Monday, October 10, 2011

Mahal kita kaso mali - Chapter 2

"Hmph! Di pala nya ko type ha. So what!" Pabulong kong sabi nung naglalakad ako paalis sa kinatatayuan nya.

Ako si Reign Dela Cruz. Isang trainee sa isang company na kung saan sa gabi gising ang mga tao. Isa akong registered nurse, per ayoko naman talaga ng nursing napilitan lang akong tapusin ang NAPAKAHIRAP na kursong yon dahil sabi ng nanay ko yun daw ang babago sa buhay ko. At since sya ang boss dahil sya ang magpapaaral sa akin.

Mahirap ang course ko. Jusko! Di ko nga maimagine kung pano ko nakayanan pagdaanan lahat yun. Anyway, eto nga ang bagsak ko, sa call center. Malaki daw ang sahod eh. First job ko. Excited ako... Nung una. Pero nung nakita ko sya, ewan ko ba. Naiinis ako pag nakikita ko sya. Pero pag di ko naman sya nakikita, hinahanap ko naman sya. Nakakainis yung feeling. Ewan ko ba! Nagkaron na rin ako ng ganitong feeling before. Sa classmate ko sa minor subject nung 2nd year college ako. Tandang tanda ko kung panong pangaalaska ang ginagawa nya sa akin. Kasi chubby ako ( oo na mataba na :| ) so ayun lage nya akong inaasar. Nuong una di ko pinapansin pero nung huli sinapak ko sya. Oo. Sinapak ko ang loko. "Walangya kang hinayupak ka. Ako pa kakalabanin mo eh barako ako!" Kaso kakaiba ang respond nya sa ginawa ko. *kissssss* shet! Hinalikan nya ako sa lips?! OMG like OMG talaga. Tinulak ko sya at tumakbo ng mabilis palayo. Feeling ko ninakawan ako ng pagkababae. "Tadong yon ah!" Sabi ko pag pasok ko sa girl's comfort room.


Nagtapat sya ng pag-ibig nuon. Sa di malamang dahilan ay sinagot ko sya. Naging kami sa loob ng mahigit isang taon. Naghiwalay naman kami dahil masyado syang possesive. At duda ng duda. Sabi kasi nuon sa psychiatry class ko, ang mga lalakeng paranoid daw may tendency na maging batterer (nananakit). So iniwan ko sya.

"Goodmorning dear sister! Kamusta?",bati sakin ng kuya ko pagpasok ko ng bahay. "Naku kuya kakaumpisa ko palang ng trabaho wala pang sahod kaya wag ka muna mambola" sagot ko naman sa kanya. "Eto naman oh. Naglalambing lang ang kuya mo eh. Osige magpahinga ka na" sabe nya sakin. Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

"Akala naman nya pagkagwapo gwapo nya. Bwisit! Bakit pa kasi naisipan kong tanungin sya kung gusto nya ako eh. Ay nakuuu! Badtrip!" Napapraning na yata ako. Kinakausap ko sarili ko. Hanggang sa nakatulog ako.

*kriiing kringggg* *krinnngg kriiiing* ang gumising saakin.
"Hmmm.." 1:37pm hapon na pala.
"He-ll-oo?" Garalgal kong sagot sa phone.

"Hi Reign naistorbo ba kita?" Parang kilala ko ung boses sa kabilang linya.

"I was in the middle of my power sleep when you distracted me. Who's this?" Pataray kong sagot sa kanya.

" Ay sorry. Si Kevin ito." Sabi ko na nga ba!

" Pano mo nakuha number ko??" Nakakainis kanino kaya nya nakuha number ko.

" Sa profile mo sa board nakita ko. Sorry ha."

"Ok so bakit ka tumawag?"

" Pwede ba kita mayaya mag lunch sa office? I mean ung lunch na breaktime natin?", tanong nya saakin.




Oh sh*t paktay. Date ba ito? O.o

BY: Iam Misa

No comments:

Post a Comment