Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-pitong kabanata "Rebelasyon"

"I am Leo's girlfriend, and you are?"

"What?" Pabewang na sagot ni Dennise "I... I am Leo's friend." Ang sabi ni Dennise kasabay ng paglingon saakin.

Hindi ko siya matignan sa mata. Ang tanging nagawa ko nalang ay yumuko at tiisin ang sakit ng tinutusok na karayom saakin.

Hindi totoo ang lahat ng mga nangyayaring ito. Hindi maaaring magkaharap sina Charlene at Dennise ngayon. Panaginip lang ang lahat ng ito. Sana magising na ako. Sana nga.

"Are you sure friend mo lang siya?" Mabusising tanong ni Charlene.

"Yes I am. Bakit nag dududa kaba?" Taas kilay na sagot ni Dennise.

"Hindi ah, bakit ko naman siya pag dududahan eh napaka faithful saakin ng boyfriend ko." Taas kilay din na sambit ni Charlene. "Maliban nalang kung lalandiin siya ng iba dyan." Mahinang dugtong pa nito.

"Bawiin mo ang sinabi mo."

"At bakit? Tinatamaan kaba?" Naka ngiting sabi ni Charlene.

Nanlalaki ang mga mata ng nurse na kumukuha ng dugo saakin sa mga nakikita at naririnig niya. Napatingin siya saakin at parang may katanungan na umiikot sa ulo niya. Nag tataka siguro siya bakit may dalawang babaeng nag babangayan sa harapan namin.

"Hon stop it please." Nagmamaka awa kong sabi. "Dennise sige na mauna kana. Salamat sa pag bantay saakin."

"What?! Mas kinakampihan mo pa ang babaeng ito?" Medyo nasa mataas na tonong pagkasabi ni Charlene habang tinuturo si Dennise.

"Hindi ko siya kinakampihan nagpapasalamat lang ako." Sagot ko habang wala akong magawa kung hindi humiga lang sa kama dahil sa operasyon.

"Salamat para saan? Para sa pag bantay niya saiyo? Kahit ako naman kaya kong gawin yun eh."

"He saved my life kaya nandito ako ngayon. Hinihintay ko lang siya na magka malay para mag pasalamat at aalis na din ako." Ang sabi ni Dennise. "Hindi ko ugaling sumira ng relasyon gaya ng iniisip mo miss." Dugtong pa nito.

Sa kabila ng lamig ng aircon dito sa kwarto ay pinag papawisan parin ako sa matinding init ng mga pangyayari.

"I have to go Leo. Salamat ulit." Ang sabi pa ni Dennise kasabay ng kaniyang pag labas sa kwarto. Pero bago ito lumabas ng tuluyan ay muli niya munang sinulyapan si Charlene at binigyan ito ng isang tingin na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan.

"Nakita mo ang ginawa niya hon?" Naka pamewang na sabi ni Charlene.

Isang malalim na buntong hininga lang ang aking naisagot.

"Hindi ko alam kung pano ka nagkaroon ng ganung kaibigan." Dugtong pa nito.

"Honey listen. Kinidnap siya ng mga armadong lalaki malapit sa lugar ninyo nung ihatid kita sa inyong bahay. Nagkataon na nandun ako sa lugar na yun at nagkataon din na kakilala ko siya. Kaya ginawa ko ang makakaya ko para mapigilan ang mga masamang balak ng mga kidnapers." Paliwanag ko sakaniya.

"Pero hindi mo dapat ibuwis ang iyong buhay para sakaniya. You dont even know her?"

"Kilala ko siya hon. Siya yung matagal nang liniligawan ni Popo." Ang sabi ko habang hinihmas ang parte kung saan ako tinusukan ng karayom. "Kahit kanino naman handa kong gawin yun eh. Basta kakilala ko."

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Dahan dahan na ding lumabas ang nurse na naka yuko. Pagka sarado ng pinto ay binasag na ni Charlene ang katahimikan.

"Hindi ko inakalang magagawa mo saakin ito hon. Sa tagal na ng ating pinagsamahan bakit ngayon pa?"

"Hindi kita maintidihan."

"Listen Leo. Hindi ako ganun ka tanga para hindi malaman ang iyong pinag gagawa. Sinubukan kong magbulag-bulagan na para bang wala akong alam sa lahat ng nangyayari." Ang sabi niya habang nakatayo lang sa aking harapan.

Hindi ko maipaliwanag o kahit nino man ang aking sobrang pagka bigla. Dahan-dahang tumulo ang luha na namuo sa kaniyang maliliit na mga mata.

"For many times, hindi pa ko nag lalabas ng gusto kong sabihin... I think it's the right time to do so." Dugtong pa niya.

Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko makayanang sumagot sa mga sinasabi niya.

"Im letting you go. You are free now."

"But, were not doing anything..." Sagot ko. "Wala akong ginagawang masama. Wala din siyang ginagawa."

"Wala siyang ginagawa? Wala ka rin ginagawa? E anong gusto mong isipin ko habang nakikita ko kayong magkayakap sa ulan?!" Pasigaw na sagot niya kasabay ng kaniyang pag hagulgol. "Anong gusto mong isipin ko?! Kalimutan ko nalang na nakikipag fling ka pag ako ay nakatalikod?!" Pag papatuloy pa nito.

Mas lalo akong natigilan. Ang daming katanungan ang pumapasok sa aking utak. Unti-unti na din tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Dont expect anything from now on. Pms in YM? Text msgs and calls?"

"Hon Im-" Bago pa ako makapag salita ay sinupalpal na niya ako.

"Since you are free now. Go to hell with that girl." Malumanay niyang pagkasabi habang nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit.

Mula sa aking pagkakayuko ay napatingin ako sa pintuan na bigla nalang bumukas ng napakalakas. Dito tumambad sa aking harapan ang pigurang hindi maikakailang si Dennise na kanina pa pala nakikinig sa labas.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit saakin at nagsabing.

"Hindi ko kayang talikuran nalang ang lahat ng ito." Kasabay ng pag lingon kay Charlene.

Tinignan ko si Charlene. nakatingin lang din ito kay Dennise.

"I just want to clear some issues regarding dun sa time na magkayakap kami sa ulan ni Leo." Ang sabi ni Dennise. "I dont know whats bothering you miss Charlene. About the issue? Yes I am with Leo. We were both there at wala akong nakikitang mali doon."

"Wala kang nakikitang mali? Anong tawag mo sa ginagawa mo na yun? Yinayakap mo ang lalaking mayroon ng girlfriend."

Yumuko lang si Dennise at umiling. Marahil ay ayaw na din niyang pahabain pa ito.

Tahimik parin ako. Hindi ko alam ang gagawin o kung ano ang aking dapat sabihin. Wala akong magawa. Walang wala.

"Ano? wala kang maisagot. Goodluck nalang sainyo. Go to hell!" Sigaw ni Charlene.

"I never felt like i was in hell when im with Leo." Sagot ni Dennise habang naka yuko kasabay ng unti unti nitong pagtaas ng kaniyang ulo kasunod ng pagtingin kay Charlene "So wherever you want us to go, even in hell we would still be happy." Dugtong pa nito. "I know Leo never played games with me so you can't call it fling. Fling and love are two diffrent things." Pagtapos ni Dennise.

Hindi na nakuhang nakasagot pa ni Charlene. Lalo pa itong humagulgol sa kaniyang mga narinig.

Panandalihan kong iniwan ang realidad ipinikit ko ang aking namamagang mga mata dahil sa kaka iyak at pinilit na mag isip. Hindi ba dapat kampihan ko si Charlene dahil siya ang aking girlfriend? Oh dapat bang si Dennise dahil alam kong siya ang mas mahal ko. Dapat ba talagang may kampihan ako? Si Charlene ba o si Dennise. Lampas tatlong taon na kaming magkasintahan ni Charlene si Dennise naman ay halos ngayon palang kami nagkakilala at walang malinaw na relasyon. Sa tingin mo, tama ba na sumama ako kay Charlene para lang maisalba ang mga panahon na aming nabuo. Oh kay Dennise na alam kong mas mahal ko talaga pero malapit nang umalis papuntang amerika.

Naniniwala ako sa kasabihang hindi nasusukat ang pagmamahalan sa tagal ng panahon. Madalas ang tagal ng pinag samahan ay siya din nag papa rupok sa relasyon dahil sa pag sasawa. Ika nga sa isang kanta what matters most is how we love at all. Pero nasa tao nalang yun kung pano nila dadalhin ang bawat sitwasyon. Sa pag kakataong ito masasabi ko na mahirap mapunta sa ganitong sitwasyon.

Hindi nagtagal ay may nadama akong malamig sa aking kaliwang kamay. Nang tignan ko ito nakita kong hawak ni Charlene ang aking kamay. Tumingala ako sakaniya, hangang ngayon ay hindi parin siya tapos sa kaiiyak. Nanlaki ang aking mga mata ng mapansin kong hawak din niya ang kanang kamay ni Dennise.

Unti-unti niyang pinaglapit ang aming mga kamay at sinabing.

"I love you so much Leo. I know you’ll be happy with her. Goodluck. I will miss you." Kasabay ng pagbigay saakin ng kaniyang huling halik sa labi. "Goodbye." Dugtong pa nito habang kinukuskos ang kaniyang mga mata at tumakbo palabas ng kwarto.

Hangang ngayon ay tulala parin ako. Hindi ko parin mapaniwalaan ang mga nangyayari. Hindi ko inakalang dadating ang mga sandaling ito. Dahan-dahan kong tinignan si Dennise na nasa aking tabi. Napaka aliwalas ng kaniyang mukha litaw na litaw dito ang sobrang saya. Kahit may kaunting mantsa ng luha ang kaniyang mukha ay hindi parin maikakailang masaya siya.

Dennise's Point of view.

"Ano itong nangyayari saakin. Nangyari ang lahat ayon sa plano. Napag hiwalay ko na sina Leo at Charlene. Naiganti ko na ang aking kapatid. Pero bakit hangang ngayon ay hinahanap parin ng aking puso ang kasagutan sa tanong na aking kinakatakutan."

Siguro ay naguguluhan ka sa aking mga pinag sasabi. Okay. ieexplain ko saiyo hangang sa makakaya ko. Pumasok ako sa buhay ni Leo dahil sa isang bagay. Yun ay ang makaganti sakaniya. Iniisip mo siguro kung ano bang kasalanan ng Leo na yan? Malaki, sinira niya ang buhay ng aking nakatatandang kapatid. Kung hangang ngayon ay hindi mo parin nakukuha ang ibig kong sabihin, sige. Oo kapatid ako ni Patricia na unang nakilala ni Leo bago ako. Iniwan ng ate ko ang kaniyang boyfriend, isang mayaman na negosiyante at may ari ng hekta-hektaryang lupain sa maynila ang pamilya Gumabon na iniwan niya para sa Leo na yan.

Nang malaman ko ang lahat ay puot at galit ang aking naramdaman sa lalaking nagngangalang Leo Ogam. Ginawa ko ang lahat para makita ang lalaking aking kinasusuklaman. Nung una kaming magkita ay gusto ko ng ibuhos ang lahat ng aking galit para sakaniya pero tiniis ko yun dahil may plano pa ako sakaniya. Pinaniwala ko siya na mahal ko siya at pinilit na mahulog ang loob niya para saakin. Pero hindi pa yun ang gusto kong magawa, ang totoong balak ko ay sirain ang buhay niya. Ang maghiwalay din sila ng kaniyang kasintahan.

Ngunit nawala ang lahat ng aking puot at pagkasuklam sakaniya mula nung mailigtas niya ako mula sa mga demoniyong kidnapers. Ni minsan ay hindi pumasok sa aking isipan ang puntong mismong ang lalaking aking kinamumunghiyan pa ang magliligtas at mag bubuwis ng buhay para saakin.

Mula doon ay nangyari ang aking kinatatakutan. Ramdam ko na nahulog na din ang loob ko para sakaniya. Siya rin ang dahilan kung bakit ako aalis papuntang amerika. Hangat maaga pa ay pinipilit ko ng umiwas sa mga pweding mangyari. Mahal ko siya oo, pero mahal din siya ng ate ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nahulog ang loob ko sa pangit na yun. Nung una hindi ko din maintindihan kung pano nagustuhan ng ate ko ang isang pangit na lalaking tulad ni Leo. Pero nung nagtagal na nakasama ko siya ay doon ko nalaman ang tunay na dahilan.

Siya ang tipo ng lalaki na aayusin ang bangs na buhok mo para para laging nasa ayos na gusto niya. Siya ang tipo ng lalaki na hindi mahihiyang punasan ang iyong bibig pag namantsahan ng pagkain kahit nasa harap ng madaming tao. Siya ang tipo ng lalaking maglalagay ng panyo sa iyong mga hita pag maikli ang iyong skirt tuwing nakasakay sa pampublikong sasakyan. Siya ang tipo ng lalaking bubuhatin ang lahat ng iyong pinamili kahit milion milion pa ito o kahit gaano pa ito kabigat at hindi magrereklamo kahit masakit na ang kaniyang paa sa kakalakad. Siya ang tipo ng lalaki na bubuhatin ka sa kanayng likod kapag hindi mo na kayang maglakad. Siya ang tipo ng lalaking ipagtatangol ka kahit mala david at gulaiat pa ang tema. At higit sa lahat siya ang tipo ng lalaking iiyakan ka imbes na sisigawan ka.

Ramdam na ramdam ko ngayon ang sobrang pagsi-sisi sa aking mga nagawa. Ngunit sa kabila ng pagsi-sisi ay gusto ko ring matuwa. Hindi ko alam kung bakit o baka alam ko talaga ang dahilan pero ayaw ko lang aminin sa aking sarili na mahal ko na rin siya.

Maraming salamat sa pakikinig. sana ay hindi sumama ang loob mo saakin. abangan nalang natin ang susunod na ikkwento ni Leo.

No comments:

Post a Comment