Tuesday, October 11, 2011

Mahal kita kaso mali - Chapter 4

"Kung wala kang girlfriend why not?!! Really?! Sinabi ko yun sa kanya?!", padabog kong sabi sa sarili ko habang naglalakad palayo sa lamesa na kinainan namin.

Stupid. Idiot. Imbecile. Tatanga-tanga talaga ako! Mamaya isipin pa nya may gusto ako sa kanya. Ewwww! Kakainis talaga.

Pero..

Wala nga ba talaga akong gusto sa kanya?

..

Ay bwisit! Di nga pwede. Hindi pwede. Hin.di.pwe.de. No! Hay. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. 'Bat ko pa kasi sya nakilala. At kinausap. At sinagot ang tawag nya sa phone. At pumunta dito. At kumain ng binili nyang fetucini. Baka nilagyan pa nya ng gayuma yun! Ay naku!

Habang nagiisip, tinahak ko ang daan papuntang robinsons supermarket. Malapag grocery nalang nga. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ko at nagdial ng number sa bahay.

"Hello ma, nandito ko sa grocery anong gusto mong ulam mamaya?",tanong ko sa mama ko.

"Adobo 'nak. Yung niluluto mo palagi.",sagot ng mama ko.

"sige ma. Wala kaba ibang ipapabili?"
"Bakit anak, sumweldo kanaba?" Pakiramdam ko ay nakangiti ang aking mama sa kabilang linya.

"Hindi pa ma. Naisip ko lang dumaa,."

"Ganoon ba anak. Sige yun lang. Uwi ka kaagad magingat ka ha."

"Sige ma bye." Binaba ko na ang phone at nagumpisang mamili. Kumuha ako ng suka, toyo, asukal, sibuyas, bawang, siling labuyo at baboy. Bumili na rin ako ng biskwit na pwedeng ibaon sa opisina para makatipid.

Nang pagpunta ko sa cashier ay nakita ko na naman sya! Ay linsyak na buhay 'to. Pinilit kong itago ang sarili sa mga nakapilang tao. Mukha namang hindi nya ako mapapansin dahil may pila rin syang hinihintay.

*tap tap tap* pinatutunog ko ang sapatos ko sa sahig pag naiinip ako. Lumingon ang babae sa harap ko at tinaasan ako ng kilay.

"What's your problem?!",patarayu kong sabi sa babae.

"Bakit mo iniingay yang sapatos mo ha? Orig ba yan?!", aba aba sinasagot ako.

"Hoy. Baka gusto mong ipakain ko sayo yan. Prada yan miss. Ngayon bnilisan mo magbayad o baka naman credit limit kana. Nagmamadali kasi ako.",sinagot ko sya. Akala mo kung sinong maganda. Tsss.

"Reign?", sya na naman?!!

Nagpanggap ako na di ko sya naririnig.

"Reign!!!" Sigaw pa nya. At pilit kong itinago na naman ang sarili ko sa mga tao. Nagmamadali akong nagbayad ng mga pinamili ko at kumaripas ng takbo sa labas para makasakay na ng taxi pauwi.
"Reiiiggggnnnnn!!!" *scraaaaaatchhhhhhh* omg?!

"Hoy! Kung magpapakamatay ka wag ka mandamay ng iba!!!! Peste!" Sinigawan ng driver na biglang nagpreno si Kevin.

"Sorry po sir sorry." Sabi ni Kevin at biglang bumaling na naman sa akin.

"Reign, pleaseeee kausapin mo ko." Hinihingal nyang sabi.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Patay-malisya kong tanong sa kanya.

"Muntik na akong masagasaan tapos itatanong mo na parang wala lang??!" Mukhang pikon na rin sya sakin. BOHAHAHA.

"Are you blaming me?!" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Are you laughing??!"

"No. Uuwi nako. Bye." Sabi ko sa kanya.

"No. Sabay tayo." Sabay hatak sa akin sa loob ng taxi.

"Hoy!! Gusto mong kasuhan kita?!" Sabay hampas sa ulo nya.

"Manong sa Mandaluyong po. Sa Sta. Ana." Sabi nya sa driver na parang di ako narinig. At hinarap ako sabay...



*kisssss*




WTF?! Not again!

BY: Iam Misa

No comments:

Post a Comment