Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Unang kabanata “Tadhana.”

"Leo gising na tinatawag ka na ng mga suki niyo sa shop!"

Sa bawat umaga na ginawa ng diyos ay parang naging liniya na sa isang sikat na kanta ang pag gising saakin ng aking pinaka mamahal na ina. Kahit malakas at nakaka-bingi ang pag sigaw niya, para saakin ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay tila dahan dahang bumubulong patungo sa aking mga tenga na animoy’ dinuduyan ako. Magandang umaga nga pala sainiyo, ako nga pala si Leo Ogam. Isa akong bantay sa pinaka malakas na shop sa lugar namin kaya heto at kahit sa bahay namin eh sinusundo ako ng mga suki ko.

“Bossing napasarap yata ang tulog mo ah, inadik mo nanaman yata yung sage mong gwapo kagabe?” Banat ng isa sa mga suki ko na tila kanina pa nag hihintay.

“Oo 95 palang wala kasing times kaya nakaka tamad.” Inaantok ko pang pag ka sabi.

“Gusto mo i-pilot namin ni mai-mai ang gwapo mong sage idol?" Hirit ng isa sa mga tinuturing kong alagad sa shop.

“Sige tama yan, heto ang susi ng shop buksan niyo nalang at matutulog pa ako ng kaunti, ilista niyo ang mga mag lalaro at wag niyo ako kukupitan” Pabiro kong sinabi.

“Naku naman idol kami pa!“

“Yung username at password ko yung dati parin. Gusto ko 99 na yan pag dating ko.”

“Oh tara na mga bata bubuksan na namin ang shop.” Tuwang-tuwang bangit nito sa mga kapwa niyang mga estudyante na kasama niyang pumunta pa sa aming bahay.

"Sige ako naman eh matutulog pa kahit trenta minutos lang. Pa-level niyo yung sage ko wag kayo manood ng kung ano-ano.” Pabiro kong sinabi.

At ako ay nag mamadali ng bumalik na sa aking malambot na kama. Yakap yakap ko ang aking pinaka mamahal na unan. Pero bago ako matulog ulit eh iniisip ko parin ang sage ko na malapit na din magkaroon ng kumikinang na aura, na matagal ko ng gustong makita.

“Oh anong level na?” Pag pasok ko palang ng shop ay yan agad ang sinigaw ko.

“18% pa idol bago mag level 96.”

“Aba ang bilis ah.”

“Siyempre kami pa?”

Kung tutuusin eh mabagal pa iyon, sobrang tagal ko na palang naka tulog mahigit apat na oras akong nahimbing sa aking kama.

“Oh sige pa-level niyo nalang muna yan tapos kumain na kayo.”

“Yes boss at mamadaliin na namin to dahil kumakalam na sikmura namin!”

Hindi pumapasok ang mga batang ito sa eskwelahan nila para lang ipa-level ang sage na para sakanila e tinuturing nilang “IDOL”, ewan ko ba sa mga ito kung bakit mas gusto pa nilang ipa-level ang character ko sa pRO valkyrie kesa pumasok sa eskwelahan, nakaka tulong naman sila sa pag pa-pa-level ng character ko lalo na pag tinatamad ako kaya hinahayaan ko na lang din at binibigyan ko nalang sila ng bonus na oras para makapag laro ng libre.

“Leo! Anong level na sage mo?”

“Sino yung maingay na yun?!” Mabilis kong iniikot ang aking ulo patungo sa direksyon ng boses na tumawag pansin saakin.

“Ta-e ako ito.”

Si Popo pala, isang matalik kong kaibigan nagka kilala lang kame nito dito sa shop. Siya ang dating bantay ng shop na ito bago pa makuha ng tropa ko. Tahimik lang siyang tao di madaldal di pala kibo pero kalog din na tulad ko. Isa siya sa mga pinag kaka tiwalaan ko sa lahat ng bagay at ganun din siya saakin, best friend na nga turing niya saakin kaya ganun na din ako sakaniya.

“Oh pare ayan pinapa-level pa nila mai-mai malapit na daw mag level 96”

“Wow lapit na pala maging scholar, buksan ko itong pc na to ah pa-level ko monk ko eheh” Ang sabi niya habang tumatawa.

“Oo sige para maging champion na rin at makapag pa-level na sa bio 3”

Pero sa totoo lang alam ko naman na hindi mag papa-level tong si Popo. Walang ibang gagawin to kundi mag YM makikipag kwentuhan sa liniligawan niyang babae na kaklase niya nung high school, si Dennise.

“Oh akala ko ba mag papa-level ka pare?”

“Mamaya na kausap ko pa si Dennise eh”

“Ah ganon ba, yan ba yung girlfriend mo?”

“Ta-e hinde, kaklase ko lang to.”

Sa mga tropa ko siya ang pinaka mabagal sa chix, alam ko naman na si Dennise ay yung matagal na niyang liniligawan, ang pagkaka alam ko ay walo hangang siam na buwan na niya itong liniligawan pero hanga ngayon eh hindi pa sila nagiging mag syota. Kaya nga minsan ako na mismo gumagawa ng paraan para maka score siya. Kaso madalas napapa sama.

“Tara pare kain muna tayo.” yinaya ko siyang kumain habang pinag mamasdan ko ang pinag uusapan nila sa YM.

“Tara gutom na din ako eh, nuggets?” Sagot niya.

“Oo sige libre mo ako ah?”

“Oh bakit ako ang manlilibre? Ikaw nga diyan ang madaming kupit sa shop eh.” malokong bangit nito.

“Oh sige sige mauna kana doon sa labas, hintayin mo ako at may kukunin lang ako.”

Pagka labas pa lang ng shop ni Popo nag madali na akong umupo sa pwesto niya, inopen ko ang di naka log-out niyang YM at hinanap ang pangalan ni Dennise na kasalukuyang online parin. Liningon ko ang direksyon ni Popo sa labas ng shop at napansin ko na malabo na niya akong mahuli pa sa pag kakataong ito. Dinouble click ko ang pangalan ni Dennise at sinimulan ko na siyang kausapin sa pag aakala niya na ako si Popo.

“Popo: Hi Dennise”

“Dennise: Oh akala ko ba kakain kayo ng kaibigan mo?”

“Popo: Opo pero bago ako kumain eh gusto ko sanang sabihin saiyo ang matagal ko ng gustong ipaalam saiyo.”

“Dennise: Ipaalam na ano?”

“Popo: Kinakabahan ako baka kasi pag nalaman mo ito ay mag iba ang pakikisama mo saakin.”

"Dennise: Ano ba kasi yon? Bakit hindi mo pa sabihin para malaman ko na yang matagal mo na palang gustong sabihin?

Sa mga puntong ito may kakaiba akong nararamdaman, para bang ako talaga ang nanliligaw sa babaeng kausap ko sa kabilang liniya ng internet. Pero hindi ko na ito Masyadong inintindi, ang tanging pakay ko ngayon ay ang mapasagot ko ang babaeng ito para sa kaibigan ko.

"Popo: Dennise..."

"Dennise: Ano yun? Sasabihin mo na ba?" Tanong niya.

"Popo: Oo, buo na ang loob ko." Sagot ko.

"Dennise: Sige makikinig ako."

Nagpalipas ako ng ilang segundo bago ko muling hinawakan ang keyboard. Ilang saglit pa at sumagot na ako.

"Popo: Dennise mahal kita."

“Dennise: Ha? Aba! Ano yan proposal? Naninibago ako saiyo ah ano ba nakain mo at nasasabi mo yan?” Gulat na pagkasabi ni Dennise.

“Popo: Eh matagal ko ng gustong sabihin saiyo to kaso iniisip ko baka magalit ka eh.” Palusot ko.

“Dennise: Bakit naman ako magagalit eh-” Nalang ang aking nabasa sa monitor ng computer ng biglang agawin saakin ni Popo ang keyboard.

“Popo: WAAAAAAAAAAAA!”

“Popo: Hindi ako yun!”

“Popo: Yung kaibigan ko yun!”

“Popo: Wag ka maniwala dun.” Tuloy-tuloy na pagtype ni Popo.

“Dennise: Ha?”

“Popo: Hindi po ako ang nag sabi nun”

"Dennise: Eh sino?"

"Popo: Yung kaibigan ko si Leo yun!"

"Dennise: Leo? Sinong Leo?"

"Popo: Yung kaibigan ko na nag babantay ng shop, maloko yun eh."

“Dennise: Ah. Ganun ba? Okay.”

Sayang! Parang maganda na sana ang ka hahantungan kaso na huli pa ako ng torpeng to. Hindi ko alam kung kaylan niya mapapa-sagot si Dennise o mapapa-sagot pa kaya niya?

No comments:

Post a Comment