Tuesday, August 30, 2011
5am - 5pm shift
Hello, kumusta na kayo? Ako, heto... Pagod, puyat, 5am - 5pm shift ko kanina. Sobrang sagad ako ngayon araw na ito. Pero at least sana naman nabawi ko na yung isang absent ko nung isang araw. Medyo panget din yung ilan sa mga calls ko, grabe kung maka mura hahaha!
Anyway so there, sabi nga nung notes ko na nakapaskil sa station ko. "Forget it, move on!"
So hindi ko na masyadong iniintindi mga yun, anyway tapos na rin naman yun so kung iisipin ko pa yun ako lang ang mamomroblema.
I was about to meet my friends after my shift kaso nung mag text ako sakanila di na nag reply :( probably tulog na sila, sayang gusto ko pa naman sanang gumala. But it's alright, meron pa naman next time.
About naman dun sa ultimate crush ko, sad kase, parang hindi niya ako pinapansin ngayon. Ewan ko lang kung sinasadya niya talaga akong hindi pansinin, or wala lang talagang rason para pansinin niya ako.
Ewan ko ba, whatever that is, it makes me saaaad.
Anyway sabi nga ng notes ko diba move on, na a-apply din yung sa totoong buhay hindi lang sa calls hahaha!
I really can't say na sadyang di niya ako pinapansin kase, she pm'ed me at the network chat. Yea I know that it's just a simple message, and it's just a "Hahahahahhaha" but at least she did pm'ed me right?
So, with that, I can say na siguro, maybe, probably, hindi nga sadya.
Hay nako ewan.
So there, hangang dito nalang muna siguro ulit. Medyo bumabagsak na mga mata ko. Hangang sa muli.
Wednesday, August 24, 2011
Spaghetti
Good new. Unang bati ko ngayon sainyo hahaha. Alam niyo ba kung bakit? Kase....
May sahod na hahaha! Ayun lang... Sa work, so far medyo okay naman mga calls. Medyo nakaka takot nga lang yung ibang process, terminable kase kaya kailangan ng doble ingat. So sana wala ako nakalimutan, dahil kung hindi, naku patay.
So there... About the girl na palagi ko ikinukwento sainyo, ayun wala. As in wala. Walang balita ngayon sakaniya, I mean, wala e, hindi ko siya tinext or call or miss-call. Wala, hindi rin naman siya nag-text. Well, hindi naman niya dapat gawin iyon diba, sino ba naman ako para i-text niya, what I mean is para lang ma clarify yung word na "Wala."
So there, wala akong ganang mag-kwento ngayon kase wala akong i-k-kwento tungkol sakaniya e haha!
Ayun, feeling ko ang boring ng buhay ko ngayon kase puro work - uwi - blog - kain - tulog - gising - ligo - work.
Nag iisip ako ng pwedeng mapag libangan, sa tingin mo ano ang pwede?
Yun nalang muna siguro for now, gutom na ako may spaghetti na niluto si mommy so lalapangin ko muna. By the way, ako pala ang taong hindi na kakain ng kanin buong buhay basta spaghetti ni mommy lagi sa lamesa.
So there, kain na!
Tuesday, August 23, 2011
Wedding bells
I just got this one from someone's blog, and it's been a long ago when i saved this one. Actually it's a blog of a girl, not really sure if she did this by herself and I just translate it on the guys point of view.
She greets me with a sweet smile
a typical girl I knew away from some miles
A usual conversion I knew that would end
but in this time all I know is that this won't ever mend
Just like a star that fallen down from the sky
I know my dreams for her and me are too high
Instead of giving up in this tiring love
I go on and tried to risk all that I have
For her who was my blanket when I'm cold
now she's just a story that was never told
I just wish that she'd still look back and kiss me
cause she don't know how I miss the times were teasing
And now that she love sombody else
it hurts that soon I'll be hearing weeding bells
Cause now it hurts so much inside
the tears and pain that I can't hide
If all I can do is pretending
then it's easy to say her love for me is never ending
Maybe it was just not fate
but this heart of mine will still wait
Pain is inevitable I know
but these feelings for her I won't be tired to show
And now were on our separate ways
I'd still be here up to the end of days.
a typical girl I knew away from some miles
A usual conversion I knew that would end
but in this time all I know is that this won't ever mend
Just like a star that fallen down from the sky
I know my dreams for her and me are too high
Instead of giving up in this tiring love
I go on and tried to risk all that I have
For her who was my blanket when I'm cold
now she's just a story that was never told
I just wish that she'd still look back and kiss me
cause she don't know how I miss the times were teasing
And now that she love sombody else
it hurts that soon I'll be hearing weeding bells
Cause now it hurts so much inside
the tears and pain that I can't hide
If all I can do is pretending
then it's easy to say her love for me is never ending
Maybe it was just not fate
but this heart of mine will still wait
Pain is inevitable I know
but these feelings for her I won't be tired to show
And now were on our separate ways
I'd still be here up to the end of days.
January 01, 2011
Actually this is a story of my best friend - itatago ko siya sa pangalang - Soju girl. This is originally posted on my Facebook notes, so I'll just post it again here. Hope you enjoy reading it. Here it goes...
Isang oras nalang pala at malapit ng matapos ang taong ito, napaka bilis lumipas ng panahon. Humigit kumulang dalawa hanggang tatlong buwan na rin mula nung huli kaming magkausap at magkita. Hanggang ngayon sariwa parin ang sakit ng araw na iyon, iyon na ang pinaka masakit na araw sa buong buhay ko, ang araw na nag desisyon siyang itigil na muna ang lahat saamin.
Ang daming mga salita ang hindi ko nasabi sakanya, ang dami ng mga paliwanag ko na hindi niya tinangap, ang daming luha ang pumatak mula saaking mga mata, ang daming dugo ang iniluwal ng aking puso.
Ilang minuto nalang pala at mag babagong taon na, nagkakayayaan na ang barkada, as usual Soju nanaman ang titirahin naming ngayong gabi, patak-patak na sila sa pambili ng alak at tsitserya, wala si Bebang ngayon kaya ako ang sasama kay Berto para bumili sa 7/11
Sina Bebang at Berto? Mga kaibigan ko sila, sila ang madalas kong nakakasama, kasama sa ganitong okasyon, madalas kasama sa madugong sitwasyon.
Bago pa kami umalis ni Berto ay hindi na ako mapakali, gagawin ko pa ba? O, hahayaan ko nalang masayang ang pagkakataon? Akala ko kanina madali lamang ang iniisip ko, subalit ng kunin na ni Berto ang bisikleta na aming madalas gamitin na pang serbis ay agad na nanginig ang aking mga tuhod.
Mukhang hindi ko kaya, talagang hindi ko kaya. Alam ko masasaktan lang ulit ako, ngunit sanay na ako. Gagawin ko ito, desidido na ako, haharapin ko kung ano man ang pwedeng mangyari saakin ngayong gabi. Gusto ko na rin maliwanagan ang lahat saamin, ayaw ko ng manatili sa sitwasyon at lugar na parang nakabitin sa bangin.
"Kumpleto na ang pera, pwede na ba ito?" Tanong ko saking kaibigan habang iniladlad ang tatlong tig iisang daan at walong tig bebente.
"Ayos na yan, malayo na mararating natin diyan." Sagot ni Berto kasunod ng pag sakay niya sa bisikleta, umangkas na din ako sa harapan.
Ipinuwesto na niya ang kaniyang kanang paa sa kanang pedal, pinuwersa niya ito at marahang umandar ang bisikleta.
"Boi, dito tayo dumaan." Ang sabi ko ng marating namin ang kanto. Itinuro ko ang daan sa kaliwa, sobrang mapapalayo kami sa totoo naming pupuntahan, alam ko alam niya ang binabalak ko.
"Alright." Matipid niyang sagot kasunod ng muli niyang pag pedal sa bisikleta.
Habang tinatahak namin ang daan ay hindiko mapigilan ang pag sigaw ng aking puso, napaka lakas nito, halos sakupin na nito ang aking buong pagkatao.
"Boi, sa tingin mo? Itutuloy ko pa ba?" Pabulong kong tanong kay Berto.
"I got my breaks on." Naka ngiti niyang sagot.
Napabuntong hininga nalamang ako, ilang padyaknalang at malapit na kami sa bahay nila, wala ng oras para mag bago pa ang isip ko, wala ng pag kakataon para umatras pa ako. Nandito na ako, gagawin ko na ito. Diyos ko po, bahala na po kayo.
Hinigpitan ni Berto ang hawak sa preno, dahilan para kami ay huminto sa tapat ng bahay aking pinaka mamahal. Tahimik dito, mukhang walang tao, subalit kita mula sa bintana na nakasindi ang ilaw sa kwarto.
"Boi, sampung katok lang. Kapag walang sumagot, alis na tayo." Ang sabi ko habang paulit-ulit kong iginagalaw ang aking sampung daliri. Tumango siya at ngumiti.
Unang katok, mahina. Walang sumagot, walang senyales ng taong buhay.
Pangalawa, pangatlo, pang-apat. Wala parin.
"Lakasan mo kase para hindi masayang ang bilang ng katok mo." Sabi ni Berto na nakaupo sa tabi ng bisikleta.
Pang-anim, pang pito. Malakas na, sapat na para maka nakaw pansin. Biglang lumiwanag ang siwang sa gilid ng pintuan, may nagbukas ng ilaw. Naku po, patay, may tao. Shit anong gagawin ko, relax, focus, ano ba?
Mabilis kong inayos ang bangs ko, at insinabit ang aking buhok sa gilid ng aking tenga. Hinila ng kaunti ang aking damit pababa, at bahagyang nag punas ng mukha. Napupuno na ng dugo ang aking ulo, hindi ko na mapigilan ang mabilis na pag akyat nito.
Halos pumutok na lahat ng ugat ko ng makita ko ang kaniyang mga mata na naka silip sa maliit na siwang sa gilid ng pintuan, ayaw gumalaw ng mga paa ko, ayaw bumuka ng bibig ko. Walang umaandar sa buong katawan ko, isa akong paralisado, pati na ang aking puso biglang natahimik ngayon.
Shit kaylangan kong gumalaw, kaylangan kong magsalita. Pucha ano ba? Galaw!
Mabilis kong inikot ang aking ulo sa direksyon ni Berto, andun siya naka ngiti at tumango. Marahan kong ibinaling muli ang aking atensyon sa mga mata ng tao sa likod ng pinto, mga mata na matagal ko ng hindi natititigan, bahagyang bumukas ang aking bibig at nagsimula ng mag salita.
"H-happy new y-year..." Garalgal kong sabi. Shit ano ba ito umayos ka, wag kang mataranta. "Happy, m-monthsary din sana... kung hindi tayo nagka hiwalay, mahal na mahal parin kita, ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba." Pagpapatuloy ko pa.
Nakita kong ilang beses gumalaw ang kaniyang mga mata at labi, alam kong may sinasabi siya, alam kong may ibinubulong siya, alam kong hindi ito mahina, nabibingi ako lakas ng kabog ng aking puso, daig pa nito ang tambol ng mga mosikos tuwing kapistahan.
Nanlaki ang aking mga mata ng may maramdaman akong malamig sa aking kamay, hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking luha mula saking mga mata. Pinagmasdan ko ang kaniyang kamay habang inaabot ang dulo ng aking mga daliri.
Hindi ko na hiningi pang ulitin niya ang kaniyang mga binangit, napaka saya ko na makita siya. Mas magiging masaya sana ako kung mayakap at mahalikan ko siya, subalit sa ngayon ang makita at masabi ang aking nais sabihin ay sapat na.
Ilang sandali pa at hinila na ako ng aking mga paa pabalik sa direksyon ni Berto, huminto ako sa tapat niya at ngumiti. Ngumiti din siya at sinabing-
"Okay na?"
Tumango ako at sinabing... "Thanks boi, para akong nahugutan ng tinik sa puso."
Mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa pintuan habang naka pormang sasakay na sa bisikleta. Ngumiti ako at hindi na muling tumingin pa, hindi nagtagal umandar na ulit ang sinasakyan kong bisikleta.
Napaka saya ng ilang minutong iyon, at least kahit paano uumpisahan ko ang taon na ito na may saya sa aking puso.
Isang oras nalang pala at malapit ng matapos ang taong ito, napaka bilis lumipas ng panahon. Humigit kumulang dalawa hanggang tatlong buwan na rin mula nung huli kaming magkausap at magkita. Hanggang ngayon sariwa parin ang sakit ng araw na iyon, iyon na ang pinaka masakit na araw sa buong buhay ko, ang araw na nag desisyon siyang itigil na muna ang lahat saamin.
Ang daming mga salita ang hindi ko nasabi sakanya, ang dami ng mga paliwanag ko na hindi niya tinangap, ang daming luha ang pumatak mula saaking mga mata, ang daming dugo ang iniluwal ng aking puso.
Ilang minuto nalang pala at mag babagong taon na, nagkakayayaan na ang barkada, as usual Soju nanaman ang titirahin naming ngayong gabi, patak-patak na sila sa pambili ng alak at tsitserya, wala si Bebang ngayon kaya ako ang sasama kay Berto para bumili sa 7/11
Sina Bebang at Berto? Mga kaibigan ko sila, sila ang madalas kong nakakasama, kasama sa ganitong okasyon, madalas kasama sa madugong sitwasyon.
Bago pa kami umalis ni Berto ay hindi na ako mapakali, gagawin ko pa ba? O, hahayaan ko nalang masayang ang pagkakataon? Akala ko kanina madali lamang ang iniisip ko, subalit ng kunin na ni Berto ang bisikleta na aming madalas gamitin na pang serbis ay agad na nanginig ang aking mga tuhod.
Mukhang hindi ko kaya, talagang hindi ko kaya. Alam ko masasaktan lang ulit ako, ngunit sanay na ako. Gagawin ko ito, desidido na ako, haharapin ko kung ano man ang pwedeng mangyari saakin ngayong gabi. Gusto ko na rin maliwanagan ang lahat saamin, ayaw ko ng manatili sa sitwasyon at lugar na parang nakabitin sa bangin.
"Kumpleto na ang pera, pwede na ba ito?" Tanong ko saking kaibigan habang iniladlad ang tatlong tig iisang daan at walong tig bebente.
"Ayos na yan, malayo na mararating natin diyan." Sagot ni Berto kasunod ng pag sakay niya sa bisikleta, umangkas na din ako sa harapan.
Ipinuwesto na niya ang kaniyang kanang paa sa kanang pedal, pinuwersa niya ito at marahang umandar ang bisikleta.
"Boi, dito tayo dumaan." Ang sabi ko ng marating namin ang kanto. Itinuro ko ang daan sa kaliwa, sobrang mapapalayo kami sa totoo naming pupuntahan, alam ko alam niya ang binabalak ko.
"Alright." Matipid niyang sagot kasunod ng muli niyang pag pedal sa bisikleta.
Habang tinatahak namin ang daan ay hindiko mapigilan ang pag sigaw ng aking puso, napaka lakas nito, halos sakupin na nito ang aking buong pagkatao.
"Boi, sa tingin mo? Itutuloy ko pa ba?" Pabulong kong tanong kay Berto.
"I got my breaks on." Naka ngiti niyang sagot.
Napabuntong hininga nalamang ako, ilang padyaknalang at malapit na kami sa bahay nila, wala ng oras para mag bago pa ang isip ko, wala ng pag kakataon para umatras pa ako. Nandito na ako, gagawin ko na ito. Diyos ko po, bahala na po kayo.
Hinigpitan ni Berto ang hawak sa preno, dahilan para kami ay huminto sa tapat ng bahay aking pinaka mamahal. Tahimik dito, mukhang walang tao, subalit kita mula sa bintana na nakasindi ang ilaw sa kwarto.
"Boi, sampung katok lang. Kapag walang sumagot, alis na tayo." Ang sabi ko habang paulit-ulit kong iginagalaw ang aking sampung daliri. Tumango siya at ngumiti.
Unang katok, mahina. Walang sumagot, walang senyales ng taong buhay.
Pangalawa, pangatlo, pang-apat. Wala parin.
"Lakasan mo kase para hindi masayang ang bilang ng katok mo." Sabi ni Berto na nakaupo sa tabi ng bisikleta.
Pang-anim, pang pito. Malakas na, sapat na para maka nakaw pansin. Biglang lumiwanag ang siwang sa gilid ng pintuan, may nagbukas ng ilaw. Naku po, patay, may tao. Shit anong gagawin ko, relax, focus, ano ba?
Mabilis kong inayos ang bangs ko, at insinabit ang aking buhok sa gilid ng aking tenga. Hinila ng kaunti ang aking damit pababa, at bahagyang nag punas ng mukha. Napupuno na ng dugo ang aking ulo, hindi ko na mapigilan ang mabilis na pag akyat nito.
Halos pumutok na lahat ng ugat ko ng makita ko ang kaniyang mga mata na naka silip sa maliit na siwang sa gilid ng pintuan, ayaw gumalaw ng mga paa ko, ayaw bumuka ng bibig ko. Walang umaandar sa buong katawan ko, isa akong paralisado, pati na ang aking puso biglang natahimik ngayon.
Shit kaylangan kong gumalaw, kaylangan kong magsalita. Pucha ano ba? Galaw!
Mabilis kong inikot ang aking ulo sa direksyon ni Berto, andun siya naka ngiti at tumango. Marahan kong ibinaling muli ang aking atensyon sa mga mata ng tao sa likod ng pinto, mga mata na matagal ko ng hindi natititigan, bahagyang bumukas ang aking bibig at nagsimula ng mag salita.
"H-happy new y-year..." Garalgal kong sabi. Shit ano ba ito umayos ka, wag kang mataranta. "Happy, m-monthsary din sana... kung hindi tayo nagka hiwalay, mahal na mahal parin kita, ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba." Pagpapatuloy ko pa.
Nakita kong ilang beses gumalaw ang kaniyang mga mata at labi, alam kong may sinasabi siya, alam kong may ibinubulong siya, alam kong hindi ito mahina, nabibingi ako lakas ng kabog ng aking puso, daig pa nito ang tambol ng mga mosikos tuwing kapistahan.
Nanlaki ang aking mga mata ng may maramdaman akong malamig sa aking kamay, hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking luha mula saking mga mata. Pinagmasdan ko ang kaniyang kamay habang inaabot ang dulo ng aking mga daliri.
Hindi ko na hiningi pang ulitin niya ang kaniyang mga binangit, napaka saya ko na makita siya. Mas magiging masaya sana ako kung mayakap at mahalikan ko siya, subalit sa ngayon ang makita at masabi ang aking nais sabihin ay sapat na.
Ilang sandali pa at hinila na ako ng aking mga paa pabalik sa direksyon ni Berto, huminto ako sa tapat niya at ngumiti. Ngumiti din siya at sinabing-
"Okay na?"
Tumango ako at sinabing... "Thanks boi, para akong nahugutan ng tinik sa puso."
Mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa pintuan habang naka pormang sasakay na sa bisikleta. Ngumiti ako at hindi na muling tumingin pa, hindi nagtagal umandar na ulit ang sinasakyan kong bisikleta.
Napaka saya ng ilang minutong iyon, at least kahit paano uumpisahan ko ang taon na ito na may saya sa aking puso.
Does feelings really fade?
Alright, once again I'm here to tell you another story of the day. So yun nga, natapos na naman ang isang shift ko sa work. Medyo okay naman ang mga calls, wala naman masyadong hassle. And nangyari nga ang inaasahan kong mangyari,
Isn't it last night I told you guys that I'm going to do what should I have to do, or let me say, do what I know that I should do. And that's to stay away from her.
No I mean not really stay away from her, but something like move one step backward? Gets m yun... Yung tipong iwas muna, or something like, wag munang mag text, miss-call yung mga tipong ginagawa ko mula ng maramdaman ko ang nararamdaman ko sakanya.
Alright so I did that earlier, and yea I succeeded. However, this is the thing. Nag-kita kame, on the floor and yea. Yung effort na ginawa ko kaninang umaga, nawala lahat. Dahil nga sa nakita ko siya, so yung feelings parang bumalik lang. We tease, tell some jokes. Yung normal na ginagawa dati.
She even throw jokes about the videos that I'm posting to our Facebook groups, and she asked, para kanino mga yun at sino daw ba pinapatamaan ko sa mga videos na yun. I just laugh, well of course halata naman na para sakaniya yon diba. Talking about the videos like, "Kung malaya lang ako, Sana maulit muli, Sad to belong." mga tipong ganon hahahah!
She even invited us to have a yosi break with my colleague, however we just came in from break. Sayang nga e, nahihiya lang ako sa kasama ko kung hindi sumama na ako ng hindi na kailangan mag dalawang isip pa e.
So there, as of now siguro ipag papatuloy ko nalang ulit ang ginagawa ko. Well of course there's no hard feelings on my side, I mean, hindi ako galit sakaniya or something. I just want to move on because I know that we really can't be together.
I respect her of course, ayaw ko naman na ligawan siya knowing na may girlfriend ako. And she knew that I have a girlfriend so parang harapang pang loloko yun sakanya if ever na i-try kong ligawan siya.
I think that will be it for now, medyo na papa kanta na ako e.
"We can't play this game anymore, but can we still be friends?"
So yun tinamaan na ata ng antok. So there, see you guys later tonight alright?
Buh-Bye. Keep reading my blogs.
God bless you all.
Monday, August 22, 2011
Hindi maalis sa isipan
Isang shift nanaman ng pag t-take ng calls ang nalangpasan ko. Okay naman, wala masyadong problema sa mga tawag ng customers. Kung trouble shooting yan, nag reresolve ko naman.
Pero, ngunit, subalit. Bakit....? Ganito parin ang nararamdaman ko. Hay nako, madami na nakakapansin ng kalungkutan ko.
Sabe ng iba, gloomy daw ako ngayon, emo, malungkot, matamlay, etc etc...
Hindi ko alam. Hindi naman siguro ito dahil sakanya, or dahil nga ba sakanya?
Hindi ko alam bakit kaylangan ko pang hintayin ang text niya? Ang sagot sa mga text ko. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam.
Nitong mga nakaraang araw, ganito palagi ang nararamdaman ko. Hindi ako makatulog sa kaiisip sakaniya, makatulog man magigising ako at maiisip siya kasunod non ay hindi na ulit or matagal bago ako muling makatulog.
Palagi ko siyang iniisip, palagi kong chini-check if may message ako galing sakaniya... Kahit nasa work, ganun din.
Na-adik na talaga ako sakaniya, na-adik parin kahit alam kong napaka komplikado ng lahat. Well I know, saakin palang komplikado na ngunit bakit nararamdaman ko parin ito?
Dapat sa una palang hindi ko na ito maramdaman. Dapat alam ko na agad pigilin ito, ewan ko ba, masyado lang siguro akong nag papadala saaking emosyon.
Hay nako mukang wala ng pinupuntahan ang mga pinag sasabi kong ito.
Alam ko naman ang dapat gawin e, at alam ko kung pano ito gawin. Nakakalimutan ko lang ito kapag na iisip ko siya.
Sa ngayon siguro iiwasan ko na muna ang mga ginagawa ko ngayong nakaraan araw. Kung kakayanin, ipag patuloy ko nalang.
Bahala na.
Love bus
Sa loob ng isang bus, habang naka dungaw sa bintana ay malayang pinagma-masdan ni Ken ang mga ilaw na kaniyang natatanaw. Puno na ang bus, kaya may mga ilan nang naka tayo.
Biglang huminto ang bus. Tanaw ni Ken ang babae sa labas, may dalawang malalaking bag siyang dala at mukhang sasakay siya. Bumukas ang pintuan ng bus, at dito pumasok ang babae.
Habang naka tayo sa tabi ng drayber. Isinabit niya ang kaniyang buhok sa kaniyang tenga at pilit tinatanaw ng babae ang likuran ng bus, nagbabaka sakali siyang may mauupuan pa. Bagama't nahihirapan sa mga dala niyang bagahe ay pinilit parin niyang maglakad patungo sa likuran.
Nagka tinginan sila ni Ken nang mapalapit siya sa kaniyang pwesto. Mabilis na ibinaling ni Ken ang kaniyang tingin sa bintana. Napasimangot ang babae at ibinaba ang isang bag na naka sabit sa kaniyang balikat.
Malakas ang pagkaka bagsak nito, dahilan para muling mapatingin si Ken. Nakatingin parin sakaniya ang babae. Kitang-kita sa mukha ni Ken ang matinding kaba sa kaniyang nakita. Nakaka takot ang ekspresyon sa mukha ng babae, mukhang hindi niya nagustuhan ang pag snob sakaniya ni Ken.
Sino ba ang ta'ngang nag utos kay Ken na isnobin ang ganiyan kagandang babae. Parang nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ng isang lalaki sa pisikal na aspeto. Mahaba, straight at itim ang kaniyang buhok. Singkit na mga mata, maliit at matangos na ilong. Mamula-mula ang kaniyang pisngi dahil sa kaniyang mamahaling make-up. Maliit at manipis ang kaniyang labi. At ang katawan, parang 8-shape donut ang kurba. Medyo nakaka takot lang ang kaniyang kilay pag itinataas niya ito.
Nakatitig parin si Ken sakaniya, at ganun din ang babae. Inilagay ng babae ang kanyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bewang, at itinaas ang kaniyang isang kilay. Dito napansin ni Ken na panandalian siyang nawala sa realidad.
Mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag na nakasabit sa upuan sa kaniyang harapan. Muli niyang tinignan ang babae, nakatingin parin siya sakaniya. Kinakabahan man si Ken ay pinilit niyang kausapin ang babae.
"H-hi, gusto mong umupo?" Sabay turo sa upuan.
"Talaga? Salamat ha." Sagot ng babae.
Nagmamadali niyang isinaksak ang kaniyang bag sa lalagyanan sa taas. Tinulungan siya ni Ken sa isa pa niyang bag. Ngumiti ang babae kay Ken at bumulong.
"Thank you..." Ang sabi niya habang siya ay aktong umuupo.
Sinuklihan siya ni Ken ng isang napipilitang ngiti, itinaas ng konti ang kaniyang kanang kamay at sumenyas sa babae. Nais niyang iparamdam na walang anuman ang kaniyang ginawa.
Hindi din gaanong nagtagal, pumara ang lalaking nasa tabi kanina ni Ken. Nakatayo na ito ng mapatingin si Ken sa lalake, sinundan din niya ng tingin ang babae na kanina pa nakatitig sakaniya.
Nang makaalis ang lalake, naiwan na bakante ang upuan sa tabi ng babae. Nakatingin parin silang dalawa sa isat-isa. Hindi mapigilan mapangiti ng babae kay Ken, dahilan para siya ay makaramdam ng kaunting hiya. Napayuko si Ken at napakamot sa kaniyang ulo.
Muli niyang sinulyapan ang babae, hindi parin na aalis ang tingin nito sakaniya. Muling ngumiti ang babae itinaas ang kaniyang dalawang kilay kasunod ng pagturo niya sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Iginalaw ni Ken ang kaniyang kaliwang kilay, senyales ng pag sang ayon niya sa gustong ipahiwatig ng babae.
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng babae malapit sa bintana. Pinipilit niyang hindi na tignan ang babae ngunit kitang-kita ang kanyang imahe sa salamin ng bintana. Hinila ni Ken ang maliit na kortina upang matakpan ang mga imahe ng babae sa salamin.
"Hey you!" Ang sabi ng babae sabay tapik kay Ken.
Nagulat si Ken at napaharap ito bigla sa babae.
"W-what?" Nagtatakang sagot nito.
"Bakit mo tinakpan ng kortina ang bintana?" Taas kilay na sabi nito.
"W-wala. Nahihilo kase ako." Pag-dadahilan ni Ken.
Natawa ang babae sabay takip sa kaniyang bibig, upang hindi marinig ang kanyang dapat ay malakas na tawa.
Nakaramdam ng kaunting pagka dismaya si Ken sa ginawa ng babae. Muli niyang hinila ang kortina at pinagmasdan nalang ang mga sasakyan na kanilang dina-daanan.
Napansin ito ng babae, agad niyang naramdaman na mayroong problema kay Ken. Ilinapit niyang mabuti ang kaniyang mukha kay Ken na parang nakaka loko ang dating. Napansin ito ni Ken kaya siya ay muling napatingin. Nagulat si Ken, napaatras naman ang babae.
Hindi ito nagustuhan ni Ken.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Naiiritang pagkasabi ni Ken.
"W-wala bakit?" Mabilis na sagot ng babae.
"Kung wala, will you please shut-"
"Ang sungit mo!" Ang sabi ng babae bago pa matapos ni Ken ang kaniyang nais sabihin.
Nagulat si Ken sa kaniyang narinig. Hindi siya nakasagot. Habang nakatingin sa babae, nagbuntong hininga nalang ito at muling ibinaling ang tingin sa bintana.
Muling napa ngiti ang babae sa inasta ni Ken. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang kanang kamay malapit sa balikat ni Ken, matagal bago ito nasundan ng pag galaw. Nanatili itong naka angat. Iniisip ng babae kung itutuloy pa niya ang kaniyang nais gawin.
Hindi nagtagal ay kinalabit niya ang kaliwang balikat ni Ken. Bahagyang iginalaw ni Ken ang kaniyang ulo patungo sa direksyon ng babae. Tinignan niya ito, ngumiti naman ang babae. Muling nag buntong hininga si Ken sa harap ng babae.
"Hi I'm Phenie." Ang sabi nito habang naka ngiti, sabay abot ng kaniyang kamay.
Hindi sinasadyang ngumiti ni Ken, napakagat ito sa kaniyang labi habang pinipigilan ang kilig na kaniyang nararamdaman. Inabot ni Ken ang kaniyang kamay kay Phenie habang pinipilit na tignan ito sa kaniyang mga mata. Nagawa man ni Ken ngunit hindi niya ito matagalan dahil siya ay naiilang.
"Oh hi, I'm Ken." Ang sagot nito.
"Caloocan meron ba?" Sigaw ng kondoktor.
Inalis ni Phenie ang kaniyang pagkaka hawak kay Ken. Inilabas niya ng bahagya ang kaniyang dila, iginalaw ang kaniyang dalawang mata patungo sa gitna upang magmukhang duling. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ken at hindi mapigilan na muling ngumiti sa kaniyang nakita.
Mabilis na tumyo si Phenie at sumigaw sa kondoktor.
"Meron manong!" Ang sabi niya habang kinukuha ang kaniyang gamit na inilagay nila kanina sa taas.
Tumayo si Ken upang tulungan si Phenie na kunin ang kaniyang mga bagahe, ngunit pinigilan siya nito.
"Ako nalang, kaya ko na." Ang sabi niya habang nakaturo ang isa niyang daliri sa mukha ni ken, ikinorteng parang isang baril at bahagyang inangat. "Bang!" Pabulong niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ni Ken sa ginawa ni Phenie. Habang naka ngiti at naka tingin sa sakaniya, muli siyang umupo, nagbuntong hininga at umiling.
Mabilis na isinabit ni Phenie ang isang bag sa kaniyang balikat at binitbit ang isa. Halos magkanda kuba-kuba na siya sa bigat ng kaniyang bagahe ngunit sige parin siya sa paglalakad.
Nang malapit na siya sa harapan, muli nitong ibinaling ang kaniyang tingin sa likod kung nasaan si Ken, ngunit hindi niya ito makita. Mabilis siyang bumaba ng bus at tumakbo patungo sa pwesto nilang dalawa kanina ni Ken. Nakita niya si Ken, nginitian niya ito. Ganun din ang ginawa ni Ken, nanatili lang itong nakatitig sa babae.
Dahan-dahan ng umandar ang bus kung saan naka sakay kanina si Phenie. Habang unti-unting umaandar ang bus, unti-unti din lumalayo ang dalawa sa isat-isa. Bago pa man tuluyang mawala sa paningin ni Ken si Phenie ay sumenyas na ito. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay, ngumiti si Phenie at nagpaalam na din kay Ken.
Nang tuluyan ng makalayo ang bus na sinasakyan ni Ken ay hindi niya mapigilan na ngumiti dahil na aalala niya si Phenie. Kinuha niya ang kaniyang Pilot Ballpen sa bag at sumulat sa puting tela na nakatakip sa likod ng mga upuan ng bus.
12-16-06 Hangang sa muli nating pagkikita Phenie.
-Ken
Reunion
Iba na ako. Iba ka na. Limang taon kaming nagkalayo. Napakatagal ngunit napakabilis rin. Hindi ko na inda ang sakit ng pagkakalayo namin ngayong nandito na siya sa aking tabi. Walang kibo kaming naglalakad papunta sa lugar na aming napag usapang muling babalikan. Tila pareho naming sinasariwa ang matamis na nakaraan.
Walang pinagbago ang lugar na ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Maliban nalang sa na abandonang bahay na dati nilang tirahan.
Hindi tulad ng tao. Sandali pa lamang nalalayo ay parang hindi na kayo magkakilala. Ako kaya? Kinalimutan na kaya niya ako? Nilimot na kaya niya ang lahat ng masasayang ala ala namin?
Nang una niya akong nilisan, hindi maipaliwanag ang aking naramdaman. Napakaraming salitang hindi nabigkas habang magkasama kami. Napakaraming bagay ang hindi nagawa nang magkapiling kami. Ngayon,binigyan ulit ako ng tadhana upang isalba ang mga pagkakamali ko ng nakaraan. Magagawa ko pa ba?
Kaya ko pa ba? O...
Ako ba'y may nararamdaman pa sa kanya?
Matahimik naming tinatahak ang landas patungo sa batis kung saan nya sinabing muli kaming magkikita. Hindi nagtagal ay binasag niya ang katahimikan.
"Sigurado ka bang tama tong dinadaanan natin?"
"Oo, magtiwala ka sakin, buong buhay ko hindi ako umalis dito sa lugar natin. Ikaw ang lumayo..."
"Hindi ko naman kagustuhan yun eh." Medyo tumaas ang kanyang boses.
"Alam ko..." Sabay kaming huminto sa paglalakad.
"Galit ka?" Ang malumanay niyang tanong.
"Bakit naman ako magagalit? Na miss nga kita eh. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito."
Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinawakan niya ang aking kamay at nagpatuloy kami sa marahan naming paglalakad. Nung una gusto ko itong bitiwan dahil sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong nagawa at hinayaan ko nalang ito. Dahil na rin siguro sa sobra kong pananabik sakanya.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa batis. Umupo kami sa tabi ng malaking puno ng manga... Tulad parin ng dati napaka laki at napaka lago ng mga dahon nito. Kaya nitong takpan ang mga lungkot na naramdaman ko limang taon na ang nakalipas.
Inilabas ko ang maliit na pala mula sa aking bag, naglakad ng kaunti at sinimulan ang paghuhukay.
Umupo siya sa tabi ko, bakas sa mukha niya ang kaba dahil sa ginagawa namin.
"Kailangan ba talaga nating gawin to?" Ang tanong niya sakin.
"Hindi ko alam sayo, ikaw ang nag aya ulit sakin dito eh."
"Ginawa ko lang iyon dahil yun ang usapan natin bago ako umalis..."
"Eh anu ba kasi itong pinapahukay mo sakin?"
"Kung ayaw mong gawin, wag na nating ituloy. Limutin na natin ang nakaraan." Ang sinabi niya sakin.
Tumayo siya at nagsumilang maglakad papalayo.
Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Hindi ko na inintindi ang mga sinabi niya. Maya maya pa ay nakuha ko na ang kanina ko pang hinuhukay. Isang maliit na kodradong kahon na balot na balot ng electrical tape.
Tumayo ako, hinanap ko siya at sinabing...
"Nakita ko na..."
Marahan siyang lumingon sakin at nagsalita.
"Talaga?"
Hinugasan ko ang mala-tsokolateng putik na nakabalot sa kahon gamit ang tubig mula sa batis.
Dahan-dahan syang lumapit saakin at tinignan ang kahon.
"Ito ba ang pinapahanap mo?" Tanong ko
"Oo yan na nga, buksan mo na..."
"Ano ba kasi ito?"
Dala ng pananabik, inilabas ko ang dala kong swiss knife at winasak ko ang maliit kahon. Laking gulat ko ng mahulog sa lupa ang dalawang maliliit na bilog. Nang tignan ko itong mabuti, nakita ko ang dalawang nahulog sa lupa ay ang dalawang sing-sing na ang isa ay ibibigay ko dapat sakanya limang taon na ang nakakaraan.
"Pano napunta sayo ang mga ito" Ang sabi ko sa kanya. habang pinupulot ang mga sing-sing.
Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa kawalan. Hindi ko na siya inintindi at nanatili nalang din akong tahimik, nag iisip kung pano nangyaring napunta sakanya ang mga sing-sing.
"Caloy..." Ang sabi nya.
"Ano yun Chloe?"
"Bakit hindi mo ako sinundan oh hinatid man lang sa araw ng aking pag alis?" mahina nyang tanong.
"Sinadya kong hindi kita ihatid dahil alam kong hindi ko makakayanan yun Chloe. Pero nagkamali ako, dapat ay pinuntahan kita para pigilan ka. Oo nagawa kong makapunta sa airport pero huli na ang lahat, tanging yung matandang babae nalang ang nakita ko."
"Dala mo ba yung sulat na ipinatago ko?"
"Oo nandito sa bulsa ko... bakit?"
"Wala naman, limang taon na ang nakalipas pero talagang itinago mo pa yan no?" Ang sabi nya habang hindi parin na aalis ang kanyang pagkaka tingin sa kawalan.
"Syempre, yun ang sabi mo eh."
Marahan syang tumingin sakin at itinanong.
"Caloy, hinintay mo ba talaga ako?"
Tumingin ako sakanya at sumagot.
"Tinatanong pa ba yan Chloe? Syempre naman. Tiniis ko ang dalawang taon na hindi kita kasama ang daming babaeng pwedeng mahalin. Pero hindi ko sila iniintindi dahil alam kong babalikan mo ako. Taon taon pumupunta ako sa lugar na ito dahil umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo." ang sabi ko sakanya. "Lumipas ang dalawa, tatlo at apat na taon pero walang Chloe na bumalik. Halos mawalan na ako ng pag asa at pag dumadating ako sa mga puntong yun, iniisip ko lang ang ating mga masasayang alala at nagkakaroon ulit ako ng pag asa."
Dahan-dahang tumulo ang luha nya mula sa kanyang mga mata papunta sa kanyang pisngi. Pumatak ito sa batis at tuluyan nang inagos.
Mula sa kanyang kinauupuan dahan dahan akong lumapit.Hindi ko na rin napigilang mapaluha.
"Okay lang yan Chloe. At least hindi ako sumuko sa pag hihintay diba?" Ang sinabi ko habang kinukuskos ko pa ang aking mga mata.
Dahan dahan nyang kinuha sakin ang hawak hawak kong dalawang sing-sing, at inilapit sa kanyang mata na parang sinusuri.
"Napaka ganda ng mga ito no? sayang at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na isuot ang isa dito." Ang sabi nya.
Marahan kong kinuha ang sing-sing na hawak nya, umpo sa tabi nya at inabot ang kanyang kaliwang kamay.
"Bakit Caloy?" Tanong nya.
Tinignan ko lang sya sa mata at dahan dahang isinuot sakanyang daliri ang sing-sing.
Mas lalong lumakas ang pagbuhos ng kanyang luha kaya pinili nalang nyang pumikit.
"Para sayo talaga yan Chloe." Ang sabi ko kasunod ng pagyakap ko sakanya. "Ang daming hirap ang pinag daanan ko bago dumating ang araw na ito mahal ko."
Dahan dahan nyang inalis ang sing-sing na isinuot ko para sakanya at inilagay ito sa kanyang kwintas.
"Hindi ito dapat ilagay sa daliri Caloy, Dito dapat sya." Ang sabi nya sabay turo sa kanyang puso.
Pagkatapos nun ay nanatili kami parehong tahimik hanggang napansin naming medyo palubog na ang araw.
"Balik na tayo, baka abutin pa tayo ng dilim dito." Ang aya ko sa kanya.
Muli nya akong sinulyapan. Bakas sa kanyang napakagandang mukha na ayaw nya pang umalis at napilitan nalang sumunod saakin.
Magkahawak ang aming kamay habang binabaybay namin ang daan na pinaggalingan namin kanina.
"Sayang no?" Ang sabi niya.
"Ang alin?"
Isinabit niya ang buhok nya sa kanyang tenga, humarap sakin at ngumiti.
"Ngayon lang natin napatunayan sa ating mga sarili."
"Oo nga eh... Kung kailan hindi na pwede."
Pareho kaming kinain ng katahimikan ngunit patuloy kaming naglalakad.
"Masaya ka naman sa kanya?" Ang mahina kong tanong.
"Oo masaya naman kami." Ang tugon niya.
"Mabuti."
Dumating na kami sa sangangdaan kung saan kailangan na naming mag hiwalay. Huminto kaming pareho, tila hinihintay na magsalita ang isa't isa.
"Dito na ako." Ang sabi ko.
"Nga pala..." Sabay binuksan niya ang kanyang bag at may kinuha. "Binyag ng panganay namin sa susunod
na linggo, eto nga pala ang invitation. Wag kang mawawala ah... Ninong ka."
Tinanggap ko ang sobre. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Sige..."
Hindi ako humarap sa kanya. Pero sigurado ako na nakita niyang pumatak ang luha ko sa tuyo at mainit na sahig.
"Dito na ako ah." Ang sabi niya.
Hinihila nya ang kanyang kamay papalayo. Lalo namang humigpit ang hawak ko.
Hindi nagtagal, binitiwan ko na rin. Nakayuko lang ako at nagsimula nang maglakad. Hindi na ulit ako lumingon sa direksyon niya.
Bago pa man din akong makalayo, simugaw siya sakin.
"Caloy!"
Dahan dahan kong inikot ang ulo ko patungo sa direksyon niya. Nakita ko na humulas na ang maganda at mamahaling make-up na suot niya kanina dahil sa luha na kasalukuyang bumabalot sa buong nyang mukha."
Inakap niya ako ng mahigpit at bumulong sakin.
"Mahal parin kita hanggang ngayon, kaso talagang hindi pwede."
Dali-dali na rin siyang tumakbo patungo sa direksyon na dapat niyang puntahan.
Ako naman. Naiwan. Luhaan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Bakit kailangan mo pang bumalik dito?"
Tinahak ko ang landas patungo sa bahay ko at ipinagpatuloy ang mga natitirang taon ng buhay ko nang may dala-dalang sakit sa aaking damdamin.
Sunday, August 21, 2011
Yosi trip
Dapat kagabi pa ito e, kaso tinamaan ako ng antok. Nagumpisa ito ng matapos akong kumain ng hapunan, naisipan kong mag yosi. Oo, yosi, sa tagal-tagal ko ng hindi nag yoyosi, ngayon naka hiligan ko nanaman. Hindi maiwasan e, dahil nga sa call center ako ngayon. Pero kaya ko naman itong kontrolin, kung ayaw ko na, kaya ko huminto. :)
So yun, mabalik tayo. Pagkatapos kong kumain ng hapunan, pumasok ako ng kwarto, kinuha ang aking bag at dinampot ang kalahating pakete ng Marlboro Lights. Sa kasamaang palad, wala na pala itong laman. Badtrip e no? Hahaha.
So ginawa ko, kinuha ko nalang ang aking maliit na pitaka para kumuha ng barya, may anim na piso pa akong barya. Matapos yun lumabas na ako ng bahay at nag punta ng tindahan, isa, dalawa, tatlo, apat na tindahan meron dito sa malapit samin subalit ni isa sa mga ito wala ng bukas.
Ito na talaga ang tinatawag na badtrip. Hinugot ko ang telepono kong Samsung Star-wifi mula sa aking bulsa, may pinindot ako sa gilid at lumiwanag ang screen nito, may message box pinaka una kong napansin, hinayaan ko muna yon dahil ang oras ang gusto kong makita. alas-nuebe bente-syete palang ng gabi. Very unusual naman na mangyari ito grabe.
Pangalawa kong tinignan yung message box, aw waw wa! Yung crush ko pala ang nag text.
"Ikaw ang kumain na bla bla bla"
"Nandito ako kila bla bla bla"
Ang sweet naman nung unang line *Kilig* syempre receiving a message like that from your ultimate crush diba hindi kaba kikiligin? Let's say na oo, wala man sakanya yun, pero iba parin ang dating diba? Oo, diba?
Anyway going back... Ayun nag reklamo na ako sakanya, na badtrip ng walang malapit na 711 sa lugar. Pinaka malapit na 711 samin dito sa bayan pa, kung lalakarin ko yun para lang sa yosi, e tutulog nalang ako.
Kaso gusto ko talaga.
"Ganun talaga. Hehehe! What naman bibilhin mo?" Tanong niya saakin.
"Yosi wala ko yosi. Ikaw dikapa kumaen diba?" Reply ko naman sa text niya habang nag lalakad na pauwi ng bahay. Ilang hakbang nalang nakarating na ako sa aming terrace, umupo muna ako sandali at nag pahinga. Nakaka pagod din kaya mag palipat lipat ng tindahan.
Ekstaktong kakaupo ko lang umilaw ulit ang screen ng hawak kong telepono, naka tangap ulit ako ng text, sakanya parin.
"Punta ka. Hehehe! Meet tayo." Ang sabi sa text. Ay ser walang kalahating segundo naka reply agad ako ng "Ngayon?" Hahahah!
Ilang minuto lang matapos ang mabilis kong sagot sa text niya, sumagot ulit siya ng "Oo."
Aw. Syempre dapat sa mga ganyang bagay dapat diretso na ang isasagot mo e diba? Maliban nalang kung may iniisip kang masama mag aalangan ka sigurado, pero ako, di naman sa nag aalangan, naninigurado lang. Malabo ba? Never mind.
"Sino kasama mo baka ma OP lang ako :(." Naaks style.
"Aq lang." Reply na matapos ang ilang minuto. Umakyat agad sa utak ko ang salitang 'Pumunta ka' na parang ewan.
Well of course gusto ko naman talagang pumunta, kase isipin mo nalang, if ever na pupunta ako 711 sa bayan, mamasahe ako ng bente sa three-wheeler, papunta palang yun, same din sa pabalik wala pa yosi dun. E, kung pupuntahan ko crush ko, otso pesos lang slash makikita ko siya slash makakasama ko siya slash makakausap at makakakwentuhan pa, gara diba?
"Pa yosi moko ha. Ligo lang ako." Ang sabi ko sakanya.
Agad na akong kumuha ng damit at twalya at mabilis na dumiretso sa banyo. Papasok palang muling umilaw ang screen ng aking telepono, text ulit, mula sakanya parin.
"Hahaha! Ligo pa. Eh bihis ka nalang." Ang sabi niya sa text.
Grabe naman yun, nangangamoy ewan na ako tapos papupuntahana niya ako dun, ng ultimate crush ko ng hindi naliligo? Ayoko nga, kahit dalawang minuto lang siguro maliligo parin ako, masabing naligo lang ako hahaha!
"Mabilis lang dipa ko naliligo e." Huling text ko sakanya bago maligo.
Ilang sandali pa natapos na akong maligo at naka bihis na rin. Telepono ko, telepono ko nasan? Nasa banyo pala, binalikan ko ito at tinignan. Isa, dalawa, tatlong mensahe na. Ay ser wait lang.
"Jeep na ko." Mabilis kong text sakanya kahit hindi pa ako nakakalabas ng bahay hahaha. Mahirap kase baka naka bihis na ako tapos biglang mag ayawan pa hahaha!
Ilang minuto lang nakalipas nagkita na kami, as usual maganda at sexy parin talaga siya. Unang pagka kita ko sakanya napansin ko na agad ang buhok niya, umikli ito, mukang bagong gupit subalit hindi ko ito binanggit.
"Bulaga!!" Bati niya saakin.
Cool, ang kulit hahaha. Hindi ko maiwasan mapa ngiti nalang. Isa yon sa mga dahilan kung bakit ko siya ultimate warrior. Este ultimate crush pala, ang cool kase ng babaeng ito, hindi siya marunong sumimangot, hindi siya marunong magalit, parang walang ka-stress-stress sa buhay. Napaka jolly person niya, napaka cool niya. Sobrang cool kaya hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya ngayon.
Maliit lang na babae siya, or let me say 'Petite'. Medyo chubby siya ngunit sexy, maliit na bibilugin ang mata. Hindi ko ma pigura kung ano talaga kulay ng mata niya dahil papalit-palit ito ng kulay. Maliit at matangos ang kaniyang ilong, maganda at maputing ngipin, at ang labi. Hay nako ser, ang labi, sarap halikan.
Matapos ang sampung taon kong pag titig sakaniya, ay kusa din bumalik sa realidad ang aking sarili. Nag sasalita na pala siya, hindi ko namalayan. Wala e, hindi ko maiwasan mawala sa totoong mundo pag kasama siya.
Agad kong kinuha ang isang kaha ng Marlboro Black na nakapatong sa puting pabilog na mesa, alam kong kaniya yon dahil katabi ito ng lighter na bigay namin mag kaka-wave sakaniya nung huling araw ng aming training. Ooh. Nakakalungkot ang araw na iyon, na alala ko tuloy.
Anyway so there, kumuha ako ng isang piraso ng yosi. Tinaktak sa aking kaliwang hinlalaking daliri. Itinapat sa aking bibig, inipit sa aking mga labi. Inabot ang lighter na naka patong sa puting pabilog na mesa, Sinindihan ang dulo ng yosi, isinara ang lighter, hithit, binalot ng lamig ng Marlboro Black ang aking buong bibig. Buga...
Dun na nagsimula ang aming masayang kwentuhan, tawanan, asaran, pag alala sa mga kapalpakan na pinag gagawa namin sa training. Mga bloopers at lahat ng nakaka tawang bagay na nangyari, as usual positive lahat ng usapan. Gaya nga ng sabi ko, stress-free na tao tong ultimate crush ko.
Well, lahat ng magaganda, masasaya at masasarap na bagay ay kaylangan din magtapos. Walang permanente sa mundo hindi ba, CHANGES lang ang permanente sa mundo. So there, alas-onse nuebe na sa orasan ng aking telepono. Nag-aya na din siyang umiwi, isa pa maaga pa pasok niya bukas, ako naman baka wala ng masakyan.
Nag paalam na kami sa isa't isa. Yakapin ko sana siya, kaso, nag lakad na siya matapos siyang mag paalam sakin.
Okay lang yun, hindi naman iyon ang magiging huli naming kwentuhan. Mag kikita pa naman kami. Sana next time maging kasing saya parin ng kagabi or let me say na sana mas masaya pa.
Hangang dito nalang siguro muna ang masasabi ko para saaking ultimate crush.
Hangang sa muli.
Miss naka pink
Miss naka pink
Alam mo ba na habang nasa labas ka palang, ay napansin ko na agad ang iyong kagandahan. Hindi ko mapigilan ang aking mga mata na titigan ka habang ikay papasok sa tindahan.
Bagay na bagay sayo ang suot mong sleeveless na pink. Napaka lakas ng iyong dating sa akin, hindi ko na halos ma aninag ang napaka itim mong mga mata dahil sa sobrang pagka singkit ng mga ito. Idagdag mo pa ang maliit na nunal sa ilalim ng iyong kaliwang mata, pati na din ang dimples sa ilalim ng iyong mamula-mulang pisngi. Isama mo na din ang iyong maikli at bahagyang kulay pulang buhok.
Akoy napapahinto sa tuwing gumagalaw ang iyong mala rosas na labi. Napaka natural ng mga ito, hindi ko maiwasang isipin na ikay aking hinahalikan. Natawa nalang ako nang ako ay iyong gisingin mula sa aking panaginip.
Kaylan man ay hindi ko malilimutan ang pag pitik ng iyong dailiri sa aking harapan, dahilan upang akoy muling bumalik sa aking katinuan. Pasensya kana miss naka pink, hindi ko namalayan na panandalian ko na palang iniwan ang reyalidad ng dahil sa iyong kagandahan.
Kahit sandali lang tayong nagusap, okay na para saakin yun. Nakaka lungkot man isipin tanging ang isang napaka gandang ngiti lang ang iyong iniwan saakin. Miss naka pink wag ka muna sanang umalis, madami ka pa dyan na pwedeng pag pilian at bilhin.
Miss naka pink, nais kong malaman ang iyong pangalan.
Ngunit hindi mo yata narinig ang sigaw ng aking puso kaya tuluyan ka ng lumayo, wala akong magagawa kung hindi ang pagmasdan ang iyong pag lisan.
Paalam miss naka pink, sana ay muli kang bumalik.
RPC 2008
RPC 2008
Sa tuwing naaalala ko ang unang araw ng ating pagkikita,
hindi ko maiwasang mapa ngiti sa tuwa.
Sa loob ng kalahating araw nating walang pansinan,
tuluyan mong nabihag ang aking kalooban.
Wala akong magawa sa mga oras na yun kung hindi ang titigan ka.
Pabirong sasabat sa usapan nyo nang aking kaibigan,
upang atensyon mo ay aking matikman.
Sa tuwing ako'y nahuhuli mong nakatitig sayo,
bigla nalang bumibilis ang tibok ng aking puso.
Habang ako'y papalapit na sa entablado,
hindi ko maiwasang tumingin muli sayo.
At sa oras ng aming laban,
Ikaw lang ang nasa aking isipan.
Tatlong asura aking sinalo,
pero buhay parin ako nang dahil sa devo.
Mga kasama ko pilit akong ginigising,
pero aking isipan sayo parin nahuhumaling.
Atensyon ko ay tanging nasayo,
kaya siguro kami natalo.
Sa tuwing naaalala ko ang unang araw ng ating pagkikita,
hindi ko maiwasang mapa ngiti sa tuwa.
Sa loob ng kalahating araw nating walang pansinan,
tuluyan mong nabihag ang aking kalooban.
Wala akong magawa sa mga oras na yun kung hindi ang titigan ka.
Pabirong sasabat sa usapan nyo nang aking kaibigan,
upang atensyon mo ay aking matikman.
Sa tuwing ako'y nahuhuli mong nakatitig sayo,
bigla nalang bumibilis ang tibok ng aking puso.
Habang ako'y papalapit na sa entablado,
hindi ko maiwasang tumingin muli sayo.
At sa oras ng aming laban,
Ikaw lang ang nasa aking isipan.
Tatlong asura aking sinalo,
pero buhay parin ako nang dahil sa devo.
Mga kasama ko pilit akong ginigising,
pero aking isipan sayo parin nahuhumaling.
Atensyon ko ay tanging nasayo,
kaya siguro kami natalo.
Bintana
Bintana
Hinila ko pababa ang aking kumot at tinangka kong takpan ang aking mukha, gamit ang aking unan. Walang epekto, parang pinapatay ko lang ang aking sarili nito. Bakit ba hindi ako makatulog, dahil siguro ito sa liwanag ng buwan. Kung agad sanang natuyo ang mga kortina na bagong laba ay matatakpan nito ang liwanag na dulot ng buwan.
Napaka tahimik na ng buong lugar, ako nalang yata ang gising. Tumayo ako at tinangkang bumaba para kumuha ng maiinom. Pagkalagpas ko sa bintana ay may napansin akong kakaiba, mabilis kong ibinaling muli ang aking paningin sa bintana. Dito ko nakita ang pigura ng isang tao na parang nakatitig saakin.
Yumuko agad ako dahil sa aking kakaibang naramdaman, kinabahan ako natakot at kinilabutan. Ano ba iyong nakita ko. Multo. Hindi naman siguro. Ngunit bakit ako kinabahan, marahil ay nabigla lang ako sa aking nakita.
Marahan at maingat kong sinilip muli ang bintana pataas. Napakabagal ng aking pag galaw, maingat para hindi ako mahalata. Hanggang sa natanaw ko na ang kabilang bintana, hindi siya gumagalaw. Hindi siya naka titig saakin, siguro ay guni guni ko lang iyon kanina.
Nakatakip siya sa manipis na puting kortina, tao siya at hindi multo. Mahaba ang buhok, hangang balikat ito at naka sleeveless na puting pang tulog. Babae siya at mukhang nasa edad bente sinco na. Mukhang bago lang siya dito sa lugar namin, ngayon ko palang kasi siya nakita dito.
Pero teka, anong ginagawa niya sa mga oras na ito at bakit gising pa siya. Kung sabagay ako din naman gising parin hanggang ngayon. Pero may dahilan ako, hindi kasi ako makatulog.
Eh siya, hindi din ba siya makatulog. Napansin kong gumalaw ang kaniyang kanang kamay, inilapit niya ito sa kaniyang mukha na parang nagpupunas. Umiiyak ba siya, ngunit bakit naman. Anong meron sa babaeng ito at akoy nawiwirdohan.
Mabilis kong yinuko muli ang aking ulo dahil sa aking nakita, napansin yata niyang pinagmamasdan ko siya. Inilihis niya ang kortinang tumatakip sakanya at idinungaw ang kalahati ng kanyang katawan. Pilit niyang inaabot ng tingin ang aking kinaroroonan.
Matagal bago ako muling sumilip, baka nandiyan parin siya at naka tingin. Ilang minuto na ang nakalipas bago ako muling nagtangkang sumilip. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo, sapat na hangang sa ilalim ng aking mga mata lang ang nakalitaw upang hindi ako mahalata.
Laking gulat ko sa aking nakita, isang malapad na papel ang hawak ng babae. Isang papel na may nakasulat dito. Hindi ko ito masyadong maaninag dahil sa liit ng pagkakasulat ng mga letra, ngunit gusto ko itong mabasa ng mabuti. Nang mabasa ko at maidugtong dugtong ang mga letrang nakasulat, kinilabutan ako sa aking nabasa. Ang nakasulat dito ay.
"MAY TAO BA DIYAN? TULUNGAN MO AKONG MAKATAKAS DITO."
Muli akong yumuko at sumandal sa pader. Nanginginig ang aking buong katawan, hindi ko malaman ang aking gagawin. Hindi ako makapag isip ng tama. Gusto ko siyang tulungan, ngunit paano at kanino. Hindi ko pa siya lubusang kilala, sa katunayan ngayon ko palang siya nakita. Ni hindi ko man lang alam ang kaniyang pangalan. Hindi ko pa alam ang buong pagkatao niya.
Natatakot ako na baka madamay pa ako sa gulo, at baka may masamang mangyari saakin kung makikialam pa ako. Hindi na uso ang mga bayani sa panahong ito, kung tutulungan ko siya at mamatay ako. Sigurado ako na kahit isang salapi ay wala matatangap ang mga iiwan ko. Napakabata ko pa para mawala sa mundo.
Hindi naman tama na ibuwis ko ang aking buhay para sa isang babaeng hindi ko pa lubusang kilala.
Ngunit hindi iyon dahilan para hindi ko siya tulungan. Isa siyang babae na humihingi ng saklolo, kaylangan niya ang tulong ko. Hindi dahilan ang tagal o ikli ng pagkaka kilala para tumulong sa iba.
Tama! Tutulungan ko siya, kahit malagay sa piligiro ang sarili kong buhay. Mas maganda siguro ang mamatay nang may ginawa kaysa mamatay ng walang nagawa.
Bang! Bang! Bang!
Tatlong sunod sunod na putok ng baril ang aking narinig. Ayaw kong isipin na sa babaeng nasa bintana tumama ang mga ito. Kung nagkataon hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Tahimik parin ang paligid, puno parin ng liwanag ang buwan. Dahan dahan kong sinilip ang kabilang bintana, wala na dito ang babae. Tanging natira nalang dito ay ang kortinang puno ng tumalsik na dugo, at ang isang lalaking naka unipormeng pulis.
Hindi na natigil ang panginginig ng aking tuhod, at ang mabilis na pag tibok ng aking puso. Labis na panghihinayang ang aking nadama. Naging duwag ako sa pagkakataong iyon, mas inuna ko pa ang takot at kaba. At nang akoy magkaroon na ng lakas ng loob, ito ay huli na
E.G.G
E.G.G
Ang sarap ng pakiramdam pag kasama mo ang iyong kasintahan habang namamasyal sa mall no? Pili pili ng mga damit, lipat sa kabilang bilihan ng damit. Kain dito, kain doon. Manood ng bagong pelikula sa mga sinehan. Lakad dito lakad doon. Hay ang saya talaga. Wish ko lang sana hindi na matapos ang kaligayahang nadarama ko sa mga oras na yun.
Sana nga lang.
Hanggang sa magyaya siyang pumasok sa isang bilihan ng bag, kung hindi ako nag kakamali E.G.G ang pangalan ng bilihan ng bag na yun. Pag pasok ko palang ay may kakaiba na akong naramdaman sa lugar na yun. Agad din akong umupo sa isang maliit na upuan at hinayaan ang aking kasintahan na mamili ng mga bag.
Kakaiba talaga ang pakiramdam sa loob, parang may kung anong ewan. Inikot ikot ko ang aking ulo, wala namang kakaiba. Maliban lang sa isa, sa isang babaeng naka talikod. Naka itim na dress siya na medyo backless, naka ponytail ang kanyang mahabang buhok kaya halata ang napaka puti niyang kutis.
Pinagmasdan ko lang ito at sinamantala ang pagkakataon na alalahanin kung sino siya, habang hindi pa siya humaharap. Halos pumikit na ang aking mga mata sa sobrang pagod sa buong araw na paglilibot. Pamiliar talaga itong babaeng ito, parang alam ko na kung sino siya. Pero wag naman sana.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang humarap ang babaeng kanina ko pa pinagmamasdan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siya. Nilamon ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ako maka galaw, labis ang aking panghihinayang sa aking nakita.
Ang babaeng pilit kong kinakalimutan, ang babaeng pilit kong tinatakasan ang aming nakaraan ay nandito ngayon sa aking harapan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari saakin, para bang pilit kaming pinag tatagpo ng tadhana. Kung kaylan nakakalimutan ko na siya ay heto at muli nanaman kaming magkaharap.
Hindi nagtagal ay binasag nya ang katahimikan, nang bigla niya akong kausapin at tanungin kung sino ang aking kasama. Marahan kong inikot ang aking ulo patungo sa aking kasintahan na abalang pumipili ng mga bag. Itinuro ko siya gamit ang aking nguso, sinundan niya ang direksyon kung saan naka turo ang aking nguso at doon ay kanyang nakita ang aking bagong kasintahan.
Wala akong nakitang masamang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Mukha naman itong masaya sa kaniyang nakita. Hindi lang iyon, kinawayan pa niya ito. Ngumiti at nag Hi. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya namamalayan na akoy nakatitig sakaniya. Sinasamantala ko ang bawat segundo nang hindi niya napapansin.
Habang nakikita ko ang bawat pag galaw ng kaniyang mga labi ay lalo akong nahuhulog sakaniya. Ang paraan ng kaniyang pag ngiti ay parang ibinabalik ang mga araw na magkasama kami. Parang ibinabalik niya ang mga alaala noong kaming dalawa pa ang magkasama.
Pero yun ay mga alaala nalang, alaalang pinipilit kong kalimutan. Kahit masakit at mahirap ginagawa ko parin ang lahat para lang mabura na ang lahat ng alaala naming dalawa sa aking isipan.
Maya maya lang ay nagpasya na siyang umalis, gustuhin ko man siyang pigilan ay hindi ko na ito magawa. Alam kong hindi tama na pigilan ko siya, pero tama din ba na hindi ko siya pigilan? Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang naka layo, hindi ko na maaninag ang kaniyang imahe sa buong lugar.
Pinilit kong pigilan ang likidong namumuo sa aking mga mata, ngunit sadyang napakabigat na nito at hindi na ito kayang awatin pa. Dahan dahang tumulo ang aking luha patungo sa aking mukha, napansin kong papalapit na saakin ang aking kasintahan kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang aking panyo.
Nang tuluyan na siyang makalapit saakin, tinanong niya ako.
"Anong nangyari saiyo?"
"W-wala na puwing lang ako." Ang sagot ko.
Bakas sa kaniyang mukha ang sobrang pag aalala, alam kong alam niya ang tunay na dahilan. Pero mas minabuti nalang niya na hindi na ito pag usapan pa.
Agad din siyang nagyaya na umalis, paglabas namin ng E.G.G ay tinangka ko paring libutin ng tingin ang buong paligid gamit ang aking mga mata. Nagbabaka sakali na muli ko paring makita ang babae na hangang ngayon ay siya paring nagmamay ari sa aking puso.
Ngunit sa kasamaang palad ay wala na siya, hindi ko na siya mahagilap sa buong paligid. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko at ibulong na.
Its over and its done.
Utak talangka
Utak talangka
Alas onse na nang gabi hindi parin ako makatulog, nababagabag ang buo kong kaisipan. Kinakabahan sa magiging resulta ng board exam. Ang sabi kasi ng iba saakin, madami daw ang nawawala sa katinuan pag nalaman nila na hindi sila nakapasa.
Ako kaya?
Kung sabagay matagal na akong wala sa aking katinuan. Puro kalokohan ang laman ng aking kaisipan. Simpleng lalake lang ako, mahilig sa mga online games tulad ng Ragnarok. Halos dito na umiikot ang mundo ko, para maka iwas sa problema ng totoo kong mundo. Mahilig din ako sa mga chiks kaso ang problema hindi sila mahilig saakin.
Graduate ako ng nursing sa unibersidad ng Fatima, dito sa may valenzuela. Araw araw bumibiyahe ako mula pampanga hangang sa valenzuela, sa una nakaka pagod siyempre ang layo ng biyahe. Pero nung nagtagal aba yakang yaka na, heto nga at akoy nakatapos na.
Sa sobrang simple ng hangad ko sa aking buhay, makagraduate lang ako sa kursong ito masaya na ako. Sa totoo lang hindi ko naman hinahangad ang sumahod ng lagpas isang daang libo kada buwan sa ibang bansa, mas gugustuhin ko pang magkanda kuba kuba na ako sa kakatrabaho at mairahos ang aking magiging pamilya dito sa pilipinas. Isa kasi ako sa mga umaasang magiging maayos parin ang takbo ng buhay dito mismo sa pinas.
Ang sabi saakin nga mga tropa ko, sira ulo daw ako, gago at baliw. Nasa modernong panahon na daw kami ngayon, nakakapaglaro na nga daw kami ngayon ng Ragnarok. Bawat isa saamin may PSP, Ipod, at dekalidad na mga telepono. Sa panahon daw natin ngayon ay imposible ng maging maayos pa ang ating bansa.
Ang sagot ko, anong konek?
Kung iisipin kaya naman talaga nating gawin eh. Hindi lang talaga natin maiwasan na mag magaling, likas na kasi sa ating mga pilipino ang kakaibang talento. Magaling tayo sa maraming larangan sa buhay.
Ang dami nating mga sikat na personalidad na kilala sa ibang bansa, tulad ni Pacman. Hindi si pacman na linalaro dati sa family computer ha. Si Manny, ang pang bansang kamao ng pilipinas na kilalang kilala sa pag papatumba ng mga boksingerong taga mexico. Ang batang diva na si Charisse na ngayon ay manager pa niya si Oprah. Hindi din mag papahuli ang sobrang seksi na si Nicole ng PussyCatDolls.
At meron ding ibang pinoy na kilala sa ibang aspeto ng buhay.
Napaka dami hindi ba, kaya nga siguro minsan hindi natin maiwasan na maging masyadong bilib sa ating mga sarili. Lahat ng sobra masama. Napaka ganda sanang pakinggan kung puriin natin ang ating mga kababayan kaysa ireject ang kanilang mga nagawang maganda hindi ba.
Bata palang ako naririnig ko na ang Crab Mentality. Noon ang sabi nila, ang mga pinoy utak talangka daw. Ano ba ito sa akin nung akoy bata pa? Bata palang ako maaga nang ipinaliwanag saakin ng aking mga magulang ang ibig sabihin niyan. Natatandaan ko pa ang komersyal sa telebisiyon dati. Isang bayong na puno ng mga talangkang nag uunahan makapunta sa taas. Ngunit dahil ayaw patalo ng ibang mga talangka, hinihila nila ang kapwa nila pababa para sila ang umangat.
Paulit ulit lang naman sila, hindi nila magagawang maka alis at maka takas sa madilim na bayong kung ganun ang paulit ulit nilang ginagawa. Kung nagtulungan sana silang itulak nalang ang bayong ng sabay sabay, magagawa pa nilang itumba ito at malayang makatakas ng sabay sabay.
Ganun din tayo ngayon, kung patuloy tayong mag sisiraan at magbabangayan hindi maaayos ang ating bansa.
Sana ganun nalang kadali hindi ba, sana ganun din tayong mga pilipino. Nagtutulungan, nagkakaisa sa bawat problema.
Kayang kaya naman eh, basta't sama sama.
Ako kaya?
Kung sabagay matagal na akong wala sa aking katinuan. Puro kalokohan ang laman ng aking kaisipan. Simpleng lalake lang ako, mahilig sa mga online games tulad ng Ragnarok. Halos dito na umiikot ang mundo ko, para maka iwas sa problema ng totoo kong mundo. Mahilig din ako sa mga chiks kaso ang problema hindi sila mahilig saakin.
Graduate ako ng nursing sa unibersidad ng Fatima, dito sa may valenzuela. Araw araw bumibiyahe ako mula pampanga hangang sa valenzuela, sa una nakaka pagod siyempre ang layo ng biyahe. Pero nung nagtagal aba yakang yaka na, heto nga at akoy nakatapos na.
Sa sobrang simple ng hangad ko sa aking buhay, makagraduate lang ako sa kursong ito masaya na ako. Sa totoo lang hindi ko naman hinahangad ang sumahod ng lagpas isang daang libo kada buwan sa ibang bansa, mas gugustuhin ko pang magkanda kuba kuba na ako sa kakatrabaho at mairahos ang aking magiging pamilya dito sa pilipinas. Isa kasi ako sa mga umaasang magiging maayos parin ang takbo ng buhay dito mismo sa pinas.
Ang sabi saakin nga mga tropa ko, sira ulo daw ako, gago at baliw. Nasa modernong panahon na daw kami ngayon, nakakapaglaro na nga daw kami ngayon ng Ragnarok. Bawat isa saamin may PSP, Ipod, at dekalidad na mga telepono. Sa panahon daw natin ngayon ay imposible ng maging maayos pa ang ating bansa.
Ang sagot ko, anong konek?
Kung iisipin kaya naman talaga nating gawin eh. Hindi lang talaga natin maiwasan na mag magaling, likas na kasi sa ating mga pilipino ang kakaibang talento. Magaling tayo sa maraming larangan sa buhay.
Ang dami nating mga sikat na personalidad na kilala sa ibang bansa, tulad ni Pacman. Hindi si pacman na linalaro dati sa family computer ha. Si Manny, ang pang bansang kamao ng pilipinas na kilalang kilala sa pag papatumba ng mga boksingerong taga mexico. Ang batang diva na si Charisse na ngayon ay manager pa niya si Oprah. Hindi din mag papahuli ang sobrang seksi na si Nicole ng PussyCatDolls.
At meron ding ibang pinoy na kilala sa ibang aspeto ng buhay.
Napaka dami hindi ba, kaya nga siguro minsan hindi natin maiwasan na maging masyadong bilib sa ating mga sarili. Lahat ng sobra masama. Napaka ganda sanang pakinggan kung puriin natin ang ating mga kababayan kaysa ireject ang kanilang mga nagawang maganda hindi ba.
Bata palang ako naririnig ko na ang Crab Mentality. Noon ang sabi nila, ang mga pinoy utak talangka daw. Ano ba ito sa akin nung akoy bata pa? Bata palang ako maaga nang ipinaliwanag saakin ng aking mga magulang ang ibig sabihin niyan. Natatandaan ko pa ang komersyal sa telebisiyon dati. Isang bayong na puno ng mga talangkang nag uunahan makapunta sa taas. Ngunit dahil ayaw patalo ng ibang mga talangka, hinihila nila ang kapwa nila pababa para sila ang umangat.
Paulit ulit lang naman sila, hindi nila magagawang maka alis at maka takas sa madilim na bayong kung ganun ang paulit ulit nilang ginagawa. Kung nagtulungan sana silang itulak nalang ang bayong ng sabay sabay, magagawa pa nilang itumba ito at malayang makatakas ng sabay sabay.
Ganun din tayo ngayon, kung patuloy tayong mag sisiraan at magbabangayan hindi maaayos ang ating bansa.
Sana ganun nalang kadali hindi ba, sana ganun din tayong mga pilipino. Nagtutulungan, nagkakaisa sa bawat problema.
Kayang kaya naman eh, basta't sama sama.
Muli
Muli
Kakaiba ang naramdaman kong kasiyahan,
nang ikay pumasok sa aking buhay.
Buong buhay ko tanging ikaw lamang ang aking minahal.
Ngayong wala kana, ako ay naiwang mag isa.
Lahat nang aking mga kaibigan,
isa lang ang palaging sinasabi saakin.
Kapag tapos na, tapos na.
Oo kung tutuusin tama sila,
ito ang pilit kong isinasaksak sa aking utak.
kapag tinapos na ang isang relasyon,
dapat hangang doon nalang.
Ngunit sa aking sarili isa lang ang alam ko,
kapag ako man ay muling makahanap ng iba.
Hindi ibig sabihin ay hindi na kita mamahalin.
Aalagaan ko siya at iingatan.
Ngunit ang mamahalin ay ikaw parin.
kung sakaling muli akong magmahal,
yun ay walang iba kung hindi ikaw.
Buong araw lagi kong inaalala ang mga masasaya nating alaala,
buong gabi tanging ikaw lamang ang aking iniisip.
Alam kong malalagpasan ko din ito,
ngunit sasabihin ko sayo ang totoo.
Kung sakaling ako ay muling magmahal.
Wala akong ibang mamahalin kung hindi lang ikaw.
nang ikay pumasok sa aking buhay.
Buong buhay ko tanging ikaw lamang ang aking minahal.
Ngayong wala kana, ako ay naiwang mag isa.
Lahat nang aking mga kaibigan,
isa lang ang palaging sinasabi saakin.
Kapag tapos na, tapos na.
Oo kung tutuusin tama sila,
ito ang pilit kong isinasaksak sa aking utak.
kapag tinapos na ang isang relasyon,
dapat hangang doon nalang.
Ngunit sa aking sarili isa lang ang alam ko,
kapag ako man ay muling makahanap ng iba.
Hindi ibig sabihin ay hindi na kita mamahalin.
Aalagaan ko siya at iingatan.
Ngunit ang mamahalin ay ikaw parin.
kung sakaling muli akong magmahal,
yun ay walang iba kung hindi ikaw.
Buong araw lagi kong inaalala ang mga masasaya nating alaala,
buong gabi tanging ikaw lamang ang aking iniisip.
Alam kong malalagpasan ko din ito,
ngunit sasabihin ko sayo ang totoo.
Kung sakaling ako ay muling magmahal.
Wala akong ibang mamahalin kung hindi lang ikaw.
Sermon
Sermon
Anong klase kang lalake, paano mo nagagawa iyan sa iyong kasintahan. Hindi mo ba naisip kung gaano ka niya ka mahal, pagkatapos ito pa ang igaganti mo sakaniya. Gumising ka na sa iyong kahibangan, paano mo nagawang sumama sa ibang babae. Habang ang iyong tunay na kasintahan ay naghihintay saiyo sa bahay.
Ano ba ang meron diyan sa babaeng iyan, maganda siya oo ngunit hindi mo pa siya gaanong kilala. Malay mo linoloko ka lang niya, kung ako saiyo layuan mo na siya. Bago pa malaman nang iyong kasintahan at maging huli na ang lahat.
Paano mo masasabing mahal mo siya, e halos ngayon mo palang siya nakikilala. Ilang beses na ba kayong nagkita. Isa, dalawa, tatlong beses palang. Paano mo mapapatunayan na pagibig iyan at hindi interes lang.
Mukha kang tanga sa tuwing pinagmamalaki mo saakin ang mga drawings niyang kahit grade one ay kayang iguhit. Palagi nalang siya ang iyong bukang bibig, makarinig ka lang ng bagay na may koneksyon sakaniya ay agad mo na siyang ibibida. Nasaan na ang dating palag mong ibinibida,wala nabaon na sa limot.
Hindi kaba natatakot na mahuli habang kayo ay namamasyal sa mol. Hindi ka ba naiilang tuwing naglalakad kayo sa daan. Hindi mo ba naisip na ano man oras ay posibleng may maka kita sainyo.
Nakaka siguro kaba na kaya ka niyang panindigan at angkinin sa iyong kasintahan, kung sakaling magka hulian na. Oh baka naman sa bandang huli, imbes na dalawa sila ay wala nang matira kahit isa.
Habang buhay
Habang Buhay
Ilang beses ko nang pinangarap ang makasama ka,
sa isang espesyal na lugar kung saan tayong dalawa lamang.
Aayusin nating dalawa ang iyong mga problema,
at itatapon sa kabilang parte ng mundo.
Yayakapin kita nang mahigpit,
iingatan ang iyong puso at sasabihing ikay akin.
Kaya tara, umalis na tayo dito at lumayo.
Sumama ka at dadalhin kita sa aking mundo.
Tuwing ikay malungkot, tuwing ikay umiiyak,
tanging ako lamang ang pupunas nang iyong luha.
Kapag ikay linalamig, kapag kaylangan mo ako.
Lagi akong nandito para sayo na handang ibigay ang buong puso ko.
Alam mo naman kung gaano kita ka mahal,
kaya sana wag mo akong bibiguin.
Wala akong ibang hangad,
kung hindi ang ikay manatili sa aking tabi.
Habang buhay.
sa isang espesyal na lugar kung saan tayong dalawa lamang.
Aayusin nating dalawa ang iyong mga problema,
at itatapon sa kabilang parte ng mundo.
Yayakapin kita nang mahigpit,
iingatan ang iyong puso at sasabihing ikay akin.
Kaya tara, umalis na tayo dito at lumayo.
Sumama ka at dadalhin kita sa aking mundo.
Tuwing ikay malungkot, tuwing ikay umiiyak,
tanging ako lamang ang pupunas nang iyong luha.
Kapag ikay linalamig, kapag kaylangan mo ako.
Lagi akong nandito para sayo na handang ibigay ang buong puso ko.
Alam mo naman kung gaano kita ka mahal,
kaya sana wag mo akong bibiguin.
Wala akong ibang hangad,
kung hindi ang ikay manatili sa aking tabi.
Habang buhay.
Tiwala
Tiwala
Masayang masaya si Natalie sa kanilang paglipat ng tahanan dito sa Pampanga. Dahil sa wakas ay muli nanaman niyang makakasama ang mga dati niyang kaibigan. Matagal na din noong huli silang umuwi sa probinsya, halos apat na taon silang namalagi sa amerika.
Pagdating nila sa bahay ay hindi na niya inayos ang kaniyang mga bagahe, at agad na tumuloy sa bahay ng kaniyang mga kaibigan. Hindi maipinta ang kakaibang saya na kaniyang nadarama sa mga oras na iyon. Buong araw siyang nakipag kwentuhan sakanila, kinuwento niya ang kaniyang naging buhay sa amerika.
Mas masaya sana ang naging buhay ko sa amerika kung kasama ko kayo, ang kwento niya sa kaniyang mga kaibigan. Nasasabik na siyang pumasok at mag aral sa eskwelahan kung saan nag aaral din ang kaniyang mga kaibigan. Iniisip niyang magiging masaya ulit siya sa kaniyang pag aaral.
At dumating na nga ang kaniyang unang araw ng pasukan muli dito sa pilipinas, nung una ay kina kabahan siya at naninibago. Ngunit sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, naging madali at maayos lang ang lahat. Hindi nagtagal ay nakilala niya si Ramon, ang pinaka sikat na lalaki sa kanilang eskwelahan. Si Ramon ay isang varcity, miyembro siya ng basketbol team ng eskwelahan. Matangkad, matipuno ang katawan. Malakas ang dating sa mga babae, at higit sa lahat magaling siya mag laro ng basketbol.
Kaya hindi nakapag tatakang mabihag niya ang kalooban ni Natalie. Bagamat bago palang siya sa eskwelahan, ay usap usapan na din siya dahil isa siyang transferee. Nang malaman ni Ramon ang bulung bulungan ay hindi na ito nag dalawang isip pa na ligawan ito.
Hindi maitago ni Natalie ang kaniyang kasiyahan at ikinuwento niya ito sa kaniyang mga kaibigan. Hindi nasiyahan ang mga ito sa kanilang nalaman. Imbes na matuwa sila sa kaniyang ibinalita ay takot ang kanilang naramdaman. Alam nilang magiging miserable lang ang buhay ni Natalie kay Ramon, binalaan nila ito at pinayuhan na umiwas sakaniya.
Hindi nagustuhan ni Natalie ang komento ng kaniyang matatalik na kaibigan, labis na pagka dismaya ang kaniyang nadama. Napaisip siya sa kanilang mga sinabi.
Ano ba ang ayaw nila kay Ramon at ganoon nalang ang kanilang naging reaksiyon. Mabait siya saakin at wala siyang pina pakitang masama. Alam kong malinis ang kaniyang intensiyon saakin.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanilang mga sinabi. Lasingero. Playboy daw siya. Mang gagamit. Kolektor ng mga sikat na babae sa kampus. Kung sino sino na daw ang kaniyang mga na ikama, at hindi nagtagal ay iniwan din. At ang pinaka hindi ko mapaniwalaan ay isa din daw siyang pusher, user ng droga.
Gustuhin ko man maniwala sakanila ay hindi ko magawa, sa kaunting panahon ng aming pag sasama ay tuluyan ng nahulog ang loob ko sakaniya. Napaka hirap ang malagay sa aking sitwasyon, ang marinig ang lahat ng bagay na ayaw kong malaman tungkol sa aking mahal. Hindi naman sa di ko pinakikingan ang kanilang mga payo. Alam kong mahal nila ako at hindi nila gustong mapasama ako.
Ayaw kong maniwala hangat hindi ako mismo ang nakaka pagpatunay.
Ilang linggo na din ang lumipas at naging maayos ang lahat sakanila ni Ramon, wala siyang nakikitang bakas ni isa sa babala ng kaniyang mga kaibigan. Hanggang sa dumating ang kaarawan ni Ramon. Ginawa niyang engrande ang kaniyang kaarawan. Lahat ng malalapit sa kaniya sa kampus ay imbitado, at lahat ng malalapit kay Natalie ay kaniya ding inimbita.
Naging masaya ang dalawa, halos matapos na ang gabi magkasama parin sila. Hanggang sa dumating ang oras na kinatatakutan ni Natalie. Kakaiba ang kaniyang naramdaman nang yayain siya ni Ramon sa kaniyang kwarto, marahan niyang tinignan ang mukha ng kaniyang mahal. Maamo parin ito kahit medyo singkit na ang kaniyang mga mata, ng dahil sa dami ng nainom.
Nagda dalawang isip man, ay sumama parin si Natalie kay Ramon. Iniwan niya ang kaniyang mga kaibigan sa garden na masayang nagiinuman. Ilang minuto lang ay nakadating na sila sa kaniyang kwarto. Pag pasok ng pinto marahan niyang inalalayan ang dalaga sa kaniyang kama, at muling bumalik sa pinto para ikandado.
Tumutulo ang malamig na pawis ng dalaga sa kniyang mukha, nangi-nginig ang kaniyang tuhod at parang nilalamig. Halos dinig na dinig ang mabilis na tibok ng kaniyang puso sa sobrang tahimik ng silid.
Dahan dahan lumapit si Ramon kay Natalie, tinitigan niya ito sa kaniyang mga mata. Halata sa kaniyang murang mukha ang kaba. Nagulat nalang siya ng maramdaman ang maiinit na labi ni Ramon na dumikit sa kaniyang mga labi.
Nangi-nginig man at nanla-lambot, ay ibinigay parin niya ang kaniyang natitirang lakas para itulak ito palayo. Labis na pagkadismaya ang gumuhit sa mukha ni Ramon. Walang magawa ang dalaga kung hindi ang yumuko na lamang.
Marahang tumayo si Ramon at kinuha ang kaninang dala-dalang isang bote ng beer, na naka lagay sa maliit na lamesa. Halos mangalahati ito ng inumin niya ito. Muli niya itong ibinaba at binuksan ang kaniyang drawer.
Kinuha niya ang isang sirang lighter, isang rolyo ng foil at isang maliit na plastik na may laman na puti.
Mukhang tawas ito kung titignan, ngunit aanhin niya ang lighter, foil at tawas. Mukhang ito na nga ang sinasabi ng aking mga kaibigan, kung ito na nga sana ay mapigilan ko pa.
Pinunit ni Ramon ang foil at kinorteng pahaba, linagay nya ang puting mukhang tawas sa foil. Sinindihan niya ito gamit ang lighter na parang linuluto, iginalaw galaw niya ito na parang nag s-seesaw. Naging mausok ito, umalingasaw ang masamang amoy ng usok. Ngunit ang usok na may masamang amoy ay sinisinghot ni Ramon habang naka titig kay Natalie. Titig na parang inaalok na gawin ang kaniyang ginagawa.
Halos maiyak si Natalie sa kaniyang mga nakikita, dahan dahan siyang umaatras palayo sa lalaki. Natatakot ito sa nakikita niya sa mukha ni Ramon. Hindi niya matagalan na tignan ang mala demonyo niyang mga mata.
Tinangka niyang tumakas at lumabas ng silid ngunit hinabol ito ni Ramon. Sakto palang niyang naha hawakan ang Doorknob ng pinto ay nahawakan na agad ito sa braso. Nasasaktan si Natalie sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Ramon.
"Bitawan mo ako! Ayaw ko na sayo!" Ang sigaw ni Natalie.
"Manahimik ka! Akin ka Natalie akin ka! At magiging aking ka lamang!" Bulyaw ni Ramon.
Inakbayan niya ito ng mahigpit at tinakpan ang bibig, isinama niya ito sa labas papuntang garahe. Isinakay niya ito sa kaniyang Honda Civic at umalis ng bahay.
"Saan mo ako dadalhin Ramon?! Lasing ka na baka maaksidente pa tayo nito!" Nag mamaka awang sabi ni Natalie
"Sinabi ko ng manahimik ka! Leche ka pinahiya mo ako! Wala pang tumatanggi sa alok ko!" Muling bulyaw ni Ramon.
Napaka bilis na ng kanilang takbo, tila wala ng balak mabuhay pa si Ramon. Walang humpay na pag busina ang ginagawa nito para maunahan ang mga sasakyang nasa harap nito. Medyo mabigat na din ang trapik ngunit tumatakbo parin sila ng siento bente. Walang magawa ang dalaga kung hindi ang mag maka awa.
"Maawa ka Ramon, ihinto mo na ang sasakyan." Umiiyak na sabi nito.
Ngunit tila wala itong naririnig. Bumuhos na ang malakas na ulan, halos wala na siyang makita sa daan. Tanging ang mga ilaw nalang ng mga sasakyan ang kaniyang nagiging pala tandaan.
Hangang matanaw ni Natalie na papalapit na sila sa bangin, bangin na ano mang oras ay pwedeng kunin ang kanilang mga buhay.
"ILIKO MO RAMON! ILIKO MO!!" Ang sigaw ni Natalie.
Biglang iniliko ni Ramon ang sasakyan at sinalubong ang isang itim na Toyota Vios. Nagsalpukan ang dalawang sasakyan, dahilan para hindi mahulog sa bangin ang Honda Civic na sinasakyan nina Natalie.
At sa ospital na muling nagkamalay si Natalie, pagka gising ay inalam niya agad ang kalagayan ni Ramon sa nurse na umaasikaso sakaniya. Umiling ang nurse at ibinulong ang malungkot na balita. Namatay si Ramon sa salpukan ng dalawang sasakyan, at hindi na nito nakayanang umabot pa sa ospital.
Labis na lungkot ang kaniyang nadama sa nalaman, laking pasalamat na niya ay siya ay buhay pa. Ilang sandali pa ay muli siyang nag tanong, inalam niya ang kalagayan ng mga naka bungguan nila. Bago pa maka sagot ang nurse, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at dito niya nakita ang kaniyang ina.
Walang tigil sa kaiiyak ang matandang babae. May nais itong sabihin kay Natalie ngunit hindi niya ito magawa dahil sa kaniyang pag hagulgol. Hinimas ni Natalie ang likod ng matandang babae, at nang kumalma ito ay agad din niyang ibinulong ang isa pang nakapang lulumong balita.
"Patay na din sina Audrey at Bernadette iha, sila ang inyong mga nakabungguan. Tinangka ka nilang habulin at iligtas mula kay Ramon. Hindi sila nag dalawang isip na habulin ang inyong sinasakyan, kahit malakas ang ulan ay desidio parin silang mailigtas ka. Ayaw nilang mangyari na sa bandang huli ay pagsisihan mo na hindi mo sila pinakingan. Mahal na mahal ka nila anak, masaya sila kung makakayanan mong maging ligtas ang sabi ni Audrey." Huma-hagulgol na kwento ng kaniyang ina.
Sugal
Sugal
Tila isang malaking unos, ang dinaranas ngayon ng mag kapatid na sina Karen at Kristine. Ilang buwan ng nag durusa ang kanilang ina sa sakit na kanser. Matagal na siyang nasa ospital at hangang ngayon ay hindi parin nalu-lunasan ang kaniyang sakit.
Naibenta na ng magkapatid ang kanilang mga natitirang mamahaling kagamitan at mga alahas, para ipang tustos sa kanilang gastusin sa ospital. Ngunit hindi parin ito sapat, hangang sa isangla nila ang kanilang buong bahay sa bangko.
Ilang buwan pa ang lumipas at tuluyan na silang inulila ng kanilang ina. Hindi na nito natagalan ang hirap at siya ay namatay din. Labis ang pighati na kanilang nadama, hindi nila lubos maisip na tuluyan na silang naulila sa ina. Sino pa ang kanilang sasandalan sa mga problemang dinaranas nila, wala na silang mga magulang na gagabay sa kanila.
Pareho silang walang trabaho at hindi pa nakaka tapos ng pag-aaral. Kaya naisipan nilang makiusap sa kanilang tiyahin para makitira, hindi naman sila binigo nito at pumayag na din na sa bahay niya iburol ang mga labi ng kanilang ina. Walang humpay na pasa-salamat ang kanilang ibinigay sa matandang babae.
Sa burol habang umiiyak parin ang bunsong kapatid na si Kristine ay pilit itong pinapa-tahan ni Karen, pilit niyang pina-palakas ang loob ng kaniyang kapatid. At imbes na ubusin ang luha sa kaiiyak ay umisip nalang ng paraan para makayanan ang kanilang hinaharap.
Habang naka tayo si Karen malapit sa kabaong ng kaniyang ina, ay may natanaw siyang isang lalaki. Isang lalaking ngayon palang niya nakita sa buong buhay niya. Namangha ito ng lubusan, napaka disente ng dating nang lalaki. Maamo ang mukha, malinis ang buhok. Matipuno ang katawan. Hindi gaanong maputi, hindi din gaanong maitim. Singkit ang kaniyang mga mata, at higit sa lahat mukhang mayaman.
Siya ang lalaking aking pina-pangarap, siya ang matagal ko ng hini-hintay. Siya ang lalaking aking paka-kasalan, sakaniya ko ilalaan ang aking buong buhay. Taimtim na bulong ni Karen sa kaniyang sarili.
Sa hindi ina-asahang pagkaka-taon, natapos ang gabi at hindi man lang niya nakilala ang lalaki. Kahit pangalan lang nito ay hindi niya natanong.
Dumaan ang mga araw, payapang nailibing ang ina ng magkapatid. Unti-unti na nilang natangap ang katotohanan na tanging silang dalawa nalang ang magkasama at magka-kampi sa mundo.
Ngunit ang paniniwalang iyon ay sinira ng isang kagimbal-gimbal na kaganapan. Tatlong araw makalipas ang libing, alas onse ng gabi ay natagpuang patay ang bunsong kapatid ni Karen na si Kristine sa kanilang silid. Tatad ito ng sak-sak sa kaniyang buong katawan. Naliligo sa dugo ang kawawang dalaga na naka higa sa kanilang malambot na kama.
Hindi magkandarapa sa pag iimbestiga ang mga pulis sa naganap na krimen, ngunit hindi pa nila matukoy kung sino ang salarin sa nangyari. Isa isang inimbestiga ang mga tao sa bahay kung saan naganap ang krimen. Dito napag alaman na nawawala ang panganay na kapatid ng biktima.
Dito na naghinala ang mga pulis na ang kapatid ng biktima ang may gawa ng krimen. Nagsimula ng magsagawa ang mga pulis ng aksyon para mahanap ang babae. Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hindi parin siya lumilitaw.
Hangang sa isang gabi ng huling lamay sa mga labi ni Kristine, nagpakita si Karen sa kanilang tiyahin. Labis na pagka munghi ang nadama ng matandang babae sa kaniyang pamangkin. Bumuhos ang luha sa mga mata ng dalaga, habang yinakap nito ang matanda. Agad siyang umamin sa kaniyang nagawang kasalanan.
Hindi malaman ng matanda ang gagawin, gusto niya itong saktan dahil sa kaniyang nagawa. Gusto niya itong sigawan, pagsasampalin. At higit sa lahat nais niya itong patayin, ngunit imbes na gawin niya ito ay yinakap nalang din niya ang kaniyang pamangkin.
Mas lalong humigpit ang pagkaka-yakap ng dalaga, habang walang humpay ang pag buhos ng kaniyang luha. Inilayo ni Karen ang kaniyang sarili, ng tanungin siya ng matandang babae kung bakit niya nagawa iyon sa kaniyang kapatid.
Hindi nag dalawang isip na umamin ang dalaga.
Nagawa ko po iyon dahil sa isang lalake na una kong nakita sa lamay ng aking ina, una ko palang siyang nakita ay may naramdaman na akong kakaiba. Siya ang gusto kong makasama sa aking buhay, siya ang aking pinapangarap. Nais ko siyang makilala, ngunit natapos ang gabi at hindi ko man lang ito nakausap.
Kaya nag baka sakali ako na, baka muli ko siyang makita sa burol ng aking kapatid.
Sulyap
Sulyap
Hindi ko lubos maisip na ganito pala kasakit,
ang makitang sayo'y may ibang naka dikit.
Ganito din ba ang iyong naramdaman,
noong ako ang iyong nakitang may ibang kasama.
Hindi siguro, imposible, malabo.
Siguro ay wala lang sayo,
ngunit saakin nakapan lulumo.
Sobrang sakit ang masilayan ka na yakap-yakap niya,
at maalala ang mga araw na ako ang iyong kasama.
Ano pa nga ba ang aking magagawa,
wala akong karapatan pigilan ang iyong ligaya.
Nakaka lungkot lamang isipin,
na ako ay agad mong iniwan din.
Palaging na aalala tuwing akoy iyong tinatawag ng marahan,
sa iyong binigay na pangalan.
Kahit tunog pang babae ay hindi ako kumontra,
basta para sayo hangad ko ang iyong ligaya.
Siguro nga kaylangan na kitang kalimutan,
dahil alaala mo dulot ay kasakitan.
Kaligayaan mo ang tangi kong hangad,
panalangin ko sana ay matupad.
Sana itong huling sulyap dito na magwakas,
at hindi na muling magkita bukas.
Strawberry Float
"What kind of service is that?! Ito lang ba ang strawberry float ninyo dito?!" Galit na sabi ng isang babaeng customer habang itinuturo ang plastik na basong hawak niya.
"Im sorry madam, palitan ko nalang po." Paumanhin ng crew. Ngunit lalong nagalit ang babae.
"Hindi, tawagin mo ang manager ninyo." Mahina ngunit matigas na tono nito.
"Ano po ang problema madam, may maitu-tulong po ba ako?" Pasabat na tanong ng isang lalake galing sa likod ng counter.
Pormal at simple ang kaniyang suot. Puting polo, itim na jeans at rubber shoes. Hindi siya naka unipormeng manager kaya malabong siya ang gustong maka usap ng babae.
Natigilan ang babae nang tanungin siya ng lalake, nanatili siyang naka tingin sa lalake. Hindi parin siya nag-sasalita, ang babaeng kani-kanina lang nagwawala ay hindi makapag-salita ngayon. Ilang sandali pa ay nag buntong hininga ito bago mag salita.
"Are you the manager?" Mahinahon niyang tanong habang naka yuko at hindi makatingin sa lalaki.
"No I'm not. I am the owner." Nahihiyang sagot ng lalaki. "May problema po ba sa strawberry float ninyo?" Dugtong pa nito.
"Ha? A-ah, wala. Nevermind." Ang sabi ng babae habang igina-galaw ang kaniyang kamay.
"Hindi madam, wag po kayong mag alala papalitan ko nalang po ito." Naka ngiting sabi ng lalaki.
Bago pa maka sagot ang babae, ay hindi niya inaasahan na lumapit ang isang batang babae sa kaniyang tabi at sinabing.
"Mom, siya po ba si daddy?"
Agad tinakpan ng babae ang bibig ng kaniyang anak at ngumiti sa kaniya.
Bata palang ang kaniyang anak maganda na, mana sa kaniyang ina na kahit may anak na ay mukha parin siyang dalaga. Nasa lima hangang anim palang siguro ang kaniyang edad, pero mukha siyang matalino. Mahaba at straight ang kaniyang buhok, bibilugin ang kaniyang itim na mga mata. Matangos ngunit maliit ang kaniyang ilong, parehong pareho sila ng kaniyang ina. Mamula-mula din ang kaniyang bilog na mga pisngi. At ang kaniyang mga labi, parang mga pulang rosas.
"Pag pasensiyahan mo na ang anak ko, makulit lang talaga ito." Malumanay na sabi ng babae habang inaayos ang headband ng kaniyang anak.
"No, i'ts okay." Mabilis niyang sagot. At agad nitong ibinaling ang kaniyang tingin sa batang babae.
"Hi, anong pangalan mo?" Naka ngiting tanong niya sa bata.
"Nickaela po, how about you?" Tugon ng bata sa kaniyang maliit na boses.
Natigilan bigla ang lalake at naiwang naka bukas ang kaniyang bibig, na parang may iniisip.
"Ang ganda naman ng pangalan mo, anong problema sa strawberry float mo?" Paiwas niyang sagot sa tanong ng bata. Kasunod ng pagkuha niya sa plastik na baso na hawak-hawak ng bata. "Gusto mo dagdagan natin ng sundae?"
"Sure, salamat po." Tuwang-tuwang sagot ng bata.
Palibhasa paborito niya ang strawberry float ng McDonalds, kaya tuwang-tuwa ito pag may dagdag na sundae ang kaniyang inumin. Madalas dinadala ng kaniyang ina si Nickaela sa Mcdo, tuwing nakaka-kuha ito ng perfect score sa kaniyang mga quiz sa school. Tuwing natutulog ito sa hapon, at natutulog ng maaga tuwing gabi. Ang pag punta nila palagi sa mcdo ang premyong nakukuha niya galing sa kaniyang ina
"Hindi, wag sir. Salamat nalang, kaylangan na din naming umalis." Pag pigil ng babae.
"But mom?" Sabi ng bata. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na kalungkutan dahil sa pagkakataong ito hindi siya napagbigyan ng kaniyang ina.
"Iha, alas-nuebe na ng gabi. Malayo pa ang bahay natin dito." Paliwanag ng ina.
"But mom, kaya ko naman hong ubusin yun sa sasakyan bago pa tayo maka uwi." Naiiyak na sagot ng bata habang kaunting naka pasok ang kaniyang isang daliri sa kaniyang bibig.
Yumuko ang lalaki sa tabi ng bata at tinignan ito. Ngumiti ang lalaki, ngumiti din ang bata. Tumingin pataas ang lalaki at kinausap ang ina ng bata.
"Pag bigyan mo na siya madam, next time nalang kita singilin ng extra charge." Ang sabi nito sabay ngiti.
"Extra charge? E kalahati lang nga ang i-sinerb ninyo kanina tapos sisingilin mo pa ako ng extra charge?!" Naka simangot na sagot ng babae.
"Oh e kaya nga heto at papalitan ko na nga e." Naiinis na sabi ng lalaki.
"Kung maayos lang mag serve ang mga tao mo, ay hindi mangyayari ito." Pabewang na sagot ng babae.
"Mommy, nag aaway po ba kayo?" Sabat ng batang babae sa kaniyang maliit na boses.
Biglang natigilan ang dalawa na kanina lang ay parang aso't pusa na nag babangayan.
"Hindi iha." Paliwanag ng ina. Ngumiti ang bata at tumingin sa lalaki. Ngumiti lang ito at tumalikod para gawin ang strawberry float ng bata.
Ilang sandali lang ay natapos din ito. Punong-puno ng sundae ang inumin ng bata at halos matapon na ito sa dami. Dahan-dahang itong inabot ng lalaki at tuwang-tuwa namang tinangap ng bata.
"Salamat." Ang sabi ng ina ng bata at binigyan ng isang sulyap ang lalaki, agad din itong tumalikod at inalalayan ang kaniyang anak palabas.
Habang nag lalakad muling tumingin sa likod si Nickaela, ngumiti ulit ito at ikinaway ang kaniyang kanang kamay sa lalaki para mag pasalamat.
Sumabay sa pag lalakad ang lalaki.
"Hatid ko na kayo sa labas." Ang sabi niya.
Hindi kumibo ang babae at hinayaan nalang itong sumabay sa kanila, at ang batang babae naman ay abalang inuubos ang kaniyang inumin.
Ilang sandali pa ay dumating na sila sa parking lot. Kinuha ng babae ang susi ng kanilang kotse sa kaniyang bag. Itinutok ito sa isang kulay pink na Honda Jazz at may pinindot. Tumunog ito kasabay ng pag sindi ng mga ilaw sa harapan.
Tumingin muli ang babae sa lalaki at muling nag pasalamat.
"Salamat ulit. Pati na din sa paghatid." Mahinang sabi ng babae.
"Walang anuman." Naka ngiting sagot ng lalaki.
"Nickaela lets go." Ang sabi ng babae, nang ibaling nito ang tingin sa kaniyang anak. Naka ngiti lang ito sa kaniyang ina na parang may gustong sabihin.
"Baby, I said lets go?" Nawi-wirduhang sabi ng babae.
"M-mommy, pwede po ba natin siyang isama?" Mahinhin na sabi ng bata habang naka turo ang kaniyang daliri sa lalaki.
Nagulat ang lalaki sa kaniyang narinig. Pati ang babae ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang anak. Tumawa ng malakas ang bata nang makita niya ang ekpresyon sa mukha ng dalawa.
"Of course not iha!"
"But why mom? Wala naman po akong pasok sa school bukas e." Umiiyak na sagot ng bata.
"Next time nalang iha, ipapasyal kita sa Enchanted Kingdom." Ang sabi ng lalaki sa pag tangka niyang patahanin ang bata.
Umupo ang babae sa tabi ng kaniyang anak.
"Oo baby, next time nalang okay. Busy kasi siya ngayon kita mo naman ang daming tao hindi ba?" Paliwanag ng ina kasabay ng pag turo sa madaming tao.
"I don't want to go to Enchanted Kingdom!" Pasigaw at umiiyak na sabi ng bata. "I just want to play with him in our house!" Dugtong pa nito habang kinukusot ang kaniyang mga mata.
"Nickaela sumosobra kana ha!" Ang sabi ng kaniyang ina sa naiiritang boses. Lalo lamang lumakas ang pag iyak ng bata.
Umupo ang lalaki sa tabi ng bata at hinawakan ang kaniyang mga kamay na basa sa luha. Kinuha niya ang puting panyo na naka paloob sa bulsa ng kanyang puting polo, kasunod ng pagpunas ng mga bakas ng luha na naiwan sa mukha ng bata.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, yumakap ang batang babae sa lalaki ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa kaniyang nadama. May kakaiba siyang naramdaman sa yakap ng bata. Napakainit nito at ibang-iba sa yakap ng kaniyang mga pamangkin. Ang gaan ng kaniyang pakiramdam ng yakapin siya ng bata. Yakap na hindi niya maipaliwanag ang kakaibang ligaya.
Ibinaling ng lalaki ang kanyang tingin sa ina ng bata, at itinaas ng bahagya ang kaniyang mga kamay. Huminga ng malalim ang babae, nag buntong hininga at umiling. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak kaya hindi niya makayanan na hindi niya ito pag bigyan.
"Okay baby, panalo kana. Tanungin mo muna siya kung gusto niyang sumama." Malumanay na sabi ng ina ng bata.
Inilayo ng bata ang kaniyang sarili sa lalaki at ngumiti. Labis ang kaniyang kasiyahan ng pag bigyan siya ng kaniyang ina sa kaniyang gusto.
"You are going with us right? Tito...?" Naka kunot noong tanong ng bata habang ang isang daliri niya ay naka patong sa kaniyang labi.
"Tito Leo. And yes I'm going with you." Sagot ni Leo sabay ngiti.
Ilang sandali pa ay sumakay na silang lahat sa kotse. Sumakay sa harapan si Leo, sa tabi ni Danica ang ina ni Nickaela. Habang siya naman ay nasa likod, hindi pa sila masyadong nakakalayo ay napansin ni Leo na tulog na pala ang bata sa likuran nila. Naisipan ni Leo na bumaba na para hindi na siya maka abala pa, ngunit hindi ito pinayagan ni Danica.
"Ayaw kong magalit ulit sakin si Nickaela, ayaw kong maulit muli ang ginawa niyang pag sigaw sakin kanina." Mahinang sabi ni Danica. "Pag gumising yan at hindi ka niya nakita, sigurado akong aawayin ako niyan." Dugtong pa nito.
Nanatiling lamang tahimik si Leo. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa likod ng kaniyang upuan, habang minamasdan ang mga puno ng manga na kanilang dina-daanan sa gilid ng kalsada.
Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang sinasakyan nilang Honda Jazz sa tapat ng isang bahay. Hindi ito masyadong malaki, at hindi din naman maliit. Sobra na para sa dalawang taong nakatira dito, meron itong dalawang palapag. May garahe ito sa harapan na kasya ang dalawang kotse. At sa taas ay may isang terrace na puno ng mga bulaklak. Kung titignan mo itong mabuti ay mas maganda pa ito kesa sa kanilang garden.
Hangang ngayon ay tulog parin ang bata dahil narin siguro sa sobrang pagod, kaya binuhat nalang siya ni Leo papunta sa loob ng kanilang bahay.
"Tuloy ka." Ang sabi ni Danica kay Leo na karga-karga ang kaniyang anak. "Pag pasensyahan mo na ang aking bahay, medyo magulo at puro kalat.
"Okay lang, mukha nga siyang makulit at malikot." Ang sabi ni Leo. Ngumiti lang si Danica. Ngumiti din si Leo. "Saan ko siya ilalagay?" Nahihiyang tanong pa nito.
"Sa taas nalang, sa kwarto namin." Sagot ni Danica.
Bago pa makaakyat si Leo sa taas ay nagising ang bata. Nung una nagulat siya at nagtataka kung sino ang may buhat sakaniya, hindi din nag tagal ay naalala niya agad at nakilala si Leo.
Mabilis itong bumaba sa pagkaka-buhat, at hinila ang kamay ni Leo papanik sa taas sa kanilang kwarto. Dito tumambad kay Leo ang isang napaka gandang kwarto ng isang bata. Puno ng malalaking posters ng PowerPuffGirls ang mga pader. Makikita din sa kama ang mga unan at kumot na may drawings ng PowerPuffGirls, at ang mga nagkalat na stuff toys ng bata.
Walag oras na sinayang ang dalawa at naglaro sila ng naglaro. Takbuhan habulan sila sa loob ng kwarto na parang walang kapitbahay na natutulog. Ipinag-malaki ni Nickaela ang mga nag-lalakihang barbie dolls at mga stuff toys na binili ng kaniyang ina.
Ilang minuto pa matapos ang walang humpay nilang pag-lalaro, habang nag babasa si Leo ng fairytales para sa bata ay napansin niyang nakatulog na ito. Tinitigan niyang mabuti ang bata habang itoy natutulog, maganda parin siya kahit tulog. Kamukhang kamukha talaga niya ang kaniyang ina.
Maingat niyang ipinatong ang kulay pink na kumot na sa bata para hindi ito lamigin, inayos niya ang buhok na bahagyang naka takip sa mga mata ng bata. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa gilid ng kama.
Laking gulat niya ng may maramdaman siyang may tumatapik sa kaniyang balikat. Si Danica, at may dalang dalawang tasa ng kape. Dala na din siguro ng pagod sa buong araw at sa pakikipag laro kay Nickaela ay hindi namalayan ni Leo na naka tulog na pala siya sa tabi ng bata.
"Mag kape ka muna, pasensya kana kung sinira ko ang tulog mo." Mahinang sabi ni Danica. Kasunod ng pag abot ng isang tasa ng kape. Agad din itong tinanggap ni Leo at nagpasalamat.
Kahit napaka simple ng kaniyang suot ay tumitingkad parin ang kaniyang kagandahan. Ayos na ang puting spagettie blouse at maikling shorts para sumabog ang kaniyang ganda.
Bahagyang hinawi ni Danica ang kulay pink nilang kortina, sapat na para mabuksan niya ang sliding door at para maka punta sa kanilang terrace. Marahan siyang naglakad papunta sa terrace, habang hinahalo ang hawak niyang isang tasa ng kape.
Dahan-dahang sumunod si Leo kay Danica, mabagal at maingat ang kaniyang pag galaw upang hindi magising ang batang natutulog sa kaniyang tabi. Dito niya nakita si Danica na naka titig sa kawalan, mukhang malayo at malalim ang kaniyang iniisip.
May nais itanong si Leo kay Danica, ngunit natatakot ito na baka magalit at mali ang kaniyang iniisip. Kaya minabuti nalang niyang tikman ang kape na tinimpla ni Danica.
"Nakatulog kana ah, mukhang napagod ka sa pakikipag-laro sa anak mo no?" Naka ngiting tanong ni Danica.
Nabitawan ni Leo ang hawak niyang tasa at nabasag sa sahig, nagkalat ang mga bubog galing sa nabasag na tasa. Nagulat ito sa kaniyang narinig kaya ito napaso at hindi sinasadyang mabitawan ang tasa.
Napa tingin sakaniya si Danica, tulala parin si Leo. Ipinatong niya ang hawak niyang isang tasa ng kape sa lamesa malapit sakaniya, at balak na linisin ang mga bubog na nagkalat sa sahig ngunit pinigilan siya ni Leo.
Hinawakan niya ang kamay ni Danica, mabilis naman itong inalis ni Danica sa pagkaka-hawak. Pinagmasdan mabuti ni Leo si Danica, hindi naman maka tingin ng maayos si Danica at pilit ibinabaling ang kaniyang tingin sa kawalan.
"A-anak ko siya?" Malumanay na tanong ni Leo. Nanatiling tahimik si Danica at hindi sumagot. "P-pero, p-papano?" Pagpapa-tuloy pa nito.
"Oo, Oo Leo oo. Tama ang narinig mo, anak mo siya." Sagot ni Danica habang hindi naaalis ang kaniyang tingin sa mga kumikinang na bitwin. "Matapos ang isang buwan, mula noong pag hiwalayin tayo ng iyong mga magulang, may kakaiba akong naramdaman sa aking sarili." Pag papatuloy pa nito sa kaniyang umiiyak na boses.
Linapitan siya ni Leo at binalak na patahanin ngunit umiwas lang ito. Tumingin siya kay Leo, nakaka-takot ang kaniyang mga mata sa galit.
"Kumonsulta agad ako sa doctor, dito ko nalaman na buntis ako ng dalawang buwan!" Mas lalong lumakas ang kaniyang pag hikbi. "Nagbunga ang ating walang kwentang pag-mamahalan!" Mahina ngunit matigas na tono nito.
"Ngunit bakit hindi mo sinabi saakin?" Tanong ni Leo.
"Para saan pa? Para ipamukha ulit saakin ng iyong ina na pera lang ang habol ko sayo? Para sabihin niyang ginagamit kong kasangkapan ang bata para lang tangapin niya ako?!" Ang sabi ni danica habang nakatutok ang isa niyang daliri sa mukha ni Leo at umiiyak.
"Para gawin ang aking responsibilidad sakaniya."
"Responsibilidad?" Tanong ni Danica habang palakad-lakad sa harapan ni Leo. "Hindi namin kaylangan ang iyong responsibilidad."
"Pwes hayaan mo lang sana akong mapunan ang aking mga pagkukulang sakaniya." Nagmamaka-awang sabi ni Leo.
Muling tumingin sa Danica sa kawalan.
"Hindi Leo. Nagawa ko siyang palakihin magisa sa loob ng anim na taon, kaya alam kong kaya ko siyang buhayin magisa hangang sa paglaki niya." Mahinahon niyang sabi. "Hindi ko na isusumbat saiyo ang mga gabing hindi ako maka tulog sa kaiiyak, nang dahil nakikita kong umiiyak ang aking anak sa gutom. Sa bawat pag-sisinungaling ko sakaniya tuwing itinatanong ka niya. Sa bawat kaarawan niya na kaming dalawa lang ang magkasama."
Dahan-dahang lumapit si Leo, hinawakan ang balikat ni Danica. Humarap si Danica at tinitigan ito sa mata, tinignan din siya ni Leo sa mata.
"Patawarin mo ako Danica kung naging duwag ako sa mga panahon na pilit tayong pinag-hihiwalay ng aking ina. Ngayon may sarili na akong buhay, pagbigyan mo sana akong gampanan ang pagiging ama ko sa aking anak." Ang sabi ni leo habang hindi mapigilang mapaluha.
Kasunod ng sabay nilang pagbaling ng tingin sa pintuan na dahan-dahang bumukas. Laking gulat nilang pareho ng makita nila ang bata na naka tayo at mukhang inaantok pa, at kahit isang singkit mata niya lang ang bahagyang naka-mulat ay mukhang masaya parin ito sa narinig. Tumingin siya at ngumiti sakanilang dalawa at masayang sinabing.
"Daddy?"
Subscribe to:
Posts (Atom)