Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ikawalong kabanata "Unang laban."

"Ikaw si Dennise?" Gulat kong tanong.

"Yup, ako nga."

Siya pala si Dennise, mas maganda pala siya sa personal kesa sa letrato lang. Grabe talaga, siya pala yung nakausap ko dati sa YM. Ang swerte naman ni Popo kung sakaling maging girlfriend niya ito.

"Hello, nangangawit na po ako." Naiirita niyang sabi.

"Ha? Ah, eh. Ah, hi." Nak ng tokwat baboy tumunganga nanaman ako sa harap ng isang babae. Grabe bakit kailangan mangyare saakin lagi ito.

Mabilis kong inabot ang kaniyang kamay at nakipag shake hands. Ang lambot ng kaniyang mga kamay, parang bulak sa lambot. Ang sarap hawakan, ayaw ko na itong bitiwan sana kaso siya mismo ang bumitiw.

"Ammmm. Teka lang ha cr lang ako." Nagmamadali kong sabi.

"BOHAHAHAHA!! TUMUNGA-NGA SI GA-GO OH!!" Kantyaw saakin ng mga kasama ko, nag si tawanan silang lahat dahilan para lalo akong mahiya.

Nag madali akong umalis sa kinatatayuan ko. Parang isa akong tren sa tulin ng aking pag lalakad, wala na akong pakialam sa mga nakakasalubong at nabubungo ko. Basta ang nais ko lang sa mga oras na yun ay ang maka layo.

Nakaka hiya ang mga pinag gagawa ko, una hinayaan kong mangawit ang kaniyang kamay dahil sa aking pag tunganga, at hinawakan ko ito ng matagal dahilan para siya na mismo ang bumitiw sa pag kaka hawak. grabe talaga nakaka hiya.

"Hintayin mo kame pre." Hindi na ako nakalingon pa sakanila, dire-diretso na akong nag lakad papunta sa cr ng mall.

Pag dating ko sa loob ng CR ay humarap ako sa salamin, naka tunganga lang ako at iniisip ang nangyari. "Hello, nangangawit na po ako." Ano ba naman yun ang tanga-tanga ko talaga dahil sa nangyaring yun hindi tuloy ako mapakali. Pero dahil saan, hindi ko alam pero sigurado ako na may malalim na dahilan.

"BOHAHAHAH!! Pare ano na tunga-nga ka no?! Hahah tama ako diba ang ganda niya?" Malakas na sabi ng isa sa mga kasama ko.

"Maputi lang." Ang sabi ko habang naka tanga lang ako sa salamin. Bwiset naman tong mga to hangang dito ba naman sinundan pa ako para lang kantyawan.

"WOOOOO! Maputi lang ba? Kaya pala natameme ka kanina hahahahaha!!" Kantyaw pa ng isa. "Leo ang swerte ng bestfriend mo no? Biro mo napasagot niya yun."

"Bakit sila na ba?" Naiirita kong sabi.

"Basta ako kontento na ako sa kung anong meron ako, pero kung ganun din kaganda ang chicks. Aba ibang usapan na yan, mang aagaw parin ako hahahah."  Malakas na sabi pa ng isa.

"Mang aagaw? Sus, tara na nga." Bwiset naman ang mga to, ayaw parin tumigil sa kakabangit sa nangyare kanina. Pilit ko na ngang kinakalimutan tapos sila naman itong bangit pa ng bangit. Bwiset.

Pumunta na kami sa pwesto kung saan namin iniwan sina Popo at Dennise. Una, medyo may pagka awkward ang dating. Ninenerbyos kasi ako hindi dahil sa malapit na kaming mag simulang lumaban, kundi dahil hindi ko alam kung pano ko aalisin sa isip ni Dennise ang nangyari kanina.

Alam kong nahalata rin niya yun kaya ganiyan siya kung makatingin at mka ngiti saakin, ngiting parang nakaka lokong tignan.

"The last man for team 4 is down!! Team 3 won the match!"

Sa wakas tapos na ang laban, kami na ang susunod.

"The next match is between Hutaenang Guild vs. Batang Capampangan Guild. both teams mag ready na kayo."

Mukhang malakas ang mga makakalaban namin. pangalan palang ng guild nila ay mukhang malakas na.

Kailangan na naming mag ayos at pumunta sa stage, habang nag lalakad ay may parang may kung anong nagsabi saakin para huminto. Marahan kong inikot ang aking ulo patungo sa pwesto kung saan naka upo si Dennise, para masulyapan ko siya bago mag simula ang laban. Pagka tingin ko sakaniya, nalaman kong nakatingin pala siya saakin. Nginitian niya ako at dahan dahang bumukas ang kaniyang bibig, sa pag bukas ng kaniyang bibig ay parang mayroon siyang ibinubulong. Sinundan ko ang bawat pagbigkas ng kaniyang mga mapupulang labi.

"Goodluck Leo" Ang namuong salita sa utak ko. Napangiti nalang ako sakaniya at tumango. Grabe ginanahan ako bigla dun ah, gusto kong tumili sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon, tumalikod na ako sakaniya at dumiretso na sa stage.

"Ta-e ang tagal mo, san kaba galing?" Ang tanong ni Popo.

"Ha? Ah, eh. Nag cr lang." Umupo na din ako para mag ayos. "Popo makinig ka, wag kang sasapak hangat hindi ko na didispell ah."

"Copy." Sabay apir saakin.

Best of five ang laban, kailangan manalo ng tatlong round para umusad sa next match. Ang daming tao sa venue, ang iingay at ang lalakas ng mga sigawan nila, halos lahat ay sumisigaw para sa kabilang team. Ang dami nilang fans, pero wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid. Si Dennise at ang "Goodluck Leo" na sinabi niya kanina lang ang tanging nasa isip ko. Maya maya pa ay ibinigay na ang hudyat ng pag sisimula ng laban. This is the moment of truth.

Makaraan ang ilang minute.

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso, nangingig ang aking mga kamay. natataranta at kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Nabibingi ako sa sobrang lakas ng mga hiyawan ng mga tao. Talo kami ng dalawang round, isang round nalang ang kailangan nilang ipanalo at mahuhulog na kami sa kahihiyan. Hindi pwedeng mangyari to, ayaw kong masayang ang pagod at puyat naming lahat sa pag papraktis.

"Popo sabi ko naman saiyo wag ka sasapak ng hindi pa na didispel!" Pasigaw kong sabi.

"Pasensiya na pre, kala ko na dispel na e."

"Okay okay ayusin na natin, kunin na natin to. Wag na natin silang pa iskorin." Seryso kong pag kasabi.

Tinignan ko ang kabilang team, nag sasaya na at kumpyansang kumpyansa na sa nagawa nila. Sino ba naman ang hindi may dalawang panalo kana, tatlo lang ang kailangan mong kunin hindi kapa mag kokompyansa?.

Maya maya pa ay napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Dennise. Nakatingin din pala siya saakin at bakas sakaniyang mukha ang pag ka dismaya, hindi nag tagal ay napalitan ng isang napaka tamis na ngiti ang mukhang kanina lang ay dismayado. Ito ang ngiting kailangan ko sa mga oras na ito. Ginantihan ko din siya ng ngiti, tumango lang siya.

"Two rounds to nothing, pwede pa kayong bumawi Team Batang Capampangan." Sabi ng Emcee.

Nak ng tortang talong naman, wag mo ng ipangalandakan na betlog parin kami. Ipapanalo ko ito Dennise para saiyo.

At agad din natapos ang laban.

Halos hindi ako maka hinga sa aking sobrang pag ka gigil, gustuhin ko mang ubusin silang lahat pero hindi na namin kaya. Natsambahan si Popo kaya wala na kaming primary killer, ang sinx naman ay naubusan na ng EDP. Nanalo kami dahil naubos ang oras at lamang kami sa bilang.

Taas noo akong tumayo at pumunta sa kabilang team para makipag kamay, hindi nag tagal ay sumunod na saakin ang mga teamates ko at nakipag kamay din. Nice game ika nga nila.

Maya maya pa ay marahan akong lumingon patungo sa lugar kung nasan si Dennise, hindi ko na siya makita sa kinauupuan niya kanina. Hinanap ko siya sa buong lugar ngunit hindi ko siya makita. Nasaan na ba siya.

No comments:

Post a Comment