Monday, November 7, 2011

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-walong kabanata “Bitwin”

Stars are beautiful when they are far away from you, but they can burn you if you try to reach them.

June 10, 2008. Wednesday 9:00 PM.

"Ksssh. Kssssh." Kaluskos ng pentelpen na ginamit ko pang tatak ng ekis sa aking kalendaryo sa kwarto.

Ika sampu na ng hunyo, ngayong gabing ito na gaganapin ang kaarawan at despedida party ni Dennise. Hangang ngayon ay hindi ko parin na aabsorb ang gabing ito. Pilit kong iniisip na parang wala lang ito, na parang normal na gabi lang tulad ng mga gabing nagdaan nitong lingong ito.

Pero sa kabila nito ay kailangan kong tangapin na totoo ang lahat ng ito. Kung ikaw ang tatanungin ko, pupunta kaba? Naguguluhan kasi ako eh. Pwedeng magpatulong saiyo? Alam ko tapos na ang lahat sa amin ni Charlene pero gusto ko parin itong ayusin. Ngunit kalahati sa sarili ko ay ayaw na dahil alam ko muli ko lang siyang masasaktan pag naisip kong muli si Dennise.

Kailangan ko ng magisip ng maayos, alam ko mahal ako ni Charlene. Pero ako mahal ko pa ba siya? Siguro madali lang gawan ng paraan yun. Kung si Dennise naman alam ko mahal ko siya. Pero mahal niya ba talaga ako? Ang hirap ng pinasok kong ito, sino ba talaga dapat? Ang babaeng mahal ako pero hindi ako sigurado kung mahal ko parin siya o ang babaeng mahal ko pero hindi ako sigurado kung mahal niya rin ako?

Napaka importante ng gabing ito para saamin ni Dennise. Ngayon ko malalaman ang matagal na niyang gustong sabihin, ano kaya yun? Sasabihin din kaya niya na mahal niya ako? Hindi siguro, napaka assuming ko naman kung ganon. Wala na akong ibang maisip pa eh, kaya iyon na nga siguro. Kailangan kong puntahan ang isa sakanila at yun ay si.

Pagkalipas ng isang oras

"Mano po ma." Ang sabi ko sabay abot sa kaniyang kamay.

"Oh, Leo napasyal ka?" Tanong ng nanay ni Charlene.

Ha? Nanay ni Charlene? Bakit ako nandito? Teka teka anong nangyari bago ako napunta dito?

"Flash back"

Kailangan kong puntahan ang isa sakanila at yun ay si Charlene. Hindi makakaya ng aking konsensya ang mga nagawa kong pasakit sakaniya. Tuwing kasama ko si Charlene alam kong hindi ako magugutom, alam kong hindi ako masasaktan, alam kong hindi ako mahihirapan. Si Charlene ang tipo ng babaeng pupunasan ang likod mo pag basa ito, siya ang tipo ng babae na paghahanda ka ng pagkain, pag gising mo sa umaga ay may pagkain kana agad sa mesa, Siya din ang tipo ng babae na ipagmamalaki ka sa buong mundo na boyfriend ka niya. Ayaw kong masayang ang lahat ng nagawa niyang iyon saakin. Kung sa tingin ko ay hindi ko na siya mahal magagawan ko pa naman ng paraan iyon. Hindi ko naman naramdaman ang ganito dati. Maliban nalang nung dumating sa buhay ko si Dennise. Si Dennise na kayang gumawa ng isang bagay na pwedeng mahigitan ang lahat ng nagawa na ni Charlene. Pero kahit ganun pa man ay buo na ang desisyon ko. Kakalimutan ko nalang si Dennise at babalikan ko si Charlene.

"End of Flash back"

"Ah hehe may dinaanan lang po ako sa kabilang kanto ma." Sagot ko. "Si Charlene po?" Pahabol kong tanong.

"Ah may binili lang babalik na rin yun. Pasok ka muna" Ang sabi niya. habang naka pormang inaalalay ako papasok ng bahay. "Oh heto na pala siya."

Mabilis kong iniikot ang aking ulo patungo sa direksyon ng gate ng bahay nila Charlene. Doon ko siya nakita, parang may nag iba sakaniya. Parang pumayat siya, nakaipit ng pangit ang kaniyang buhok. Halatang hindi inayos.

"What are you doing here?" Tanong niya habang naglalakad papasok ng bahay at linampasan ako.

"Hon im here to-"

"Hon?" Pasabat niyang tanong. "Okay ka lang? Pinapatawa mo ba ako?" Naiirita niyang pagtapos.

"P-pero."

"Pero ano? Pagkatapos ng mga ginawa mo babalik kapa dito?" Magkahalong natatawa at nakasimangot na sabi nito.

"Let me explain." Mahinahon kong sabi.

"Shut up please. Ayaw ko ng marinig ang mga yan. And please wag ka na muna sanang pumunta dito." Mahinahon na sabi nito habang naka yuko. "As much as possible ayaw muna kitang makita. Sariwa pa kasi eh."

"Oh nag aaway nanaman ba kayo?" Pasabat na tanong ng nanay niya.

"Ma, please pumasok ka muna sa loob." Utos nito.

Hindi nagdalawang isip na pumasok ang nanay niya. Parang baligtad kung sino ang nanay siya ang sumusunod sa utos ng anak.

"Nandito ako para humingi ng tawad, at kung hindi pa huli ang lahat sana pagbigyan mo man lang ako na makabawi."

"Marami akong iniisip ngayon. Ang daming gumugulo sa utak ko, kaya kung pwede lang wag mo ng dagdagan pa." Pakiusap niya.

Nanatili lang akong tahimik at nakayuko, nakatingin lang sa sahig.

"Ang daming opportunities, ang daming manliligaw. Hindi hamak na mas lamang sila saiyo pero hindi ko sila pinansin. Dahil umaasa ako na babalikan mo ako."

"Kaya nga nandito ako ngayon..."

"I know you know that I still love you Leo, pero masyado mo akong pinaghintay ng matagal." Ang sabi niya. "Parang feeling mo ikaw ang babae at ako ang lalake. Leo hindi porke alam mong mahal kita hindi ka na gagawa ng paraan." Dugtong pa nito.

Matapos kong marinig ang mga sinabi niya ay dahan-dahan ng namuo ang likido sa aking mga mata. Pero sa kabila nito ay nanatili lamang akong tahimik.

"Let me tell you a story Leo, I dont know if you already know this." Malumanay niyang pagka sabi.

"Sige..." Sagot ko.

"Once there was baby bird, a healthy baby bird. Her mommy told her baby bird to wait for her. Then the baby bird asked why? Her mommy said that she have to look for some foods so that her baby bird wont be hungry. The baby bird agreed. Hours passed, days, weeks, but no mommy bird came back. Until the baby bird learned how fly out from her nest. And she found the chickens. She had been with them, and she learned how to act like a chicken, eat like a chicken, and sleep like a chicken. She lived like she's one of them. Until one day the mommy bird came back and looking for her baby bird. When she saw her baby bird she asked her why she is with the chickens. But unfortunately the baby bird didn’t notice her. She doesn’t even know that she was her mom."

"What do you think the baby bird should do Leo? It is now your turn to finish the story."

Hindi ko alam ang aking isasagot. Ayaw ko siyang lokohin. Ayaw kong magbitiw ng matatamis na salita para lang mahulog muli ang loob niya saakin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganon. Pero kaya ako nandito ay para magkabalikan kami. Kailangan kong sumagot. Kailangan.

"If I were the baby bird, I will give my mommy bird a second chance to fill the emptiness she made. And try to work things out." Sagot ko.

Nanatili lang siyang tahimik. Nagpalipas ng ilang segundo bago muling magsalita. Hindi nagtagal ay binasag na niya ang katahimikan.

"It’s not that easy Leo. The baby bird is not a baby bird anymore. She already know how to fly by herself. Even without her mom." Marahan niyang pagkasabi. Habang unti unti nanamang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman. Dahan dahang umakyat ang dugo na dumadaloy sa aking katawan papunta sa aking ulo. Namumutla at nanlalambot. I feel so rejected.

Dahan dahan siyang lumapit saakin at nag salita.

"You know that I love you so much Leo. But it will be unfair for me kung ako lang ang nagmamahal." Ang sabi niya.

"Pero mah-"

"Shhh." ang sabi niya kasabay ng paglapat ng kaniyang daliri sa aking labi. Dahilan para hindi ko maituloy ang aking nais sabihin.

Tinitigan ko lang siya sa mata bakas sa kaniyang mga mata ang labis na kalungkutan. Ilang saglit pa at muli na siyang nagsalita.

"Enough Leo. Hindi ko na makakayanang tanggapin na kasama nga kita dito sa aking tabi, pero ang puso mo ay pag aari ng iba." Dugtong pa niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unti na ring tumulo ang luha na kanina pa gustong mahulog mula sa aking mga mata.

"Puntahan mo na siya. Hinihintay kana niya. Kung ano man ang mangyayari sainyo ngayong gabi siguraduhin mo na magiging okay ang lahat." Ang sabi niya na naka ngiti saakin. Kahit bakas ang mantsa ng luha sa kaniyang mukha.

Lalong lumakas ang pag buhos ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan. Sobrang bait niya saakin, kaya niyang gawin ang lahat ng ito para ipadama na mahal niya talaga ako.

"Thank you..." Ang sabi ko.

Tinitigan niya ako sa mata at ngumiti.

Hindi na ako nagsalita pa at tinangka ko ng umalis agad. Pero bago pa ako maka talikod sakaniya ay hinila niya ang aking kamay. Napaharap akong muli sakaniya.

"Goodluck." Ang sabi niya, kasabay ng paghalik saakin sa pisngi.

"Thank you. Kailangan ko ng umalis." Ang sabi ko. Hindi ko na siya muling tinignan pa dahil alam kong hindi makakatulong para saakin at para sakaniya ang muli pang lumingon.

Habang tumatakbo ako papalayo sa lugar niya ay paulit-ulit kong binubulong sa aking sarili na. "Thank you so much and im sorry."

Marahil tapos na nga ang lahat saamin ni Charlene ngayon. Ang dapat ko nalang ayusin ngayon ay ang saamin ni Dennise. Sana maging maayos ang lahat.

Tinignan ko ang oras gamit ang telepono ko galing sa bulsa 10:30 PM na. Sana umabot ako, sana hindi pa huli ang lahat. Muli kong kinapa ang isa kong bulsa para masigurado na dala ko ang regalo ko para sakaniya. Dalawang singsing na hindi magkapareho ang sukat.

Isang maliit at isang mas maliit. Sigurado ako na kasiya saamin ang mga ito dahil payat lang ang mga daliri namin. Ang maliit na singsing ay may nakaukit na "Dennise" ito ang para saakin. At ang mas maliit naman ay "Leo" ang nakaukit, ito ang ibibigay ko sakaniya. Muli ko na itong ibinalik sa bulsa ng aking jacket.

Sana tangapin niya.

11:50PM

Ang daming ibat-ibang magagarang sasakyan ang nakaparada sa harapan mismo ng venue ng birthday party ni Dennise. Hindi ko inakala na ganito pala kataas ang lebel ng estado nila. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko paba ang pinunta ko dito. Bahala na si bro.

Ang iingay ng mga busina ng mga kotse, nag aagawan pa sa parking at nakukuha pang mag away. Minsan may advantage din pala ang walang sariling sasakyan. Wala ka ng dapat ipark, wala ka ng iniintindi pa. Pero wala muna akong pakialam sa mga ganiyang bagay ngayon. Ang tanging iniisip ko ngayon ay si Dennise at kung anong suma ng gabing ito.

Ang dami yata niyang bisita, nakakahiya ng pumasok. Ang layo ng suot ko sa suot nila. Naka pang pormal longsleeves polo ang mga lalaki. Ang mga babae naman halos magkadapa-dapa na sa haba ng mga gowns nila. Ano bang klaseng birthday party ito, parang mga karakter sa fairy tales ang tema ng mga gowns nila. Hindi man ako Masyadong pamiliar sa mga prinsesa sa mga sikat na fairy tales na pang babae pero kilala ko naman ang iba. Yung isa kamukha ni snow white, yung isa naman kamukha ni sleeping beauty. Ang dami-dami halo-halo iba-iba.

Tama ba na tumuloy pa ako? Kapaag pumasok ako dito siguradong pagtitinginan ako ng lahat ng tao dahil sa suot ko. Brown na jacket, pang loob na stripes na polo shirt at faded na jeans lang. Dag-dag mo na rin ang rubber shoes, ang layo kumpara sa suot nilang mamahaling polo at gowns. Amp bahala na talaga tutal hindi naman ang mga taong ito ang pinunta ko dito. Iisa lang ipinunta ko dito, ang makita ang prinsesa ng aking sariling fairytale.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, halos sumabog ito sa lakas ng kabog. Kinakabahan akong naglakad papunta sa may entrance, dito ko nakita si manong guard. Ang sungit ng dating, parang hindi marunong tumawa. Nginitian ko lang ito, laking gulat ko ng harangin niya ako.

"Saan ka pupunta sir?" Buong boses na tanong niya.

"Ha? Ah, eh. Sa loob chief." Naka ngiti kong sagot.

"Bawal pumasuk ang hindi naka kustyum sir pasinsiya kana." Nakasimangot niyang pagkasabi.

Costume? Tama nga ang hinala ko. Dapat siguro naka costume ako ng pang fairy tale para makapasok dito. Pero teka pano ako papasok kung hindi ako naka suot ng ganon? Eh saan naman ako kukuha? Wala ng oras malapit ng matapos ang gabing ito. Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Ah chief. Kaibigan ako ng may kaarawan ngayon." Malumanay kong sabi habang bahagyang kinakamot ang aking ulo.

"Ah ganun ba sir? Patingin ng inbitisyun litir nyu sir."

Patay. Wala ako non. Bakit ba parang ang hirap pumasok dito. Nakakainis ang dami pang arte.

"Eh wala ako nun chief hindi kasi niya ako nabigyan. Wala naman akong gagawin masama sa loob eh. Heto nalang ID ko para kung sakaling nangulo ako sa loob hulihin mo ako." Ang sabi ko kasabay ng pagkuha ko ng aking ID sa aking wallet at ibinigay sakaniya.

"Ah ikaw pala si sir lio ugam." Nakatawang sabi nito. "Pasinsiya kana sir. Di mu kasi agad sinabi na ikaw yan sir. Sigi sir pasuk kana. pasinsiya nalang ulit sir." Dugtong pa nito.

Ganon lang pala pinahirapan pa akong magisip ng paraan para makapasok. Pero teka, anong ibig sabihin non. Ang ibang bisita dapat nakasuot ng costume pero ako ID lang? Parang may kakaiba dun ah.

"Ha? A-ahh. Sige chief salamat pasok na ako." Nagmamadali kong sabi kay manong.

Wow. Ang daming ilaw, ang daming tao puro mukhang prinsesa at prinsipe, ibang klase ang pagkaka gawa ng venue na ito, ang ganda. Saludo ako sa nakaisip nito ang daming pekeng puno pero parang totoo sila. At may puno pa ng manga at batis sa tabi nito.

"Teka... Puno ng manga at batis? Parang pamiliar saakin ang dalawang yun ah." Hindi ko na maalala kung saan ko nakita ang mga yun pero alam ko espesyal saakin ang puno ng manga at batis. Kung ano man yun hindi ko na masyadong initindi.

May live band pa. Eksakto ang kinakanta sa tema ng lugar na ito.

Romeo take me somewhere we can be alone,
I'll be waiting all is left to do is run.
Youll be the prince and I'll be the princess
Its a LOVE STORY baby just say yes.

Naguumpisa na akong mapansin ng mga tao. Halos nakatingin na silang lahat saakin, dito na ako kinabahan. Inikot ikot ko ang aking tingin, buti nalang nakita ko ang isang lalaking pamiliar ang mukha saakin. Daddy ito ni Dennise kung hindi ako nagkakamali, at may kasama siyang babae. Mukhang napaka saya nila, sabay silang nagtatawanan, magkahawak ang kanilang mga kamay habang nakikipag kwentuhan sa ibang mga bisita. Napakaganda ng babaeng kasama niya, kamukha siya ni Dennise. Siya na marahil ang mommy niya, parang kambal lang sila. Ang kaniyang mga mata, ang tabas ng kaniyang mukha, ang pagdadala ng kaniyang buhok, at ang kaniyang mga labi. Parehong pareho sila ni Dennise. Ang ilong naman ni Dennise ay parang sa daddy niya namana.

Dahan-dahan akong lumapit sa dalawa.

"Leo?" Tanong ng daddy ni Dennise.

"Opo. mano po." Ang sagot ko. Habang inabot ang kaniyang kamay at nagmano. Pati na rin sa babaeng kasama niya. "Mano po."

"Sino siya?” Tanong ng babae.

"Si Leo, kaibigan ng anak mo."  Sagot ng daddy ni Dennise.

Tama nga ako siya na nga ang mommy ni Dennise.

"Kaibigan ni Pat?"

Panandalian akong natigilan at kinabahan parang may masama akong naramdaman. Buti nalang ay agad na sumagot ang daddy ni Dennise.

"Hinde. Paano magiging kaibigan ni Pat yan eh hindi naman sila magkakilala. Si Dennise ang kaibigan niya."

"A-ahh. Siya ba yung..." Nagtataka niyang tanong.

"Oo, siya nga." Sabat na sagot ng daddy ni Dennise.

"Maraming salamat ha iho." Ang sabi ng mommy ni Dennise.

"Salamat po saan?"

"doon sa nagawa mo sa anak namin" Sabat ng daddy ni Dennise.

"Ha? Ah, eh. Wala po yun. Kahit kanino naman po pwede kong gawin yun kung kinakailangan." Nahihiya kong sagot. Sana hindi nila napansin ang aking pamumula.

Ngumiti ang babae, tumawa naman ng malakas ang ama ni Dennise.

"Kumuha kana ng pagkain mo iho. Halika sasamahan kita." Ang sabi ng mommy ni Dennise.

"Ha? Ah, eh. Wag na po, ako nalang po. S-salamat." Nauutal kong sabi. "Sige po punta muna ako doon banda." Pahabol ko pa.

Hindi naman ako gutom, wala akong ganang kumain. Hindi ko kailangan ang pagkain, si Dennise ang kailangan kong makita. Bago pa ako tuluyang makalayo eksaktong pag talikod ko ay muli akong tinawag ng kaniyang ama.

"Iho." Muli kong ibinaling ang aking tingin sakanila. Dito ko nakita ang ama niya na sumeseniyas saakin na parang gusto niya akong lumapit sakaniya. "Halika muna dito may ibubulong ako."

Agad din naman akong lumapit dito. At itinutok ang aking tenga sakaniya.

"Kanina kapa hinihintay ni Dennise sa rooftop. Akala ko nga hindi kana dadating." Pabulong na sabi nito. "Puntahan mo na siya bago pa maging huli ang lahat. Nandoon ang daan." Dugtong pa nito kasabay ng pagturo sa may gawing kanan.

Dahan-dahan kong inayos ang aking pagkakatayo. Napapaisip sa mga sinabi ng ama ni Dennise. "Sige po sir. Maraming salamat po." Ang sagot ko, kasabay ng paglakad ng mabilis patungo sa direksyon na itinuro niya.

Mabilis kong pinag lalagpasan ang bawat baytang ng hagdanan. 2nd floor, 3rd floor, 4th floor, last na siguro ito. Hindi nagtagal ay nakadating na ako sa pintuan bago ang roof top. Ang lakas ng ihip ng hangin. ang sarap, ang lamig. Pero mukhang uulan na naman. Madilim ang kalangitan, wala akong nakikitang mga bitwin. Maliban nalang sa isa, isang bitwin na bumaba mula sa langit at kasalukuyang nandito sa lugar kung nasaan ako ngayon at nakatitig lang siya sa kalawakan.

Ang bitwin na pinilit kong inakyat mula sa langit, iniwan ko ang lupa na buong buhay kong kinamulatan kahit hindi ko alam ang posibilidad na baka mapaso lang ako sa kinang ng bitwin na ito. Mapaso man ako o tuluyan siyang maging akin, kahit alin pa sa dalawa hindi ako magsi-sisi sa magiging suma ng lahat dahil alam kong hindi ako nagkulangan ng lakas ng loob para magawa ang lahat ng ito.

Dahan dahan kong linakad ang kaniyang direksyon sa kabila ng lamig ng hangin na sumasampal sa buo kong katawan.

"What took you so long?" Ang sabi niya ng makalapit ako sakaniya, habang nakatingin parin siya sa malayo. Marahil alam niya na ako itong tagalupa na lumapit sakaniya.

"Ha... Ah... Eh... S-sorry kung naghintay ka ng matagal. Happy birthday nga pala." Nauutal kong sagot. Agad ko namang inalis ang suot kong jacket at isinuot ito sakaniya. "Malamig dito sa taas, suotin mo yan."

Mabagal niya akong hinarap, naka ngiti siya ngunit may luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. Naisip ko napaka drama naman ng gabing ito pang tele serye ng totoong buhay.

"It’s okay... Salamat, kumain kana ba?" Ang tanong niya saakin.

"H-hindi pa. I-i mean O-oo kumain na." Sagot ko habang kinakamot ang aking ulo.

"Masarap ang pagkain hindi ba? Mommy ko ang nag luto non." Tuwang tuwa niyang sabi.

Napatingin ako sa sahig.

"Ha? Ah, eh. O-oo naman lalo na yung kare-kare." Ang sabi ko sabay ngiti.

Mula sa kaniyang pag ngiti ay biglang nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay ng marinig ang aking sinabi.

"Huh?! Kare-kare?! Eh wala namang kare-kare sa baba ah!" Naiinis niyang sagot habang naka simangot at nakanguso pa. "Sinungaling ka talaga! Hindi ka siguro kumain no?" Dugtong pa niya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Pasensiya na Dennise, ayaw lang kitang ma disappoint. O-oo hindi pa nga, pero kakain ako mamaya." Palusot ko kasunod ng pag ngiti sakaniya.

"Okay lang yan. Dyan sa mga ganiyan mo nakukuha ang loob ko eh." Sabi niya sabay ngiti.

Napa simangot ako bigla.

"Sa alin?"

Muli siyang tumingin sa madilim na kalangitan "Ewan ko ba, pag kasama kita feeling ko napaka espesiyal ko. Feeling ko ang taas ng tingin ko sa sarili ko. Feeling ko ako na ang pinaka magandang babae sa mundo. Feeling ko isa akong prinsesa sa isang kastilyo. Feeling ko isa akong bitwin sa langit. Feeling ko wala akong nagagawang mali. Feeling ko napaka perpekto ko." Ang sabi niya.

Nanatili lamang akong tahimik. Gusto kong sabihin sakaniya na totoo ang lahat ng sinabi niya at hindi lang niya yun basta nararamdaman lang.

"Iyon ang dahilan kung bakit ko gustong manatili dito sa pinas, kaso okay na ang lahat, pag alis ko nalang ang kulang."

"Babalik ka pa ba?" Tanong ko sakaniya.

Mula sa pagkaka titig sa langit ay muli niyang ibinaling ang kaniyang tingin saakin. Tumingin din ako sakaniya at ngumiti. Ipinikit niya ang kaniyan mga mata at agad din minulat, kasunod ng kaniyang pag sagot sa aking ngiti.

"Walang nakaka alam, kahit ako hindi ko alam kung babalik pa ako o hindi. Pwedeng oo, pwede rin na hindi na." Seryoso niyang sagot.

Katahimikan lang ang tangi kong naisagot. muli siyang humarap sa kalangitan.

"L-Leo?" Sabi niya.

"Ano yun, Dennise." Patanong na sagot ko habang nakatingin sakaniya.

"Pwedeng mag tanong? Gusto ko ang isasagot mo yung kung ano talaga ang totoo at ayaw kong makarinig ng mga bola, okay?" Tanong niya ng muli niyang ibalik ang kaniyang tingin saakin.

Ngumiti lang ako sakaniya at sinabing. "Okay, go on."

Muli nanaman siyang lumingon sa malayo at sinabing. "Nagmahal kana ba ng totoo?"

Napaka simpleng tanong ngunit napaka hirap sagutin.

"What do you mean? Kase ako pag nagmahal hindi pwedeng hindi seryoso." Sagot ko.

Matagal bago siya muling nagsalita. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago muling nagsalita.

"Eh yung sainyo ni Charlene, seryoso ba yun?" Pagpapatuloy niya.

Hindi ako agad naka sagot, nais kong siguraduhin ang aking isasagot.

"Oo naman, minahal ko si Charlene ng buong puso ko. At alam kong ganun din siya saakin." Diretso kong sagot.

"Bakit mo siya iniwan?" Tanong niya kasabay ng mabilis niyang pag lingon sa akin.

"Dahil naisip ko na mas mahal kita."

Huminga siya ng malalim at nagbuntong hininga bago muling nagsalita.

"Tanga kaba ha Leo?" Nasa mataas na tono niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang mga huli niyang binangit. Ngayon palang ako nakatangap ng ganong salita sakaniya mula pa noong una kaming magkita.

"B-bakit naman?" Kinakabahan kong tanong.

"H-hindi ko maubos maisip kung pano mo siya nagawang iwan ng dahil lang sa akin." Ang sabi niya habang umiiling at hawak ang kaniyang ulo kasabay ng paglakad lakad nito. "Paano mo siya nagawang iwan eh mas matagal na kayong magkasama at ako, ako? Halos ngayon mo palang ako nakikilala. Hindi ka pa nga sigurado sa kung anong kaya kong gawin saiyo eh."

Hindi ko maintindihan ang mga lumalabas na salita sa kaniyang bibig. Ipinikit ko ang aking mga mata at marahan na nagsalita.

"Dalawang beses na akong sinubukan ng ganitong pagkakataon Dennise, nung una ay nagawa kong pigilan ang aking sarili sa mga pwedeng mangyari. Ipinag laban ko ang panahon at masasayang ala-ala namin ni Charlene, at nalampasan ko ito." Sagot ko. "Hindi ko inakala na muli itong mangyayari sa akin. Hinding hindi pumasok sa isipan ko na muling magbabalik ang ganitong pagkakataon saakin,  at mas lalong hindi pumasok sa aking isipan na hindi ko ito makakayanan. Pasensiya kana at hindi ko nalabanan ang aking sarili. Mayroong isang bagay kasi saiyo na kayang pantayan ang lahat ng kayang gawin saakin ni Charlene." Pag papaliwanag ko sakaniya.

"Nahihibang kana, gumising ka sa katotohanan Leo." Ang sabi niya habang tinuturo ang ulo ko.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay na ginamit panturo sa aking ulo at sinabing "Kung ang iniisip mo ay ang tagal ng panahon na pinagsamahan namin ni Charlene at ang sandali ng pagkaka kilala ko saiyo, hindi na yon importante saakin." Seryoso kong sagot. "Hindi nasusukat sa tagal o ikli ng panahon ang pagmamahal. Mahal kita Dennise mahal kita." Pagpapatuloy ko pa kasabay ng pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

Inalis niya sa pagkakahawak ang kaniyang kamay "Pano kung sabihin ko saiyo na ang babaeng kaharap mo, ang babaeng sinasabi mong mahal mo, ay ang babaeng sumira sa buhay mo."

Muli akong natigilan sa aking narinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Siya? sumira sa buhay ko? Paano nangyari iyon?

"I'm sorry Leo." Mahina niyang sabi.

"S-sorry saan?" Naguguluhan kong tanong.

"Patawarin mo ako Leo, ang lahat ng ito ay isang malaking pag papangap lang."

"Your kidding."

"NO IM NOT!" Pasigaw niyang sabi. "Leo listen, sinadya kong hanapin ka dahil sa isang bagay, yon ay ang ipaghiganti ang aking kapatid at hindi para sa kung ano man ang iyong iniisip."

Inilapat ko sa aking ulo ang dalawa kong kamay at umiiling. "Kapatid? Anong kasalanan ko. H-hindi ko maintindihan."

"Makinig kang mabuti Leo, kapatid ko si ate Pat."

"What?!"

"Oo, maniwala ka man o hindi pero totoo lahat ng naririnig mo. isang malaking problema ang ginawa mong pag reject sakaniya. Halos ikamatay na niya iyon dahil nagawa niyang iwan ang kaniyang nobyo na kulang nalang sakanila ay kasal."

"P-pero..."

"Noong malaman ko ang lahat-lahat ay hindi ko mapigilan ang aking galit, wala akong oras at panahon na sinayang para lang mahanap ka." Seryosong sabi nito. "Noong una kitang makita ay gusto ko ng ibuhos lahat ng galit ko saiyo, gusto kitang pagsasampalin, gusto kitang bugbugin hangang sa mag maka awa ka at humingi ng tawad. Pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi yun sapat. Ang paghihiwalay niyo ng iyong nobya ang magiging mas mabuting paraan ng paghihiganti saiyo."

Hindi ko napigilang mapasandal sa malamig na pader dito sa tuktok ng gusali. Halos mabingi ang dalawa kong tenga sa aking mga naririnig. Bakit ba ako pinag lalaruan ng tadhana. Kitang kita ko sa mukha ni Dennise ang sobrang pagkasuklam saakin. At sa twing nakikita ko ito ay parang unti unti akong sinusunog ng buhay.

"Hindi kita mahal Leo, hindi tulad ng buong akala mo."

Matapos kong marinig ang mga pinaka masakit na salita galing kay Dennise ay biglang yumuko mag isa ang aking ulo. Marahil hindi na nakayanan ang mga sakit at unti unti na itong bumibigay.

"Pero ako, mahal parin kita Dennise." Ang tanging salita na lumabas mula sa aking bibig.

"Shut the fuck up!"

Dahan-dahan akong tumayo at hinarap ang babaeng halos patayin ako sa sakit ng kaniyang mga sinambit. Tinignan ko ito sa kaniyang mga mata, kitang kita ko ang pamamaga ng mga ito. "Mahal kita at kailan man ay hindi na magbabago iyon." Ang sabi ko. "Ingatan mo ang sarili mo. Pag alis ko pumasok kana, malamig dito sa taas kahit may jacket ka ay baka lamigin kapa."

"Leo your crazy! How can you do this to me..." Ang sabi niya habang hindi mapigilan ang kaniyang pag iyak.

Ipinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa at hinanap ang maliit na kodradong kahon na lulan ang dalawang singsing. Hindi ko ito mahanap hindi na rin ako makapag isip ng maayos dahil sa aking mga nalaman. Wala na rin akong pagkakataon na hanapin pa ito kaya nagpasiya nalang ako na lumisan.

"A-ahhm.. Dennise, mauna na ako." Ang sabi ko habang kinukuskos ang aking mga mata.

Nakatitig lang siya saakin, eksaktong pagtalikod ko palang sakaniya ay bigla ko nalang naramdaman na hinawakan niya ang aking kanang kamay. Mabilis ko rin siyang liningon.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ako ay kaniyang yinakap. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat, ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Ang puso niya na nagwawala sa sobrang lakas ng tibok nito, pinagmamasdan ko lang ang kaniyang mukha ng bigla itong humarap sa akin, at sinabing.

"L-Leo I'm-"

"Shhh. Wag kang magalala pinapatawad na kita." Mahina kong pagkasabi. Dahan-dahan kong inilayo ang aking sarili sakaniya at muling sinabing. "Mauna na ako, paalam Dennise."

Tumalikod na ako at hindi na muling lumingon pa, mabilis akong tumakbo palayo sa bitwin na pumaso sa akin. Sa aking pagmamadali na makababa ng hagdanan ay hindi ko sinasadyang mabungo ang isang babae.

Dala na rin siguro ng pagka tuliro ko ay hindi ko na nakuhang humingi ng paumanhin at nag tangkang lumayo na ulit. Hangang sa tawagin nito ang aking pangalan.

"L-Leo?" Ang sabi niya.

Napahinto ako bigla sa aking narinig. Kilala ko ang kaniyang boses pero hindi ko na matandaan kung saan ko ito unang narinig. Mabilis kong liningon ang babaeng tumawag sa aking pangalan.

Si Pat... Si Patricia na kapatid pala ni Dennise, ang babaeng bumago sa buong buhay ko. Nang tumingin ako sa may pintuan papuntang roof top ay doon ko naman nakita Dennise na umiiyak.

No comments:

Post a Comment