Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-isang kabanata "Tagumpay."

Grabe konting tiis nalang iilaw na ang sage ko, matagal ko ng hinintay ang mga sandaling ito. Mag bubunga na din ang matagal ko ng pinagpaguran. Matutupad na din ang aking pangarap na maging isang magaling na scholar. Buti at may mga pilot akong katulad nina mai-mai na buong araw linalaro ang karakter ko basta pakakainin ko lang sila. Ang maganda pa nito ay mas safe dahil imbes na mag bot ako eh totoong tao ang mga bot ko. Hindi na ako ma j-jail hindi pa madaling ma deads.

Pasensiya na pala kayo nadala lang ako sa matinding pagka galak, kung nagtataka kayo kung nasan ako ngayon. Nandito ako sa shop na pinag t-trabauhan ko, at kasama ko ang kasintahan ko na si Charlene na nanonood sa aking mga pilot habang nag papa level sa Ice dungeon 3. Alos dose na din ng hating gabi.

Ang bilis no? Gusto niyo bang malaman ang nangyare kanina? Wala namang ganun ka spesyal, pinuntahan ako ng aking mahal sa bahay namin at buong araw na nagkwentuhan. At oo tama ka kwentuhan lang. Kaya hangang ngayon magkasama pa kami at hindi pa siya umuuwi.

"Ano ba yan, ang iingay. Kailangan pa ba talagang sumigaw pag naglalaro ng ganiyan?" Ang sabi ni Charlene na may halong pagka irita ang boses.

"Ganiyan talaga hon, hindi mo pa kase naeexperience ang ganiyan eh. Hayaan mo lang silang sumigaw." Nakangiti kong sabi.

"Ay oo talaga at wala akong balak maexperience yan." Taas kilay na sagot niya.

"Alas dose na hon, hindi ka pa ba inaantok?" Nag aalala kong tanong.

"Anong hinde? kanina pa ako inaantok hon." Ang sabi niya kasabay ng kaniyang pag ngiti.

"Oh tara na ihatid na kita." Aang sabi ko na may halong ngiti.

"Ayaw ko pa, kaya ko pang tiisin. Gusto ko kasing makitang umilaw ang karibal ko sa oras mo."

"Aba? Hon ikaw ba yan? May alam ka na rin ngayong pa ilaw-ilaw ha." Pabiro kong sabi.

"Eh pano ba naman buong araw mo na yatang sinasabi ang pag ilaw ng bage na yan."

"Hon. Sage hindi bage. Ano kaba?" Natatawa kong sabi.

"Oh kahit sage or bage or kahit cage pa. Kahit ano pa yan hon basta yun na yun." Naka simangot niyang sabi.

Matapos ang ilang minuto pa naming panonood, napansin ko na lamang na may parang mabigat na nakapatong sa bandang kanan ng aking balikat. Pag tingin ko, ayun si Charlene tulog na. Naka tulog na siya sa kahihintay.

Matagal ko na din na hindi nagagawa ito, ang pagmasdan ang aking pinaka mamahal sa kaniyang pag tulog. Ang sarap titigan ng mahal ko habang siya ay nahihimbing sa pagtulog. Napaka inosente ng kaniyang mukha hindi ko mapigilang mapa ngiti nalang. Inilipat ko ng pwesto ang kaniyang ulo papunta sa aking dibdib at yinakap ko ito, para kahit papano ay maging komportable ng konti ang kaniyang pag tulog.

"I love you so much honey...” Ang sabi ko ng pabulong.

"I love you more...”

"Hon? Gising ka?" Ang sabi ko habang napatingin ako sakaniya.

Hindi na siya nag salita pang muli, marahil ay nananaginip lang siya. At kung anong pinapanaginipan niya siya lang ang nakaka alam nun. Ilang sandali pa ay nag umpisa ng nag sigawan sina mai-mai at ang mga pilot ko, siniyales na malapit ng mag level 99 ang sage ko.

"Hon ano yun?" Ang tanong ni Charlene habang halatang inaantok pa.

"Ah siguro hon malapit na umilaw si bage? HEHE." Ang sabi ko na may halong pang iinis.

Nginitian niya ako kasabay ng malambing na paghampas sa aking balikat. "Linoloko mo ako eh." Ang sabi niya.

"HEHE. Hinde ah, umayos kana ng upo hon ako na ang mag lalaro dun malapit na ata eh."

"Malapit na ba? Oh sige sige." Ang sabi niya na isang mata niya lang ang naka bukas.

Tumayo ako, lumapit sa pc ni mai-mai na nag p-pilot ng sage ko at tinignan ang EXP% nito.

"Waw shit mai, 1% nalang? Akin na hahaha!" Nagagalak kong sabi.

"Oh sige bossing heto na." Ang masayang sabi ni mai-mai.

Nag mamadali akong naki palit ng pwesto kai mai-mai, habang ang mahal ko naman ay umupo sa may bandang likuran ng aking upuan at yumakap saakin. Ang sarap ng simpleng buhay may nag mamahal na saiyo may sage kapa na iilaw. Ilang Lightning bolt nalang ito at puputok na rin sa wakas ang pinaka mamahal kong karakter.

Hindi nagtagal ay may isang mala anghel na lumabas mula sa ulo ng aking karakter, ito na nga ang hudyat ng pagiging isang level 99.

Halos magiba sa sobrang lakas ng sigawan at hiyawan ng mga tao sa shop ng makitang naglevelup na ang aking sage, napaka lakas at nakaka bingi ang mga hiyawan nila. Ganito din ang pakiramdam ko nung sagutin ako ng aking kasintahan tatlong taon na ang nakalilipas.

Ibang klase ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng level 99 na karakter. Dali dali akong nag re-connect para makita ko na ang aura na matagal ko ng pinapangarap.

Tumingala ako at nginitian si Charlene na nasa aking likuran. "Hon heto ang sinasabi ko saiyo." Ang sabi ko sakaniya habang tinuturo ang aura na nasa paanan ng sage.

Sinuklian niya ako ng isang napakatamis na ngiti "Masaya ako para saiyo hon." Pabulong niyang sabi.

Sina mai-mai at ang iba ko pang pilot ay hindi parin natatapos sa pag bubunyi, pinag uusapan at pinagk-kwentuhan ang mga nagawa nila sa aking karakter.

"Boss nagbunga na din ang ating pinaghirapan." Ang sabi ni mai-mai.

"Oo nga mai, maraming salamat ha. Kung hindi dahil saiyo matagal pa siguro bago umilaw yan." Ang sabi ko ng sobrang nagpapasalamat.

"Wala yun bossing, mabait ka naman samin kaya okay lang ang lahat ng pagod namin."

Makalipas ang ilang minuto ko pang pag gala sa Ice dungeon 3, ay nagpa warp na ako papuntang Alde, dito kase ako nakatambay sa may damuhan sa bandang kanan. Ang sarap ng pakiramdam pag binabati ka ng ibang tao sa pagiging level 99 mo.

Dito ko din nakilala ang isang pari na babae, sa lahat ng bumati saakin ay siya lang ang hindi ko kilala.

(From Priestess Dennise): Wow 99 na congrats.
(To Priestess Dennise): Thanks po.

No comments:

Post a Comment