Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ikatlong kabanata "Pag-alis."

Biglang natigil ang mundo ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Parang na-stone curse ako at wala akong magawa kundi hintayin nalang ang susunod na mangyari. Wala akong ibang marinig ngayon kundi ang sobrang lakas at mabilis na pagtibok ng aking puso sa sobrang kaba, na ngayon ko palang naranasan sa buong buhay ko.

"Kuya? Nakatulog kana yata?"

"Ha? Ah, eh. Hindi gising po ako." Parang wala ako sa sarili ko na sumagot.

"Ah, so pano kuya kita tayo mamaya?"

"Mamaya?! Hinde-hinde, wag-wag." Natataranta kong sagot. "hindi ako pwede ngayon dahil nag babantay ako ng shop"

Isa pa ay naguguluhan pa ako at parang wala pa sa plano ko na i-meet ang babaeng ito.

"Bakit? Parang ayaw mo yata kuya. Next week na po ang alis ko, pupunta na ako ng amerika kaya sayang naman kung hindi man lang tayo magkita dba? Kaya sige na kuya payagan mo na ako please." Malambing niyang pag ka sabi na para bang kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang tumangi.

"Aalis? Ikaw? Kita tayo bukas sabado naman day-off ko, teka lang hindi ko alam ang papunta diyan." Walang kontrol kong pag salita, na para bang hindi ako nag iisip sa mga sinasabi ko. Hindi ko na inisip ang kaba at hindi kasiguraduhan, ang tanging mahalaga saakin ngayon ay ang magkita kami ng babaeng ito.

"Yes! Sige kuya bukas kita tayo, wag ka mag alala ako ang pupunta diyan. Alam ko ang lugar diyan sa Pampanga dahil may bahay din ang lola ko diyan.” Ang sabi niya. “Osige kuya see you tomorrow. mwah!" Dugtong pa nito.

Hindi na ako nakapg salita pa at pinutol na niya ang liniya, hangang ngayon ay hawak hawak ko pa ang aking telepono at nka dikit parin ito sa aking tenga. Naka tingin lang ako sa mga tiles ng shop, tila hindi parin makapaniwala sa mga nangyari kanina. Pano na bukas? Bahala na si powerpuff.

Kinabukasan. Sabado

"Hoooney! Happy third year anniversary satin! Mwah!" Bigla akong napagising ng biglang may humalik saakin, para bang isa akong prinsipe na magigising lang pag may humalik. Sleeping pogi kumbaga.

"Mmm?! Honey?!" Anak ng butiking naninigarilyo sa kalye, third year anniversary nga pala namin ng kasintahan ko ngayon.

"Oh bakit parang hind ka masaya? Bangon na diyan honey! Dali na, dali aalis tayo."

Heto ang sweet na sweet kong kasintahan si Charlene kaso selosa, para sakaniya kasi ako ang pinaka gwapong lalake sa mata niya. Ang sweet hindi ba, siya ang dahilan kung bakit masarap gumising sa bawat umagang ginawa ng panginoon. Ginagawa niyang espesiyal ang bawat araw na magkasama kami. Madami ng nagtangkang paghiwalayin kami nito, pero hangang ngayon ay matatag parin naming pinag papatuloy ang aming relasyon at heto nga tatlong taon na kaming magkasama bilang magkasintahan ngayon.

"Happy third year anniversary din honey! Teka-teka, tinanghali nanaman ako ng gising mag bubukas pa ako ng shop."

"Hon. Sabado ngayon day-off mo hindi ba?" Ang sabi ni Charlene kasabay ng pag hila niya saakin patayo.

Ay oo nga pala day off ko napansin ko sa sarili ko naging makakalimutin ako nitong mga nakaraang araw.

"Ah oo nga pala, edi ayos makakapag date tayo.” Naka ngiti kong sagot. “Ligo lang ako hon hintayin mo ako." Dugtong ko pa.

Naexcite ako bigla dahil mkakalabas nanaman ako kasama ang aking kasintahan, hindi na kasi kami masyadong nagkikita dahil na rin sa masyadong busy kong buhay.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na akong maligo. Pag ka tapos kong maligo at magbihis ay umalis na ako agad ng bahay kasama ang aking napakagandang kasintahan, magkahawak ang aming mga kamay habang nag lalakad sa kalye papunta sa sakayan ng jip. Hangang sa pag biyahe ayaw naming bitawan ang isat-isa na para bang kahit anong oras na bumitaw ang isa ay hindi na ito maibabalik pa.

SM Pampanga

"Galingan mo naman hon! Hahaha!" Malakas na kantyaw saakin ni Charlene.

"Wow ang galing no match ako hehe."

Kasalukuyan na kaming nandito sa SM Pampanga, nasa isang internet cafe kami malapit sa entrance ng mall at nag lalaro ng Counter Strike. paniwalang paniwala siya na madali niya na akong napapatay pero hindi niya alam pinag bibigyan ko lang siya. Siyempre pag siniryoso ko ang laro mababadtrip lang siya at mag aaya ng umalis, mas gusto ko ng nakaupo dito at pinag mamasdang katayin ako ng sarili kong kasintahan kesa sa mag lakad at mag hanap lang ng mga damit pang babae.

Hindi ko pa siya natuturuan na mag Ragnarok kasi ayaw niyang mag paturo, isa siyang Ragnarok hater ayaw na ayaw niya ang larong ito dahil ito daw ang dahilan kung bakit nababawasan ang oras ko sakaniya. Mas ok na siguro yun kesa sa mag chicks ako.

"Brrr...brrr...."

“Oh shit! Eight missed calls. At kay Patricia lahat.” Pabulong kong sabi sa sarili ko.

"Brrr...brrr...."

"Calling... Patricia.."

Anak nang. Nakalimutan kong may pinagusapan pala kami ni pat. Biglang tumulo ang malamig na pawis mula sa aking noo. Hindi ako mapakali bakas sa mukha ko ang labis na pagka lito. Pero kailangan ko itong sagutin.

"Hon labas lang ako sandali ha, hintayin mo ako diyan"

"Saan ka-"

Bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin ay mabilis na akong lumabas ng internet cafe. At dali-dali kong sinagot ang aking telepono.

"Hello?" Nanginginig ang aking boses habang unti-unting lumalabas ang mga salitang yan sa aking bibig.

"Hi! Kuya kanina pa po ako tumatawag hindi mo sinasagot, nandito ako ngayon sa SM Pampanga nasan ka pupuntahan kita."

Naku, jusku po anong sasabihin ko. Hindi pwedeng papuntahan ko nalang ito ng basta-basta dito dahil makikita siya ni Charlene, at bka mag isip pa yun ng masama. Naku po jusko po tulong.

"Kuya naka tulog ka nanaman?"

"Ha? Ah, eh. Hinde-hinde. Gising ako nasan ka? Ako ang pupunta diyan." nagmamadali kong sabi.

"Nandito ako sa mcDonalds ngayon sa tapat ng escalator, naka pink po ako na sleeveless."

"Malapit lang pala sa pwesto ko, papunta na ako diyan naka stripes ako na polo shirt wait."

Pagka baba ko ng telepono ay naglakad na ako ng mabilis papuntang mcDo, wala na akong oras para tignan muna ang kasintahan ko na si Charlene kung ok lang siya o naiinip na, ang tanging pakay ko ngayon ay ang mapag bigyan ko na makita ako ng babaeng ito at aalis din ako agad.

Ilang sandal lang ay nasa mcdo na ako, hinahanap ko ang babaeng naka sleeveless na pink. Wala akong makita puro mga estudyante ng University of Assumption ang kumakain at nakatambay dito.

"Kuya!"

Parang kilala ko ang mala anghel na boses na yun na nakatawag pansin saakin, mabilis kong inikot ang aking ulo papunta sa pinangalingan ng boses at dun ay nakita ko ang isang babae na naka jacket na kulay yellow. Tinignan ko lang ito at kinawayan niya ako. Siya na nga marahil si Patricia kahit napaka simple lang ng suot niyang yellow na jacket at pang loob na sleeveless na pink ay umaapaw parin ang kaniyang kagandahan, hindi ako makapaniwala na bumaba pa ang isang angel mula sa langit para lang makita ako.

"Pat?"

"Ako nga po kuya Leo." Nakatingin lang ako sa kaniyang mapupulang labi, habang pinag mamasdan ko ang mga ito na magbukas sara sa kaniyang pag sasalita.

"Hoy kuya! Hello natutulog ka nanaman?" Ang sabi niya habang kinakaway niya ang kniyang makinis na kamay sa harap ng aking mukha. "Hahaha ganiyan pala itsura mo pag kinakausap kita at bigla nalang hindi nag salita." Natatawa niyang sabi.

"Ha? Ah, eh. Hinde gising ako." Nak ng, ilang segundo na rin pala akong nakatayo at naka tanga lang sa harapan niya ng hindi ko namamalayan.

"Sus yung mga liniyang yan ang mamimiss ko sigurado dito! Yung Ha? Ah, eh. Hinde gising ako. Hahaha" Ang sabi niya sabay tawa habang tinatakpan ang kaniyang bibig.

Hindi ako naka sagot at napa ngiti lang ako.

"Halika nga dito kuya umupo ka." Tumayo siya at inabot ang aking kamay pahila pra maka upo ako sa kaniyang tabi ng biglang mayroon akong narinig.

"Hon?"

No comments:

Post a Comment