Monday, October 10, 2011

Mahal kita kaso mali - Chapter 3




Tagal naman niya, umuusok na pwet ko sa kakahintay sakaniya. Bwiset 30 minutes nalang daw eh mag lilimang oras na wala parin siya.

Mga babae talaga pare-pareho, sasabihin 5 minutes aabot naman ng isang taon. Tayo naman mga lalake walang magawa, kailangan lang nating tangapin ang mapait na katotohanang dapat nating hintayin ang bwiset na mga babaeng yan. Bwiset.

Gutom na ako, order na kaya ako. Huwag ko na yata siyang hintayin e, asar inindian na ata ako nun.

Inislayd ko ang aking hintuturong daliri sa skrin ng aking telepono sa letrang J at lumiwanag ito, tumumbad sa skrin ang litrato ng kulay pilak na kabayo na logo ng Ferrari. Tinignan ko ang oras alas nuebe na ng gabi, wala parin siya, grabe ayoko na.

Ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa mesa at inangat ang aking sarili patayo. Napa-tingin ako sa aking kaliwa, may babaeng naka dress na kulay berde at hood sweater na kulay pink.

Gaaad mga matang yan iba nanaman ang kulay. Berde naman ngayon. Ngumiti siya saakin, samingkit ang kaniyang mga mata.

"Am I late?" Naka ngiti niyang tanong habang naka paloob ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang sweater.

"Late? No, of course not. 5 hours lang naman hehe." Pabiro kong sabi habang inayos ko na ang tayo ko.

"Oh, okay. Tara na? Gutom na ako." Ang sabi niya.

YUN LANG?! WALA MAN LANG SORRY?!

kung hindi ko lang crush to matagal na siyang tinamaan na sakin e.

"Ha, ah, eh. Oo tara na. Ako din gutom na." Na bubwisit kong sabi.

"Saan ba?" Tanong niya. "Ikaw ba san mo gusto?" Patapos niyang sabi.

Inikot ko ang aking tingin sa buong canteen, may mga iba-ibang kainan kase dito hindi lang isang kainan.

"Tara doon." Sabi ko ng naka turo sa direksyon kung saan may masarap na mga ulam.

"Wag diyan, dito nalang." Turo niya sa may mga maraming pasta.

Nag tanong pa siya. As usual walang magawa.

Itinaas ko ng kaunti ang aking dalawang kamay at sinabing. "Alright."

Bumili siya nung kulay puting spaghetti, petutsini ata yun. Ako naman macaroni spaghetti, at tig isang 500ml ng mineral water.

Okay na ito at least tipid.

Unang subo ko palang, nasa bibig ko pa ang tinidor muli akong natigilan sa tanong niya.

'Hindi mo na nasagot tanong ko ano?" Ang sabi niya habang iniikot ang puting noodles sa kaniyang pingan gamit ang tinidor.

Mula sa kaniyang pag kakatitig sa kaniyang pagkain, ibinaling niya ang kaniyang tingin saakin. "You all have the means to tell me everything now."

"Alam mo, sobrang sarap neto bakit hindi mo tikman?" Ang sabi ko. Hindi niya sana nahalata ang aking pamumula. "Kain kapa, hindi mo pa nauubos ang pagkain mo." Pag tapos ko.

Tinawanan niya ako ng mahina, at kahit tumawa na siya hindi parin na aalis ang pag kaka lock ng kaniyang kulay berdeng mata sa aking mga mata.

"Bakit hindi mo masagot?" Naka taas ang kaniyang isang kilay at naka sara ang bibig.

Napa buntong hininga ako ng malalim. Kumain pa ng isang subo ng macaroni. Inubos muna bago muling nagsalita.

"Well, do I have the right to remain silent hahaha." Natatawa kong sagot.

"Wala." Sabi niya at ngumiti.

"Sa tingin mo?" Patanong kong sagot.

"It should be coming from you." Mabilis niyang sagot.

Inayos ko ang aking pagkaka upo, inusog ng kaunti ang pingan papunta sakaniya. Ipinatong ko ang aking dalawang braso sa mesa, tumingin tingin sa paligid.

"Hindi m paba nararamdaman iyon?" Mahina kong tanong sakaniya.

Sumandal siya, itinabi din ang kaniyang pingan. Hindi pa niya nauubos ang kaniyang pagkain. Kinuha ang 500ml na mineral water niya, itinutok sa kaniyang pulang labi at uminom.

Pagkatapos muling isinara ang plastik na bote at nagsalita.

"Bakit kase ako pa?"

"Hindi mo naman kailangan itanong yan, wala saiyo ang problema." Ang sabi ko. Nag hintay ako ng ilang segundo bago muling nag salita. "Nasakin."

Kinagat niya ang kaniyang mga labi. Lord please. Wag po muna ngayon.

"Dahil may girlfriend ka, tama ba?"

Hindi ako naka sagot, alam kong alam niyang may girlfriend ako. Wala rin saysay kung sasagot ako.

"Better na we become friends nalang siguro." Ang sabi niya. "Ayoko ng complications."

"Yeah, siguro nga ganun talaga dapat iyon."

Pumwesto na siya sakaniyang pag tayo. Habang umuusog pakanan para maka labas sa kinatatayuan niya.

"Yeah. I appreciate your feelings though." Ang sabi niya ng maka labas na.

Ngumiti lang ako. Tama naman siya. Magiging komplikado lang ang lahat kung magkataon.

"Kung wala ka lang girlfriend, why not?" Ang sabi niya at nauna ng maglakad.

Ako naiwan. Naka bukas ang bibig. Tulala. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Kung wala ka lang girlfriend, why not?"

No comments:

Post a Comment