Thursday, October 13, 2011

Mahal kita kaso mali - Chapter 5

It's been a week narin nung huli kaming magkita, pero hangang ngayon hindi parin maalis sa aking isipan ang nangyari sa loob ng taxi. Yun na ang pinaka exciting na nangyari saaming dalawa mula ng nakilala ko siya.

Hangang nyon naaalala ko parin kung paano naka hawak ang aking dalawang palad sa kaniyang magkabilang pisngi, at kung pano ko maramdaman ang init ng kaniyang halik ng mag dampi ang aming mga labi.

Halos sumabog sa init ang aking ulo dahil parang umakyat ang lahat ng aking dugo.

Akala ko nung una katapusan na ng mundo ko ng tangkahin kong halikan siya. Hindi ko inaakalang ganun ang mangyayari.

Nung una naramdaman ko ang kaniyang dalawang kamay na tinutulak ako palayo, subalit hindi nagtagal ay humina ang kaniyang pag tulak at gumapang ang kaniyang dalawang braso sa likod ng aking leeg habang hinahampas ng hangin ang kaniyang buhok mula sa bintana ng taxi.

Sa mga oras na yun ang tanging hiling ko ay sana hindi na kami makarating sa kanilang bahay para magkasama nalang kami.

Subalit lahat ng masasayang bagay ay kailangang mag tapos. Given na yun.

Nang makarating kami sa tapat na kanilang bahay, wala ni isa saamin ang nagsalita. Bumaba din ako sa kotse para ihatid siya kahit sa harapan lang ng kanilang bahay. Tuloy tuloy lang ang kaniyang lakad at wala ng balak lumingon pa.

Laking gulat ko nalang nang huminto siya sa kaniyang pag lalakad. Inikot niya ang kaniyang ulo patungo saaking direksyon, blanko lang ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Kinabahan ako, hindi din ako maka kibo. Hindi maka ngiti, blanko na rin ang isipan ko.

Marahan siyang naglakad pabalik saaking pwesto, mas lalong lumakas pintig ng puso ko. Halos mabingi ako sa lakas ng pag tibok nito, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari, masyado na akong kinakabahan.

Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong nawala sa realidad, nagising nalang ako ng maramdaman kong muli ang init ng kaniyang halik nang muling mag lapat ang aming mga labi.

Agad din siyang bumitiw at nilayo ang kaniyang sarili saakin. Tulala lang ako na naka titig sa kaniyang berdeng mga mata.

"Thank you, s-sa p-pag hatid saakin." Ang sabi niya sa kaniyang garalgal na boses. "Mauna na a-ako." Ang huling salitang narinig ko sakaniya.

Bago pa ako makasagot muli ay naka layo na siya at naglakad papasok sa kanilang bahay.

"You're welcome." Bulong ko saaking sarili.

- - -

"Nak shuta late na yata ako!" Ang sabi ko sa aking sarili habang inaalis ang pag kakabalot ng aking mukha sa kumot.

Patay parin ang ilaw kaya madilim na saaking kwarto, pilit kong kinapa ang aking telepono para kahit papano ay magka liwanag naman.

Pagka kuha ko nito, agad kong tinignan ang oras. May isang oras nalang ako para mag ayos at mag biyahe. At gaya parin ng dati wala parin kahit anong senyales galing sakaniya.

No comments:

Post a Comment