"Ah, ganon ba? Sayang naman ang load mo hindi unli ang text mo saakin niyan ok lang ba saiyo?"

"Ha? Okay lang saakin yan nag load naman ako kanina ulit bente eh, baka ikaw hindi okay saiyo kase hindi ka unli hehe." Pagka send ko ay tinignan ko ang oras, nak ng ipit na pinilipit alas tres na pala ng umaga.

Sent.

"Pikapi- pika..chuu!!"

"Oo ganun na nga hahahahah!"

"Aw. Haha seryoso ka? Buti gising kapa?"

Sent.

"Pikapi- pika..chuu!!"

"Oo eheh. Wala na din akong regular load eh, kung gusto mo tawagan mo nalang ako sa landline."

"Eh pano naman kita tatawagan hindi ko naman alam ang landline number mo?"

Sent.

"Pikapi- pika..chuu!!"

"Amf edi sasabihin ko, 96345** tawag ka nalang ha wala na din akong load eh."

Hindi na ako nag reply pang muli, dali dali na akong tumakbo papunta sa sala na parang wala pang natutulog. Nasa sala kasi ang telepono, hindi ko na inisip kung mabulabog pa ang mga tao sa bahay ang gusto ko ngayon ay makausap ang babaeng nararamdaman kong espesial na saakin.

Maya maya lang naidial ko na ang number na binigay saakin ni Dennise, nakaka dalawang ring palang ito ay may sumagot na agad.

"Hi, Hello?" Ang bati ko sakaniya.

"Mmm? Sino to?" Inaantok pang sagot ng babae sa kabilang liniya.

"Ay sorry po, pwede po kay Dennise?" Nahihiya kong sabi.

"Hahaha ako ito, na alis tuloy ang antok ko saiyo. Ang dali mo namang lokohin." Natatawa nitong sabi.

"Aw ganon ba, haha hindi lang siguro kase ako sanay na kausap ka." Ang sabi ko na mejo natatawa.

"Wooo sabihin mo nai-inlove ka lang sa boses kong mala anghel hahaha."

"Nai-inlove? Hahaha oo-" Hindi pa ako nakatapos mag salita ay sinupalpal na ako nito.

"Oh see? Hahaha naiinlove kana sa boses ko, boses palang yan ah. Haha!" Natatawang sabi pa nito.

"Ha? Ah, eh. Ang sabi ko oo maganda at mala anghel ang boses mo pero hindi ako naiinlove no?" Grabe ang cool kausap ng babaeng to. kanina lang inaantok ang boses niya pero ngayon sobrang energetic na.

"Nag dedeny pa eh halata naman hahaha!"

"Lakas mo din pala mang asar no, akala ko dati tahimik ka lang hahaha. Nga pala sino yung mga nambastos saiyo kanina?"

"Ah, yun ba? Wala yun." Isang napaka lungkot na boses ang pumalit sa kanina lang ay napaka sigla. Bigla itong nalungkot ng bangitin ko ulit ang nangyari sakaniya kanina.

"Sorry kung pinaalala ko pa saiyo yun, gusto lang kita tulungan. Kung alam ko lang na ikaw yun di ako mag dadalawang isip na tulungan ka. Kahit sino aawayin ko para saiyo." Naks dumadamubs na ba ako, saan ko galing ang linyang yun amp.

"Wow heheh okay lang yun, wag mo ng isipin yun tapos na din naman eh. Pano mo pala nalaman ako yung nagpm at nagtext saiyo?" Medyo okay na ang boses niya wag ko nalang siguro ipaalala ulit ang nangyari kanina.

"Ha? Ah, eh sa boyfriend mo po."

"Ano? Boyfriend ko? Hehe sino?" Nagtatakang tanong niya.

"Si Popo hehe nakita ko kase ang pangalan mo dun sa friendslist sa YM niya."

"Ah si Popo hindi ko Boyfriend yun." Bigla akong natigilan ng marinig ko ang mga huling sinabi ni Dennise. Hindi parin sila hangang ngayon ni Popo?

"Ah ang akala ko kase eh boyfriend mo si Popo hehe." Naiilang kong bangit.

Sa mga oras na ito ay nakakaramdam na ako ng matinding antok. Gustuhin ko man na makipag kwentuhan pa sa mahiwagang babaeng ito, kaso sumusuko na ang katawan ko.

"Hindi no." medyo umiiksi na ang mga sagot niya, inaantok na din siguro siya.

"Ah, inaantok ka naba?" Tanong ko sakaniya. Natawa nalang ako bigla ng ibalik niya saakin ang aking tinanong.

"Matutulog kana?"

"Toink haha ikaw po ang tinatanong ko, gusto mo ng matulog?" Paulit kong tanong.

"Anong oras na ba?" Patanong niyang sagot.

"2:30 na po ng umaga eh." Inaantok ko ng sabi.

"Ikaw kung matutulog kana matutulog na din ako." Ang sabi niya.

"Waw naks ah, hehe osige tulog na po ako pra maka tulog kana din." Pabulong kong sabi.

"Okay sige goodnight." Malakas niyang sabi.

"Okay po goodnight din, i love--"

"Ha?" Patili niyang tanong.

Anak ng butiking giniling giling. Hindi ko alam kung anong demoniyo ang nagtulak saakin para sabihin ang mga salitang yun, buti at napigilan ko ang sarili ko para hindi maituloy ang isa nanamang nakakahiyang eksena.

Hindi ko sinasadyang bangitin ang mga salitang iyon. Marahil nasanay akong sabihin ang mga salitang nabangit ko sa aking kasintahan. Sa tuwing mag g-goodnight ako ay may kasunod laging iloveyou.

Ilang segundo na hindi parin ako nakakapag salita ulit. Iniisip ko kung narinig ba niya ako o hindi. Marahil narinig na niya ako.

"Ha? Ah, eh wala po. Sabi ko goodnight. Hehe." Palusot kong sagot. Hindi sana niya nahalata.

"Pagkatapos ng goodnight?" Malumanay niyang sabi.

"Ha? Ah, eh. W-wala na po. Hehe" Palusot ko pa.

"Ah. Akala ko kase sinabihan mo ako ng iloveyou eh. Hehe.” Natatawang sabi niya. “Baka inaantok lang ako kaya kung ano ano na ang mga naririnig ko. Sige goodnight ulit." Ang sabi niya kasabay ng pagbaba ng telepono.

No comments:

Post a Comment