San Fernando Pampanga.
"Ang lungkot pala ng love story mo lo."
"Malungkot pero masaya apo."
"Pano mo naman nasabing masaya yun lo, eh iniwan ka na nga ng pinakamamahal mo?"
"Apo bata ka palang, siguro hindi mo pa naiintindihan ang lahat."
"Ipaliwanag mo kasi lo para maintindihan ko..."
"Sige, ganito yan apo. Hindi mo naman kailangan na kasama mo ang mahal mo para lang masabi mo na mahal mo siya. Kahit hindi na kayo magkasama at sabihin na nating may kasama na siyang iba, kung mahal mo talaga siya hindi ibig sabihin na mawawala na ang pagmamahal mo sakaniya.”
"Eh martir ata tawag dun lo e."
"Iba ang martir at ang tunay na pagibig apo."
"Sus lolo naman eh, pareho lang yun no. Ah basta ako wala muna akong panahon sa mga ganiyan, sakit lang ng ulo ang mga babaeng yan."
"Hahaha. Ganiyan din ang sinabi ko bago kami magkakilala ni Dennise apo."
"Ano bang nagustuhan mo dun lo? Maganda ba siya. Sinong maganda sakanilang dalawa ni lola?"
“Masasabi ko na si Dennise ay parang isang beauty queen, pero kahit hindi kasing ganda ni Dennise ang lola mo. Lagi naman niyang pinaparamdam na ako ang kaniyang hari sa kaniyang pag aalaga.
"Mahal mo pa ba siya lo?"
"Sino?"
"Yung si Dennise?"
"Hehehe. Apo, kahit kailan hindi siya nawala sa puso ko. Okay na ako sa ganito, ang malaman na hangang ngayon ay mahal ko parin siya. Masyado na akong matanda para umasa pa na magkabalikan kami. Kuntento na ako sa masayang buhay nating pamilya at may minamahal na Dennise."
"Lo, alam mo bang idol na idol kita gumamit ng Prof? Pero pag dating sa kwentong pag ibig ang korni mo pala no?"
"Hahaha. Basta masasabi ko lang saiyo apo wag mong pilitin ang ayaw. Baka kasi dumugo eh."
"Sus mga banat mo lo bulok na. Sige baka ma late pa ako sa laban alis na ako lo."
"Mag ingat ka apo. Sana makita mo na ang Dennise ng buhay mo."
Ang korni talaga ng lolo ko, minsan naiinis din ako tuwing naiisip ko na parang hindi niya kagustuhan na ipinanganak ng lola ko ang aking ama. Hindi ko alam sakaniya, magulo din kase e malabo pa. Hindi ko din naman siya masisi, hindi pa kasi ako napupunta sa sitwasyon niya. Ako kaya? Gagayahin ko din ba siya, o ipaglalaban ko ang kung anong alam kong tama at mali naman para sa ibang tao?
Kung ako siguro sakaniya itinakas ko na si Dennise, mukhang mahirap pero siguro kakayanin iyon kung kagustuhan din niya. Maraming nagsasabi na parang ako daw ang batang Leo Ogam, magkahawig? Hmm. Pwede na pero mas gwapo naman ako sakaniya. Sa lalim ng pag iisip? Ewan ko, hindi yata. Sa paniniwala sa pag ibig? Kayo nalang ang magsabi kung pareho kame o hindi.
Heto naman ang maikli kong istorya, istorya namin ng isang babae na may kaugnayan sa dalawang bida sa itaas. Tulad ng kung paano at saan unang nagkakilala sina lolo Leo at miss Dennise, heto sisimulan ko na.
RPC Regionals 2009 SM Pampanga.
"Ooops sorry miss." Ang sabi ko ng hindi sinasadyang mabanga ang isang babae.
"No its okay, kasalanan ko naman eh hindi ako tumitingin." Sagot niya habang pinupulot ang mga nahulog niyang gamit.
"A-aahh... Tulungan na kita miss, mukhang madami yan eh." Ang sabi ko.
Tumingala siya saakin, liniitan ng kaunti ang kaniyang mga mata at ngumiti.
"H-hindi na, kaya ko ng dalhin ito. Itatanong ko nalang kung saan ba dito gagawin ang RPC regionals?"
Biglang umaliwalas ang aking mukha, napaka gandang Ragnarok player naman niya kung tama nga ang iniisip ko. Kung sakaling makakalaban ko siya mamaya ay magpapatalo na agad ako.
“Hi?” Ang sabi niya habang marahan na tumatayo. “Okay ka lang?” Nagtataka niyang tanong.
Iniling ko ang aking ulo na parang ginigising ang aking sarili.
"Ah oo, eksakto doon din ang punta ko, kasali kasi ako sa mga lalaban.” Sagot ko sakniya.
Ngumiti siya saakin, bahagyang ipinikit ang maiitim niyang mga mata at agad din niyang minulat ang mga ito.
“Okay lang kung sasabay ako saiyo?” Tanong niya.
Itinaas ko ng bahagya ang aking magkabilang kamay at sinabing.
“S-sure... Pero dapat hayaan mo akong buhatin ang mga gamit mo.” Pabiro kong sabi.
Itinaas niya ng bahagya ang kaniyang kaliwang kilay.
“Grabe, kahit alin sa oo at hindi ang isagot ko parehong okay naman para saakin ito.” Ang sabi niya kasunod ng kaniyang pag ngiti.
Kinuha ko ang bitbit niyang isang bag at sabay kaming naglakad. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa venue kung saan napakaraming tao ng naka abang.
“Ito na ba?” Tanong niya. “Ang dami pala talagang tao ano?”
Tumingin ako sakaniya, abala siyang nagmamasid sa paligid. Napaka dami ng tao, grupo-grupo, ang iba sama-sama meron din mangilan ilan lang sa grupo. Halo halo na, sobrang lakas ng tunog ng mga speakers. Nakaka bingi para sa iba ngunit para saamin isang itong malumanay na musika.
“Oo, marami talagang sumasali dito. Teka nga pala, first time mo palang ba ang manood ng ganito?”
Mula sa kaniyang pagmamasid, agad niyang ibinaling ang kaniyang tingin saakin.
“Oo, hindi naman talaga ako naglalaro Ragnarok.” Ang sabi niya. “May mga barkada akong babae at mga lalake na naglalaro, nakikinig lang ako tuwing nagkkwentuhan sila tungkol sa Ragnarok.” Pag papatuloy pa niya kasunod ng muli niyang pagmamasid.
“Ah, maglalaro ba ang mga kabarkada mo ngayon?” Muli kong tanong.
Muli siyang tumingin saakin.
“Hindi, wala sila ngayon dito. Gusto ko lang ma experience ang ganito, sa totoo lang nabasa ko lang ito.” Sagot niya sabay ngiti.
Ang weird naman niya. Hangang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan niya. Hindi ako makasingit sakaniya, sobrang exciting kase ng usapan naming. Parang ang korni kung puputulin ko nalang ito ng basta.
“Nabasa? Saan naman?” Nawiwirdohan kong tanong.
Tumingin siya saaking mga mata, itinaas ng kaunti ang kaniyang tingin sa direksyon ng aking buhok pababa sa aking mga labi. Huminga siya ng malalim at nagbuntong hininga.
“Ilang taon kana? Hulaan ko. Bente, bente uno?” Patanong niyang sagot.
Anong koneksyon naman ng edad ko sa kung saan niya nabasa ang lugar na ito. Grabe ang wirdo na talaga niya.
“Hello?” Ang sabi niya habang winawagayway ang kaniyang palad sa harapan ng aking mukha.
Muli akong naibalik mula sa aking pagkawala sa realidad, pilit kong inaalala ang kaniyang huling tinanong.
“Bente dos na ako. Masyado namang bata kung bente lang.” Naka ngiti kong sabi.
Ngumisi siya ng kaunti at bahagyang ngumiti.
“Hindi kase ganoon katanda ang itsura mo.” Sagot niya.
Napayuko ako sa kaniyang sinabi, sana hindi niya napansin ang aking pamumula.
“So a-ano. Saan mo nga nabasa ang tungkol sa lugar na ito? Feeling ko wala naman gaanong espesyal dito.”
“Ngayon meron na.” Pabulong niyang sabi.
“Ha?” Mabilis kong tanong.
“Ang sabi ko, nabasa ko ito sa isang maliit na libro. Nakita ko ito sa lumang lalagyang ng mga gamit ng aking lola, masyado ng luma at madumi ang maliit na libro kaya mahirap ng intindihin ang mga nakasulat. Isang araw nakita ako ng aking lola na hawak ang libro, tinanong niya ako kung binasa ko ba ito “Oh iha, binasa mo ba yang hawak mong libro?” Tanong niya saakin.”
“Anong sinagot mo?” Patanong kong sagot.
“Hindi ako sumagot bagkus umiling lamang ako. Hindi ko kase masyadong maintindihan ang mga nakasulat. “Bawat detalye ng librong yan alam ko, bawat eksena bawat tagpo alam ko. Hindi ko malilimutan ang buong kwentong nakasulat sa librong yan.” Ang sabi niya. Namangha ako sa kaniyang mga sinabi. Kaya hindi ako nag dalawang isip nang alukin niya akong making habang ikinukwento niya saakin ang laman ng libro.
Pati ako namangha sa kawidohan niya at ng kaniyang lola. Bahagya akong napangiti ng malaman ko na hindi pala nagiisa ang lolo ko sa kakornihan. Meron pa palang tulad niya, ang babaeng ito at ang kaniyang lola.
Nakakatuwang isipin na kahit korni nga naman ang mga lumang kwentong pag ibig ay nagugustuhan pa nating basahin o panoorin ano? Tulad ng babaeng ito na halos pareho lang kaming kinuwentohan ng mga lolo at lola, kaya siguro magaan ang aking loob sakaniya. Lolo’s boy kase ako, siguro lola’s girl naman siya.
“Ang weird mo talaga miss.” Pabiro kong sabi sakaniya.
Bahagyang tumulis ang kaniyang nguso. Marahan na iginalaw ang kaniyang mga mata pakaliwa magkasalubong ang kilay at tinignan ako ng masama.
“Joke lang ha. A-ako nga pala si Ethan... Ethan Ogam." Ang sabi ko. Sabay abot sa aking kaliwang kamay.
Muli siyang ngumiti saakin, subalit mabilis din itong humulas.
"Ogam? Your surname sounds familiar, nakalimutan ko lang kung saan ko narinig...” Ang sabi niya. “I'm Eunice... Eunice Mallari." Pag papakilala niya.
"Eunice, Eunice Mallari...?” Pagklaro ko sa kaniyang sinabi. “Dennise, Dennise Mallari...?" Bulong ko pa sa aking sarili.
"Kilala mo ang lola ko?" Ang tanong niya ng marinig niya akong bumulong.
Laking gulat ko naman sa aking narinig.
"Lola? Lola mo si Dennise Mallari?" Patanong kong sagot sakaniya.
Umiling siya at ngumisi. Ilinagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bewang.
"Oo bakit?" Nagtataka niyang tanong saakin.
Hindi ako agad nakasagot, tinignan ko lamang siya ng mabuti. Tinitigan ang kaniyang mga mata, huminga ng malalim bago ako muling nagsalita.
"Apo ako ni Leo, Leo Ogam."
"What?!"
END
Monday, November 7, 2011
Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-dalawampu’t-isang kabanata "Sangang daan."
If you have raced with men on foot and they have worn you out. How can you compete with horses? If you stumble in safe country. How will you manage in the thickets by the Jordan?
Jeremiah 12:5
Iba na ako. Iba ka na. Limang taon kaming nagkalayo. Napakatagal ngunit napakabilis rin. Hindi ko na inda ang sakit ng pagkakalayo namin ngayong nandito na siya sa aking tabi. Walang kibo kaming naglakad papunta sa lugar na aming napag usapang muling babalikan. Tila pareho naming sinasariwa ang matamis na nakaraan.
Walang pinagbago ang lugar na ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Maliban nalang sa na abandonang bahay na dati nilang tirahan. Hindi tulad ng tao. Sandali pa lamang nalalayo ay parang hindi na kayo magkakilala. Ako kaya? Kinalimutan na kaya niya ako? Nilimot na kaya niya ang lahat ng masasayang ala ala namin?
Nang una niya akong nilisan, hindi maipaliwanag ang naramdaman ko. Napakaraming salitang hindi nabigkas habang magkasama kami. Napakaraming bagay ang hindi nagawa nang magkapilig kami. Ngayon, binigyan ulit ako ng tadhana upang isalba ang mga pagkakamali ko ng nakaraan. Magagawa ko pa ba?
Kaya ko pa ba? O...
Ako ba'y may nararamdaman pa sa kaniya?
Matahimik naming tinatahak ang landas patungo sa batis kung saan niya sinabing muli kaming magkikita. Hindi nagtagal ay binasag niya ang katahimikan.
"Sigurado ka bang tama tong dinadaanan natin?"
"Oo, magtiwala ka saakin, buong buhay ko hindi ako umalis dito sa lugar natin. Ikaw ang lumayo..."
"Hindi ko naman kagustuhan yun eh." Medyo tumaas ang kaniyang boses.
"Alam ko..." Sabay kaming huminto sa paglalakad.
"Galit ka?" Ang malumanay niyang tanong.
"Bakit naman ako magagalit? Na miss nga kita e. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito."
Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinawakan niya ang aking kamay at nagpatuloy kami sa marahan naming paglalakad. Nung una gusto ko itong bitiwan dahil sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong nagawa at hinayaan ko nalang ito, dahil na rin siguro sa sobra kong pananabik sakaniya.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa batis. Umupo kami sa tabi ng malaking puno ng manga. Tulad parin ng dati napaka laki at napaka lago ng mga dahon nito. Kaya nitong takpan ang mga lungkot na naramdaman ko limang taon na ang nakalipas.
Inilabas ko ang maliit na pala mula sa aking bag, naglakad ng kaunti at sinimulan ang paghuhukay.
Umupo siya sa tabi ko, bakas sa mukha niya ang kaba dahil sa ginagawa namin.
"Kailangan ba talaga nating gawin to?" Ang tanong niya saakin.
"Hindi ko alam saiyo, ikaw ang nag aya ulit saakin dito e."
"Ginawa ko lang iyon dahil yon ang usapan natin bago ako umalis..."
"Eh anu ba kasi itong pinapahukay mo saakin?" Naiinis kong tanong.
"Kung ayaw mong gawin, wag na nating ituloy. Limutin na natin ang nakaraan." Ang sinabi niya saakin.
Tumayo siya at nagsumilang maglakad papalayo.
Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Hindi ko na inintindi ang mga sinabi niya. Maya maya pa ay nakuha ko na ang kanina ko pang hinuhukay. Isang maliit na kodradong kahon na balot na balot ng electrical tape.
Tumayo ako, hinanap ko siya at sinabing...
"Nakita ko na..."
Marahan siyang lumingon saakin at nagsalita.
"Talaga?"
Hinugasan ko ang mala-tsokolateng putik na nakabalot sa kahon gamit ang tubig mula sa batis.
Dahan-dahan siyang lumapit saakin at tinignan ang kahon.
"Ito ba ang pinapahanap mo?" Tanong ko
"Oo yan na nga, buksan mo na..."
"Ano ba kasi ito?"
Dala ng pananabik, inilabas ko ang dala kong swiss knife at winasak ko ang maliit kahon. Laking gulat ko ng mahulog sa lupa ang dalawang maliliit na bilog. Nang tignan ko itong mabuti nakita kong ang dalawang nahulog sa lupa ay ang dalawang singsing na ibibigay ko dapat sakaniya limang taon na ang nakakaraan.
"Pano napunta saiyo ang mga ito" Tanong ko sa kaniya, habang pinupulot ang mga singsing.
Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa kawalan. Hindi ko na siya inintindi at nanatili nalang din akong tahimik, nag iisip kung pano nangyaring napunta sakaniya ang mga sing-sing
"Leo..." Ang sabi niya.
"Ano iyon Dennise?" Sagot ko habang hindi na aalis ang tingin sa mga singsing.
"Bakit hindi mo ako sinundan oh hinatid man lang sa araw ng aking pag alis?" Mahina niyang tanong.
"Sinadya kong hindi kita ihahatid dahil alam kong hindi ko makakayanan iyon Dennise. Pero nagkamali ako, dapat ay pinuntahan kita para pigilan ka. Oo nagawa kong makapunta sa airport subalit huli na ang lahat, tanging ang matandang babae nalang ang nakita ko."
“Nagkita kayo?” Gulat na tanong niya.
“Oo, ngunit bigla nalang siyang nawala.” Sagot ko sakaniya.
Ngumiti siya saakin at muling nagtanong.
"Dala mo ba yung sulat na ipinatago ko?"
"Oo nandito sa bulsa ko... Bakit?"
"Wala naman, limang taon na ang nakalipas pero talagang itinago mo pa yan ano?" Ang sabi niya habang hindi parin na aalis ang kaniyang pagkaka tingin sa kawalan.
"Syempre, yon ang sabi mo eh."
Marahan siyang tumingin saakin at itinanong.
"Leo, hinintay mo ba talaga ako?"
Tumingin ako sakaniya at sumagot.
"Tinatanong pa ba yan Dennise? Syempre naman. Tiniis ko ang dalawang taon na hindi kita kasama. Taon taon pumupunta ako sa lugar na ito dahil umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo." Ang sabi ko sakaniya. "Lumipas ang dalawa, tatlo at apat na taon pero walang Dennise na bumalik."
Mabagal na tumulo ang luha niya mula sa kaniyang mga mata papunta sa kaniyang pisngi. Pumatak ito sa batis at tuluyan nang inagos. Mula sa kaniyang kinauupuan dahan dahan akong lumapit.
Hindi ko na rin napigilang mapaluha.
"Okay lang yon Dennise. Atleast hindi ako sumuko sa pag hihintay saiyo hindi ba?" Ang sinabi ko habang kinukuskos ko pa ang aking mga mata.
Marahan niyang kinuha saakin ang hawak kong dalawang singsing at inilapit sa kaniyang mata na parang sinusuri.
"Napaka ganda ng mga ito ano? Sayang at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na isuot ang isa dito." Ang sabi niya.
Marahan kong kinuha ang singsing na hawak niya, umpo ako sa tabi niya at inabot ang kaniyang kaliwang kamay.
"Bakit Leo?" Tanong niya.
Tinignan ko lang siya sa mata at dahan dahang isinuot sakaniyang daliri ang singsing. Nalungkot ang aking mukha ng makita kong alisin niyang muli ang singsing, kasunod ng pag tangal din niya ng kaniyang kwintas. Tumingin siya saakin at bahagyang ngumiti, nanatili lamang akong nakatitig sa kaniyang napaka gandang mga mata.
Ipinaloob niya ang dulo ng kaniyang kwintas sa ibinigay kong singsing, at muli itong isinuot sa kaniyang leeg. Napaka gandang tignan ang singsing habang nasa tapat ito ng kaniyang dibdib.
“Dito dapat ito.” Ang sabi niya habang itinuturo ang kaniyang puso. Hindi ako naka sagot, lumapit ako sakaniya at yinakap siya ng mahigpit.
Mas lalong lumakas ang pagbuhos ng kaniyang luha kaya pinili nalang niyang pumikit.
Nanatili kami parehong tahimik hanggang napansin naming medyo palubog na ang araw.
"Balik na tayo, baka abutin pa tayo ng dilim dito." Ang aya ko sa kaniya.
Muli niya akong sinulyapan. Bakas sa kaniyang napakagandang mukha na ayaw niya pang umalis at napilitan nalang sumunod saakin.
Magkahawak ang aming kamay habang binabaybay namin ang daan na pinaggalingan namin kanina.
"Sayang ano?" Ang sabi niya.
"Ang alin?"
"Ngayon lang natin napatunayan sa ating mga sarili."
Isinabit niya ang buhok niya sa kaniyang tenga, humarap saakin at ngumiti.
"Oo nga eh... Kung kailan hindi na pwede."
Pareho kaming kinain ng katahimikan ngunit patuloy kaming naglalakad.
"Masaya ka naman sa kaniya?" Ang mahina kong tanong.
"Oo masaya naman kami." Ang tugon niya.
"Mabuti."
Dumating na kami sa sangang daan kung saan kailangan na naming mag hiwalay. Huminto kaming pareho, tila hinihintay na magsalita ang isa't isa.
"Dito na ako." Ang sabi ko.
"Nga pala..." Sabay binuksan niya ang kaniyang bag at may kinuha. "Biniyag ng panganay namin sa susunod na linggo, heto nga pala ang invitation card. Wag kang mawawala ha... Ninong ka."
Tinanggap ko ang sobre. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Sige..."
Hindi ako humarap sa kaniya. Pero sigurado ako na nakita niyang pumatak ang luha ko sa tuyo at mainit na sahig.
"Dito na ako ah." Ang sabi niya.
Hinihila niya ang kaniyang kamay papalayo. Lalo namang humigpit ang hawak ko.
Hindi nagtagal, binitiwan ko na rin. Nakayuko lang ako at nagsimula nang maglakad. Hindi na ulit akong lumingon sa direksyon niya.
Bago pa man din akong makalayo, simugaw siya saakin.
"Leo!"
Dahan dahan kong inikot ang ulo ko patungo sa direksyon niya. Nakita ko na humulas na ang maganda at mamahaling make-up na soot niya kanina dahil sa luha na kasalukuyang bumabalot sa buong mukha niya.
Inakap niya ako ng mahigpit at bumulong saakin.
"Mahal parin kita hanggang ngayon, kaso talagang hindi na pwede."
Dali-dali na rin siyang tumakbo patungo sa direksyon na dapat niyang puntahan.
Ako naman. Naiwan. Luhaan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Bakit kailangan mo pang bumalik dito?"
Tinahak ko ang landas patungo sa bahay ko at ipinagpatuloy ang mga natitirang taon ng buhay ko nang may dala-dalang sakit sa aaking damdamin.

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-dalawampung kabanata "Pangako"
"Manang si Dennise po?"
"Aru ser meka lako nala." Gulat na sagot ng katulong nila Dennise habang nagwawalis ng bakuran.
"Ha? Ano po yon manang?" Tanong ko sakaniya.
"Ay ang ibig ko pong sabihin naka alis na po sila sir." Sagot niya kasabay ng pagsandal niya ng kaniyang hawak na walis sa pintuan ng bahay.
"Saan po nagpunta?" Nagmamadali kong tanong.
"Sa airport po, ikaw po ba si sir Leo?" Tanong niya pagkatapos niya akong sagutin.
"Ako nga po bakit mo ako kilala manang?" Nagtataka kong tanong.
Airport? Shit hindi pwedeng mangyari ito. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag hinayaan kong lumayo ang aking pinaka mamahal.
"May iniwan po kasing sulat si mam Dennise para saiyo." Ang sabi ni manang sabay abot ng sobre na selyado ng scotch tape.
"Salamat manang." Sagot ko sabay bukas sa sobre. Dito tumambad saakin ang isang piraso ng puting papel. Kinakabahan man ako pero agad ko din itong binasa.
"Leo,
siguro habang binabasa mo ito, marahil ay nasa amerika na ako. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa aking mga nagawa saiyo, alam ko alam mo kung ano ang tunay na nararamdaman ko saiyo. Hindi ko alam pero siguro ay naguguluhan parin ako hangang ngayon, siguro ay hindi ko parin lubos maisip na pwedeng mangyari na mahalin mo ako ng ganon ka bilis. Sa totoo lang naging masaya ako sa maikling pag sasama natin. Hinabol kita noong gabing iniwan mo ako, ngunit hindi na kita nakita. Siguro balang araw muli tayong mag kikita, sana sa araw na yun ay maging maayos na ang lahat sa ating dalawa. Ingatan mo ang iyong sarili, kahit kailan ay hindi ka mawawala sa aking isipan. Lalo na sa aking puso.
Dennise"
Halos mapunit ang hawak kong papel sa sobrang higpit ng aking pagkaka hawak. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero wala ako sa tamang lugar. Siguro pag uwi ko sa bahay, sa aking kwarto doon ko nalang ilalabas ang lahat ng aking lungkot, galit at panghihinayang.
Masyadong naging mataas ang aking pride, kahit sinabihan ako ng masasakit at nakamamatay na salita ni Dennise ay hindi ko parin dapat siya iniwan, dahil alam kong galit siya sa mga oras na iyon at hindi niya intensyon na sabihin ang lahat ng kaniyang nasabi. Mahal ko siya kaya dapat inintindi ko siya. Bakit ngayon ko palang naisip ang lahat ng ito, bakit?! Kung kailan huli na ang lahat.
Huli na nga ba? Teka teka, pano kung wala pa siya sa amerika?
Muli kong tinignan si manang na abala parin sa pagwawalis at walang pakialam saakin kahit nag ddrama na ako.
"Manang anong oras po sila naka alis?" Tanong ko sakaniya.
Matagal bago siya sumagot, tila nag iisip.
“Mga trenta minuto palang po ang nakakaraan mula nung umalis sila." Sagot nito.
Hindi pa siguro huli ang lahat, kung mag ttaxi ako siguro ay ma aabutan ko pa sila. Grabe parang eksena sa isang pelikula ito, pero ngayon hindi ako ang manonood. Ako ang bida at mukhang magiging luhaang bida.
"Saang airport po sila nag punta manang?" Muli kong tanong sakaniya.
"Sa DMAI po sir" Sagot niya habang patuloy sa pag wawalis.
"Sa clark?"
"Opo sa clark po sir."
"Sino ang mga kasama ni Dennise dun." Dagdag ko pang tanong.
"Sila pong apat, mama, papa at ate niya po. Pupuntahan mo po ba siya?" Pamewang niyang tanong.
"Opo bakit?" Patanong kong sagot.
"Gusto mo sir ipahatid kita sa asawa ko, may tricycle kami." Ang sabi niya habang itinuturo ako gamit ang kaniyang hawak na walis.
"Salamat nalang po manang, bawal ang tricycle sa expressway. Kung dadaan naman ako ng Mc Arthur highway mas lalong matatagalan sa trafic. Mag tataxi nalang po ako manang." Ang sabi ko.
"Ah ganon po ba sir." Ang sabi nito habang parang may iniisip.
"Opo manang maraming salamat po, kailangan ko ng umalis baka pag sisihan ko pa kung hindi ko siya abutan doon."
Mabilis akong umalis matapos akong magpasalamat sa babaeng kasambahay nila Dennise. Wala akong sinayang na oras, nagmamadali akong naghanap ng taxi. Nang makakita ako agad ko itong sineniyasan na sasakay ako, kasabay ng mabilis na pag bukas ng pintuan nito at pag sakay sa likuran.
"Manong sa DMIA po, at kung pwede paki bilisan." Hinihingal kong sabi.
"Sige ser." Mabilis niyang sagot.
"Paandarin mo yung pinakamabilis na kaya mo manong ha, kailangan ko lang talagang maka punta agad doon."
"Pero sir delikado yun baka mabanga tayo." Tugon ng mamang drayber.
"Di bale ng mabanga, kesa hindi ko siya maabutan." Seryoso kong sagot.
Hindi nagdalawang isip si manong na sumunod, mabait siya kung tutuusin dahil hindi niya inintindi ang katumba ng aking sinabi, marahil siguro naranasan na niya ang ganito ka importanteng pagkakataon. Siguro, pero hindi ako sigurado.
"Sino ba ang hinahabol mo ser? Kasintahan mo?"
"Hindi manong, ang pinaka importanteng babae sa buhay ko ang hinahabol ko."
"Iba pa ba ang kasintahan mo sa pinaka mamahal mo ser?" Naka ngiti niyang tanong.
"Mahabang kwento manong, wag kang mag alala minsan papabasa ko saiyo ang fic ko. Basta bilisan mo lang at magingat ka sa pagmamaneho."
Siento quarenta na ang takbo ng taxi na sinasakyan ko, over speeding na kung tutuusin pero sige lang manong ang mas mahalaga maabutan ko si Dennise.
Matapos ang trenta singko minuto, nakarating na ako sa Diosdado Macapagal International Airport. Agad akong nagbayad kay manong at iniwan ang kaniyang taxi. Oily shet perstaym ko makapunta dito. Anong gagawin ko, pano ko hahanapin si Dennise dito? Napaka lawak ng lugar, naglalakihan ang mga gusali, ang daming tao, ang daming sasakyan, nasaan siya dito. Kailangan kong gumawa ng paraan, bahala na si batman.
Palakad lakad lang ako, nawawalan na ako ng pag asa na makita ko pa siya. Hindi ko na alam ang aking gagawin pero kailangan kong gumawa ng paraan.
Umaliwalas ang aking mukha ng makita ko ang isang malaking kodradong talaan ng mga oras at lugar ng byahe ng mga eroplano. Ito na nga siguro ang hinahanap ko, bente minuto nalang ang natitira at lilipad na ang eroplano nila Dennise papuntang california. Kailangan kong magtanong, oo tama mag tatanong ako. Sa information counter.
"Hi excuse me, saan po dito ang waiting are ng flight papuntang California?"
"Ah sir kumanan lang po kayo sa hallway na yun." Ang sabi ng lalaki habang tinuturo ang direksyon.
"Maraming salamat sir." pasasalamat ko sakaniya.
Naglakad ako ng mabilis, hindi. Tumakbo ako ng mabilis, pinakamabilis na pagtakbo na nagawa ko sa buong buhay ko. Halos lahat ng tao ay naka tingin na saakin, meron din akong nabubungo gawa ng pagmamadali ko. Wala akong pakialam sakanila isipin na nila ang gusto nilang isipin.
Pag dating ko sa lugar na sinasabi nung lalaking nakausap ko sa Information Counter ay tumambad saaking harapaan ang grupo ng maraming upuan. Napaka daming upuan ngunit walang naka upo sa mga ito, maliban lang sa isang matandang babae na kulot at puti ang buhok.
Napayuko nalang ako at ipinasok ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nag uunahan sa pila ng aking emosyon ang lungkot, galit, pagsisisi at panghihinayang.
Marahan akong naglakad papunta sa lugar kung nasaan ang matandang babae at umupo sa kaniyang tabi.
"Sayang ano?" Ang sabi ng matandang babae.
Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig at marahan kong iginalaw ang mga ito papunta sa kaniyang direksyon. Hindi ako nakagalaw sa aking narinig, tanging mga mata ko lang ang aking naigagalaw. Gulat na gulat ako nang bigla nalang niya akong kausapin.
"Magiging masaya sana siya kung naabutan mo siya." Dugtong pa ng matandang babae.
Mabilis kong hinarap ang misteryosang matandang babae sa aking katabi.
"Ha? A-ano po ang ibig niyong sabihin lola?" Nag tataka kong tanong.
Ngumiti lang siya at matagal bago siya sumagot.
"Iho, may isang magandang babae kanina diyan. Diyan mismo sa iyong inuupuan, lumuluha pa siya nung ako ay bigla nalang niyang kausapin." Sabi niya. "Noong una hindi ko siya masyadong pinapansin, pero bandang huli naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sa sandaling oras ng aming pag uusap ay nalaman ko ang buo niyong istorya. Istorya niyong dalawa."
Hindi naalis ang aking pagkaka titig sa sakaniya, mukhang seryoso siya sa kaniyang mga sinasabi. Sa kabila ng kaniyang mga ikinuwento ay nanatili lang akong tahimik at seryosong nakikinig.
"Mahal na mahal ka ng dalagang iyon, mas gusto niyang manatili sa piling mo at ituwid ang lahat ng nagawa niyang pagkakamali. Ang sabi pa niya alam niyang sa kabila ng lahat ay magiging masaya kayo kung magkasama kayong dalawa." Kwento pa ng matanda habang may kinakalkal sa kaniyang malaking bag. "Sinubukan niyang hintayin ka dito at nag babaka sakaling dumating ka bago pa umalis ang aming eroplano, pero hindi ka dumating."
Napaisip ako sa bandang huli ng kaniyang sinabi.
"Inyong eroplano? Ang ibig mo pong sabihin..."
"Oo iho, naiintindihan ko siya. Minsan na din nangyari saakin ang mga nangyayari sainyong dalawa kaya ayaw ko ng maulit pa ang nauna ng nangyari saakin."
"H-hindi ko po maintindihan lola."
"Ganiyang ganiyan din ang nangyari saamin ng lalaking aking minahal nung panahon ko pa, napilitan lang din akong pumunta sa ibang lugar dahil iyon ang gusto ng aking mga magulang. Wala akong nagawa sa mga panahong iyon kung hindi sundin ang gusto nila at iwan ang lahat ng nagpapasaya saakin."
"Ano po ang nangyari pagkatapos nun?"
Tumingin siya saakin at ngumiti.
"Tinatanong mo ba kung anong nangyari sa lalaking mahal ko?"
"O-opo."
"Hindi ko na siya muling nakita pa." Ang sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata, kasabay ng kaniyang pag ngiti.
Tinanong ko sa sarili ko kung tumitibok pa ba ang puso ko, hindi ko na kasi maramdaman ang pintig nito dahil sa aking mga narinig. Pano kung mangyari sa akin ang nangyari sakaniya, sakanila ng lalaking tinutukoy niya. Hindi ko siguro makakayanan iyon, mas gugustuhin ko na sigurong mamatay kesa mapunta ako sa ganung sitwasyon.
"Pero alam mo iho, hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na pag malayo na kayo sa isat-isa ay nawawala na din ang pagmamahalan. Dahil ako mismo mapapatunayan ko iyon, dalawampung taon ko na siyang hindi nakikita pero siya parin ang tinitibok ng puso ko."
Mula sa aking pagkakatitig sakaniya, dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at yumuko. Ayaw kong mahulog ang luha sa aking mga mata. nakaka pagod umiyak, pero mas magiging magaan ang loob ko kung ilalabas ko ito.
Muli akong tumingin sakaniya at nagtanong.
"Nasabi niyo po kanina na sinubukan niya akong hintayin bago pa umalis ang inyong eroplano, ang ibig niyo po bang sabihin ay dapat kasama ka sa eroplano nila?"
"Oo iho."
"Bakit po nandito kapa?"
"Nagpaiwan talaga ako, para sabihin saiyo ang lahat ng ito. Dahil hindi na magagawang sabihin pa saiyo ng dalaga gawa ng ayaw siyang payagan ng kaniyang mga magulang." Kwento pa niya. "Humahagulgol siya sa kaiiyak kanina habang nagmamakaawa siyang payagan na magpaiwan ngunit hindi siya pinayagan. Bago sila umalis ay may iniwan siya saakin, ibigay ko daw ito saiyo." Dugtong pa niya sabay abot ng isang pirasong papel na kanina pa niya kinakalkal sa kaniyang bag.
Agad ko itong kinuha at binasa.
"Leo,
Patawarin mo ako. Sinubukan kitang hintayin hangang sa makakaya ko at umaasang dadating ka, ngunit mukhang hindi kana makakadating pa sa oras. Ginusto kong maiwan dito dahil alam kong hindi ako magiging masaya sa aking pupuntahan at alam ko sa sarili ko na mas magiging masaya ako kung kasama kita subalit wala akong magawa, hawak ng mga magulang ko ang buhay ko ngayon. Pero babalik ako pagkatapos ng dalawang taon, konting tiis lang sandali lang ang dalawang taon at aayusin natin ang lahat sa atin. Hintayin mo ako sa batis sa likuran ng aming bahay, sa duyan sa tabi ng puno ng manga eksaktong dalawang taon mula ngayong araw na ito. Mahal na mahal kita Leo, ipinapangako ko babalikan kita.
Dennise."
Bumagsak ang buo kong katawan, napasandal ako sa aking kinauupuan at napa pikit. Pati ang aking utak halos hindi na umaandar ng maayos dahil sa aking mga nabasa. Alam ko pwedeng mangyari ang lahat ng ito pero hindi ko naisip na ganito pala kasakit ang malaman ang lahat pero wala man lang akong magawa kung hindi sundin nalang ang plano ng tadhana para sa akin, para sa amin.
Muli kong minulat ang aking mga mata para mag pasalamat sa lahat ng nagawa ni lola.
"Maraming sala-" Natigilan kong pagkasabi ng mapansin kong wala na pala ang matandang babae sa aking tabi. Muli akong nanghinayang dahil hindi ko man lang siya napasalamatan, siguro naiintidihan na niya iyon. Kung nasaan man siya, nagpapasalamat ako sakaniya.
“Dennise's Point of View”
"Dad let me stay."
"Hindi Dennise you can’t." Ang sabi ng daddy ko.
"Dad mas magiging masaya ako dito, nandito naman si lola para alagaan ako." Tugon ko sakaniya.
"No dear, hindi naman tama na ikaw lang ang kulang sa ating pamilya." Sabat ni mommy.
"Why dont you let her stay, I think she can stand on her own now." Tagtatangol ni ate Patricia.
"Oo nga naman dad, hindi ako hihingi ng kahit ano o magkano galing sainyo. Mag ttrabaho ako para may pang gastos ako dito, payagan niyo lang po ako..." Nag mamaka awa kong sabi. "Mom?"
"You don’t have to do those things Dennise, pwede ka namang mabuhay ng hindi muna nag ttrabaho. Hanggat kaya namin ay susustentuhan namin kayo ng daddy mo." Sagot ni mommy.
"Pero mom?" Padabog kong sabi.
"Come on let’s go." Aya ni daddy.
"You go on... I'll be fine, I'll try and get into the next plane." Sabi ko sa mga magulang ko.
Muling tumingin saakin ang ina ko.
"No. Not without you." Mabilis na sagot ni mommy.
"Listen mom, I'll be fine nothing bad will happen to me. I'm a big girl now."
"Hindi ka na naman nag iisip Dennise." Sumbat ng daddy ko.
"I know what i'm doing dad, I just can't turn away without knowing he will be alright."
"See? Hindi ka na nga nag iisip." Sagot niya habang umiiling. "Kausapin mo nga yang kapatid mo Patricia, baka maiwan pa tayo ng eroplano niyan e." Dugtong pa nito kasabay ng paglakad nila ng mommy ko.
"Dennise..." Ang sabi ni ate Patricia.
"Ate... Anong gagawin ko? Hindi ko makakayang iwanan nalang siya dito."
Dahan dahan siyang lumapit saakin at yinakap ako.
"Dennise makinig ka. Alam ko kung gaano mo siya kamahal, at alam kong ganon din nararamdaman niya para saiyo." Mahinhin na sabi ni ate Pat. "Sigurado ako na maiintidihan ni Leo ang iyong pag alis, magiwan ka ng sulat at ipaliwanag mo ang lahat ng nararamdaman at gusto mong sabihin sakaniya." Pagpapatuloy pa nito.
Hindi ko alam kung makikinig ako sakaniya o mas pipiliin kong sundin nalang ang alam kong tama. Hindi ko alam kung anong nagutos sa akin at bigla ko nalang kinuha ang aking black bolpen at scratch paper sa bag kasabay ng pag upo sa waiting area ng airport.
Matapos kong isulat ang lahat-lahat laking gulat ko nalang ng bigla akong kausapin ng isang matandang babae sa aking tabi.
"Akin na iha, ako nalang ang maghihintay sakaniya at mag aabot niyang sulat mo." Ang sabi niya.
"Ha? Ang alin po?" Sagot ko. Pati si ate Pat ay bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagka bigla.
"Yang sulat na ginawa mo para sakaniya." Nakangiting sabi ng matandang babae.
"Hindi po kita maintindihan lola." Sabi ko sakaniya.
Muli siyang ngumiti saakin.
"Siguro nga sa ngayon hindi mo pa naiintindihan, pero mag tiwala ka saakin iha... Makakarating yan sakaniya."
Nahihiwagaan ako sa matandang babaeng ito, siguro nga may mga bagay na hindi pa ako naiintindihan sa ngayon. Pero ewan ko parang wala naman siyang intensyon na lokohin ako, at nakaka pagtaka siya dahil ang layo namin sakaniya kanina. Imposibleng sa edad niyang ito ay narinig niya ang lahat ng pinag uusapan namin kanina sa ganung kalayong agwat.
Hindi ko parin talaga maintindihan pero wala din akong choice, kanino ko nga ba iiwan ang sulat na ito kung hindi sakaniya. Kahit naman iwan ko ito dito hindi naman ako nakakasigurado na mababasa ito ni Leo. Pero kung dito sa matanda ko ito iiwan may posibilidad na mababasa ito ni Leo dahil mahiwaga ang matandang ito at parang may kung anong ewan na nagsasabing maibibigay nga niya ito kay Leo.
Bahala na.
Muli ko siyang tinignan at tinitigan, habang dahan-dahan kong inaabot ang sulat. Nginitian niya ako at sinabing.
"Hha magtiwala ka lang saakin." Ang sabi niya.
"O-opo." Sagot ko at tuluyan ng ibinigay ang sulat.
Agad din akong tumayo at tinanaw ang buong paligid. Umaasang makita kong muli si Leo na tumatakbo papunta saakin.
Ngunit wala akong nakitang Leo.
Muli kong tinignan ang matanda para mag pasalamat, laking gulat ko nalang ng mapansin kong wala na ito sa kaniyang kinauupuan.
"A-ate, nasaan na yung matanda?"
Nagulat ang aking kapatid sa aking tanong.
"Aba ewan hindi ko siya napansin." Sagot ni ate. "Baka nag cr lang, ano okay kana?"
"Ewan ko pero siguro okay na ako." Sagot ko.
"Tara na ba?" Muling tanong ni ate.
Inikot ko muli ang aking ulo nagbabaka sakaling makikita ko pa si Leo. Tahimik na ang lugar na ito nagsi alisan na ang mga tao siguro nga ay hindi na niya ako pupuntahan. Paalam mahal ko.
"Tara ate."

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-siam na kabanata “Singsing”
Two bond rings can make two people become one.
Suot-suot ko ang jacket na iniwan ni Leo saakin habang nag bbyahe papuntang Diosdado Macapagal Airport. Malamig kasi ang aircon ng aming Ford expedition kaya ko suot ito. Iyon lang nga ba? Oo na aaminin ko na nga sainyo, kaya ko suot ito dahil pag suot ko ito pakiramdam ko yakap-yakap niya ako. Sino? Edi si Leo. Kahit alam kong hindi siya mawawala sa aking alala gusto ko parin na kahit isang bagay lang ay mayroon akong dala mula sakaniya. Siguro naguguluhan ka na saakin kung bakit papalit-palit ako ng mood. Kung alam mo lang isa yun sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob saakin ni Leo. Epektib kase eh hehe. Husshh. Wag kang maingay ha. Wag mong sabihin kay Leo na sinabi ko yun ha.
Tatlong araw na rin ang lumipas mula nang aminin ko sakaniya ang lahat-lahat. Hindi ko ginusto na masaktan ko siya. Sa gabing iyon ko naramdaman na mahal niya talaga ako at wala siyang intensyon na lokohin ako. Ewan ko ba, siguro wala talaga siyang intensyon na lokohin ako. Pero hindi ko parin maiwasan na mapa-isip na baka lokohin niya lang ako dahil napaka imposible na iwan niya ang isang babaeng minahal niya ng napakatagal para sa akin na halos kailan palang kami nagka kilala.
Noong mga oras na tumatakbo siya palayo saakin gusto ko siyang habulin at sabihin sakaniya kung gano ko siya kamahal, kaso naisip ko na matapos ko siyang saktan at sabihan ng masasakit na salita ay baka hindi na siya maniwala pa saakin.
Maliban nalang nang may nakapa ako sa bulsa ng kaniyang jacket. Noong una hindi ko alam kung ano ang maliit na kahon na nakapaloob sa bulsa ng kaniyang jacket. Kinuha ko ito at nakita, isang kodradong pulang kahon na may nakasulat na simpleng "Tutsi" sa taas nito.
Ayaw ko itong pakialaman dahil hindi naman saakin ito at baka pribadong bagay niya ito. ngunit ewan ko ba kung anong nagtulak saakin at binuksan ko ito ng basta-basta. Dito tumambad saakin ang isang pares ng singsing. Isang maliit at isang mas maliit. Napakasimple lang ng pagkaka gawa. Simpleng white gold na singsing, kung titignan mo ito masasabi mo na napaka simple lang. Pero kung titignan mo ito ng mabuti, at kung ikaw ang nasa katayuan ko hindi mo masasabing simple lang ito.
Sinuri ko ang dalawang singsing at dito ko nakita ang naka ukit na pangalan sa mga ito. "Dennise" sa maliit at "Leo" naman sa mas maliit. Hindi ko napigilang mapaluha ng makita ko ang mga ito. Marahil ay para nga saakin ang singsing na ito at balak niyang ibigay sa gabi ng aking kaarawan. Dito ko na naisip kung gano kasama ang mga ginawa ko kay Leo. Dito ko din napatunayan na buo ang loob niya para saakin.
Tinangka ko siyang habulin, subalit nang makarating ako sa pinto ng roof top, nakita ko si Leo at ang aking kapatid. Magkaharap at mukha na sorpresa sa kanilang pagkikita. Hindi ko alam ang aking gagawin, at muli na naman akong natakot sa posibilidad na baka magkagulo kami ng aking mahal na kapatid.
Nakita kong napatingin saakin si Leo, kasunod ng pagtingin saakin ni ate. Hindi nagatagal ay tuluyan ng tumakbo papalayo ang lalaking pareho naming mahal.
"Leo wait." Ang sabi ni ate. ngunit parang walang narinig si Leo na tuloy-tuloy na lumayo.
Muling tumingin saakin si ate at dahan-dahan na lumapit saakin at nagtanong. "W-what happened?"
"Wala po..." Ang sagot ko habang itinatago ang aking pag iyak.
"Do you know each other?" Nasa nagtatakang tono niyang tanong.
"Ate..."
"Sa tingin ko kailangan nating mag usap." Ang sabi nito. "Tara sa taas tayo, ikwento mo saakin ang lahat." Dugtong pa niya kasabay ng pag ngiti saakin.
Sabay kaming umakyat muli sa roof top at umupo sa mga bakal sa silya. Tahimik lang kaming pareho, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam ko alam ni ate na meron akong problema at hindi ko iyon maikakaila sakaniya. Sa lahat ng tao siya ang nakaka kilala saakin ng buo, mula pa pagkabata namin siya na ang naging sandalan ko sa saya at sa lungkot. Lalo na sa mga problema, kaya kabisado na niya ako. Hindi nagtagal ay nag salita na siya.
"Dennise what's the problem?" Tanong niya.
Tahimik lang ako, tila naguguluhan sa lahat ng nangyari at parang hindi ko alam kung pano ko uumpisahan.
"Dennise?" Muli niyang sabi.
"Ate, im sorry." Ang sabi ko.
Napakunot noo siya, marahil nagtataka siya kung bakit ako humihingi ng tawad.
"Sorry saan?" Muli niyang tanong.
"A-ate..."
"Ah... Sige, makikinig lang ako." Ang sabi nito habang umaarteng parang ziniziper ang kaniyang bibig.
Matagal bago ako muling nagsalita, hinayaan niya lang ako at matiyaga siyang naghintay saakin. Ilang saglit pa ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para magsalita.
"Oo ate magkakilala kami ni Leo, nagkakilala kami dahil saiyo." Ang sabi ko.
Kitang kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Tila nag tataka sa aking mga sinabi, sa kabila nito nanatili lang siyang tahimik.
"Hinanap ko siya, ginawa ko ang lahat para makita at makasama siya."
"B-but wait. Bakit, para saan?" Ang sabi niya habang kitang kita ang pagkalito sa kaniyang mukha. Magkasalubong na ang kaniyang kilay.
"Ate, hindi ko kaya ang nakikita kang malungkot at nasasaktan." Sagot ko. "Alam ko na siya ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay ng boyfriend mo, kaya gumawa ako ng paraan para maiganti ka."
"Pero Dennise, hindi tama ang ginawa mo." Ang sabi niya. "Anong ginawa mo sakaniya?" Pahabol niyang tanong.
"I know ate I know. Subalit hindi ko na inisip iyon kung tama man o mali. Sa sobrang galit ko, wala na akong ibang inisip kung hindi ang maiganti ka." Ang sagot ko. "Pinilit kong makuha ang loob niya, pinilit kong magustuhan niya ako. At papaniwalain na gusto ko din siya, pagkatapos sa bandang huli ay sasabihin ko na mali ang lahat ng iniisip niya."
Natulala siya sa sahig, wala siyang magawa kung hindi ang umiling.
"Napaka mali talaga ng ginawa mo, parang hindi ka nag iisip." Ang sabi niya kasabay ng kaniyang pagtayo na parang naiinis sa kaniyang mga nalaman. Tumingin siya sa madilim at malawak na kalangitan at sinabing. "Masaya ka naman ba sa nagawa mo?"
Yumuko lang ako at sumagot. "O-oo ate masayang masaya."
"Pero bakit ka umiiyak?" Mabilis niyang tanong.
Hindi ako naka sagot, nanatili lang akong tahimik. Matagal bago siya muling nagsalita.
"Nagtagumpay kaba sa ginawa mo?" Ang sabi niya habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa kawalan. "Oh baligtad ang nangyari at ikaw ang nahulog sakaniya?"
Napatingin ako sakaniya at nag umpisa ng umiyak.
“You don’t really know that guy too much, even me." Malumanay niyang sabi. "He has this ability to let girls fall in love with him without doing anything." Dugtong pa niya.
Napaisip ako sa sinabi niya, muli naman niyang ibinaling ang kaniyang tingin saakin. Matagal bago ako naka sagot, matagal din bago niya inalis ang pagkaka titig saakin.
"Nakuha kong isuko ang relasyong matagal ko ng iniingat ingatan dahil lang sakaniya. Hindi ko alam kung buong katangahan ang nagawa ko, pero kahit katangahan nga iyon ay hindi ako nag sisi. Dahil alam kong puso ko ang sinundan ko, nakakatawa man pakingan dahil dalawang beses palang kaming nagkita noon at nagawa ko nang kalimutan ang lahat samin ng boyfriend ko."
Nanatil lamang akong tahimik at pinipilit na intindihin ang kaniyang mga sinasabi. Naisip ko na ganun din ang ginawa ni Leo, iniwan din ni Leo ang relasyon na matagal niyang pinaghirapang maging matibay, iniwan niya ito para saakin.
Hinarap niya ako at tinitigan ang aking mga mata, kasunod ng pag bigay ng sa pinaka mahirap ng tanong.
"Mahal mo ba siya?"
Hindi ako agad nakasagot, nagpalipas ako ng ilang segundo bago muling nagsalita. Hinayaan niya lang ako.
"Mahal ko siya ate pero hindi ko ito masabi sakaniya dahil alam kong mahal mo rin siya. Natatakot ako na siya pa ang maging dahilan ng pagkasira ng ating samahan."
Umiling ito at nakita ko sa kaniyang mukha ang magkahalong pag ngiti at pagkadismaya. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng nakita ko.
"Mahal mo pa ba siya ate?" Pagbalik ko sakaniya ng kaniyang tanong.
"Kung sabihin kong oo?" Patanong na sagot niya.
Pumikit lang ako at huminga ng malalim, hindi ko naman alam ang aking isasagot. Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito, pilit kong tinatanong sa aking sarili bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo ang mahal ng kapatid ko pa ang minahal ko.
"Maswerte ka Dennise dahil ginawa niya saiyo ang gusto kong gawin niya dati para saakin." Malumanay niyang sabi, habang muli itong umupo sa aking tabi.
"Tulad ng ano?" Nagtataka kong tanong.
Nnilapit niya ang kaniyang kamay sa aking ulo, at isinabit ang aking buhok sa aking tenga.
"Dennise listen, sinabi ko sakaniya dati na iwan niya ang kaniyang nobya para saakin. ngunit hindi niya ito ginawa dahil mahal niya ito." Ang sabi niya kasabay ng pag ngiti. "Isang malaking katangahan nga naman kung gagawin niya iyon para sa isang babae na hindi pa niya lubos na nakikilala."
Hindi ako sumagot mas ginusto ko nalang makinig.
"Pero ginawa niya ito para saiyo, wag mong sayangin ang pagkakataon." Ang sabi niya habang dahan dahang hinila ang aking ulo at isinandal sa kaniyang balikat.
"He is one of a kind, hindi ko talaga alam kung anong meron sakaniya at bakit tayo nag kaka ganito." Pagpapatuloy pa nito. "Kung ako saiyo, tatakbo ako at hahabulin siya habang hindi pa huli ang lahat."
Dahan dahan kong inangat ang aking ulo habang pinupunasan ang basa sa aking buhok, basa galing sa luha ng aking kapatid.
"Are you sure ate?" Tanong ko.
"Go on. baka hindi mo na siya abutan."
Mas lalong tumulo ang aking luha, yinakap ko siya ng mahigpit at sinabing "Salamat, i love you ate."
"I love you too Dennise." Sagot niya sabay ngiti, kahit bakas ang mantsa ng luha sa kaniyang mukha.
Matapos sabihin ng aking kapatid ang lahat ng iyon ay hindi na ako nag dalawang isip pa na bumaba para hanapin ang aking pinaka mamahal. Ngunit sa kasamaang palad hindi ko na siya nakita, sinubukan ko siyang kontakin pero hindi ko siya ma kontak. Ilang araw ko ding ginawa iyon pero wala talaga. Hangang ngayong araw na ito, ang araw ng aking pag alis papuntang amerika ay hindi parin siya nag paparamdam.
Subalit hangat hindi pa ako nakaka tapak sa amerika ay nag babaka sakali parin ako na muli kaming magkita. Malay natin nandiyan lang siya sa tabi tabi at hinihintay ako hindi ba?

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-walong kabanata “Bitwin”
Stars are beautiful when they are far away from you, but they can burn you if you try to reach them.
June 10, 2008. Wednesday 9:00 PM.
"Ksssh. Kssssh." Kaluskos ng pentelpen na ginamit ko pang tatak ng ekis sa aking kalendaryo sa kwarto.
Ika sampu na ng hunyo, ngayong gabing ito na gaganapin ang kaarawan at despedida party ni Dennise. Hangang ngayon ay hindi ko parin na aabsorb ang gabing ito. Pilit kong iniisip na parang wala lang ito, na parang normal na gabi lang tulad ng mga gabing nagdaan nitong lingong ito.
Pero sa kabila nito ay kailangan kong tangapin na totoo ang lahat ng ito. Kung ikaw ang tatanungin ko, pupunta kaba? Naguguluhan kasi ako eh. Pwedeng magpatulong saiyo? Alam ko tapos na ang lahat sa amin ni Charlene pero gusto ko parin itong ayusin. Ngunit kalahati sa sarili ko ay ayaw na dahil alam ko muli ko lang siyang masasaktan pag naisip kong muli si Dennise.
Kailangan ko ng magisip ng maayos, alam ko mahal ako ni Charlene. Pero ako mahal ko pa ba siya? Siguro madali lang gawan ng paraan yun. Kung si Dennise naman alam ko mahal ko siya. Pero mahal niya ba talaga ako? Ang hirap ng pinasok kong ito, sino ba talaga dapat? Ang babaeng mahal ako pero hindi ako sigurado kung mahal ko parin siya o ang babaeng mahal ko pero hindi ako sigurado kung mahal niya rin ako?
Napaka importante ng gabing ito para saamin ni Dennise. Ngayon ko malalaman ang matagal na niyang gustong sabihin, ano kaya yun? Sasabihin din kaya niya na mahal niya ako? Hindi siguro, napaka assuming ko naman kung ganon. Wala na akong ibang maisip pa eh, kaya iyon na nga siguro. Kailangan kong puntahan ang isa sakanila at yun ay si.
Pagkalipas ng isang oras
"Mano po ma." Ang sabi ko sabay abot sa kaniyang kamay.
"Oh, Leo napasyal ka?" Tanong ng nanay ni Charlene.
Ha? Nanay ni Charlene? Bakit ako nandito? Teka teka anong nangyari bago ako napunta dito?
"Flash back"
Kailangan kong puntahan ang isa sakanila at yun ay si Charlene. Hindi makakaya ng aking konsensya ang mga nagawa kong pasakit sakaniya. Tuwing kasama ko si Charlene alam kong hindi ako magugutom, alam kong hindi ako masasaktan, alam kong hindi ako mahihirapan. Si Charlene ang tipo ng babaeng pupunasan ang likod mo pag basa ito, siya ang tipo ng babae na paghahanda ka ng pagkain, pag gising mo sa umaga ay may pagkain kana agad sa mesa, Siya din ang tipo ng babae na ipagmamalaki ka sa buong mundo na boyfriend ka niya. Ayaw kong masayang ang lahat ng nagawa niyang iyon saakin. Kung sa tingin ko ay hindi ko na siya mahal magagawan ko pa naman ng paraan iyon. Hindi ko naman naramdaman ang ganito dati. Maliban nalang nung dumating sa buhay ko si Dennise. Si Dennise na kayang gumawa ng isang bagay na pwedeng mahigitan ang lahat ng nagawa na ni Charlene. Pero kahit ganun pa man ay buo na ang desisyon ko. Kakalimutan ko nalang si Dennise at babalikan ko si Charlene.
"End of Flash back"
"Ah hehe may dinaanan lang po ako sa kabilang kanto ma." Sagot ko. "Si Charlene po?" Pahabol kong tanong.
"Ah may binili lang babalik na rin yun. Pasok ka muna" Ang sabi niya. habang naka pormang inaalalay ako papasok ng bahay. "Oh heto na pala siya."
Mabilis kong iniikot ang aking ulo patungo sa direksyon ng gate ng bahay nila Charlene. Doon ko siya nakita, parang may nag iba sakaniya. Parang pumayat siya, nakaipit ng pangit ang kaniyang buhok. Halatang hindi inayos.
"What are you doing here?" Tanong niya habang naglalakad papasok ng bahay at linampasan ako.
"Hon im here to-"
"Hon?" Pasabat niyang tanong. "Okay ka lang? Pinapatawa mo ba ako?" Naiirita niyang pagtapos.
"P-pero."
"Pero ano? Pagkatapos ng mga ginawa mo babalik kapa dito?" Magkahalong natatawa at nakasimangot na sabi nito.
"Let me explain." Mahinahon kong sabi.
"Shut up please. Ayaw ko ng marinig ang mga yan. And please wag ka na muna sanang pumunta dito." Mahinahon na sabi nito habang naka yuko. "As much as possible ayaw muna kitang makita. Sariwa pa kasi eh."
"Oh nag aaway nanaman ba kayo?" Pasabat na tanong ng nanay niya.
"Ma, please pumasok ka muna sa loob." Utos nito.
Hindi nagdalawang isip na pumasok ang nanay niya. Parang baligtad kung sino ang nanay siya ang sumusunod sa utos ng anak.
"Nandito ako para humingi ng tawad, at kung hindi pa huli ang lahat sana pagbigyan mo man lang ako na makabawi."
"Marami akong iniisip ngayon. Ang daming gumugulo sa utak ko, kaya kung pwede lang wag mo ng dagdagan pa." Pakiusap niya.
Nanatili lang akong tahimik at nakayuko, nakatingin lang sa sahig.
"Ang daming opportunities, ang daming manliligaw. Hindi hamak na mas lamang sila saiyo pero hindi ko sila pinansin. Dahil umaasa ako na babalikan mo ako."
"Kaya nga nandito ako ngayon..."
"I know you know that I still love you Leo, pero masyado mo akong pinaghintay ng matagal." Ang sabi niya. "Parang feeling mo ikaw ang babae at ako ang lalake. Leo hindi porke alam mong mahal kita hindi ka na gagawa ng paraan." Dugtong pa nito.
Matapos kong marinig ang mga sinabi niya ay dahan-dahan ng namuo ang likido sa aking mga mata. Pero sa kabila nito ay nanatili lamang akong tahimik.
"Let me tell you a story Leo, I dont know if you already know this." Malumanay niyang pagka sabi.
"Sige..." Sagot ko.
"Once there was baby bird, a healthy baby bird. Her mommy told her baby bird to wait for her. Then the baby bird asked why? Her mommy said that she have to look for some foods so that her baby bird wont be hungry. The baby bird agreed. Hours passed, days, weeks, but no mommy bird came back. Until the baby bird learned how fly out from her nest. And she found the chickens. She had been with them, and she learned how to act like a chicken, eat like a chicken, and sleep like a chicken. She lived like she's one of them. Until one day the mommy bird came back and looking for her baby bird. When she saw her baby bird she asked her why she is with the chickens. But unfortunately the baby bird didn’t notice her. She doesn’t even know that she was her mom."
"What do you think the baby bird should do Leo? It is now your turn to finish the story."
Hindi ko alam ang aking isasagot. Ayaw ko siyang lokohin. Ayaw kong magbitiw ng matatamis na salita para lang mahulog muli ang loob niya saakin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganon. Pero kaya ako nandito ay para magkabalikan kami. Kailangan kong sumagot. Kailangan.
"If I were the baby bird, I will give my mommy bird a second chance to fill the emptiness she made. And try to work things out." Sagot ko.
Nanatili lang siyang tahimik. Nagpalipas ng ilang segundo bago muling magsalita. Hindi nagtagal ay binasag na niya ang katahimikan.
"It’s not that easy Leo. The baby bird is not a baby bird anymore. She already know how to fly by herself. Even without her mom." Marahan niyang pagkasabi. Habang unti unti nanamang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman. Dahan dahang umakyat ang dugo na dumadaloy sa aking katawan papunta sa aking ulo. Namumutla at nanlalambot. I feel so rejected.
Dahan dahan siyang lumapit saakin at nag salita.
"You know that I love you so much Leo. But it will be unfair for me kung ako lang ang nagmamahal." Ang sabi niya.
"Pero mah-"
"Shhh." ang sabi niya kasabay ng paglapat ng kaniyang daliri sa aking labi. Dahilan para hindi ko maituloy ang aking nais sabihin.
Tinitigan ko lang siya sa mata bakas sa kaniyang mga mata ang labis na kalungkutan. Ilang saglit pa at muli na siyang nagsalita.
"Enough Leo. Hindi ko na makakayanang tanggapin na kasama nga kita dito sa aking tabi, pero ang puso mo ay pag aari ng iba." Dugtong pa niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unti na ring tumulo ang luha na kanina pa gustong mahulog mula sa aking mga mata.
"Puntahan mo na siya. Hinihintay kana niya. Kung ano man ang mangyayari sainyo ngayong gabi siguraduhin mo na magiging okay ang lahat." Ang sabi niya na naka ngiti saakin. Kahit bakas ang mantsa ng luha sa kaniyang mukha.
Lalong lumakas ang pag buhos ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan. Sobrang bait niya saakin, kaya niyang gawin ang lahat ng ito para ipadama na mahal niya talaga ako.
"Thank you..." Ang sabi ko.
Tinitigan niya ako sa mata at ngumiti.
Hindi na ako nagsalita pa at tinangka ko ng umalis agad. Pero bago pa ako maka talikod sakaniya ay hinila niya ang aking kamay. Napaharap akong muli sakaniya.
"Goodluck." Ang sabi niya, kasabay ng paghalik saakin sa pisngi.
"Thank you. Kailangan ko ng umalis." Ang sabi ko. Hindi ko na siya muling tinignan pa dahil alam kong hindi makakatulong para saakin at para sakaniya ang muli pang lumingon.
Habang tumatakbo ako papalayo sa lugar niya ay paulit-ulit kong binubulong sa aking sarili na. "Thank you so much and im sorry."
Marahil tapos na nga ang lahat saamin ni Charlene ngayon. Ang dapat ko nalang ayusin ngayon ay ang saamin ni Dennise. Sana maging maayos ang lahat.
Tinignan ko ang oras gamit ang telepono ko galing sa bulsa 10:30 PM na. Sana umabot ako, sana hindi pa huli ang lahat. Muli kong kinapa ang isa kong bulsa para masigurado na dala ko ang regalo ko para sakaniya. Dalawang singsing na hindi magkapareho ang sukat.
Isang maliit at isang mas maliit. Sigurado ako na kasiya saamin ang mga ito dahil payat lang ang mga daliri namin. Ang maliit na singsing ay may nakaukit na "Dennise" ito ang para saakin. At ang mas maliit naman ay "Leo" ang nakaukit, ito ang ibibigay ko sakaniya. Muli ko na itong ibinalik sa bulsa ng aking jacket.
Sana tangapin niya.
11:50PM
Ang daming ibat-ibang magagarang sasakyan ang nakaparada sa harapan mismo ng venue ng birthday party ni Dennise. Hindi ko inakala na ganito pala kataas ang lebel ng estado nila. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko paba ang pinunta ko dito. Bahala na si bro.
Ang iingay ng mga busina ng mga kotse, nag aagawan pa sa parking at nakukuha pang mag away. Minsan may advantage din pala ang walang sariling sasakyan. Wala ka ng dapat ipark, wala ka ng iniintindi pa. Pero wala muna akong pakialam sa mga ganiyang bagay ngayon. Ang tanging iniisip ko ngayon ay si Dennise at kung anong suma ng gabing ito.
Ang dami yata niyang bisita, nakakahiya ng pumasok. Ang layo ng suot ko sa suot nila. Naka pang pormal longsleeves polo ang mga lalaki. Ang mga babae naman halos magkadapa-dapa na sa haba ng mga gowns nila. Ano bang klaseng birthday party ito, parang mga karakter sa fairy tales ang tema ng mga gowns nila. Hindi man ako Masyadong pamiliar sa mga prinsesa sa mga sikat na fairy tales na pang babae pero kilala ko naman ang iba. Yung isa kamukha ni snow white, yung isa naman kamukha ni sleeping beauty. Ang dami-dami halo-halo iba-iba.
Tama ba na tumuloy pa ako? Kapaag pumasok ako dito siguradong pagtitinginan ako ng lahat ng tao dahil sa suot ko. Brown na jacket, pang loob na stripes na polo shirt at faded na jeans lang. Dag-dag mo na rin ang rubber shoes, ang layo kumpara sa suot nilang mamahaling polo at gowns. Amp bahala na talaga tutal hindi naman ang mga taong ito ang pinunta ko dito. Iisa lang ipinunta ko dito, ang makita ang prinsesa ng aking sariling fairytale.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, halos sumabog ito sa lakas ng kabog. Kinakabahan akong naglakad papunta sa may entrance, dito ko nakita si manong guard. Ang sungit ng dating, parang hindi marunong tumawa. Nginitian ko lang ito, laking gulat ko ng harangin niya ako.
"Saan ka pupunta sir?" Buong boses na tanong niya.
"Ha? Ah, eh. Sa loob chief." Naka ngiti kong sagot.
"Bawal pumasuk ang hindi naka kustyum sir pasinsiya kana." Nakasimangot niyang pagkasabi.
Costume? Tama nga ang hinala ko. Dapat siguro naka costume ako ng pang fairy tale para makapasok dito. Pero teka pano ako papasok kung hindi ako naka suot ng ganon? Eh saan naman ako kukuha? Wala ng oras malapit ng matapos ang gabing ito. Kailangan kong gumawa ng paraan.
"Ah chief. Kaibigan ako ng may kaarawan ngayon." Malumanay kong sabi habang bahagyang kinakamot ang aking ulo.
"Ah ganun ba sir? Patingin ng inbitisyun litir nyu sir."
Patay. Wala ako non. Bakit ba parang ang hirap pumasok dito. Nakakainis ang dami pang arte.
"Eh wala ako nun chief hindi kasi niya ako nabigyan. Wala naman akong gagawin masama sa loob eh. Heto nalang ID ko para kung sakaling nangulo ako sa loob hulihin mo ako." Ang sabi ko kasabay ng pagkuha ko ng aking ID sa aking wallet at ibinigay sakaniya.
"Ah ikaw pala si sir lio ugam." Nakatawang sabi nito. "Pasinsiya kana sir. Di mu kasi agad sinabi na ikaw yan sir. Sigi sir pasuk kana. pasinsiya nalang ulit sir." Dugtong pa nito.
Ganon lang pala pinahirapan pa akong magisip ng paraan para makapasok. Pero teka, anong ibig sabihin non. Ang ibang bisita dapat nakasuot ng costume pero ako ID lang? Parang may kakaiba dun ah.
"Ha? A-ahh. Sige chief salamat pasok na ako." Nagmamadali kong sabi kay manong.
Wow. Ang daming ilaw, ang daming tao puro mukhang prinsesa at prinsipe, ibang klase ang pagkaka gawa ng venue na ito, ang ganda. Saludo ako sa nakaisip nito ang daming pekeng puno pero parang totoo sila. At may puno pa ng manga at batis sa tabi nito.
"Teka... Puno ng manga at batis? Parang pamiliar saakin ang dalawang yun ah." Hindi ko na maalala kung saan ko nakita ang mga yun pero alam ko espesyal saakin ang puno ng manga at batis. Kung ano man yun hindi ko na masyadong initindi.
May live band pa. Eksakto ang kinakanta sa tema ng lugar na ito.
Romeo take me somewhere we can be alone,
I'll be waiting all is left to do is run.
Youll be the prince and I'll be the princess
Its a LOVE STORY baby just say yes.
Naguumpisa na akong mapansin ng mga tao. Halos nakatingin na silang lahat saakin, dito na ako kinabahan. Inikot ikot ko ang aking tingin, buti nalang nakita ko ang isang lalaking pamiliar ang mukha saakin. Daddy ito ni Dennise kung hindi ako nagkakamali, at may kasama siyang babae. Mukhang napaka saya nila, sabay silang nagtatawanan, magkahawak ang kanilang mga kamay habang nakikipag kwentuhan sa ibang mga bisita. Napakaganda ng babaeng kasama niya, kamukha siya ni Dennise. Siya na marahil ang mommy niya, parang kambal lang sila. Ang kaniyang mga mata, ang tabas ng kaniyang mukha, ang pagdadala ng kaniyang buhok, at ang kaniyang mga labi. Parehong pareho sila ni Dennise. Ang ilong naman ni Dennise ay parang sa daddy niya namana.
Dahan-dahan akong lumapit sa dalawa.
"Leo?" Tanong ng daddy ni Dennise.
"Opo. mano po." Ang sagot ko. Habang inabot ang kaniyang kamay at nagmano. Pati na rin sa babaeng kasama niya. "Mano po."
"Sino siya?” Tanong ng babae.
"Si Leo, kaibigan ng anak mo." Sagot ng daddy ni Dennise.
Tama nga ako siya na nga ang mommy ni Dennise.
"Kaibigan ni Pat?"
Panandalian akong natigilan at kinabahan parang may masama akong naramdaman. Buti nalang ay agad na sumagot ang daddy ni Dennise.
"Hinde. Paano magiging kaibigan ni Pat yan eh hindi naman sila magkakilala. Si Dennise ang kaibigan niya."
"A-ahh. Siya ba yung..." Nagtataka niyang tanong.
"Oo, siya nga." Sabat na sagot ng daddy ni Dennise.
"Maraming salamat ha iho." Ang sabi ng mommy ni Dennise.
"Salamat po saan?"
"doon sa nagawa mo sa anak namin" Sabat ng daddy ni Dennise.
"Ha? Ah, eh. Wala po yun. Kahit kanino naman po pwede kong gawin yun kung kinakailangan." Nahihiya kong sagot. Sana hindi nila napansin ang aking pamumula.
Ngumiti ang babae, tumawa naman ng malakas ang ama ni Dennise.
"Kumuha kana ng pagkain mo iho. Halika sasamahan kita." Ang sabi ng mommy ni Dennise.
"Ha? Ah, eh. Wag na po, ako nalang po. S-salamat." Nauutal kong sabi. "Sige po punta muna ako doon banda." Pahabol ko pa.
Hindi naman ako gutom, wala akong ganang kumain. Hindi ko kailangan ang pagkain, si Dennise ang kailangan kong makita. Bago pa ako tuluyang makalayo eksaktong pag talikod ko ay muli akong tinawag ng kaniyang ama.
"Iho." Muli kong ibinaling ang aking tingin sakanila. Dito ko nakita ang ama niya na sumeseniyas saakin na parang gusto niya akong lumapit sakaniya. "Halika muna dito may ibubulong ako."
Agad din naman akong lumapit dito. At itinutok ang aking tenga sakaniya.
"Kanina kapa hinihintay ni Dennise sa rooftop. Akala ko nga hindi kana dadating." Pabulong na sabi nito. "Puntahan mo na siya bago pa maging huli ang lahat. Nandoon ang daan." Dugtong pa nito kasabay ng pagturo sa may gawing kanan.
Dahan-dahan kong inayos ang aking pagkakatayo. Napapaisip sa mga sinabi ng ama ni Dennise. "Sige po sir. Maraming salamat po." Ang sagot ko, kasabay ng paglakad ng mabilis patungo sa direksyon na itinuro niya.
Mabilis kong pinag lalagpasan ang bawat baytang ng hagdanan. 2nd floor, 3rd floor, 4th floor, last na siguro ito. Hindi nagtagal ay nakadating na ako sa pintuan bago ang roof top. Ang lakas ng ihip ng hangin. ang sarap, ang lamig. Pero mukhang uulan na naman. Madilim ang kalangitan, wala akong nakikitang mga bitwin. Maliban nalang sa isa, isang bitwin na bumaba mula sa langit at kasalukuyang nandito sa lugar kung nasaan ako ngayon at nakatitig lang siya sa kalawakan.
Ang bitwin na pinilit kong inakyat mula sa langit, iniwan ko ang lupa na buong buhay kong kinamulatan kahit hindi ko alam ang posibilidad na baka mapaso lang ako sa kinang ng bitwin na ito. Mapaso man ako o tuluyan siyang maging akin, kahit alin pa sa dalawa hindi ako magsi-sisi sa magiging suma ng lahat dahil alam kong hindi ako nagkulangan ng lakas ng loob para magawa ang lahat ng ito.
Dahan dahan kong linakad ang kaniyang direksyon sa kabila ng lamig ng hangin na sumasampal sa buo kong katawan.
"What took you so long?" Ang sabi niya ng makalapit ako sakaniya, habang nakatingin parin siya sa malayo. Marahil alam niya na ako itong tagalupa na lumapit sakaniya.
"Ha... Ah... Eh... S-sorry kung naghintay ka ng matagal. Happy birthday nga pala." Nauutal kong sagot. Agad ko namang inalis ang suot kong jacket at isinuot ito sakaniya. "Malamig dito sa taas, suotin mo yan."
Mabagal niya akong hinarap, naka ngiti siya ngunit may luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. Naisip ko napaka drama naman ng gabing ito pang tele serye ng totoong buhay.
"It’s okay... Salamat, kumain kana ba?" Ang tanong niya saakin.
"H-hindi pa. I-i mean O-oo kumain na." Sagot ko habang kinakamot ang aking ulo.
"Masarap ang pagkain hindi ba? Mommy ko ang nag luto non." Tuwang tuwa niyang sabi.
Napatingin ako sa sahig.
"Ha? Ah, eh. O-oo naman lalo na yung kare-kare." Ang sabi ko sabay ngiti.
Mula sa kaniyang pag ngiti ay biglang nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay ng marinig ang aking sinabi.
"Huh?! Kare-kare?! Eh wala namang kare-kare sa baba ah!" Naiinis niyang sagot habang naka simangot at nakanguso pa. "Sinungaling ka talaga! Hindi ka siguro kumain no?" Dugtong pa niya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
"Pasensiya na Dennise, ayaw lang kitang ma disappoint. O-oo hindi pa nga, pero kakain ako mamaya." Palusot ko kasunod ng pag ngiti sakaniya.
"Okay lang yan. Dyan sa mga ganiyan mo nakukuha ang loob ko eh." Sabi niya sabay ngiti.
Napa simangot ako bigla.
"Sa alin?"
Muli siyang tumingin sa madilim na kalangitan "Ewan ko ba, pag kasama kita feeling ko napaka espesiyal ko. Feeling ko ang taas ng tingin ko sa sarili ko. Feeling ko ako na ang pinaka magandang babae sa mundo. Feeling ko isa akong prinsesa sa isang kastilyo. Feeling ko isa akong bitwin sa langit. Feeling ko wala akong nagagawang mali. Feeling ko napaka perpekto ko." Ang sabi niya.
Nanatili lamang akong tahimik. Gusto kong sabihin sakaniya na totoo ang lahat ng sinabi niya at hindi lang niya yun basta nararamdaman lang.
"Iyon ang dahilan kung bakit ko gustong manatili dito sa pinas, kaso okay na ang lahat, pag alis ko nalang ang kulang."
"Babalik ka pa ba?" Tanong ko sakaniya.
Mula sa pagkaka titig sa langit ay muli niyang ibinaling ang kaniyang tingin saakin. Tumingin din ako sakaniya at ngumiti. Ipinikit niya ang kaniyan mga mata at agad din minulat, kasunod ng kaniyang pag sagot sa aking ngiti.
"Walang nakaka alam, kahit ako hindi ko alam kung babalik pa ako o hindi. Pwedeng oo, pwede rin na hindi na." Seryoso niyang sagot.
Katahimikan lang ang tangi kong naisagot. muli siyang humarap sa kalangitan.
"L-Leo?" Sabi niya.
"Ano yun, Dennise." Patanong na sagot ko habang nakatingin sakaniya.
"Pwedeng mag tanong? Gusto ko ang isasagot mo yung kung ano talaga ang totoo at ayaw kong makarinig ng mga bola, okay?" Tanong niya ng muli niyang ibalik ang kaniyang tingin saakin.
Ngumiti lang ako sakaniya at sinabing. "Okay, go on."
Muli nanaman siyang lumingon sa malayo at sinabing. "Nagmahal kana ba ng totoo?"
Napaka simpleng tanong ngunit napaka hirap sagutin.
"What do you mean? Kase ako pag nagmahal hindi pwedeng hindi seryoso." Sagot ko.
Matagal bago siya muling nagsalita. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago muling nagsalita.
"Eh yung sainyo ni Charlene, seryoso ba yun?" Pagpapatuloy niya.
Hindi ako agad naka sagot, nais kong siguraduhin ang aking isasagot.
"Oo naman, minahal ko si Charlene ng buong puso ko. At alam kong ganun din siya saakin." Diretso kong sagot.
"Bakit mo siya iniwan?" Tanong niya kasabay ng mabilis niyang pag lingon sa akin.
"Dahil naisip ko na mas mahal kita."
Huminga siya ng malalim at nagbuntong hininga bago muling nagsalita.
"Tanga kaba ha Leo?" Nasa mataas na tono niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang mga huli niyang binangit. Ngayon palang ako nakatangap ng ganong salita sakaniya mula pa noong una kaming magkita.
"B-bakit naman?" Kinakabahan kong tanong.
"H-hindi ko maubos maisip kung pano mo siya nagawang iwan ng dahil lang sa akin." Ang sabi niya habang umiiling at hawak ang kaniyang ulo kasabay ng paglakad lakad nito. "Paano mo siya nagawang iwan eh mas matagal na kayong magkasama at ako, ako? Halos ngayon mo palang ako nakikilala. Hindi ka pa nga sigurado sa kung anong kaya kong gawin saiyo eh."
Hindi ko maintindihan ang mga lumalabas na salita sa kaniyang bibig. Ipinikit ko ang aking mga mata at marahan na nagsalita.
"Dalawang beses na akong sinubukan ng ganitong pagkakataon Dennise, nung una ay nagawa kong pigilan ang aking sarili sa mga pwedeng mangyari. Ipinag laban ko ang panahon at masasayang ala-ala namin ni Charlene, at nalampasan ko ito." Sagot ko. "Hindi ko inakala na muli itong mangyayari sa akin. Hinding hindi pumasok sa isipan ko na muling magbabalik ang ganitong pagkakataon saakin, at mas lalong hindi pumasok sa aking isipan na hindi ko ito makakayanan. Pasensiya kana at hindi ko nalabanan ang aking sarili. Mayroong isang bagay kasi saiyo na kayang pantayan ang lahat ng kayang gawin saakin ni Charlene." Pag papaliwanag ko sakaniya.
"Nahihibang kana, gumising ka sa katotohanan Leo." Ang sabi niya habang tinuturo ang ulo ko.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na ginamit panturo sa aking ulo at sinabing "Kung ang iniisip mo ay ang tagal ng panahon na pinagsamahan namin ni Charlene at ang sandali ng pagkaka kilala ko saiyo, hindi na yon importante saakin." Seryoso kong sagot. "Hindi nasusukat sa tagal o ikli ng panahon ang pagmamahal. Mahal kita Dennise mahal kita." Pagpapatuloy ko pa kasabay ng pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.
Inalis niya sa pagkakahawak ang kaniyang kamay "Pano kung sabihin ko saiyo na ang babaeng kaharap mo, ang babaeng sinasabi mong mahal mo, ay ang babaeng sumira sa buhay mo."
Muli akong natigilan sa aking narinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Siya? sumira sa buhay ko? Paano nangyari iyon?
"I'm sorry Leo." Mahina niyang sabi.
"S-sorry saan?" Naguguluhan kong tanong.
"Patawarin mo ako Leo, ang lahat ng ito ay isang malaking pag papangap lang."
"Your kidding."
"NO IM NOT!" Pasigaw niyang sabi. "Leo listen, sinadya kong hanapin ka dahil sa isang bagay, yon ay ang ipaghiganti ang aking kapatid at hindi para sa kung ano man ang iyong iniisip."
Inilapat ko sa aking ulo ang dalawa kong kamay at umiiling. "Kapatid? Anong kasalanan ko. H-hindi ko maintindihan."
"Makinig kang mabuti Leo, kapatid ko si ate Pat."
"What?!"
"Oo, maniwala ka man o hindi pero totoo lahat ng naririnig mo. isang malaking problema ang ginawa mong pag reject sakaniya. Halos ikamatay na niya iyon dahil nagawa niyang iwan ang kaniyang nobyo na kulang nalang sakanila ay kasal."
"P-pero..."
"Noong malaman ko ang lahat-lahat ay hindi ko mapigilan ang aking galit, wala akong oras at panahon na sinayang para lang mahanap ka." Seryosong sabi nito. "Noong una kitang makita ay gusto ko ng ibuhos lahat ng galit ko saiyo, gusto kitang pagsasampalin, gusto kitang bugbugin hangang sa mag maka awa ka at humingi ng tawad. Pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi yun sapat. Ang paghihiwalay niyo ng iyong nobya ang magiging mas mabuting paraan ng paghihiganti saiyo."
Hindi ko napigilang mapasandal sa malamig na pader dito sa tuktok ng gusali. Halos mabingi ang dalawa kong tenga sa aking mga naririnig. Bakit ba ako pinag lalaruan ng tadhana. Kitang kita ko sa mukha ni Dennise ang sobrang pagkasuklam saakin. At sa twing nakikita ko ito ay parang unti unti akong sinusunog ng buhay.
"Hindi kita mahal Leo, hindi tulad ng buong akala mo."
Matapos kong marinig ang mga pinaka masakit na salita galing kay Dennise ay biglang yumuko mag isa ang aking ulo. Marahil hindi na nakayanan ang mga sakit at unti unti na itong bumibigay.
"Pero ako, mahal parin kita Dennise." Ang tanging salita na lumabas mula sa aking bibig.
"Shut the fuck up!"
Dahan-dahan akong tumayo at hinarap ang babaeng halos patayin ako sa sakit ng kaniyang mga sinambit. Tinignan ko ito sa kaniyang mga mata, kitang kita ko ang pamamaga ng mga ito. "Mahal kita at kailan man ay hindi na magbabago iyon." Ang sabi ko. "Ingatan mo ang sarili mo. Pag alis ko pumasok kana, malamig dito sa taas kahit may jacket ka ay baka lamigin kapa."
"Leo your crazy! How can you do this to me..." Ang sabi niya habang hindi mapigilan ang kaniyang pag iyak.
Ipinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa at hinanap ang maliit na kodradong kahon na lulan ang dalawang singsing. Hindi ko ito mahanap hindi na rin ako makapag isip ng maayos dahil sa aking mga nalaman. Wala na rin akong pagkakataon na hanapin pa ito kaya nagpasiya nalang ako na lumisan.
"A-ahhm.. Dennise, mauna na ako." Ang sabi ko habang kinukuskos ang aking mga mata.
Nakatitig lang siya saakin, eksaktong pagtalikod ko palang sakaniya ay bigla ko nalang naramdaman na hinawakan niya ang aking kanang kamay. Mabilis ko rin siyang liningon.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ako ay kaniyang yinakap. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat, ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Ang puso niya na nagwawala sa sobrang lakas ng tibok nito, pinagmamasdan ko lang ang kaniyang mukha ng bigla itong humarap sa akin, at sinabing.
"L-Leo I'm-"
"Shhh. Wag kang magalala pinapatawad na kita." Mahina kong pagkasabi. Dahan-dahan kong inilayo ang aking sarili sakaniya at muling sinabing. "Mauna na ako, paalam Dennise."
Tumalikod na ako at hindi na muling lumingon pa, mabilis akong tumakbo palayo sa bitwin na pumaso sa akin. Sa aking pagmamadali na makababa ng hagdanan ay hindi ko sinasadyang mabungo ang isang babae.
Dala na rin siguro ng pagka tuliro ko ay hindi ko na nakuhang humingi ng paumanhin at nag tangkang lumayo na ulit. Hangang sa tawagin nito ang aking pangalan.
"L-Leo?" Ang sabi niya.
Napahinto ako bigla sa aking narinig. Kilala ko ang kaniyang boses pero hindi ko na matandaan kung saan ko ito unang narinig. Mabilis kong liningon ang babaeng tumawag sa aking pangalan.
Si Pat... Si Patricia na kapatid pala ni Dennise, ang babaeng bumago sa buong buhay ko. Nang tumingin ako sa may pintuan papuntang roof top ay doon ko naman nakita Dennise na umiiyak.

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-pitong kabanata "Rebelasyon"
"I am Leo's girlfriend, and you are?"
"What?" Pabewang na sagot ni Dennise "I... I am Leo's friend." Ang sabi ni Dennise kasabay ng paglingon saakin.
Hindi ko siya matignan sa mata. Ang tanging nagawa ko nalang ay yumuko at tiisin ang sakit ng tinutusok na karayom saakin.
Hindi totoo ang lahat ng mga nangyayaring ito. Hindi maaaring magkaharap sina Charlene at Dennise ngayon. Panaginip lang ang lahat ng ito. Sana magising na ako. Sana nga.
"Are you sure friend mo lang siya?" Mabusising tanong ni Charlene.
"Yes I am. Bakit nag dududa kaba?" Taas kilay na sagot ni Dennise.
"Hindi ah, bakit ko naman siya pag dududahan eh napaka faithful saakin ng boyfriend ko." Taas kilay din na sambit ni Charlene. "Maliban nalang kung lalandiin siya ng iba dyan." Mahinang dugtong pa nito.
"Bawiin mo ang sinabi mo."
"At bakit? Tinatamaan kaba?" Naka ngiting sabi ni Charlene.
Nanlalaki ang mga mata ng nurse na kumukuha ng dugo saakin sa mga nakikita at naririnig niya. Napatingin siya saakin at parang may katanungan na umiikot sa ulo niya. Nag tataka siguro siya bakit may dalawang babaeng nag babangayan sa harapan namin.
"Hon stop it please." Nagmamaka awa kong sabi. "Dennise sige na mauna kana. Salamat sa pag bantay saakin."
"What?! Mas kinakampihan mo pa ang babaeng ito?" Medyo nasa mataas na tonong pagkasabi ni Charlene habang tinuturo si Dennise.
"Hindi ko siya kinakampihan nagpapasalamat lang ako." Sagot ko habang wala akong magawa kung hindi humiga lang sa kama dahil sa operasyon.
"Salamat para saan? Para sa pag bantay niya saiyo? Kahit ako naman kaya kong gawin yun eh."
"He saved my life kaya nandito ako ngayon. Hinihintay ko lang siya na magka malay para mag pasalamat at aalis na din ako." Ang sabi ni Dennise. "Hindi ko ugaling sumira ng relasyon gaya ng iniisip mo miss." Dugtong pa nito.
Sa kabila ng lamig ng aircon dito sa kwarto ay pinag papawisan parin ako sa matinding init ng mga pangyayari.
"I have to go Leo. Salamat ulit." Ang sabi pa ni Dennise kasabay ng kaniyang pag labas sa kwarto. Pero bago ito lumabas ng tuluyan ay muli niya munang sinulyapan si Charlene at binigyan ito ng isang tingin na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan.
"Nakita mo ang ginawa niya hon?" Naka pamewang na sabi ni Charlene.
Isang malalim na buntong hininga lang ang aking naisagot.
"Hindi ko alam kung pano ka nagkaroon ng ganung kaibigan." Dugtong pa nito.
"Honey listen. Kinidnap siya ng mga armadong lalaki malapit sa lugar ninyo nung ihatid kita sa inyong bahay. Nagkataon na nandun ako sa lugar na yun at nagkataon din na kakilala ko siya. Kaya ginawa ko ang makakaya ko para mapigilan ang mga masamang balak ng mga kidnapers." Paliwanag ko sakaniya.
"Pero hindi mo dapat ibuwis ang iyong buhay para sakaniya. You dont even know her?"
"Kilala ko siya hon. Siya yung matagal nang liniligawan ni Popo." Ang sabi ko habang hinihmas ang parte kung saan ako tinusukan ng karayom. "Kahit kanino naman handa kong gawin yun eh. Basta kakilala ko."
Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Dahan dahan na ding lumabas ang nurse na naka yuko. Pagka sarado ng pinto ay binasag na ni Charlene ang katahimikan.
"Hindi ko inakalang magagawa mo saakin ito hon. Sa tagal na ng ating pinagsamahan bakit ngayon pa?"
"Hindi kita maintidihan."
"Listen Leo. Hindi ako ganun ka tanga para hindi malaman ang iyong pinag gagawa. Sinubukan kong magbulag-bulagan na para bang wala akong alam sa lahat ng nangyayari." Ang sabi niya habang nakatayo lang sa aking harapan.
Hindi ko maipaliwanag o kahit nino man ang aking sobrang pagka bigla. Dahan-dahang tumulo ang luha na namuo sa kaniyang maliliit na mga mata.
"For many times, hindi pa ko nag lalabas ng gusto kong sabihin... I think it's the right time to do so." Dugtong pa niya.
Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko makayanang sumagot sa mga sinasabi niya.
"Im letting you go. You are free now."
"But, were not doing anything..." Sagot ko. "Wala akong ginagawang masama. Wala din siyang ginagawa."
"Wala siyang ginagawa? Wala ka rin ginagawa? E anong gusto mong isipin ko habang nakikita ko kayong magkayakap sa ulan?!" Pasigaw na sagot niya kasabay ng kaniyang pag hagulgol. "Anong gusto mong isipin ko?! Kalimutan ko nalang na nakikipag fling ka pag ako ay nakatalikod?!" Pag papatuloy pa nito.
Mas lalo akong natigilan. Ang daming katanungan ang pumapasok sa aking utak. Unti-unti na din tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Dont expect anything from now on. Pms in YM? Text msgs and calls?"
"Hon Im-" Bago pa ako makapag salita ay sinupalpal na niya ako.
"Since you are free now. Go to hell with that girl." Malumanay niyang pagkasabi habang nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit.
Mula sa aking pagkakayuko ay napatingin ako sa pintuan na bigla nalang bumukas ng napakalakas. Dito tumambad sa aking harapan ang pigurang hindi maikakailang si Dennise na kanina pa pala nakikinig sa labas.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit saakin at nagsabing.
"Hindi ko kayang talikuran nalang ang lahat ng ito." Kasabay ng pag lingon kay Charlene.
Tinignan ko si Charlene. nakatingin lang din ito kay Dennise.
"I just want to clear some issues regarding dun sa time na magkayakap kami sa ulan ni Leo." Ang sabi ni Dennise. "I dont know whats bothering you miss Charlene. About the issue? Yes I am with Leo. We were both there at wala akong nakikitang mali doon."
"Wala kang nakikitang mali? Anong tawag mo sa ginagawa mo na yun? Yinayakap mo ang lalaking mayroon ng girlfriend."
Yumuko lang si Dennise at umiling. Marahil ay ayaw na din niyang pahabain pa ito.
Tahimik parin ako. Hindi ko alam ang gagawin o kung ano ang aking dapat sabihin. Wala akong magawa. Walang wala.
"Ano? wala kang maisagot. Goodluck nalang sainyo. Go to hell!" Sigaw ni Charlene.
"I never felt like i was in hell when im with Leo." Sagot ni Dennise habang naka yuko kasabay ng unti unti nitong pagtaas ng kaniyang ulo kasunod ng pagtingin kay Charlene "So wherever you want us to go, even in hell we would still be happy." Dugtong pa nito. "I know Leo never played games with me so you can't call it fling. Fling and love are two diffrent things." Pagtapos ni Dennise.
Hindi na nakuhang nakasagot pa ni Charlene. Lalo pa itong humagulgol sa kaniyang mga narinig.
Panandalihan kong iniwan ang realidad ipinikit ko ang aking namamagang mga mata dahil sa kaka iyak at pinilit na mag isip. Hindi ba dapat kampihan ko si Charlene dahil siya ang aking girlfriend? Oh dapat bang si Dennise dahil alam kong siya ang mas mahal ko. Dapat ba talagang may kampihan ako? Si Charlene ba o si Dennise. Lampas tatlong taon na kaming magkasintahan ni Charlene si Dennise naman ay halos ngayon palang kami nagkakilala at walang malinaw na relasyon. Sa tingin mo, tama ba na sumama ako kay Charlene para lang maisalba ang mga panahon na aming nabuo. Oh kay Dennise na alam kong mas mahal ko talaga pero malapit nang umalis papuntang amerika.
Naniniwala ako sa kasabihang hindi nasusukat ang pagmamahalan sa tagal ng panahon. Madalas ang tagal ng pinag samahan ay siya din nag papa rupok sa relasyon dahil sa pag sasawa. Ika nga sa isang kanta what matters most is how we love at all. Pero nasa tao nalang yun kung pano nila dadalhin ang bawat sitwasyon. Sa pag kakataong ito masasabi ko na mahirap mapunta sa ganitong sitwasyon.
Hindi nagtagal ay may nadama akong malamig sa aking kaliwang kamay. Nang tignan ko ito nakita kong hawak ni Charlene ang aking kamay. Tumingala ako sakaniya, hangang ngayon ay hindi parin siya tapos sa kaiiyak. Nanlaki ang aking mga mata ng mapansin kong hawak din niya ang kanang kamay ni Dennise.
Unti-unti niyang pinaglapit ang aming mga kamay at sinabing.
"I love you so much Leo. I know you’ll be happy with her. Goodluck. I will miss you." Kasabay ng pagbigay saakin ng kaniyang huling halik sa labi. "Goodbye." Dugtong pa nito habang kinukuskos ang kaniyang mga mata at tumakbo palabas ng kwarto.
Hangang ngayon ay tulala parin ako. Hindi ko parin mapaniwalaan ang mga nangyayari. Hindi ko inakalang dadating ang mga sandaling ito. Dahan-dahan kong tinignan si Dennise na nasa aking tabi. Napaka aliwalas ng kaniyang mukha litaw na litaw dito ang sobrang saya. Kahit may kaunting mantsa ng luha ang kaniyang mukha ay hindi parin maikakailang masaya siya.
Dennise's Point of view.
"Ano itong nangyayari saakin. Nangyari ang lahat ayon sa plano. Napag hiwalay ko na sina Leo at Charlene. Naiganti ko na ang aking kapatid. Pero bakit hangang ngayon ay hinahanap parin ng aking puso ang kasagutan sa tanong na aking kinakatakutan."
Siguro ay naguguluhan ka sa aking mga pinag sasabi. Okay. ieexplain ko saiyo hangang sa makakaya ko. Pumasok ako sa buhay ni Leo dahil sa isang bagay. Yun ay ang makaganti sakaniya. Iniisip mo siguro kung ano bang kasalanan ng Leo na yan? Malaki, sinira niya ang buhay ng aking nakatatandang kapatid. Kung hangang ngayon ay hindi mo parin nakukuha ang ibig kong sabihin, sige. Oo kapatid ako ni Patricia na unang nakilala ni Leo bago ako. Iniwan ng ate ko ang kaniyang boyfriend, isang mayaman na negosiyante at may ari ng hekta-hektaryang lupain sa maynila ang pamilya Gumabon na iniwan niya para sa Leo na yan.
Nang malaman ko ang lahat ay puot at galit ang aking naramdaman sa lalaking nagngangalang Leo Ogam. Ginawa ko ang lahat para makita ang lalaking aking kinasusuklaman. Nung una kaming magkita ay gusto ko ng ibuhos ang lahat ng aking galit para sakaniya pero tiniis ko yun dahil may plano pa ako sakaniya. Pinaniwala ko siya na mahal ko siya at pinilit na mahulog ang loob niya para saakin. Pero hindi pa yun ang gusto kong magawa, ang totoong balak ko ay sirain ang buhay niya. Ang maghiwalay din sila ng kaniyang kasintahan.
Ngunit nawala ang lahat ng aking puot at pagkasuklam sakaniya mula nung mailigtas niya ako mula sa mga demoniyong kidnapers. Ni minsan ay hindi pumasok sa aking isipan ang puntong mismong ang lalaking aking kinamumunghiyan pa ang magliligtas at mag bubuwis ng buhay para saakin.
Mula doon ay nangyari ang aking kinatatakutan. Ramdam ko na nahulog na din ang loob ko para sakaniya. Siya rin ang dahilan kung bakit ako aalis papuntang amerika. Hangat maaga pa ay pinipilit ko ng umiwas sa mga pweding mangyari. Mahal ko siya oo, pero mahal din siya ng ate ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nahulog ang loob ko sa pangit na yun. Nung una hindi ko din maintindihan kung pano nagustuhan ng ate ko ang isang pangit na lalaking tulad ni Leo. Pero nung nagtagal na nakasama ko siya ay doon ko nalaman ang tunay na dahilan.
Siya ang tipo ng lalaki na aayusin ang bangs na buhok mo para para laging nasa ayos na gusto niya. Siya ang tipo ng lalaki na hindi mahihiyang punasan ang iyong bibig pag namantsahan ng pagkain kahit nasa harap ng madaming tao. Siya ang tipo ng lalaking maglalagay ng panyo sa iyong mga hita pag maikli ang iyong skirt tuwing nakasakay sa pampublikong sasakyan. Siya ang tipo ng lalaking bubuhatin ang lahat ng iyong pinamili kahit milion milion pa ito o kahit gaano pa ito kabigat at hindi magrereklamo kahit masakit na ang kaniyang paa sa kakalakad. Siya ang tipo ng lalaki na bubuhatin ka sa kanayng likod kapag hindi mo na kayang maglakad. Siya ang tipo ng lalaking ipagtatangol ka kahit mala david at gulaiat pa ang tema. At higit sa lahat siya ang tipo ng lalaking iiyakan ka imbes na sisigawan ka.
Ramdam na ramdam ko ngayon ang sobrang pagsi-sisi sa aking mga nagawa. Ngunit sa kabila ng pagsi-sisi ay gusto ko ring matuwa. Hindi ko alam kung bakit o baka alam ko talaga ang dahilan pero ayaw ko lang aminin sa aking sarili na mahal ko na rin siya.
Maraming salamat sa pakikinig. sana ay hindi sumama ang loob mo saakin. abangan nalang natin ang susunod na ikkwento ni Leo.

Three Cheeseburgers One Large Fries One Piece Chicken One McFloat - Ika-labing-anim na kabanata "Unang pagkikita."
Minsan nagtanim ako ng halaman, kaso sinisira nito ang lugar kung saan ko siya itinanim. Kaya kailangan ko na itong putulin dahil lumalaki at lumalago ito ng hindi tama, sa maling direksyon. Ilang buwan na ang lumipas, ang punong pinutol ko ay muling tumubo ng mag-isa kung saan ko ito unang itinanim. Dito ko naisip na kung talagang gusto ko ng putulin ang punong ito at kalimutan ang lahat-lahat tungkol sa punong ito, kailangan ko itong putulin mula sa kaniyang ugat na hindi ko alam kung paano.
"The mass has ended go in peace and spread the good news of the Lord."
Kakatapos lang ng misa dito sa Cathedral. Sabay kaming nagsimba ni Charlene dahil linggo naman at pareho kaming walang pasok.
Ang daming taong naglalabasan sa simbahan. Ang mga batang nagiiyakan dahil nagpapabili ng laruan at ayaw ibili ng mga magulang nila. Meron namang iba na nagpapa bili ng cotton candy sa gilid ng simbahan. Naalala ko tuloy nung bata pa ako dahil ganun din ako.
Meron ding mga magkasintahan na sabay nagsisimba tulad namin ni Charlene na siguro ay pinapanalangin na sana ay lalo pa silang maging matatag. Ang mga matatandang kahit na uugud-ugud na eh pumupunta parin dito para makapag simba.
Pauwi na sana kami ni Charlene ng bigla niyang sabihing kailangan niya munang pumunta ng comfort room.
"Cr lang ako hon." Naka ngiti niyang sabi saakin.
"Okay sige hintayin kita dito." Tugon ko.
"Okay I'll be right back." Ang sabi niya kasunod ng paghalik niya saakin.
Matatagalan nanaman yun sigurado kaya naisipan ko munang bumili ng yosi. Pagbaba ko ng hagdanan ay hindi ko sinasadyang mabungo ang isang babae.
"Oops im sorry."
"No, miss. I'm sorry hindi ko sinasadya, kasalanan ko hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Ang sabi ko habang pinupulot ko ang kaniyang pouch bag na nahulog sa sahig. Nang iabot ko ito sakaniya ay laking gulat ko nalang, dahil sa dinami dami ng pwede kong mabungo ay siya pa ang makakabunguan ko. Si Dennise.
Halos dalawang linggo na rin kasi nung huli kaming magkita at magkausap. Naisip ko kasing habang maaga pa ay pigilan ko na ang aking nararamdaman para sakaniya.
"Leo?" Ang sabi niya.
"Dennise?"
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya saakin.
"Ha? Ah, eh. Kakatapos lang ng misa nagsimba ako." Sagot ko.
"A-ahh. mag isa ka lang?"
"Ha? ah, O-oo." Sabay kamot saaking ulo.
"Ah buti naman at nagkita tayo dito, hindi na rin kasi kita maintindihan eh. Ang tagal mo ng di nagpaparamdam saakin."
Imbes na sumagot ako ay yumuko nalang ako. Wala akong alam sabihin. Hindi ko din alam ang dapat kong sabihin. Nahihirapan ako. Hindi ko na rin alam kung napansin niya ang pamumutla ng aking pisngi.
"I don’t know what was your problem. I was waiting for your call text or even your pm's. But i haven’t received any of those this past week. I wasn’t aware of what you are doing or what could possibly happen to you. But if you dont want to give me the right to know. I just wouldn’t let my self ask too much. I think your thinking something. i don’t know but probably its about us. I just want you to understand that in spite of my busy life I still don’t forget you." Ang sabi niya.
"Im sorry Dennise. Busy lang ako. Hindi ko na magawang mabuksan ang YM ko or makasagot pa sa mga tawag or text sa phone ko." Sagot ko sakaniya.
"Oh eh bakit ako nagagawan ko parin ng paraan?"
Kinakabahan ako hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin pag dumating nalang bigla si Charlene.
"Im sorry. Pasensiya kana Dennise. Babawi nalang ako sa mga pagkukulang ko saiyo."
"No its okay. I understand. Siya nga pala, invited ka ha." Marahan niyang sabi.
"Invited? saan?" Nagtataka kong tanong.
"Sa june 10. It's a double celebration." Natutuwa niyang sabi saakin.
"T-teka-teka. Ang pagkaka alam ko birthday mo sa june 12. Gagawin mo siya ng june 10?"
"Yup."
"A-ah. Eh ano naman yung isa? Wedding mo?" Pabiro kong tanong.
"Hell no.. Hahah. H-hinde. Ammm. its my despedida party."
"WHAT?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa aking narinig. Halos napatingin sa akin ang nga taong nasa loob pa ng simbahan dahil sa sobrang lakas ng aking boses.
"Yea. You heard it right." Natutuwa niyang sagot.
"P-pero. B-bakit?. I mean. S-saan ka pupunta?
"Im going to US. Doon na ako mag aaral."
"What? Eh pano na-"
Bago ko pa matapos ang nais kong sabihin ay muli nanaman niya akong sinupalpal.
"Shhh. Wag muna nating pag usapan yan. It wont help me." Seryoso niyang sabi. "Hindi mo ba napapansin, kanina ko pa pinipilit na maging matatag, Leo hindi madali para saakin ang mga nangyayari."
Napansin kong may kung ano nang namumuo sa kaniyang inosenteng mga mata.
"Mas lalong hindi magiging madali para saakin ang pag layo mo Dennise."
"I dont know Leo, pero sabi nila mas magiging okay ang buhay ko doon sa amerika. Wala akong magagawa." Ang sabi niya matapos siyang yumuko.
"H-hindi eh. Dennise kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin para lang mapigilan ka saiyong pag alis." Naiirita kong sabi.
"Hindi kaba masaya para saakin? Magiging masagana ang buhay ko doon kasama ang ate ko."
"P-pero pano ako magiging masaya kung lalayo ka?" Yumuko lang siya at hindi na sumagot "listen Dennise, Im not an idiot. I know how the world works, I only got ten bucks here in my pocket and nothing to offer you. And you know that."
"I understand."
"But im too involved now. If you jump i'll jump remember? I just can't turn away without knowing you'll be alright."
"I'll be fine Leo." Ang sabi niya habang pinupunasan ang luha na unti unting namumuo sa aking mata gamit ang kaniyang isang daliri.
"I dont think so."
"May isang linggo pa naman Leo. Marami pa ang pwedeng mangyari. Malay natin magiba ang ihip ng hangin at magbago pa ang isip ng ate ko."
Hindi ko na pinansin ang mga huling sinabi niya. Rinding rindi na ako sa mga nalaman ko. Hindi ako makapag isip ng maayos.
"D-Dennise, ano pa ang mga pwedeng pumigil sa pag alis mo?"
"Wala na. Okay na lahat ng mga papeles na kailangan. Hinihintay nalang ang araw ng aking pag alis. Maliban nalang kung makidnap ako hehe." Pabiro niyang sabi.
"Dennise lets go." Ang sabi ng boses galing sa aking likuran. Boses ng isang lalaki.
"Yes dad." Tugon ni Dennise. "So, pano mauna na ako. Gabi na uwi kana baka lamigin kapa dito." Ang sabi niya sabay kindat saakin.
Hindi ako nakasagot. Sinundan ng aking mga mata ang kaniyang bawat paghakbang palayo saakin. Bago pa siya tuluyang makalayo ay muli itong huminto at nagsabing.
"Hihintayin kita sa june 10. Kahit matapos na ang party hindi ako aalis dun hangat hindi ka dumadating." Ang sabi niya. kasabay ng kaniyang pagtalikod. Nagpatuloy na siya sa kaniyang pag lalakad palayo saakin kasama ang kaniyang ama.
Napaupo nalang ako sa sobrang sakit na aking naramdaman. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. May kasintahan ako pero nasasaktan parin ako ng malaman kong lalayo na ang isang babaeng halos ngayon ko palang nakikilala.
"Lets go hon?"
Mula sa aking pagkaka yuko, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Alam kong si Charlene ang kumausap saakin. Kaya kahit hindi ako nakatingin sakaniya ay sumagot na din ako.
"Tara." Ang sabi ko kasabay ng paghawak niya sa aking kamay at hinila ako patayo.
"Ang bigat mo." Ang sabi niya. "Oh, teka anong nangyari sa mata mo?" Nag aalala niyang tanong.
"W-wala. Napuwing lang ako. Namumula ba?"
"Oo, teka napuwing ka? Eh bakit may bakas ng luha saiyong mukha."
"H-hinde. I mean. O-oo may pumasok ng kung ano sa aking mata kanina kaya hindi ko napigilang mapaluha."
"Sigurado kabang na puwing ka lang kaya ka napa luha?" Tanong niya saakin.
"Oo, sigurado ako."
"Baka kasi may ibang nagpaiyak saiyo at hindi ka lang napuwing." Ang sabi nito kasabay ng pag talikod saakin. "Tara uwi na tayo, gabi na. Baka lamigin kapa dito."
Napatigil ako sa aking mga narinig at may kakaibang naramdaman. Hindi ko siya maintindihan sa kaniyang mga sinabi. Oh baka naman naiintindihan ko siya pero ayaw ko lang isipin na tama ang kutob ko. Nakita niya ba ako na kausap ko si Dennise? Kung oo, bahala na.
“Dennise's Point of View”
Dala ng matinding pagod bunga ng maghapong paglakad ko sa mga papeles para sa aking pagalis papuntang amerika ay hindi ko napigilang mapapikit lulan ng aming Ford Expedition na minamaneho ng aking ama.
Sa isang madilim na lugar sa San Jose Pampanga ay may isang sasakyan na humarang sa aming dinadaanan. BHigla ang preno ng aming sasakyan, muntik na akong mapasubsob dahil sa aking sobrang pagka-antok. Mga armadong lalaki ang bumaba buhat sa humarang na sasakyan.
"Baba!" Sigaw ng isa, kasabay ng pagputok nito ng baril.
Takot na takot na bumaba ang aking ama. Nang hatawin ito ng baril sa batok ay kaagad itong bumagsak at nawalan ng malay. Sumakay ang isa sa mga armadong lalaki sa driver's seat at ang dalawa naman ay lumulan sa aking magkabilang tabi.
"Sige! Andar!" Utos ng katabi kong lalaki sa gawing kanan. "Kidnap ito miss mallari. Ipatutubos ka namin sa halagang dalawampung milyon." Ang sabi nito saka tumawa ng garapal.
Bagaman nangangaykay pa ako sa takot ay si Leo agad ang lumulan sa aking utak. Naisip ko na marahil si Leo ang utak ng lahat ng nangyayaring ito para mapigilan ang aking pag alis. Maaring kunwari ay ipapakidnap niya ako pero ang totoo ay ibblak-mail lang ako para hindi na ako tuluyang makaalis.
"Bossing ang ganda niyan ah!. Tikman kaya natin? Sayang naman ang gandang yang kung hindi natin pakikinabangan." Sabi ng nagmamanehong lalaki habang parang hayok itong nkatitig sa akin sa rearview mirror.
"Yung kalsada ang tignan mo, ugok! Paspasan mo ng makarating agad tayo sa hideout! Para mapaligwak mo na ang init dyan sa puson mo!" Bulyaw ng lalaking nasa kanan ko.
Mas lalo pa akong nangaykay sa takot.
Doon naman ay may biglang humarang ulit na kariton sa aming dinadaanan. Isang karitong kahoy. Kasabay ng paglitaw ng isang pigurang hindi maikakailang si Leo.
Mabilis na bumaba ang demoniyong nagmamaneho ng sasakyan at binulyawan nito si Leo.
"Hoy tarantado ka ah! Nagpapakamatay kaba? Halika dito lumapit ka papuputukan ko ang bao ng ulo mo!"
Hindi na nag dalawang isip pa si Leo. Gamit ang kaunting nalalaman nito sa tae kwon do ay swerteng napatumba nito ang nagmamagaling na demoniyo sa pamamagitan ng sikad sa tadyang.
"Hindi kaya palabas lang ito?" Ang ko sa aking sarili.
Hangos na bumaba ang lalaking nasa kaliwa ko pero sinalubong ito ng tadyak sa panga ni Leo. Napahiyaw ako ng tulong ng mapasandal sa akin ang lalaki.
Biglaan ang mga nangyari. Nagpaputok na ng baril ang lalaking nasa aking kanan. Humagis si Leo sa sobrang lakas ng sikad ng bala. Dumapa si Leo sa maalikabok na buhangin at naghalo ang mapulang dugo nito sa lupa.
"Hindi na ito palabas lang." Ang sabi ko sa sarili ko. Kasabay ng aking pag tili "L-LEOOOO!!"
Nagmamadaling bumaba ang lalaki. Naka ngisi nitong sinunggaban ang buhok ng duguang si Leo at itinutok ang kaniyang baril sa pagitan ng kaniyang mga mata.
Muling akong nagsisigaw. "WAAAAAAAAAAAAG!"
Sa ospital na muling nagkamalay si Leo habang nasa tabi niya ako. Kagabi ay tamang-tamang dumating ang mga pulis bago nagawang kalabitin ng kidnapper ang baril na nakatutok sa pagitan ng kaniyang mga mata. Natimbrehan na pala ng mga maykapangyarihan ang mga ito. nadakip ang mga kidnappers na miyembro pala ng isang kidnap-for-ransom gang.
Sising- sisi ako kung bakit nagisip ako agad ng masama laban kay Leo, na ang taong magiging tagapagligtas ko pala.
Inoperahan si Leo dahil sa tama ng bala na tumagos sa kaniyang tagiliran.
"B-buhay paba ako?" Nanghihinang sabi ni Leo.
Napapitlag ako. "L-Leo, oo buhay kapa Leo." Nagiiyak sa tuwa kong sabi.
"Kung buhay pa ako bakit ganiyan ka kung maka atungal?"
"Ah basta, siguro gusto kong magiiyak sa tuwa." Yinakap ko ito ng mahigpit. Gusto ko na sanang bumitaw dahil baka mabintay ang sugat nito. Ngunit yakap parin niya ako.
"Kung mamamatay ako. Okay lang." Sabi niya "Hindi din naman nasayang ang buhay ko dahil naging pantubos ko ito sa buhay ng isang babaeng malapit sa puso ko."
"S-salamat." Ang sabi ko habang nakayakap parin ako sakaniya.
At ang lahat ng pagkasuklam na naipon sa aking dibdib para sakaniya anim na buwan na ang nakakaraan ay natunaw na parang bula. Ang pumalit doon ay paghanga at pagtanaw ng utang na loob. Kung tutuusin kahit ano pang dahilan ng pagliligtas ang ginawa niya saakin ay iisa lang ang suma niyon, nakaligtas ako.
Gayun paman ay mayroong katiting na katanungan ang aking puso na naghahangad ng malinaw na kasagutan.
“Leo's Point of view”
"Bakit ko isinuong ang buhay ko para saiyo Dennise. Hanggang ngayon ba ay hindi parin tapos ang katanungan na yan?" Tatawa-tawang tanong ko sa aking sarili.
"Oh bakit parang nababaliw ka na diyan at tumatawa ka ng mag-isa?" Ang tanong saakin ni Dennise.
"Ha? Ah, eh. W-wala may na-alala lang ako."
"A-ahh. L-Leo. pano ka napunta sa lugar na yun kung saan nangyari ang kidnapan?"
Muli akong natigilan ng marinig ko ang kaniyang tinanong. Hindi ko alam ang aking isasagot. Hangang ngayon ay hindi ko parin maamin sakaniya na may kasintahan ako ngunit may nararamdaman na rin ako sakaniya. Wala siyang ka-alam-alam na kaya ako nandoon sa lugar na yun ay dahil doon ang bahay nila Charlene at doon ko siya hinatid.
"Leo? Siguro ay pagod ka parin dahil sa iyong operasyon. Magpahinga ka na muna." Ang sabi ni Dennise.
"H-hinde, galing ako sa-"
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay may pumasok na nurse para kunan ako ng dugo.
"Excuse me mam, kayo po ba ang asawa ng pasyente?" Tanong ng nurse.
"Ha?" Ang sagot ni Dennise.
"Pinapatawag po kayo dun sa counter may kailangan lang po kayong pirmahan."
"Ha? Ah-ah. Okay." Napipilitang sagot ni Dennise habang nakasimangot na tumingin saakin.
"Okay lang yan Dennise. You go on, I'll be fine." Tugon ko sakaniya.
"No. Not without you."
"Listen Dennise. I'll be fine. Nothing bad will happen to me." Seryosong sagot ko. "Umuwi kana muna at matulog. Hindi kapa nakaka tulog ng maayos mula ng bantayan mo ako dito." Ang sabi ko habang napapa ngisi sa sakit ng tusok mula sa karayom.
"Are you sure?" Ang tanong niya.
Tumango lang ako at nginitian ito.
"Okay I'll be right back." Ang sabi niya kasabay ng pag talikod mula saakin.
Bago pa mabuksan ni Dennise ang pintuan ng kwarto sa ospital ay bumukas ito ng mag-isa.
"I'm sorry."
"Who are you?"

Subscribe to:
Posts (Atom)