Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-dalawampu’t-isang kabanata "Sangang daan."

If you have raced with men on foot and they have worn you out. How can you compete with horses? If you stumble in safe country. How will you manage in the thickets by the Jordan?

Jeremiah 12:5

Iba na ako. Iba ka na. Limang taon kaming nagkalayo. Napakatagal ngunit napakabilis rin. Hindi ko na inda ang sakit ng pagkakalayo namin ngayong nandito na siya sa aking tabi. Walang kibo kaming naglakad papunta sa lugar na aming napag usapang muling babalikan. Tila pareho naming sinasariwa ang matamis na nakaraan.

Walang pinagbago ang lugar na ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Maliban nalang sa na abandonang bahay na dati nilang tirahan. Hindi tulad ng tao. Sandali pa lamang nalalayo ay parang hindi na kayo magkakilala. Ako kaya? Kinalimutan na kaya niya ako? Nilimot na kaya niya ang lahat ng masasayang ala ala namin?

Nang una niya akong nilisan, hindi maipaliwanag ang naramdaman ko. Napakaraming salitang hindi nabigkas habang magkasama kami. Napakaraming bagay ang hindi nagawa nang magkapilig kami. Ngayon, binigyan ulit ako ng tadhana upang isalba ang mga pagkakamali ko ng nakaraan. Magagawa ko pa ba?

Kaya ko pa ba? O...

Ako ba'y may nararamdaman pa sa kaniya?

Matahimik naming tinatahak ang landas patungo sa batis kung saan niya sinabing muli kaming magkikita. Hindi nagtagal ay binasag niya ang katahimikan.

"Sigurado ka bang tama tong dinadaanan natin?"

"Oo, magtiwala ka saakin, buong buhay ko hindi ako umalis dito sa lugar natin. Ikaw ang lumayo..."

"Hindi ko naman kagustuhan yun eh." Medyo tumaas ang kaniyang boses.

"Alam ko..." Sabay kaming huminto sa paglalakad.

"Galit ka?" Ang malumanay niyang tanong.

"Bakit naman ako magagalit? Na miss nga kita e. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinawakan niya ang aking kamay at nagpatuloy kami sa marahan naming paglalakad. Nung una gusto ko itong bitiwan dahil sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong nagawa at hinayaan ko nalang ito, dahil na rin siguro sa sobra kong pananabik sakaniya.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa batis. Umupo kami sa tabi ng malaking puno ng manga. Tulad parin ng dati napaka laki at napaka lago ng mga dahon nito. Kaya nitong takpan ang mga lungkot na naramdaman ko limang taon na ang nakalipas.

Inilabas ko ang maliit na pala mula sa aking bag, naglakad ng kaunti at sinimulan ang paghuhukay.

Umupo siya sa tabi ko, bakas sa mukha niya ang kaba dahil sa ginagawa namin.

"Kailangan ba talaga nating gawin to?" Ang tanong niya saakin.

"Hindi ko alam saiyo, ikaw ang nag aya ulit saakin dito e."

"Ginawa ko lang iyon dahil yon ang usapan natin bago ako umalis..."

"Eh anu ba kasi itong pinapahukay mo saakin?" Naiinis kong tanong.

"Kung ayaw mong gawin, wag na nating ituloy. Limutin na natin ang nakaraan." Ang sinabi niya saakin.

Tumayo siya at nagsumilang maglakad papalayo.

Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Hindi ko na inintindi ang mga sinabi niya. Maya maya pa ay nakuha ko na ang kanina ko pang hinuhukay. Isang maliit na kodradong kahon na balot na balot ng electrical tape.

Tumayo ako, hinanap ko siya at sinabing...

"Nakita ko na..."

Marahan siyang lumingon saakin at nagsalita.

"Talaga?"

Hinugasan ko ang mala-tsokolateng putik na nakabalot sa kahon gamit ang tubig mula sa batis.

Dahan-dahan siyang lumapit saakin at tinignan ang kahon.

"Ito ba ang pinapahanap mo?" Tanong ko

"Oo yan na nga, buksan mo na..."

"Ano ba kasi ito?"

Dala ng pananabik, inilabas ko ang dala kong swiss knife at winasak ko ang maliit kahon. Laking gulat ko ng mahulog sa lupa ang dalawang maliliit na bilog. Nang tignan ko itong mabuti nakita kong ang dalawang nahulog sa lupa ay ang dalawang singsing na ibibigay ko dapat sakaniya limang taon na ang nakakaraan.

"Pano napunta saiyo ang mga ito" Tanong ko sa kaniya, habang pinupulot ang mga singsing.

Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa kawalan. Hindi ko na siya inintindi at nanatili nalang din akong tahimik, nag iisip kung pano nangyaring napunta sakaniya ang mga sing-sing

"Leo..." Ang sabi niya.

"Ano iyon Dennise?" Sagot ko habang hindi na aalis ang tingin sa mga singsing.

"Bakit hindi mo ako sinundan oh hinatid man lang sa araw ng aking pag alis?" Mahina niyang tanong.

"Sinadya kong hindi kita ihahatid dahil alam kong hindi ko makakayanan iyon Dennise. Pero nagkamali ako, dapat ay pinuntahan kita para pigilan ka. Oo nagawa kong makapunta sa airport subalit huli na ang lahat, tanging ang matandang babae nalang ang nakita ko."

“Nagkita kayo?” Gulat na tanong niya.

“Oo, ngunit bigla nalang siyang nawala.” Sagot ko sakaniya.

Ngumiti siya saakin at muling nagtanong.

"Dala mo ba yung sulat na ipinatago ko?"

"Oo nandito sa bulsa ko... Bakit?"

"Wala naman, limang taon na ang nakalipas pero talagang itinago mo pa yan ano?" Ang sabi niya habang hindi parin na aalis ang kaniyang pagkaka tingin sa kawalan.

"Syempre, yon ang sabi mo eh."

Marahan siyang tumingin saakin at itinanong.

"Leo, hinintay mo ba talaga ako?"

Tumingin ako sakaniya at sumagot.

"Tinatanong pa ba yan Dennise? Syempre naman. Tiniis ko ang dalawang taon na hindi kita kasama. Taon taon pumupunta ako sa lugar na ito dahil umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo." Ang sabi ko sakaniya. "Lumipas ang dalawa, tatlo at apat na taon pero walang Dennise na bumalik."

Mabagal na tumulo ang luha niya mula sa kaniyang mga mata papunta sa kaniyang pisngi. Pumatak ito sa batis at tuluyan nang inagos. Mula sa kaniyang kinauupuan dahan dahan akong lumapit.

Hindi ko na rin napigilang mapaluha.

"Okay lang yon Dennise. Atleast hindi ako sumuko sa pag hihintay saiyo hindi ba?" Ang sinabi ko habang kinukuskos ko pa ang aking mga mata.

Marahan niyang kinuha saakin ang hawak kong dalawang singsing at inilapit sa kaniyang mata na parang sinusuri.

"Napaka ganda ng mga ito ano? Sayang at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na isuot ang isa dito." Ang sabi niya.

Marahan kong kinuha ang singsing na hawak niya, umpo ako sa tabi niya at inabot ang kaniyang kaliwang kamay.

"Bakit Leo?" Tanong niya.

Tinignan ko lang siya sa mata at dahan dahang isinuot sakaniyang daliri ang singsing. Nalungkot ang aking mukha ng makita kong alisin niyang muli ang singsing, kasunod ng pag tangal din niya ng kaniyang kwintas. Tumingin siya saakin at bahagyang ngumiti, nanatili lamang akong nakatitig sa kaniyang napaka gandang mga mata.

Ipinaloob niya ang dulo ng kaniyang kwintas sa ibinigay kong singsing, at muli itong isinuot sa kaniyang leeg. Napaka gandang tignan ang singsing habang nasa tapat ito ng kaniyang dibdib.

“Dito dapat ito.” Ang sabi niya habang itinuturo ang kaniyang puso. Hindi ako naka sagot, lumapit ako sakaniya at yinakap siya ng mahigpit.

Mas lalong lumakas ang pagbuhos ng kaniyang luha kaya pinili nalang niyang pumikit.

Nanatili kami parehong tahimik hanggang napansin naming medyo palubog na ang araw.

"Balik na tayo, baka abutin pa tayo ng dilim dito." Ang aya ko sa kaniya.

Muli niya akong sinulyapan. Bakas sa kaniyang napakagandang mukha na ayaw niya pang umalis at napilitan nalang sumunod saakin.

Magkahawak ang aming kamay habang binabaybay namin ang daan na pinaggalingan namin kanina.

"Sayang ano?" Ang sabi niya.

"Ang alin?"

"Ngayon lang natin napatunayan sa ating mga sarili."

Isinabit niya ang buhok niya sa kaniyang tenga, humarap saakin at ngumiti.

"Oo nga eh... Kung kailan hindi na pwede."

Pareho kaming kinain ng katahimikan ngunit patuloy kaming naglalakad.

"Masaya ka naman sa kaniya?" Ang mahina kong tanong.

"Oo masaya naman kami." Ang tugon niya.

"Mabuti."

Dumating na kami sa sangang daan kung saan kailangan na naming mag hiwalay. Huminto kaming pareho, tila hinihintay na magsalita ang isa't isa.

"Dito na ako." Ang sabi ko.

"Nga pala..." Sabay binuksan niya ang kaniyang bag at may kinuha. "Biniyag ng panganay namin sa susunod na linggo, heto nga pala ang invitation card. Wag kang mawawala ha... Ninong ka."

Tinanggap ko ang sobre. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"Sige..."

Hindi ako humarap sa kaniya. Pero sigurado ako na nakita niyang pumatak ang luha ko sa tuyo at mainit na sahig.

"Dito na ako ah." Ang sabi niya.

Hinihila niya ang kaniyang kamay papalayo. Lalo namang humigpit ang hawak ko.

Hindi nagtagal, binitiwan ko na rin. Nakayuko lang ako at nagsimula nang maglakad. Hindi na ulit akong lumingon sa direksyon niya.

Bago pa man din akong makalayo, simugaw siya saakin.

"Leo!"

Dahan dahan kong inikot ang ulo ko patungo sa direksyon niya. Nakita ko na humulas na ang maganda at mamahaling make-up na soot niya kanina dahil sa luha na kasalukuyang bumabalot sa buong mukha niya.

Inakap niya ako ng mahigpit at bumulong saakin.

"Mahal parin kita hanggang ngayon, kaso talagang hindi na pwede."

Dali-dali na rin siyang tumakbo patungo sa direksyon na dapat niyang puntahan.

Ako naman. Naiwan. Luhaan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Bakit kailangan mo pang bumalik dito?"

Tinahak ko ang landas patungo sa bahay ko at ipinagpatuloy ang mga natitirang taon ng buhay ko nang may dala-dalang sakit sa aaking damdamin.

No comments:

Post a Comment